632

 

 

TALAKAYAN

 

SA PAGITAN NG

 

ATIESTANG PROPESOR

 

ESTUDYANTING MUSLIM

 

 

 

 

Salin sa Wikang Tagalog ni:

 

ABDULKHALIQ S. SARIPADA

 

 

 

 

 

Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain

Ang sumusunod na salin ng aklat "Sino ang Unggoy?" ay bilang patotoo sa pagka-makatotohanan sa pananampalataya ng mga Muslim hinggil sa pinagmulan ng mga tao. Ito ay mahalaga at kakailanganing aklat para sa lahat ng nangangarap na maintindihan ang konseptong pinagmulan ng buhay ng tao ayon sa Islam. Ito ay para sa lahat ng mga estudyante o mag-aaral.

Ang sumusunod na senario o pagsasadula ay nangyari sa isang paaralan o institusyong pang-edukasyon:              "Hayaang aking ipaliwanag ang suliraning mayroong siyensiya sa Diyos..." Ang atiestang propesor ng philosophy ay bahagyang naghinto sa kanyang klase at pagkaraan ay nagtanong siya sa isa sa mga bago niyang estudyante upang tumayo. "Ikaw ay isang Muslim, hindi ba, anak?"

"Opo, sir."

"Samakatuwid, ikaw ay naniniwala sa Diyos?"

"Tama po!"

"Ang Diyos ba ay mabuti?"

"Tama po! Mabuti ang Diyos!"

"Ang Diyos ba ay higit na makapangyarihan? Kaya bang gawin ng Diyos ang anumang bagay?"

"Opo."

Ang propesor ay tumawa at sinabing "Ito ang isa para sa iyo: Ipagpalagay natin na sa banda rito ay mayroong isang may sakit at kaya mong gamutin. Magagawa mo ito. Siya ba ay iyong tutulungan? Susubukan mo ba?"

"Opo, sir. Gagawin ko."

"Samakatuwid, mabuti ka...!"

"Hindi ko iyan sinasabi."

"Bakit hindi mo iyan sasabihin? Kung kaya mo, dapat mong tulungan ang may sakit at taong may pinsala... Samantala, ang karamihan sa atin ay gagawin kung kaya...

Ang Diyos, hindi ba gagawin?"

[Walang sumasagot.]

"Ayaw Niya, hindi ba? Ang aking kapatid ay isang Muslim at namatay sa sakit na kanser, kahit papaano siya noon ay nananalangin sa Diyos upang pagalingin. Anong kabutihang mayroon ang Diyos? Hmm? Pakisagot mo nga ito?"

[Walang sumasagot.]

Ang taong matatanda ay maunawain at matulungin. "Hindi, hindi mo magagawa, kaya mo ba?"

Ang propesor ay humigop muna ng tubig mula sa basong nakalagay sa kanyang lamesa para magkaroon ng bahagyang oras ng pamamahinga ang mga estudyante. Sa philosophy, kailangan magpatuloy ng maluwag sa mga panibagong paksa.

"Mag-umpisa ulit tayo mga bata Ang Diyos ba ay mabuti?"

"Er... Opo."

"Ang Demonyo ba ay mabuti?"

"Hindi."

"Saan ba galing ang Demonyo?"

Hindi nag-atubiling sumagot ang mga estudyante. "Mula sa...Diyos..."

"Iyan ay tama. Diyos ang gumawa sa Demonyo, hindi ba Siya?"

Ang mga matatanda ay malimit isuklay ang kanilang mga daliri sa numinipis nilang buhok at sabay siyang lumingon sa mga estudyanting nakikinig at nakangisi.

"Sa aking palagay ay magkakaroon tayo ngayong semester ng maraming kasiyahan, ladies and gentlemen."

Siya ay ulit lumingon sa estudyanteng Muslim. "Sabihin mo sa akin, anak. Mayroon bang demonyo sa mundong ito?"

"Opo, sir."

"Kahit saan mayroong Demonyo, hindi ba? Diba ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay?

"Opo."

"Sino ang lumikha sa Demonyo?"

[Walang sumasagot.]

"Mayroon bang sakit sa mundong ito? Imoralidad? Galit? Kapangitan? Ang lahat ng bagay na nakakatakot – sila ba ay nandito sa mundong ito?"

Ang mga estudyanting pumipilipit sa kanilang paa (at sinabing). "Oo."

"Sino ang lumikha sa kanila?"

[Walang sumasagot.]

Ang propesor ay biglang sinigawan ang mga estudyante. "SINO BA ANG NAGLIKHA SA KANILA? PAKISABI SA AKIN!" Ang propesor ay nagsalita ng malumanay ngunit nakamamatay na boses, “Nilikha ng Diyos ang lahat ng masama, hindi ba Siya (ang naglikha rito) anak?”

[Walang sumasagot.]

Sinubukang pigilan ng mga estudyante ang galaw kahit sa pamamaraan ng isang makahulugang sulyap subalit walang silbing naidulot ito. At biglaan, ang tagapangaral ay bumilis ang paglalakad sa harapan ng klase na parang may edad na paugod-ugod, na parang isang panther na malaki ang tiwala sa sarili.

Ang klase ay tahimik na tahimik. “Sabihin sa akin…” patuloy niya,  "Paanong mabuti ang Diyos na ito kung Siya ang naglikha sa lahat ng kasamaan sa lahat ng panahon?" Ang propesor ay itinuturo ang kapaligiran bilang mga bagay na sanhi ng kasamaan ng mundo.

"Ang lahat ng galit, kalupitan, mga pasakit, lahat ng uri ng pagpapahirap, lahat ng walang kabuluhang pagkamatay at kapangitan, at ang lahat ng mga pagtitiis dulot ng mabuting Diyos na ito ay sakop lahat ng mundo, hindi ba, binata?"

[Walang sumasagot.]

"Hindi  mo ba nakikita na ito ay laganap sa lahat ng pook? Huh?" pansamantalang tumigil ang propesor. "Hindi ba?"

Ulit na inilapit ng propesor ang kanyang mukha sa mukha ng estudyante at ibinulong niya, "Ang Diyos ba, mabuti?"

[Walang sumasagot.]

"Ikaw ba ay naniniwala sa Diyos, anak?"

Ang mapagkanulong boses ng estudyante at ang basag na boses ay bumubulong sa kanya na nagsasabi, "Opo, propesor. Naniniwala ako."

Malungkot na umiling ang ulo ng matanda. "Sinabi ng Siyensiya, ikaw ay mayroong limang karamdaman na karaniwan ay iyong ginagamit sa pagkilala at pagsisiyasat sa kapaligiran ng mundo. Kailanman ay hindi mo nakita ang Diyos, nakita mo ba?"

"Hindi, sir. Kailanman ay hindi ko Siya nakita"

"Samakatuwid! Sabihin mo sa amin kung iyong narinig ang iyong Diyos?"


"Hindi, sir. Hindi ko narinig."

"Naramdaman mo ba ang iyong Diyos, nalasahan mp ang iyong Diyos, o naamoy ang iyong Diyos? Sa katotohanan, mayroon ka bang karamdamang pangunawa sa iyong Diyos ng kahit anupaman?"

[Walang sumasagot.]

"Pakisagot mo naman ako."

"Hindi, sir. Natatakot ako baka hindi ko kaya."

"Natatakot ka... na wala ka pang nagawa?"

"Hindi, sir."

"Gayunpaman, naniniwala ka pa sa Kanya?"

"Opo..."

