1363

ANG MGA KARAPATAN NG TAO SA ISLAM

شبهات حول حقوق الإنسان في الإسلام

 

 

 

ni:      

  Dr. Abd Ar-Rahman bin Abd Al-Kareem Ash Sheha

عبد الرحمن بن عبد الكريم الشيحة

 

 

 

Isinalin sa Wikang Pilipino nina:

 

Ahmad Jibreel Salas

Jihad Jamal Joves

 

 

WWW.ISLAMLAND.COM

 

 

 

 



ANG MGA NILALAMAN

Pamagat

 

Ang Panimula

 

Ang Pagpapakilala (ng may akda)

 

Ang Islam at ang Pangunahing Pangangailangan

 

Ang Pagkapantay-pantay sa Islam

 

Ang Islam at ang Pangunahing Kinakailangan

 

Ang Pangangalaga sa Dakilang Relihiyon

 

Ang Pangangalaga sa Katawan

 

   Ang Pangangalaga sa Kaisipan

 

   Ang Pangangalaga sa Dangal

 

   Ang Pangangalaga sa Yaman

 

   Ang Pangangalaga sa mga Anak  

 

   Ang Pangangalaga sa Lahi (Angkan)

 

Ang Publiko at Pribadong Karapatan sa Islam

 

   1. Ang Karapatan ng Makapangyarihang Allah

 

   2. Ang Karapatan ng Propeta Muhammad ()

 

   3. Ang Karapatan ng mga ibang Propeta

 

   4. Ang Karapatan ng Magulang

 

   5. Ang Karapatan ng Lalaki sa kanyang Asawa

 

   6. Ang Karapatan ng Babae sa kanyang Asawa

 

   7. Ang Karapatan ng mga Anak

 

   8. Ang Karapatan ng mga Kamag-anak

 

Ang Pananalita tungkol sa Karapatan at Tungkuling

   Panlipunan

 

   1. Ang Karapatan sa Namumuno mula sa Lipunan

 

   2. Ang Karapatan ng mga Mamamayan sa Tagapamahala

 

   3. Ang Karapatan ng mga Kapitbahay

 

   4. Ang Karapatan ng mga Kaibigan

 

   5. Ang Karapatan ng mga Dukha at Mahihirap

 

   6. Ang Karapatan ng mga Manggagawa

 

   7. Ang Karapatan ng Pinaglilingkuran

 

   8. Ang Karapatan para sa mga ibang Nilikha

 

Ang Mga (ibang) bagay na dapat at hindi dapat gawin sa Islam

 

Ang Paghuhukom sa Islam

 

Ang Hosbah, Pananagutan (Ang Pamamaraan ng

    Pagtataguyod at Pagpapatupad sa Islam)

 

Ang Islamikong Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao

 

Ang Paliwanag sa Mga Maling Paratang Tungkol sa mga

     Karapatan ng Tao sa Islam

 

Ang Paliwanag sa Maling Paratang Tungkol sa Batas sa

    Islam, ‘Shari’ah’

 

Ang Paliwanag sa Maling Paratang Tungkol sa Karapatan

    ng mga Babae

 

Ang  Paliwanag sa Maling Paratang Tungkol sa Batas

     Pagpaparusa, ‘Hudud’

 

Ang Paliwanag sa Maling Paratang Tungkol sa mga

    tumalikod at Lumisan sa Islam

 

Ang Paliwanag sa Maling Paratang Tungkol sa Pag-aasawa

     ng Babae sa Di-Muslim na Lalaki

 

Ang Paliwanag sa Maling Paratang Tungkol sa Pang-

     aalipin

 

Huling Pananalita

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Ang Panimula

 

Lahat ng papuri ay para lamang sa Allah, ang Panginoon ng Dakilang Karangalan at Luwalhati, Na Siyang nagbigay patnubay sa atin bilang Muslim at pinili tayo upang maging tagasunod ng Huling Propeta, Muhammad () [1]

 

Sa mga minamahal kong Mambabasa,

 

Ang paggugol ng panahon at lakas para sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Islam[2] (dawah) at gayundin naman ang pagbibigay paliwanag tungkol sa mga karapatan ng tao ayon sa paglalahad ng Relihiyong Islam batay sa Qur’an at Sunnah ng Propeta ng Allah () ay tunay na napakahalaga sapagkat ito ay nagsisilbing liwanag upang mahawi ang lambong ng di pagkakaunawa tungkol sa paksang ito. Ang aklat na ito na pinamagatang “Misconception of Human Rights in Islam” ni Ginoong Abdul Rahman Al Sheha ay isang dakilang tagumpay. Isinalin naman sa wikang Pilipino (tagalog) na may pamagat na, “Ang Mga Karapatan ng Tao sa Islam”. Tinalakay ng may akda ang mga mahahalagang paksa batay sa kautusan at aral ng Banal na Qur’an[3] at Sunnah[4] ng Propeta Muhammad ().