"Iyan ang PANANAMPALATAYA!" Ang propesor ay ngumiti ng may pahiwatig ng kaalaman sa isang musmos na estudyante. "Ayon sa batas ng mga maka-empirical, pagsubok, pagpapatotoo, sinasabi ng siyensiya na ang inyong Diyos ay hindi nabubuhay. Ano ang inyong masasabi hinggil dito, anak? Nasaan na ngayon ang iyong  Diyos?"

[Ang estudyante ay hindi sumasagot.]

"Maupo ka, puwede!"

[Umupo ang Muslim na wari’y natalo. Subalit ang tulong ng Allah ay dumating at ang tagumpay ay hindi maaaring hindi mangyayari.']

Mayroong isa pang Muslim na nakasuot ng gora (pangtakip sa ulo ng mga Muslim). May mahabang balbas at madaling makikilala bilang Muslim sa kanyang pananamit, at itinaas ang kanyang kamay. "Propesor, maari bang magsalita sa loob ng klase?"

Ang propesor ay lumingon at ngumiti. "Ah! Mayroon pa palang ibang Muslim na nasa unang hanay ng dipensa.

Isang Fundamentalist, at nakikita ko. Halika, halika, binata! Magsalita ng mga ibang matutuwid na aralin sa pagpupulong na  ito!"

Hindi inintindi ng isang Muslim ang tonong panlalait ng propesor. Siya’y tumingin muna sa kapiligiran ng kuwarto at hinihintay ang atensiyon ng mga estudyante at humarap sa propesor.

"Sir, nakapagbigay ka ng mga kaakit-akit na paksa. Kung papayag ka, sir, gusto kung ipaliwanag ang bawat punto ng paksa, paisa-isa. Ang paksang ito ay dapat talakayin ayon sa pagkamakatarungan o makatwirang sagot at ayon sa turo ng siyensiya at hindi mga makadamdaming  kasagutan. Ang unang punto ay ang iyong pangunahing katuruan o paniniwala na ang Diyos ay hindi nabubuhay. Ang sanlibutan, ay nag-umpisang mabuo sa paniniwala o katuruan ng napakalakas na kalantug o kalampag (The Big Bang) at sa pamamagitan ng Ebolusyon, ay sa huli, nabuhay ang tao. Hindi ba iyan ang paniniwala mo propesor?"

"Anak, ito ay hindi mangyayari kung walang nagsabi. Mayroong sapat na dahilan ang siyensiya para rito. Ano nga ba ang mapapala mo?"

"Huwag tayong magmadali. Hayaang gamitin natin ang lohika (makatwiran) at rason o dahilan at tamang argumentong pang-siyensiya. Bilang pangunahing salita, ay inaasahan kung ipahayag na aking ginamit ang katagang ‘doktrina’ na may kasamang kaalaman, para sa mga pari ng mga huwad na siyensiya (pseudo-science), samantala, ito ay bagay na pinapaunlad ang pananampalatayang atiesmo bilang relihiyon. May tanong ako sa iyo, propesor. Mayroon tayo sa mundong ito ng millions upon millions ng mga paputok, mga bala at mga bomba. May narinig ka ba, na mga paputok na ito ay sabay-sabay at kusang sumabog, o tinatanggap mo ba, na kahit ang mga sangkap nito ay nakalagay sa iisang lalagyan, ay nangangailangan din ng isang mekanismong magpapaputok sa mga paputok na ito? Dalawang bagay ang mailalahad: Una, ang tama at wastong mga sangkap nito at tamang laki na umaayon sa kapaligiran nito; at pangalawa, ay mayroong tao o bagay na magpapaputok rito, maaaring sa pamamagitan ng palito ng posporo o di kaya ay martilyo ng isang baril, o mga ibang tilamsik ng kuryente. Halimbawa, kung sabihin ng isang tao na mayroong bala sa kanyang kamay at biglang pumutok ng kusa at napatay ang taong malapit sa kanya, tatanggapin ba ito ng mga siyemtipiko ang ganoong katawa-tawang dahilan?"

"Tiyak, hindi tatanggapin. Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"Katotohanan, kung gusto mong kami ay papaniwalain sa isang Malaki  (Malakas) na Kalantug o Kalampag (the Big Bang), na ang isang malakas na pagsabog ay nangyaring walang kumalabit sa trigger nito o sumindi ng posporo o tilamsik ng kuryente ay dapat mo ring ipaliwanag sa amin kung papaanong hindi mangyayari sa mundong ito ang maliliit na pagsabog na walang kinalaman o tulong ng ibang ahensiya? Anumang paniniwalaan ng siyentipiko ay kinakailangang maipakita upang ito ay matanggap."

Ang bibig ng propesor ay nakabuka lang subalit walang salitang lumalabas rito.

"Ganun din, alam natin na hindi kapani-paniwala sa larangan ng siyentipiko na ang isang bagay ay may kakayahan upang lumikha ng kanyang sarili. Halimbawa, ang upuang kahoy na ito. Hindi ito nalikha mula sa kanyang sarili. Mayroong mga bagay mula sa ibang ahensiya na gumagawa rito. Ganun din mismo ang kahoy, hindi siya ang naglikha sa kanyang sarili. Nagmumula ito sa isang buto na itinanim at nabuhay. Ang buto mismo ay nanggaling sa ibang paraan at hindi maaaring mabuhay na ito ay magmumula sa kanyang sarili. Maaari mo bang ipaliwanag sa amin kung paano nabuhay ang isang orihinal na bagay – bagay na ang sinabi ng mga pari ng huwad na siyensiya na ito ay pinaputok ng mahiwagang Malakas na Kalampag upang mailabas nito ang kauna-unahang bagay na mabubuhay? Ganun din, kung bakit ang inyong mga pari ay hindi mailalabas ang mga palatandaan mula sa laboratoryo? Propesor, dapat mong malaman na anumang argumentong siyentipeko ay dapat nailalabas ang pruweba upang ito ay mabigyan ng siyentipikong paniniwala.."

"Anak, isang napakaliit na isipin na kaya nating gawin ang bagay na iyan. Ang enerhiyang pinakawalan ng isang Malakas na Kalantug ay bagay na hindi natin maabot, o di kaya ay maaari tayong makagawa ng kasingtulad doon na pangyayari."

"Propesor, nakaligtaan mong sabihin sa amin kung sino ang naghanda o pinanggalingan ng mga sangkap nito, at nakaligtaan mo ring sabihin sa amin kung sino ang pumindot sa butones nito o sino ang pumindot sa trigger nito, o di kaya ay sino ang sumindi sa posporo ng Big Bang upang ito ay mangyari. Saan nagmula ang katakot-takot na enerhiyang iyong sinasabi? Halika, halika, propesor! Hayaan mong tayo ay magiging siyentipik hinggil dito. Opo, propesor, nangangailangan ito ng matibay na PANINIWALA sa mga katuruang turo ng mga pari ng huwad na siyensiya upang maniwala sa Big Bang. Ikaw ba ay umaasa sa amin upang itapon ang wastong pamamaraang paniniwala ng siyentipiko at maniwala sa lahat ng mga hocus-pocus na ito para sa isang bulag na paniniwala bagama’t nandiyan ang mga maliliwanag na mga paniniwalaan ng siyentipiko?"

[Walang sumasagot.]

"Kung hindi mo mamasamain, propesor, aking tatalakayin hinggil sa doktrina ng ebolusiyon ayon sa pagpapahayag ng mga pari ng huwad na siyensiya. Ikaw ay higit na nakaka-alam na walang bakas na maipapakita na maaaring maiugnay niya ito hinggil sa pinagmulan ng tao mula sa mga unggoy at ang pagkakaroon ng malimit na paghahanap sa tinatawag na, ‘Nawawalang Kaugnayan’ o the 'Missing Link'?"

"Opo, subalit napakarami pang ibang mga ebidensiya..."

"Sorry sa pag-abala, propesor. Iyong tinatanggap na walang direktang kaugnayan. Kailangan mo ring tanggapin na walang mga bakas (fossils) na magpapakita ng mga katiyakang tagapamagitan o tulay hinggil sa mga hakbang sa mga pagbabagong – kalagayan mula unggoy sa tao. At tinitiyak kong alam mo rin hinggil sa Piltdown Forgery, propesor?"

"Piltdown...? Piltdown...?"

"Hayaang aking sirawain ang iyong memorya, propesor. Ang iba sa mga bakas (fossils) ay natagpuan sa isang lugar na tinatawag sa pangalang Piltdown sa England. Ang mga naiwang bakas ay ipinakikita nito na ang bawat tanda o palatandaan na ang mga pari ng huwad na siyensiya at atiesmo ay naghahanap sa “Nawawalang Kaugnayan o ang 'Missing Link' sa kawing ng ebolusyon. Ang buong mundo ay napaniwala rito. At kahit pa ang mga taong-mapaghinala ay nakumbinse – hanggang ito ay matagpuan, apat napung taon ang nakaraan, na karamihan sa samahan ng mga paring siyentipiko na dinoktor nila ang mga naiwang bakas (fossils) upang mailahad nila at maipakitang iyon na ang Nawawalang Kaugnayan o the Missing Link. Ito ay isang napakalaking kasinungalingan, malawakang panghuhuwad na ginawa ng inyong mga pari upang kumbinsihen ang mundo na ang relihiyong atiesmo ay totoo at ang tao ay nagmumula sa mga unggoy! Kung gusto mo pa ng maraming paliwanag hinggil dito ay maaari mong basahin ang gawa ni Professor Tobias, ng South Africa, hinggil sa detalye ng paghuhuwad na ito."

Ang mukha ng propesor ay nagiging puting maputla at wala siyang naibigay na komento.

"Sa usaping panghuhuwad - propesor, alam mo ba kung ano ang plagiarism (pamamlahiyo)? Maari mo bang ipaliwanag sa klase nating ito kung ano ang Plagiarism?"

Sapilitang nagsalita, sinabi ng propesor, "ang Plagiarism ay ang angkinin ang gawa ng iba at ipasa ito at ituring bilang iyong sariling gawa." 

"Tama. Maraming salamat, propesor. Kung magpakatotoo ka lang at maging makatarungan sa iyong pagsasaliksik ay malalaman mo, ang mga bansang Kanluran ay ginawan nila ng hindi makatarungang pag-aangkin sa lahat ng TOTOONG gawang siyentipiko ng mga Muslim, pinaunlad nila sa pamamaraan ng mga makabagong gamit ng siyensiya at tinagurian nilang kanilang pansariling mga pagtutuklas at gawa. Hindi na kailangang ikaw ay umasa sa aking mga salita bagkus sumulat ka lang sa 'Centre for Studies on Science', Al-Humera, Muzzammil Manzil, Dodhpur, Aligarh, India, at sila ay masayang ipapadala sa iyo ang lahat ng mga may kaugnayan sa literatura bilang patunay sa puntong ito."

Sa ngayon ang klase ay naging maalalahanin sa mga salita ng estudyanting Muslim at bilis na kanilang sinusulat ang mga tirahan na binanggit nito.

"Hayaang tayo ay bumalik hinggil sa doktrina ng ebolusyon kung saan ang mga pari ng huwad na siyentipiko ay kanilang pinaunlad sa mundo. Ang pinakagulugod ng lahat ng kanilang mga doktrina ay ang konsepto ng 'natural selection'. Ang kahulugan nito ay ang mga uri o klase ng mga bagay na ito ay nababagay sa mga pagbabago ng morpholohiya  at physiolohiya, mga pagbabago na kanila itong ipinasa sa mga darating na salinlahi,  upang sila’y bigyang lakas na manatili; samantala ang ibang uri na hindi nababagay ay nalilipol. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang mga dinosaurs, ito ay walang kakayahang makipagkompetinsiya sa mga maliliit, maraming maliliit at masisiglang hayop ay mapaghimalang nakagagawa ng mga pagbabago, samakatuwid, ang mga malalaki, mababagal na hayop ay nalilipol, samantala ang mga maliliit na hayop ay nabubuhay at nananatili. Ganun din, sa panahon ng ebolusyon, yaong wala ng silbi ay maglalaho, katulad ng mga buntot at kuko, na pinalitan ng mga walang buntot na may kamay na humahawak, at ito ay tumutukoy sa tao. Ikaw ba ay naniniwala sa doktrinang ito, hindi ba Propesor?"

Ang kawawang propesor ay hindi segurado kung siya ba ay tatalima o hindi, dahil siya ay nasa kalagayang pag-aalinlangan kung saan anggulo manggagaling ang darating na paputok!

"Halika, halika, propesor! Ito ang pinakamahalagang doktrina ng ebolusyon kung saan ang inyong mga pari ay ipinapaliwanag sa masang walang-ingat. Hayaang salungatin natin ang huwad na siyensiya ng totoong siyensiya. Propesor, mayroon ba sa mga siyentipiko ang nakagawa at nakapagpalabas ng panibagong buhay sa kanyang laboratoryo sa pamamagitan ng sariling pagkontrol at pagpapalit ng kalikasan? Huwag kalimutan, ang siyensiya ay tumatanggap lamang ng mga materiyal na doktrina kung ito ay maipapakita o mapapatunayan nito."

[Walang sumasagot.]

"Talagang wala, kahit ilang beses pa nila ito tangkaing gawin, tiyak walang mangyayari! Hayaang tayo ay bahagyang lumayo: Alam natin na ang mga Hudyo ay tinutuli nila ang mga bagong panganak na lalaki. Alam din natin na ang gawain ng pagtutuli ay tuloy-tuloy nila itong ginagawa mula pa sa kapanahunan ni Abraham (Sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang naging resulta ay naiba na rin ang uri o disenyo ng sakit. Sinumang batang lalaki ang mayroong namanang pagdurugo ay maaaring mamatay na rin sa sakit sa pagdurugo at ang sakit na ito ay hindi naipapasa sa susunod na salinlahi. Sumasang-ayon ka ba, propesor?"

Tumango lang ang propesor, iniisip na ang punto na ito ay sa kanyang panig.

"Kaya sabihin mo sa amin, propesor, pagkaraan ng libong mga taon ng pagpapatuli sa mga sanggol na lalaki, bakit hindi ipinanganak ang mga batang Hudyo na walang unang balat sa kanilang mga ari? Kahit ang buong unang balat sa ari ay hindi nawala, ayon sa doktrina ng natural selection ng inyong mga pari, ay dapat mayroong mga palatandaan na ang unang balat sa kanilang ari ay liliit! Hindi ka ba sasang-ayon, propesor?"

Ang kaawa-awang propesor ay nakatanaw lang sa unahan na parang hindi naramdaman ang patama sa kanya!

"Propesor, may mga anak ka ba?"

Parang nakapagpahinga ng maiba ang paksa, ang propesor ay sinusubukan niyang gisingin ang kanyang tiwala sa sarili. "Opo, mayroon. Mayroon akong dalawang batang lalaki at isang babae." Ang propesor ay nakayanan din niyang ngumiti nang banggitin niya ang kanyang mga anak.