 

Ang aklat na ito ay binubuo ng mga karapatan ng tao sa lahat ng aspeto ng buhay at walang alinlangan na ang ganitong patakaran ay lubhang napakahalaga para sa ating ganap na pang-unawa sa Relihiyong Islam bilang isang pamamaraan ng buhay. Sa pamamagitan ng tunay na pang-unawa sa mga karapatan ng tao at ang pangangailangan ng bawat isa, ito ay magdudulot ng higit na paggalang sa bawat mamamayan maging siya man ay Muslim o di-Muslim. Ang aklat na ito ay makakatulong sa pamayanang Muslim. Nawa’y pagpalain ng Allah () ang pagpupunyagi ng ating kapatid na si Abdul Rahman Al-Sheha at ipagkaloob sa kanya ang masaganang gantimpala sa buhay dito at sa kabilang buhay.

 

Marami ng aklat ang naisulat at nailathala ng ating kapatid na naging kapaki-pakinabang sa mga mambabasa. Nais kong batiin sa pagkakataong ito ang ating kapatid at hinihingi ko sa mga mambabasa na ipalaganap ang aklat na ito. Ang ating kapatid na si Abdul Rahman Al Sheha ay masipag at matiyaga. Nawa’y bigyan siya ng lakas ng Allah () upang maipagpatuloy niya ang dakilang gawain ng pagpapalaganap ng mensahe ng Relihiyong Islam.

 

Nawa’y patnubayan tayo ng Allah () sa tuwid na landas at iligtas tayo mula sa lahat ng kasamaan at kasalanan.

 

Shouiab Ahmed

General Secretary

Markaz Jamiat Ahl-e-Hadith United Kingdom

3 Hulyo, 2001

 

 

 

 

 

 


Sa Ngalan ng Allah  Ang Maawain, Ang Mapagpala

 

Ang Pagpapakilala

 

Lahat ng papuri ay nauukol lamang sa Allah (), ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Nawa’y ang kapayapaan at pagpapala ay makamtan ng Kanyang Huling Sugo, na si Muhammad (), ng kanyang pamilya at mga kasamahan.

 

Bawat lipunan ay dapat na may itinakdang alituntunin at prinsipiyo na magbibigay pangangalaga kalakip ng mga karapatan at kapanatagang inihahandog sa mga mamamayang nasa ilalim ng kapamahalaan nito. At sa gayon, bawat mamamayan ay makadarama ng diwa ng pagkakaisa, pagmamahal, katahimikan at kapayapaan. Ang ganitong kapaligiran at kalakaran ay tunay na isang sangkap ng magandang buhay at isinasaalang-alang bilang isang pangunahing pangangailangan ng bawat mamamayan upang kanilang matagumpay na gampanan ang bawat tungkulin at pananagutan sa maayos na pamamaraan at mamuhay sa gitna ng katiwasayan, kasarinlan at kaligayahan.

 

Sa kasalukuyan, mayroong tatlong kinikilalang paraan o kalagayang panlipunan sa buong mundo. Ang una ay lumalagpas sa hangganan ng karapatan ng mamamayan sa Lipunan. Ito ay nagbibigay ng ganap na kalayaan sa tao sa anumang kanyang naisin. Walang alinlangan, ito ay siyang daan upang maging magulo ang panlipunang kalagayan. Ang pagbibigay ng walang hanggang limitasyon at kalayaan sa tao ay nagbubunga ng masama sa kabuuan ng lipunan. Ang mga krimen ay lumalaganap at ang pagiging makamundo o materyoso ng tao ay sadyang nakakagulat. Ang ganitong kalagayan ay matatagpuan sa isang Kapitalistang Lipunan.