"Propesor, pinapasuso mo ba sila noong sila ay sanggol pa lamang?"

Parang nabigla siya sa nakakalukang tanong na ito, bumulalas ang propesor.

"Anong kalukuhang tanong na ito! Tama, hindi ako!

Ang asawa ko ang nagpasuso."

"Propesor, mayroon bang pari ng mga atiesta na nakakita ng mga lalaking pinapasuso ang kanilang mga sanggol?"

"Ulit, kalukuhang tanong. Mga babae lang ang nagpapasuso sa mga sanggol."

"Propesor, kahit hindi kita hinubaran, Tinitiyak ko na ikaw ay may dalawang suso, kasingtulad ng ibang mga lalaki. Dahil sa ito ay paulit-ulit, bakit hindi ito nawala? Ayon sa doktrina ng natural selection, ang mga  ganoong bagay na walang silbi katulad ng suso ng mga lalaki ay dapat ng nawala sa lahat ng kalalakihan, daan libong taon na kung hindi milliones ang mga nakaraan ng taon! Propesor,"

Malumanay na nagsasalita ang estudyanting Muslim, hindi siya sumigaw at hindi niya inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng propesor, "Iyan ay sinisiguro ko, batay sa wasto at tamang argumento ng siyensiya at hindi ang huwad na siyensiya – makakasangayon ka na ang doktrina ng ebolusyon ay malaking karga ng mga basura o kalukohan lamang?"

Ang mukha ng propesor ay ilang beses ng nag-iba ng kulay at ang magagawa lamang niya dahil siya ay walang makuhang tulong ay nagkakanda-gago sa pagsasalita.

Ang estudyanting Muslim ay lumingon at humarap sa klase at kinausap sila ng may kasamang ngiti sa kanyang mga labi. "Sa katotohanan, maaaring ang isa ay magsasabi, sinumang maniwala na siya ay nagmula sa unggoy ay nararapat niyang paniwalaan na siya ay isang unggoy!"

Umabot ng ilang sandali bago maunawaan ng klase ang patudyong  nilalaman ng salita ng estudyanting Muslim, subalit ng maabot nila ang kahulugan nito, sila ay hiyawang tumawa.

Nang manumbalik ang atensiyon ng mga estudyante mula sa pagtatawa, nagpatuloy ang estudyanting Muslim. At siya’y bumaling sa propesor at kanyang sinabi, "Napakaraming puwang sa doktrina ng ebulosyon na ito at tumatagas na parang salaan. Subalit, nauubos na ang orasan – at hindi tatagal ako ay papunta ng Masjid para magdasal – kaya hindi natin ngayon matatalakay lahat ang mga kuwentong alamat. Hayaang tayo ay dumako naman sa paksang moralidad na iyong inilahad. Subalit, bago ang iyan, hayaang tingnan muna natin ang puntong iyong ginawa tungkol sa kapatid mong namatay sa cancer. Kung ikaw ay nagagalit dahil siya ay namatay,  ay tiyak ikaw ay tanga. Ang mga tao, at ang lahat ng nilalang may buhay ay lahat mamamatay at iyan ay hindi maipagkakailang pangyayari na pinaniniwalaan ng lahat ng tao, maging sila man ay naniniwala sa Diyos o hindi, at walang isa man ang maaaring itanggi ang proseso ng kamatayan. Pangalawa, hindi ka naman bata upang itanggi ang pamamaraan ng isang pagkakaroon ng karamdaman o sakit – maging ito man ay cancer o anumang uri ng karamdaman, o aksidente at iba pa – bilang pasimula sa proseso ng kamatayan. Ang iyong pagtatanggi ay nagsimula ito mula sa iyong maling pangunawa na ang kabutihan ay nakakapawi sa mga pasakit, at ang gumawa ng dahilan ng pasakit ay kalupitan. Kung ganito ito, samakatuwid, propesor, wala kang pagpipilian maliban sa sumang-ayon ka na ang pinakamalupit na tao sa mundo ay ang mga siyentipikong manunuri sa panggagamot na kung saan ang ginagamit nila ay mga hayop sa lahat ng kanilang mga nakakapangilabot na eksperimento. Tiyak, dapat alam mo ang libo-libong mga hayop na dumaan sa iba’t ibang pamamaraan ng labis na pagpapahirap at matinding sakit para lang magkaroon ng pruweba o walang pruweba ang isang pagsusuring para lamang sa siyensiya at gamot? Hindi kaya ang mga tagasuri na ito ay malulupit? Nakikinig ka ba sa akin propesor?"

Bakas sa mukha ng propesor na siya ay parang may karamdaman. Ang estudyanting Muslim ay kumuha ng tubig at ibinigay sa kanya para inumin.

"Propesor, tatanungin kita ng ibang maliwanag na katanungan. Ikaw ay may kaalaman sa mga pagsusulit – mga pagsubok na ibinibigay sa mg estudyante, para sila ay pumasa at matanggap sa mas-mataas na baitang?"

Ang propesor ay tumango lang.

"Ang isang estudyante ay kinakailangang gumawa ng tiyak na mga pagsasakripisyo, kahit siya ay manirahang malayo sa kanilang bahay, upang pumasok sa unibersidad o kolehiyo; kinakailangan ipagkait niya sa kanyang sarili ang lahat ng kaginhawahan sa bahay, kailangang siya ay kargado ng trabaho; kailangan ding ihinto niya ang kanyang mga panahong walang ginagawa at pagtulog para handang handa sa mga pagsusulit; pagkaraan, siya ay mahaharap ng mga kakila-kilabot at mahirap na mga katanungan na sasagutin at maaaring siya ay gisain ng mga katanungan sa kanyang oral examination at kinakailangan ding magbayad sa institusyon na naglagay sa kanya sa masakit na prosesong ito – hindi mo ba matatanggap ang lahat ng ito bilang pagpapahirap? Ang propesor kaya, mabuting tao sa lahat ng mental at pesikal na pagtitiis na dinadanas ng mga estudyante na kanyang inilalagay sa kanila?"

"Hindi ko makita ang iyong punto. Dapat, ang institusyon at ang propesor ay gumagawa ng mga pabor para sa mga estudyante sa pamamaraan ng paglalagay sa kanila sa isang training upang sila ay maging marapat sa kani-kanilang kalalagyan at katangian. Mga taong maiiksi ang pag-iisip lamang ang tumututol sa mga estudyante na isulat ang mga pagsusulit, na walang kinalaman sa mga paghihirap na kanilang magagawa."

Ang estudyanting Muslim ay malungkot na ina-alog ang kanyang ulo.  "Propesor, nakakamangha kung paano mong maunawaan ang pangangailangan sa mga pagsubok at pagsusulit sa panahong isasaayos mo sila, subalit hindi mo makikita ang ganoong kaisipan nang isaayos ng Diyos ang mga pagsubok at pagsusulit sa Kanyang mga nilikha. Gamitin mo ang iyong kapatid – kung natagalan niya ang kanyang karamdaman at namatay na mayroong pananampalataya, na tinatawag naming Iman – siya ay mabibigyan ng maraming biyaya sa Paraiso para sa mga paghihirap na kanyang pinagdaanan dito. Lalung-lalo na,  at maaring kanyang papangarapin na magtiis ng ilang daang beses para ang kanyang gantimpala ay lalong dumarami, gantimpalang walang nakakita rito at kailanman ay walang imahinasyong sumagi sa isipan ng ninuman! Sa kasamaang palad “mga makikitid ang pag-iisip lamang” – at mga ignoranti – ang tumututol sa mga pagsubok na inilalagay sa Kanyang mga nilikha, ilagay sa isipan ang walang hanggang biyayang naghihintay sa mga magwawagi." "Paraiso? Huh! Nakita mo ba ang Paraiso, nahawakan ito, natikman ito, naamoy ito, nalasahan o narinig? Ayon sa batas ng empirical, testable, demonstrable protocol, at siyensiya ay nagsasabi na ang Paraiso ay wala."

"Tayo ay darating na rin sa punto na iyan, kung gustuhin ng Diyos. Magpatuloy tayo. Sabihin mo sa akin, propesor; mayroon bang bagay na init?"

Ang propesor ay parang nakabawi at may malaking tiwala sa kanyang pakiramdan. "Oo, mayroong init."

"Mayroon bang bagay na tinatawag lamig?"

"Oo, mayroon na ring lamig."

"Hindi, sir. wala!"

Ang propesor ay nakamasid lang, Ang estudyante ay ipinapaliwanag, "Magkakaroon ka ng maraming init, mas maraming init, pinakamainit, mas-pinakamainit, maputing init, o di kaya ay sa kabilang polo – maliit na init, o walang init, subalit hindi tayo magkakaroon ng anumang bagay na tinatawag na ‘lamig'. Puwede nating marating ang 458 degrees below zero, na ito ay walang init, subalit hindi tayo maaring lumayo ng higit pa roon. Walang ganoong bagay na tinatawag na 'lamig', o di kaya tayo ay maaari nating marating ang mas malamig kaysa 458 degrees below zero. O nakita mo sir, 'ang lamig' ay isa lamang salita na ating ginagamit upang isalarawan ang pagkawala ng init. Hindi natin masusukat ang lamig. Ang init ay maaaring masukat natin sa pamamagitan ng thermal units dahil ang init ay enerheya. Ang lamig ay hindi salungat ng init ito ay ang pagkawala lamang ng init."

Manahimik. Mayroong nahulog na aspili sa loob ng kuwarto.

Ang estudyanting Muslim ay nagpatuloy.. "Mayroon bang bagay na dilim, propesor?"

"Iyan ay nakakaumid na tanong, anak. Ano ang gabi kung hindi ito madilim? Ano ang makukuha mo roon..?"

"Kaya, sasabihin mong mayroong bagay na dilim?"

"Oo..."

"Mali ka na naman, sir! Ang dilim ay hindi bagay (na may personalidad) – ito ang pagkawala ng bagay. Ito ang pagkawala ng ilaw. Maaaring magkaroon ng malamlam na dilim, karaniwang ilaw, maliwanag na ilaw, kumikislap na ilaw. Kung ang isa ay tuluyan ng mawalan ng ilaw, samakatuwid talagang wala, at ito ay tinatawag na dilim, hindi ba? Iyan ang kahulugan na ginagamit natin sa pagbibigay kahulugan sa salita. Sa katotohanan, and dilim ay wala. Kung ganun iyon, ay maaaring makagawa ng dilim sa positibong pamamaraan at magagawang lalong didilim ang isang dilim at nakukuha ito sa isang container o paglalagyan. Maaari mo bang punuin ang isang taro ng pinakadilim na dilim para sa akin, propesor?"

"Maaari mo bang sabihin sa amin ano ang iyong punto, binata?"

"Opo, propesor. Ang puntong aking ginagawa ay ang kapintasan ng iyong maka-pilosopyang batayan, para makapag-umpisa, ang iyong pagtatapos ay mali. Hindi ka maka-siyensiya bagkus huwad na siyensiya!"

Ang propesor ay parang nalason. "Sira...? Pambihira ka naman...!"

Ang estudyanting Muslim ay payapa, tahimik at mahinahong nagsalita, na parang sa isang maliit na bata. "Sir, maaari ko bang ipaliwanag ang kahulugan?"

Ang mga estudyante sa klase ay sabik na itango ang kanilang ulo. Silang lahat ay nakikinig ng mabuti. Ang Propesor ay walang ibang magawa maliban sa pumayag. "Ipaliwanag... oh, ipaliwanag..." Sa gusto niyang makabawi, siya ay kumakaway sa lahat ng direksiyon,. Biglaang siya ay naging magalang sa sarili. Ang klase ay tahimik at umaasa.

"Ikaw ay gumagawa ng dalawahang batayan," Ipinaliwanag ng estudyanting Muslim, "halimbawa, mayroong buhay pagkatapos mayroon ding kamatayan, dalawang magkaibang bagay; isang mabuting Diyos at isang masamang Diyos. Ang iyong ipinapakita ay ang konsepto ng Diyos bilang bagay na may hangganan, bagay na masusukat natin. Sir, kahit ang siyensiya ay hindi kayang ipaliwanag kung ano itong kaisipan. Ginagamit nito ang elektrisidad at magnetism, subalit kailanman ay hindi nila nakita, kukunti pa lang ang kanilang pagkakaintindi nila rito. Ang pagsalarawan sa kamatayan bilang kasalungat ng buhay ay isang kamangmangan sa katotohanan sapagkat ang kamatayan ay hindi maaaring mabigyan ito ng katawan. Ang kamatayan ay hindi kasalungat ng buhay bagkus kawalan lamang ng buhay."

Ang isang binata ay may hawak-hawak na diyaryo na kanyang kinuha sa lamesa ng kanyang kaklase. "Nandito ang isang kinamumuhiang tabloid na ipinagpaanyaya ng bansang ito, propesor. Mayroon bang bagay bilang imoralidad o kasamaan?"

"Mayroon, Tingnan mo..."

"Mali na naman, sir. Tingnan mo, imoralidad ay kawalan lamang ng moralidad. Mayroon bang bagay bilang hindi pagkamakatarungan? Wala, sir. Ang hindi pagka-makatarungan ay ang kawalan ng katarungan. Mayroon bang bagay na kasamaan?" Ang estudyanting Muslim ay bahagyang tumigil. "Di ba ang kasamaan ay ang kawalan ng kabutihan?"

Ang kulay ng propesor ay umiba at nakakabahala. Siya ay galit na galit at pansamantalang hindi makapagsalita.

Ang estudyanting Muslim ay nagpatuloy, "Kung mayroong kasamaan sa mundong ito, propesor – tayo ay nagkakaisa na mayroon – samakatuwid ang Diyos ay may ginagawang mga gawain sa pamamagitan ng pagkakatawan ng kasamaan. Ano bang trabaho na ginagawa ng Diyos? Sinabi ng Diyos sa Surat (Al-'Anbyā') verse 35 ng Banal na Qur'an: (Bawat kaluluwa ay makakatikim ng kamatayan. At kayo ay aming susubukan ng masama at mabuti bilang pagsubok; at sa Amin kayo ay babalik) Sinasabi sa atin ng Islam, ito ang tingnan ang bawat isa sa atin kung ano ang pipiliin, mangingibabaw ba ang kabutihan sa kasamaan.