 

Ang ikalawa naman ay ganap na taliwas sa unang nabanggit. Higit na pinagtutuunan ng pansin at higit na pinahahalagahan ang karapatan ng pamahalaan kaysa sa karapatan ng mamamayan. Ang tanging karapatan na makapagbibigay kabutihan sa pamahalaan ang siya lamang ipinagkakaloob sa mamamayan. Ang ganitong lipunan ay inaalisan ang lahat ng karapatan ng mamamayan na hindi umuugnay sa kabutihan ng pamahalaan. Ang ganitong kalakaran ay matatagpuan sa Lipunang Komunismo.

 

Ang ikatlo ay hindi ganap na nakatuon ng pansin sa karapatan ng lipunan o pamahalaan at hindi rin naman nagbibigay diin sa karapatan ng bawat mamamayan. Samakatuwid, bawat kaukulang karapatan ay ipinagkakaloob bilang bahagi ng isang likas na pamumuhay ng tao. At sa bawat karapatan ay mayroong kaukulang tungkulin at kaakibat na pananagutan na dapat gampanan ng bawat mamamayan at maging ang pamahalaan. Sa gayon, ang bawat mamamayan ng lipunan ay nagtatamasa ng sariling karapatan at ang pamahalaan o lipunan ay mayroon ding sariling karapatan. Sa madaling salita, ang pangkalahatang kabutihan ng mamamayan (general welfare) ay binibigyan ng higit na pansin kaysa sa kabutihan ng isang tao lamang sa mga pagkakataon ng pangangailangan. Ito ay matatagpuan sa Islamikong Lipunan.

 

Sa aklat na ito, aming tatalakayin, sa malawak na paglalarawan, ang mga karapatan ng tao sa pananaw ng Relihiyong Islam. Ang mga karapatang ito ay batay sa Banal na Qur’an, ang Aklat na ipinahayag ng Allah () at sa Sunnah ng Sugo ng Allah (). Ito ang dalawang pangunahing pinagkukuhanan ng Islamikong Pamumuhay at Batas. Naglalayon ang Banal na Qur’an at ang Sunnah ng Sugo ng Allah () na mag-alay ng isang huwarang mamamayan sa pakikipag-ugnayan nito sa kapwa tao sa sarili niyang lipunan at sa buong mundo.

 

Kami ay taos pusong naniniwala na ang pagpapatupad ng panlipunang alituntunin at prinsipiyo ng ikatlong uri ng lipunan (ang Islamikong Lipunan) ay ganap na makapagbibigay ng kapanatagan at katiwasayan sa buong sangkatauhan. Ang makabuluhang pagpapatupad at tapat na pagpapairal ng mga Prinsipiyo ng Islam ay makakatulong sa lipunan upang makamit nito ang pinakamataas na antas ng kapayapaan sa kapaligiran, sa kaisipan at maging sa kalooban ng tao. Ang mga panlipunang karapatan at prinsipiyo ay hindi mga bunga ng mga naunang karanasan, ideolohikal na panlipunan, pansamantalang pangangailangan o di kaya ay mga pampolitikang adhikain at layunin.

 

Ang mahalagang dahilan ng aming matibay na paniniwala sa mga panlipunang karapatan at prinsipiyo ay batay sa katotohanan na ang mga ito ay nagmula at itinakda ng Tagapaglikha ng tao na Siyang Tanging Ganap na nakaaalam kung ano ang nakabubuti sa Kanyang mga nilikha sa lahat ng panahon. Ang Makapangyarihan Allah ay ganap na nakababatid kung ano ang makasasama o makabubuti sa tao, kung ano ang ikaliligaya, kung ano ang ikalulungkot, kung ano ang ikatatagumpay nito at kung ano ang maaaring maging sanhi ng kapighatian o kapahamakan nito. Nalalaman ng Allah () na Siyang Tagapaglikha kung ano ang nararapat at pangangailangan ng buong sangkatauhan. Mayroon pa kayang batas na higit pang mabuti kaysa sa Batas ng Tagapaglikha?