Hinggil naman sa mga katanungan mo tungkol kay Satanas: Saan nagmula si Satanas? At nilikha ng Diyos si Satanas, hindi ba?  Nabanggit sa Banal na Qur’an na ang Satanas ay hindi naging demonyo maliban nang siya ay tumanggi sa kautusan ng Diyos at siya ay naging kaaway ng tao. Sinabi ng Diyos (Allah) sa Surat ('Ibrāhīm) verse 22 ng Banal na Qur'an: (At ang Satanas ay magsasabi kapag ang bagay ay napagpasiyahan na: "Katotohanan! Ang Allâh ay nangako sa inyo ng isang pangako ng katotohanan. At ako ay nangako rin, ngunit ako ay nagtaksil sa inyo. Wala akong karapatan sa inyo maliban na kayo ay aking inaanyayahan at kayo ay tumalima. Kayo, huwag ako ang inyong sisihin bagkus ang inyong mga sarili. Hindi ko kayo matutulungan, at hindi rin ninyo ako matutulungan. Aking itinatanggi ang inyong nakaraang gawain sa pag-aakibat sa akin bilang katambal ng Allâh. Katotohanan! Sa mga makasalanan ay may nakalaan para sa kanila na napakahapding parusa.)"

Ang propesor ay nagpipigil ng galit. "Bilang siyentipiko sa larangan ng pilosopya, Hindi ko tinitingnang may kinalaman ito ng anumang pagpipilian; bilang isang makatotohanan, ay may katiyakang hindi ko kinikilala ang konsepto ng Diyos o anumang dahilan ng teolohiya bilang kaisa sa mga sangkap ng mundo dahil ang Diyos ay hindi napupuna."

"Dapat kung isipin na ang pagkawala ng alituntuning moral ay isa sa mga katiyakan ng mga pangyayaring nangyayari na napupuna " sagot ng estudyanting Muslim.

"Ang mga diyaryo ay nakagagawa ng billion dollars ang ipinahayag nito bawat linggo. Propesor, inihuhusga mo ang kasamaan  ng mundo bilang pasanin ng Diyos – kung saan ikaw ay hindi naniniwala – at malinaw na ito ay salungat. Gayon pa man, hayaang ating suriin kung sino talaga ang may pananagutan sa pagkalat ng kasamaan – yaong naniniwala sa Diyos o yaong hindi? Ang pangunahing paniniwala na mayroon ang Muslim ay ang pagbibigay ng mga gawa sa mundong ito. Sa bawat kabutihan na kanyang ginagawa ay mabibigyan ng gantimpala at bawat kasamaang magawa ay pananagutan ito. Bawat Muslim ay dapat maniwala na siya ay mananagot sa kanyang mga gawa at walang ibang papasan ng kanyang pasanin sa Araw ng Paghuhukom. Ang konsepto ng Paraiso bilang gantimpala sa mga mananampalataya at ang Impiyerno ay tahanan ng mga hindi naniniwala, ang mga hindi naniniwala sa relihiyon, ay isa rin sa mga pangunahing paniniwala, lalung-lalo na sa paniniwala na kahit ang mga Muslim na gumagawa ng masasama ay mapaparusahan sa kanyang mga pagkakamali.  Propesor, ang mga konseptong ito ay nahinto nito ang mga kasamaan at pagkakamaling ginagawa ng hindi mabilang-bilang dami ng mga Muslim. Kung hindi dahil sa konseptong ito ay hindi natin maitataguyod ang mga gawain sa mundong ito: mga multa, parusa, sentensiya o hatol sa pagkakakulong ay kasama ng anumang sibilisadong sistema. Sa kabilang dako, mayroon tayong mga pari ng atiesmo na hindi naniniwala sa mga konseptong ito kapag nababanggit na may kaugnayan sa mga isyu ng moralidad. Sa kanila ay walang Araw ng Paghuhukom, walang pananagutan. Ang mensahe sa madla ay maliwanag, kung ikaw ay makakaiwas rito ay O.K. ka. Wala kang dapat ikabahala. At nakikita din natin na sila ay nagsasabi na walang bagay na kasalanan – kasalanan, sa ating salita ang kahulugan nito ay sumasalungat sa mga Batas ng Diyos – bawat tao ay malayang gumawa ng kanyang pinapangarap at walang galaw na maituturing na ‘mali’. Hayaang ipagpalagay natin ng ganito: ang mga pari ay nananatili ang kanilang paniniwala na ang Diyos ay hindi nabubuhay. Kung Siya ay hindi nabubuhay, samakatuwid, ay hindi Niya mailalatag ang mga alituntunin kung ano ang tama at mali – samakatuwid, walang kasalanan, ang kasalanan ay nangangahulugang lumalabag sa kagustuhan ng Diyos. Samakatuwid, ang tao ay malayang gumawa ng sarili niyang batas, ang sarili niyang pamantayan sa moralidad. Samakatuwid, ang kalalakihan ay nag-aasawa sa kapuwa lalaki; ang kababaihan ay nag-aasawa ng kapuwa babae; ang pagkakalat ng sakit na AIDS at ibang mga karamdaman ay O.K.; walang kasalanan ng pakikiapid o pangangalunya, habang ang mga nasasangkot ay mga nasa tamang gulang; ayon sa lohika ng atiesta kahit ang kaso ng incest ay hindi magiging kasalanan kung ang magkabilang panig ay nasa tamang gulang, ang tingin nila sa kaso ng incest ay magkakaroon ng pagkakasala base sa tinatawag na atuwid,  code of morality na ang basehan ay relihiyon, gayon pa man tinitiyak ng propesor na kailanman ay hindi niya kinikilala and konsepto ng Diyos o anumang iba pang paniniwalang teolohiya bilang kabahagi ng mundo para pumatay ng mga sanggol sa sinapupunan ng mga nanay ay mabuti – ito ay pagsasagawa sa mga karapatang mayroon ang kababaihan. Ang talaan ng mga  patakaran at tuntunin na ipinasa ng mga paring atiestang huwad na siyentipikong sosyal ay walang katapusan. Ang taas ng pagsisinungaling ng kaisipan upang ilagay ang sisi sa pagkalat ng imoralidad at marurumi sa Diyos! Hayaang tayo ay maging makasiyensiya hinggil sa buong isyu, propesor. Kumuha ng grupo ng mga maka-Diyos  na naniniwala sa Kanya kung paano siya paniniwalaan at kumuha ng tao na tumataguyod sa inyong mga maka-atiestang paniniwala. Suriin ang layunin at makikita mo kung sino ang nagkakalat ng kasamaan. Hindi ko pinapangarap na palakihin ang puntong ito, subalit sinomang sumusuri sa layunin ay kaagad nilang makikita na ang grupo ng mga maka-Diyos na gumagamit sa mga Batas ng Diyos bilang kodigo moral ay sa katotohanan nagpapalaganap ng katotohanan; Subalit, yaong gumagawa ng sarili nilang mga patakaran ng magkakaugnay na moralidad ay sa katotohanan nagkakalat ng kasamaan sa buong mundo."

Pansamantalang huminto ang estudyanting Muslim para maunawaan ang mahalagang puna na ito. Ang mga mata ng mga estudyante ng klase ay parang nagka-ilaw na nakita ang isyu sa paraang napakaliwanag. Walang sinoman ang nakapag-paliwanag sa mga mahalagang isyu na ito noon, dala ng mga batikos mula sa mass media.

"Propesor, ako ay namangha subalit hindi naman nabigla sa inyong hindi maka-siyensiyang pakikitungo sa moralidad. Ako ay namangha, dahil kahit ikaw ay naniniwala ang tao ay galing sa unggoy, siya at hindi gumagalaw na parang hayop! Ako ay namangha dahil, kahit hindi ka naniniwala sa mga anghel, inaasahan mo na ang tao ay gagalaw ayon sa kanyang pinagmulan, at walang tulong na manggagaling sa alintuntuning moral sa Langit. Ang dahilan na ako ay hindi nabigla ay dahil sa mga pag-iisip na gumugulo sa isipan na inaasahang magmumula sa mga tagasunod ng bulaang pananampalataya ng mga atiesmo!"