 

Ang Banal na Qur’an na ipinahayag kay Propeta Muhammad (), na mahigit na labing apat na dekada na ang nakararaan, ay siyang unang pinagmumulan ng Batas ng Islam at ito ay naglalaman ng mga dakilang aral tungkol sa mga pangunahing batas panlipunan. Karagdagan pa nito, ang Sunnah ng Sugo ng Allah (), na siyang ikalawang pinagmumulan ng Batas ng Islam, ay naglalaman ng mga salita, gawain at mga pangyayaring sinang-ayunan ng Propeta Muhammad at kalakip ng paglalarawan nito para sa pagpapatupad at pagpapairal ng mga alituntunin na iniuutos mula sa kapahayagan ng Banal na Qur’an. Ang mga alituntunin at prinsipiyong ito ay itinatag sa pinakamagandang ayos at pamamaraan. Ang tao bilang natatanging nilikha na may higit na pagpapala sa lahat ng nilikha ay binigyan ng karangalan at kinilala ng Banal na Qur’an at ng Sunnah ng Sugo ng Allah () at maging ang lahat ng karapatang likas na nauukol sa kanya. Sa kabilang dako, ang dalawang pinagmumulan ng Islamikong Batas (Qur’an at Sunnah) ay hindi naman isinasantabi o pinababayaan ang pangangailangan at karapatan ng lipunan at  pangkalahatang kabutihan (general public interest).

 

Katunayan nito, ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi:

 

“At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan; pinagkalooban ng masasakyan sa mga lupain at karagatan. At Amin silang ginawaran ng kabuhayan na mabuti at wagas; at Amin silang pinagpala ng higit sa karamihan ng Aming mga nilikha na may tanda ng pagtatangi.” [5]

 

Ang pagpaparangal sa sangkatauhan ay binubuo ng mga karapatang itinakda na nagbibigay daan ng pagsulong ng buhay, kalayaan at kabihasnan.  Kaalinsabay nito, ang tao ay pinarangalan at ginawang nakatataas ng higit kaninuman dito sa mundo. At upang maisakatuparan ang tungkulin ng tao bilang siyang nakatataas ng higit kaninuman, nararapat na mayroong ibat-ibang uri ng pananagutan batay sa antas ng kakayahan upang maisakatuparan ang bawat itinakdang tungkulin. Magkagayon, ang lipunan ay magkakaroon ng higit na maayos at magandang haligi at gawain. Ang konseptong ito ay matatagpuan  batay sa kapahayagan ng Banal na Qur’an:

 

“Ginawa Niya kayong maging Khalifa (Tagapamahala ng Daigdig); sa bawat henerasyon, mga tagapagmana ng mundo. Kanyang itinaas ang inyong antas, ang ilan sa inyo ay nakahihigit kaysa sa iba upang kayo ay subukan sa mga handog na ipinagkaloob sa inyo. Sapagkat ang inyong Panginoon ay maagap sa pagpaparusa. Subalit, siya ay tunay na laging mapagpatawad, ang (ganap na) Maawain.” [6]

 

Ayon sa Relihiyong Islam, ang mga karapatan ng tao ay isang pagpapahiwatig ng patuloy na pamamaraan ng buhay na walang katapusan maging pagkaraan ng kamatayan ng tao. Kabilang sa mga karapatan ng tao sa Islam ay nauukol sa panahon ng kanyang kamatayan. Siya ay dapat paliguan ng maayos, bihisan ng malinis at maayos na puting damit (shroud[7]) at dapat isagawa ang pagdarasal at ilibing sa marangal na kaayusan bilang wakas ng kanyang buhay dito sa mundo. Ipinagbabawal ng Islam ang pang-aalipusta sa bangkay ng namatay; tulad ng pagputol ng tainga, dila, ilong, alisin ang mata, bunutin ang ngipin, o putulin ang mga paa at iba pa. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ():

“Ang pagbakli ng buto ng isang patay ay isang kasalanang katumbas (ng kasalanan) ng pagbakli ng buto ng isang taong buhay.” [8]

 

Pagkaraang mailibing ang isang namatay ay iginagalang pa rin sa pamamagitan ng kanyang mga karapatan: ang kanyang libingan ay hindi dapat hukayin ng walang mahalagang dahilan, sinoman ay di pinahihintulutang maupo sa itaas ng libingan ng namatay at sinoman ay pinagbabawalang tapakan o lumakad sa libingan nito. Ito ay batay sa sinabi ng Sugo ng Allah ():

 

“Higit na mabuti sa isang tao na umupo sa nagliliyab na uling na nasusunog ang kanyang damit, (at) pagkaraan ay makadarama ng init sa kanyang balat kaysa umupo sa libingan (ng patay).”[9]

 

Ang isang namatay na Muslim ay may karapatan ding pangalagaan ang kanyang dangal laban sa anumang masamang balita o ala-ala. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Banggitin lamang ang mga mabubuting gawa ng inyong namatay at iwasan ang pagbanggit ng mga nakasisirang puri (na nalalaman ninyo noong siya ay buhay pa).”[10]

 

Sa katunayan, marami pang karapatan ang mga namatay na Muslim katulad ng mga sumusunod; ang namatay ay kailangan laging ipagdasal at dapat magbigay ng kawanggawa alang-alang sa kanya. Ang namatay na Muslim ay kinakailangan isaalang-alang ang pagpapatupad ng kanyang huling habilin (Last Will), at kung maaari ay tuparin ang kanyang mga kahilingan noong siya ay nabubuhay pa (na hindi natupad dahil sa biglaang kamatayan). Ito ay batay sa isang Hadith ng Propeta ng Allah ().

 

“Isang tao ang nagtanong sa Propeta ng Allah (); ‘O Propeta ng Allah! Ang mga magulang ko ay patay na. Mayroon ba akong magagawang kabutihan  para sa ikaliligaya at ikabubuti nila kahit pagkatapos ng kanilang kamatayan? Ang Propeta ng Allah ay dagling sumagot?’ “Oo, ipagdasal mo ang kaluluwa nila. Igalang ang kanilang mga kaibigan at maging mapagbigay sa kanila. Pagsikapang madalaw lagi at magpakita ng magandang pakikisama sa kanilang mga kamag-anak at tuparin ang pangako nila sa iba (ang mga naipangako nila noong nabubuhay pa sila)”.

 

Mapapansin natin na may mga ibang pandaigdigang samahan katulad ng mga Kapisanang Makatao (Humanitarian Organizations) ngayon na may pinanghahawakang prinsipiyo na katulad ng aming inilahad sa itaas. Subalit, unang naitatag ng Islam ang mga karapatang pantao mula pa noong mahigit na labing apat na siglo na ang nakakaraan. Sa katunayan ang mga inilahad na karapatan para sa tao ng mga pandaigdigang samahan sa ngayon ay mapupuna natin na ang mga ito ay may pagkukulang sa mga katangian. Ang mga nasabing karapatan ay pinagtibay hindi dahil sa kapakanan ng tao, kundi dahil sa kapakanan mismo ng samahan nila. Makikita nating maliwanag na ang mga karapatan para sa tao ng samahang ito sa buong mundo ay karaniwang ipinagtatanggol ang karapatan ng mga naaabuso, ngunit ang mahihirap ay hindi tinutulungan at ang mga mahihina ay kinakalimutan.

 

Ang mga ibang makataong samahan ay hindi tumutulong sa mga taong naaapi dahil hindi makapagdulot sa kanilang kapakanan o kapakinabangan. Kung tutuusin ang mga samahang ito ay makakatulong kung nanaisin lamang nila, subalit, sa dahilang wala silang nakukuhang pakinabang sa pagtulong nila sa mga dukha, hindi sila nagtatangkang tumulong sa mga ito.  Ang mga ganitong samahan, sa kasong nabanggit, ay may salawikain na ganito: ‘Huwag manghimasok sa kaguluhang panloob ng ibang bansa!’

 

Ang Islam, sa kabilang dako, ay nanawagan para sa proteksiyon, pagtatanggol at pagtulong para sa mga naaapi sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng sariling hangarin.  Ang Islam ay nanghihikayat na pawiin ang paghihirap ng mga naaapi kung kaya rin lamang at walang pinsalang maidudulot sa mga tumutulong at nararapat na walang pangyayaring sumasalungat sa mga alituntunin at regulasyon ng pamahalaan. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur’an na naisalin ang kahulugan ng ganito:

 

“At ano ba ang humahadlang sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa landas ng Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan ng mga masasama at inaalipusta sa lipon ng mga kalalakihan, kababaihan at mga bata na ang pagsusumamo ay: Aming Panginoon! Iligtas Ninyo kami sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api, Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang tagapagtanggol, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makakatulong at isang makapangangalaga.”[11]

 