Mayroong tuloy-tuloy na nag-uumapaw na palakpakan mula sa klase.

"Natalakay na natin ang ebolusyon, propesor. Na obserbahan mo ba ang ebolusyon sa sarili mong mga mata, sir?"

Ang propesor ay gumagawa ng sumisipsip na tunog ng kanyang mga ngipin at nakapagbigay ito ng tahimik at nakakawalang bahalang titig ng mga estudyante.

"Propesor, dahil walang sinoman ang nagkaroon ng aktuwal na pagmamasid sa proseso ng ebolusyon at hindi rin mapapatunayan na ang prosisong ito ay tuluyan ng nagsusumikap, hindi ka ba nagtuturo ng doktrina – doktrinang tumutulo na parang salaan na ito ay kakaunti ang naniniwala rito kaysa katuruang teolohiya? Ito ang huwad na siyensiya, hindi tunay na siyensiya at ang kanyang mga tagamungkahi o tagapagtanggol ay walang iba kundi ang kanilang mga paring walang kaalaman!"

Ang mukha ng propesor ay biglang nalungkot. "Napakawalang-ingat naman!" Siya’y parang galit at hinihingal at naglalakad sa harapan ng klase na malalaki ang hakbang pataas at pababa, hanggang  manumbalik sa sarili.

"Bilang pagbibigay kahulugan sa mapilosopyang pagtatalo natin, Hindi ko pupunain ang napakawalang-ingat mong pagsasalita, anak. Ngayon, nakatapos ka na?" Ang mga salitang lumalabas sa bibig ay sumasagitsit.

"Sir, hindi mo tinatanggap ang kodigo moral ng Diyos upang gawin ang tama at makatarungan?"

"Ako ay naniniwala sa kung ano – iyan ang siyensiya."

"Sir, ipagpaumanhin mo po, ang pinaniniwalaan mo ay hindi siyensiya kundi huwad na siyensiya – ang huwad na siyensiya ay may kapintasan na rin!"

"HUWAD NA SIYENSIYA...? MAY KAPINTASAN...?" Ang propesor ay para siyang naghahanda. Ang klase ay naghihiyawan. Ang estudyanting Muslim ay naging kalmado at mahinahon, ang bigkis ng ngiti na iyon ay bumalik sa kanyang mukha.

Nang humupa ang ingay, siya ay nagpatuloy, "Nakita mo, propesor, TUNAY NA SIYENSIYA ay ang pagtutuklas sa mga batas at mga disenyong inilagay ng Tagapaglikha ng sanlibutan sa loob ng sistemang nagpapatakbo ng sanlibutan, mula sa mega hanggang micro, mula sa nasusukat sa hindi-masusukat. Ang Huwad na Siyensiya ay maka-atiestang relihiyon na balak salungatin ang koseptong ito sa pamamaraan ng panghuhuwad, pangdodoktor sa stadestika, kalahating katotohanan at iba pa. Ang Huwad na Siyensiya ay ipinapalagay na tama ang mga gawa-gawang likha ng hindi pinangalanang puwersa – pansarili, gawa ng tao, bulaang dios-diosan – pagkakapangyari ng Big Bang at doon, nagsimula ang proseso ng ebolusyon na ito ay salungat sa tunay na pangyayari. Ang mga pari ng maka-atiestang relihiyon na ito, sila ang sumubok upang ipangatwiran ang pagsasatsat na kailangang masamahan ng pagsisinungaling sa pamamaraan ng panghuhuwad, kalahating tama at pagmamanipula sa mga datus. Ang Katotohanan ang dapat manaig – Ang katotohanan sa makalohical na pagpapasiya ng sinumang may pakiramdam na maaaring mabigyan ito ng pasiya kahit walang sapat na pagbabatayan, na mayroong nag-iisang Diyos (Allah) na Siyang Lumikha sa buong sanlibutan. Kanyang nilikha ang buong sistema na siyang itinatakbo nito ng maayos mula noon pa. Hayaang balikan natin ang puntong nailahad mo sa ibang mga estudyante na akin ding sinabi na aking tatalakayin mamaya. Bibigyan kita ng halimbawa na puweding masundan ng lahat: Mayroon ba sa ating klase ang nakakakita ng hangin, oxygen molecules, atoms, and utak ng propesor?"

Ang klase ay nagkatawanan.

"Mayroon ba sa inyo rito na narinig ang utak ni propesor, naramdaman ito, o natikman?" Walang sinuman ang nagsalita. Malungkot na umiling ang ulo ng estudyanting Muslim. "Parang lumalabas na walang nakakaramdam rito sa utak o anumang pag-iisip ng propesor. Mabuti, sang-ayon sa alituntuning pansariling ipinahayag ng propesor, ang alituntuning maka-empirical, matibay, naipapakitang protokol ng huwad na siyensiya ng propesor AKIN PONG IPINAPAHAYAG na ang propesor ay walang utak!"

Ang propesor ay parang namaluktot sa upuan. Ang klase ay ulit patuloy sa palakpakan.

Ang mga estudiyante ay umalis at kumuha at abutan ng tubig ang propesor. Pagkaraan ng kunting panahon, nakabawi ang propesor. Siya ay tumingin sa estudyante at nanlisik ang mga mata. "Ang mga pang-insulto mo ay walang paraan upang mapatunayan ang pagkabuhay ng Diyos."

Ang estudyanting Muslim ay sumagot. "Professor, talagang nabigla ako. Ang inaasahan ko ay tatanggapin mo ang pagkatalo. Subalit, parang napupuna kong ikaw ay masiba sa pagpaparusa."

Siya’y huminto pansamantala, tumingin siyang maalalahanin sa klase at pagkatapos ay sa propesor. Siya ay napabuntong-hininga ng malalim at kinausap niya ulit ang propesor. "Sir, may magulang ka ba – mayroon ka bang tatay at nanay?"

"Iba na naman ito sa iyong estupidong mga katanungan. Maliwanag na tayong lahat ay mayroong mga magulang."

"Maging mahinahon ka, sir. Natitiyak mo ba na ang tatay mo ay siya ang tatay mo at ang iyong nanay ay iyong nanay?" 

Ang propesor ay nangingitim-ngitim sa galit. "Masyadong nakakatawa! TAMA, ANG AKING AMA AY AKING AMA AT ANG AKING NANAY AY AKING NANAY!" Siya ay nagsisigaw. Ang estudyanting Muslim ay pansamantalang huminto. Naging mahaba ang kanyang pansamantalang paghihinto. Mayroong nakapangingilabot na kapaligiran, agad-agad habang nakaupo ang mga estudyante sa gilid ng kanilang upuan. Ang estudyanting Muslim ay nagsalita ng maayos at mapagpigil na boses, "Patunayan mo sa akin!"

Ang kapaligiran ay nakaka-kuryente. Ang propesor ay hindi napigilan ang kanyang sarili. Ang kanyang mukha ay naging kulay-ube. "HOW DARE YOU!" Isinisigaw niya ng may kalakasan. "SAPAT NA ANG NATAMO KONG PANG-IINSULTO..! LUMABAS KA SA AKING KLASE..! ISUSUMBONG KITA SA RECTOR...!

Ang klase ay mga nakaupong parang naninigas dahil sa bulalas. Ang propesor ba ay naghahanap ng paraang nababagay upang bumawi o umatake?