Magandang bigyang pansin dito na ang pagsasakatuparan ng karapatan para sa tao sa ilalim ng Islamikong bansa ay malulutas lamang sa pagsasagawa ng aral at Prinsipiyo ng Islam. Ang mga ibang bansang Muslim ay tumatalikod (ng ganap) sa mga aral ng Islam at ang mga iba naman ay kinukuha lamang ang ibang aral na nakapagdudulot sa kanila ng personal na kapakinabangan. At mayroon namang ibang Islamikong lugar na nagkukunwaring isinasagawa ang mga Islamikong alituntunin at prinsipiyo, ngunit sa katotohanan sinisira nila ang Islam sa kaloob-looban nito. Kaya, aming ipinapayo sa mga taong may layunin na mag-aral tungkol sa Islam, na dapat pag-aralan ang buong katotohanan, ang batas ng Islam. Hindi dapat mahikayat sa mga ginagawa ng ibang tao o pangkat ng tao o ng isang bansa o ng isang pamahalaan.

 

Katulad ng naunang nabanggit, ang pagsasakatuparan ng Islamikong batas at prinsipiyo ay nagkakaiba-iba, batay na rin sa layunin at pasiya. Mayroong mabuting alituntunin at batas ngunit mapapansin natin na may pagkukulang at pagkakamali sa pagsasagawa o sa pagpapatupad nito. Kailangang suriin nating mabuti ang paggamit o pagsasagawa mismo at hindi ang batas. Tulad halimbawa, kung may taong nagsasabi na siya ay isang mabuting Muslim, ngunit kung tingnan natin ang kanyang pag-uugali at kilos, ay taliwas naman at kakaiba sa tunay na asal na inilalarawan ng Islam – sa pagkakataong ito, dapat nating tanungin ang mga tao ng ganito. Kung may makita kayong mga taong nandaraya, at hindi tumutupad sa pinagkasunduan, huwag nating husgahan ang Relihiyong Islam, ngunit higit sa lahat ay tanungin at husgahan natin ang taong gumagawa ng kamalian. Kailangang isaalang-alang natin ang naidudulot nitong tunay na kabutihan. Katulad, halimbawa na kung kailangan ng isang tao ang tinapay dapat siyang pumunta at bumili sa panaderya o kaya sa tindahan na nagtitinda ng tinapay. Mayroong pangkalahatang pahayag ang Banal na Qur’an:

 

“At kung kayo ang susunod sa karamihan sa kanila na nasa kalupaan, kayo ay kanilang ililigaw nang malayo sa landas ng Allah. Wala silang sinusunod maliban sa mga haka-haka lamang at wala silang ginagawa maliban sa kasinu-ngalingan.” [12]

 

Nakakalungkot banggitin na marami tayong nakikitang Muslim (sa kasalukuyan) sa buong mundo, na hindi tunay na huwaran ng Islam at maraming Muslim ang gumagawa ng kasamaan at marami ring pagkukulang sa pagsasakatuparan ng Islam. Masakit isipin ang ganitong kasamaang palad ngunit ito ay katotohanan. Ang dahilan ng aming paglalahad ng katotohanan sa pambungad na ito ay upang bigyan ng paunang babala ang mga taong may hangaring yumakap at tumanggap sa Islam bilang kanilang Pamamaraan ng Buhay. Hindi sila dapat maimpluwensiya upang mahikayat o madaya ng mga maling pag-uugali at pag-aasal ng ibang Muslim. Iminumungkahi namin sa mga taong interesado at nais yumakap sa Islam na sila ay hindi dapat mawalan ng lakas ng loob upang tahakin ang magandang landas ng buhay tungo sa kapayapaan at kaligtasan sa kabilang buhay.

 

Samantalang, hinihikayat at tuwina ay pinaaalalahanan ang mga Muslim na panatilihin ang pinakamabuting pagsasagawa ng kanilang pananampalataya sa lahat ng aspeto ng buhay.  Sa kabilang dako, tinatawagan namin ng pansin ang mga hindi pa Muslim na pag-aralang mabuti, unawain ang mga prinsipiyo at subukang mamuhay sa pamantayan nito at matatamo ninyo ang kaibahan ng tunay na kapayapaan. Katulad ng isang Amerikanong bagong Muslim, na nakarating sa isang bansang Islamiko, at nagulat siya sa nakapanlulumong kalagayan ng Islamikong Lipunan. Napansin niya na napakalayo nila sa maganda at ulirang Islamikong aral, ang mga  prinsipiyo at alituntunin. Nasabi niya:

 

“Pinasasalamatan ko ang Makapangyarihang Allah, sa pagbibigay ng patnubay sa akin sa pagyakap ko ng Islam bilang panuntunan ng buhay bago ako nakarating sa bansang ito. Kung sakali’t dumating ako sa bayang ito na hindi pa Muslim, hindi ko iisipin na ako ay yayakap sa Islam.”

 

Naipahayag ng bagong Muslim ang mga ito sa dahilang nakita niya ang pagpapabaya at pang-aabuso sa tungkulin ng ibang mga Muslim. Tunay na nakakalungkot ang ganitong kalagayan.

 

 

Dr. Abd Ar-Rahman bin Abd Al-Kareem Ash-Sheha

WWW.ISLAMLAND.COM

email: info@islamland.com

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang Islam at ang Mga Pangunahing Pangangailangan

 

Ang Islam ay may sakdal na layunin na makapagtatag ng isang huwaran at magandang pamayanan. Upang maisakatuparan ang mga ito, lubhang kinakailangan ang mga itinakdang pamantayan o batayan sa pagkakaroon ng ganap na katiyakan na makamtan ang lahat ng karapatan ng mga mamamayan sa isang pamayanan.  Kung ang mga tao ay nakadarama ng kasiyahan sa katahimikan, kapanatagan, kalayaan at sa mga masaganang bagay na kinakailangan, maaaring sila ay magiging mabuting mamamayan.  Ang mga tao sa ganitong maayos na pamayanan ay magiging maligaya sa kanilang lehitimong karapatan.

 

Basahin ang mensahe ng Propeta ng Allah ():

 

“Sinuman ang magising sa umaga na may panatag na pakiramdam sa kanilang pook, walang sakit at karamdaman sa katawan at mayroong sapat na panustos (pagkain at kagamitan) sa loob ng isang araw, ang mga taong ito ay tila  ba  sa kanila ang buong mundo.” [13]

 

Samakatuwid, hangarin ng Islam na makapagtatag at makapagpatayo ng isang balangkas ng pamayanan na magkakaloob ng mga sumusunod:

 

  1. Kapayapaan at Kaligtasan:

 

Ang Islam ay nag-aalay ng pansariling katiwasayan at pampamilyang kaligtasan at pangangalaga. Ang mga kasapi ng pamayanan ng mga Muslim ay dapat na walang kinatatakutan o pinangangambahan at hindi dapat na pagbantaan ng sinoman kahit sa salita man lang. Ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ():

 

“Sinoman ang manakot o mang-abuso sa isang mananampalataya (dito sa mundo), magiging isang tungkulin ng Allah  na bigyan ang taong ito (nanakot) ng walang kapanatagan at takutin siya (ng walang tigil) sa Araw ng Paghuhukom.” [14]

 

Ang katiwasayan ay nagbibigay sa isang mamamayan (sa pamayanan) ng kalayaan sa pagkilos upang makapaghanap-buhay at tuluyang kumita sa matapat na pamamaraan. Ang pangunahing parusa (Capital Punishment) ay ipinapataw at ipinaiiral upang magkaroon ng mahigpit na parusa sa mga taong may tangkang maghasik ng kaguluhan sa kapayapaan, katiwasayan at katatagan ng bayan ng mga Muslim.  Isa sa mga mahigpit na parusa sa mga kriminal, batay sa batas ng Islam ay ang parusa para sa paghahasik ng kaguluhan sa kapayapaan at katiwasayan at ang pananakot sa mga inosente o walang kasalanan na mamamayan. Inilahad ito ng Propeta ng Allah () mula sa kanyang huling sermon:

 

“Katotohanan, ang inyong dugo, ang inyong pinangangalagaang bagay, ang inyong mga kayamanan ay ipinagbabawal sa iba.  At bawal na dungisan  ang mga ito katulad ng pagbabawal na dungisan ang Banal na Araw na ito (Araw ng Arafah, sa panahon ng Hajj), sa Banal na Buwan na ito, [ang Buwan ng Peregrinasyon, (Pilgrimage), Thul-Hijjah] at ang Banal na Lugar (Lungsod ng Makkah).”[15]

 

  1. Malinis na Pagkain at Kabuhayan Para sa Lahat

 