Ang estudyanting Muslim ay hindi natitinag sa kanyang pinaninindigan, hindi nababahala. Nakaharap sa klase at itinaas ang kamay, nagbibigay ng katiyakan sa kanila na walang dapat ipag-alala. Pagkaraan ay kanyang ibinaling ang nakaka-awa niyang mga mata sa propesor. Mayroong kapangyarihang makikita na nagmumula sa kanyang mga mata, na nakatutok sa propesor. Hindi mapapanitili ng propesor ang kanyang mga sulyap. Ang kanyang mga titig ay bumaba at humupa ang kanyang galit at muling sumalampak sa kanyang silya at hinahawakan ang kanyang ulo.

Pagkaraan ng mga ilang minuto, nagsalita ang estudyanting Muslim ng mahinahon. "Pinakamamahal na propesor, hindi ang ibig kong sabihin ay ang iyong mga magulang ay hindi sila ang iyong mga magulang. Ang gusto ko lang ipaalam ay maging ikaw man o ako a kahit sinoman sa atin sa loob ng klasing ito na mapapatunayang ang ating mga magulang ay sila ang ating mga magulang o hindi."

Nagkaroon ng ganap na katahimikan.

"Ang dahilan ay hindi natin nasaksihan ang pagtatalik sa pagitan ng ating mga magulang ng tayo ay ipagbuntis. Hindi tayo nandoon upang ipakilala kaninong semilya ang nabuo sa loob ng tiyan ng ating mga ina. Pinaniniwalaan natin ang salita ng ating mga magulang. Ating ipinapalagay na ang mga magulang natin ay mapagkakatiwalaan at makatarungan sa bagay na ito. Hindi natin pinagduduhan ang kanilang integridad. Ganun din, ang inyong mga anak ay kukunin at paniniwalaan ang inyong salita na kayo ang kanilang ama at ang kanilang mga ina ay totoong kanilang ina.. Hindi ba ganun propesor?"

Itinaas ng propesor ang kanyang ulo. Siya’y tumingin sa estudyanting Muslim. Mapupunang umaaliwalas ang kanyang mukha tanda ng pagkakaroon ng pangunawa.  Ang galit ay lumipas at mabagal niyang inu-ulit, "Pinaniniwalaan namin ang salita ng aming mga magulang. Pinaniniwalaan namin ang salita ng aming mga magulang..."

"Opo, Propesor. Maraming bagay na dapat kunin natin ang salita ng iba. Ang pagkakaroon ng hangin, oxygen, ng molecules, ng atom at iba pa. Kaya, pagdating sa mga bagay na metaphysical, mula sa totoong pagsasaliksik siyentipiko, alam natin na walang taong nabubuhay sa mundong ito ng higit na mapagkakatiwalaan maliban sa mga tinatawag na Mensahero (Rasool). Kaming mga Muslim ay handang itaya ang aming sarili sa katotohanan na si Muhammad (Sumakanya nawa ang kapayapaan) ay may katiyakang ganap na malinis ang kanyang ugali. Kailanma’y hindi nagsisinungaling kaninuman. Ang kanyang integridad ay hindi kaduda-duda na kahit ang kanyang masugid na kaaway ay tinatawag sa pangalang 'Al-Ameen' (ang Mapagkakatiwalaan). Kung sasabihin niya, ang Diyos (Allah) ay buhay – at handa kaming tanggapin ang salita ng aming mga magulang na sila ang aming mga magulang - samakatuwid, buong katapatan naming tatanggapin ang kanyang salita, ganun din ang pagtanggap namin sa iba pa – ang katotohanan ng Paraiso at Impiyerno; ang katotohanan ng mga anghel; ang pagdating ng Araw ng Paghukom; ang pagbibilang ng ating mga gawa sa harapan ng Diyos; at marami pang ibang mga konsepto. Maliban sa puntong ito, marami pa ang mga pointers na tumutukoy sa katotohanan ng Diyos (Allah). Ang kaganapan ng Kapahayagang tinatawag na 'Ang Maluwalhating Qur’an' ay nandiyan upang mapag-aralan ng ninuman. Ito ay mayroong tiyak ng hamon sa sinumang mayroong pagdududa. Ang hamon na ito ay hindi pa natugunan sa loob ng mahigit isang daan apat na raang taon ang nakalipas sa katotohanan nito. Kung hindi pa tanggap ng sinoman ang paniniwala sa mga Sugo o Mensahero (Sumakanilang lahat nawa ang kapayapaan) samakatuwid ito ay totoong pagka-ipokrita na tanggapin ang mga salita ng mga siyentipiko, kung saan ang kanilang mga doktrina ay nananatiling pabago-bago, at naniniwala rin sa salita ng ating mga magulang. Kung huhusgahan natin mula sa daming bilang ng kaso sa husgado kung saan ang mga magulang ay itinatanggi ang pagiging magulang sa kanilang mga anak, at pagpalagay din sa pagkakaroon ng di mabibilang ng mga sanggol na ipinagbubuntis mula sa mga semilyang donasyon ng mga lalaking hindi kilala at ang hindi mabibilang dami ng mga sanggol na inaampon mula pagkasanggol ng mga mag-asawang hindi nagkaka-anak at pinalalaki bilang kanilang anak., sa larangan ng stadistika ay mayroong lugar ng pagkakamali sa anumang pinaniniwalaan ng isang tao na ang kanilang mga magulang ay totoong kanilang mga magulang sa dugo’t  laman."

Humarap ang estudyanting Muslim sa klase at bilang panghuling salita ay kanyang sinabi, "Tungkulin ng bawat isa upang pag-aralan ang mga katuruan ng Islam. Ang Maluwalhating Qur’an ay nandiyan para sa lahat upang pag-aralan. Mayroon ding sapat na kopya ng literatura sa Islam. Ang aking tungkulin ay para pagsabihan lamang kayo na ang Relihiyong Islam ay Tunay. Walang sapilitan sa relihiyon. Maliwanag ang tamang landas ay naging malinaw mula sa mali; At sinuman ang itakwil and mga huwad na dios-diosan at maniwala sa Diyos, ay nahawakan niya ang isang malakas na tanganang hindi kailanmang mawawasak; At ang  Allah ang Labis na Nakaririnig at Labis na Nakaka-alam. Nang dahil nasabi ko na sa inyo, ay tungkulin ko rin na anyayahan kayo upang sumali sa pagkakapatiran ng mga Muslim sa pamamaraang pagyakap sa Islam. Ang Allah ay Siyang Tagapaglitas ng mga mananampalataya. Inilalabas sila sa mula sa dilim tungo sa liwanag. Sa aong mga mananampalataya, ang kanilang mga tagapangalaga ay mga bulaang dios-diosan. Sila ay inilalabas nito mula sa liwanag patungo sa dilim... Ito ang mga berso mula sa Maluwalhating Qur’an – Mga Salita ng Mahabagin – na aking binasa sa inyo"

Ang estudyanting Muslim ay tumingin sa kanyang relo. "Propesor at mga estudyante, Ako ay nagpapasalamat sa inyo dahil sa inyong pagbibigay sa akin ng oportunidad upang maipaliwanag ang isyung ito sa inyo.. Humihingi ako sa inyo ng paumanhin dahil pupunta ako sa masjid para sa mga pagdarasal. Kapayapaan sa yaong nagabayan ng matuwid."

tapos

 

 

Para sa pagbabasa hinggil sa Islam at pagbagsak ng Atiesmo ay paki-besita lamang po ang mga websites na ito:

www.islamic-message.net

www.islamic-invitation.com

www.islamgalaxy.com

www.islamgreen.com

www.waytoparadise.net