Ang pagkaing malinis at mainam na kabuhayan ay nakatalaga sa Islamikong pamayanan, mula sa maayos at magandang paghahanap-buhay. Ang Islamikong pamahalaan ay may nakalaan na mabuting gawain para sa mga mamamayan para sa kanilang pangangailangan sa buhay.  At ang mga taong hindi na kayang maghanapbuhay, mga matatanda, mga may kapansanan, may karamdamang hindi na gagaling, at ang mga naulila sa mga ama, ay dapat paglaanan ng pamahalaang Islamiko ng kanilang kabuhayan.  Ang mga Zakah at kawanggawa ay nararapat sa mga ganitong uri ng tao na hindi na makapaghanap-buhay. Ang Zakah at mga kawanggawa ay kumakatawan bilang mekanismo sa panlipunang pagkakaisa ng mga mamamayan sa Islamikong pamayanan. Ang Zakah at kawanggawa ay mga tungkulin at kusang pagbibigay mula sa mga mayayaman at mga may kakayahan at ibinibigay ito sa mga tunay na mahihirap at nangangailangan sa pamayanan.  Ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah () bilang payo sa kanyang kasamahan na si Muaadh bin Jabal () samantalang inuutusan siyang pumunta ng Yemen upang ipalaganap ang Islam (Dawah- layuning mag-aanyaya sa Islam):

 

“Sabihin mo sa mga mamamayan ng Yemen na ipinag-uutos ng Allah na magbigay ng tulong, ilang bahagdan mula sa kanilang mga kayamanan bilang Zakah at Sadaqah (kawanggawa).  Ang Zakah ay mula sa mga mayayamang mamamayan na kasapi ng kanilang pamayanan at ibinibigay sa mga mahihirap at sa mga taong  nangangailangan.” [16]

 

Karagdagan dito, ang mga ibang kusang loob na kawanggawa at tulong o handog at mga salaping nakalaan dito ay ibinibigay ng taos-puso sa mga mahihirap na mamamayan, na may tanging layunin upang bigyang kasiyahan at lugod ang Allah (). Ang pahayag na ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ():

 

“Sinoman sa mga taong nakatira sa isang Islamikong pamayanan at hindi binigyang pagpapahalaga ang kanyang kapwa na nagugutom (nagdarahop) siya ay hindi itinuturing ng Allah  at ng Kanyang Propeta bilang tunay na Muslim.” [17]

 

Ang mga mahihirap at ang mga dukhang mamamayan ay may karapatang bigyan ng tulong mula sa Kaban ng Muslim na Lipunan. (Bait-al-Mal Al Muslimeen).  Ang paglalahad ng aral na ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ():

 

“Ang sinomang may naiwanang yaman upang ipamana ay nararapat ibigay sa kanyang mga tagapagmana (heredero).  Ngunit yaong mga taong iniwang mahihirap na miyembro ng pamilya, ang Allah at ang Propeta ang magkakaloob ng mga pangangailangan nila.” [18]

 

  1. Pangunahing Edukasyon para sa Lahat

 

Ang Allah () ay nagsabi batay sa pahayag ng Banal na Qur’an: 

 

“Sabihin mo! ‘Yaon kayang may kaalaman ay katulad niyaong walang kaalaman ? Yaon lamang mga taong may pang-unawa ang tatanggap ng paalala.”[19]

 

Karagdagan pa dito, ang Allah () ay nagsabi sa isa pang talata ng Banal na Qur’an:

 

“…at kung kayo ay sinabihan upang bumangon (para sa pagdarasal, Jihad at iba pang mabubuting gawa) kailangan kayong tumindig… Ang Allah  ay itataas kayo (sa angkop na antas) at sa mataas na kalagayan yaong sa inyo ay nananampalataya at yaong mga pinagkalooban ng katalinuhan.  Ang Allah  ang maalam sa lahat ng inyong ginagawa.”[20]

 

Ang edukasyon sa Islamikong pamayanan ay hindi lamang karapatan ng mga mamamayan. Bagkus, ito ay isang tungkulin ng bawat isa na may kakayahan. Lahat ng may talino at may kakayahan sa isang pamayanan na Muslim ay nararapat na mag-aral tungkol sa Relihiyon at sa makamundong kapakanan. Sa katunayan, ang Islamikong pamahalaan ay dapat maghanda at tumulong sa lahat ng kaparaanan (para sa mga mamamayan) para sa kanilang magandang kinabukasan. Ang konseptong ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ():

 

“Ang paghahanap ng kaalaman (mabuting edukasyon) ay tungkulin ng bawat Muslim (lalaki man o babae).” [21]

 

Bukod dito, iminumungkahi ng Islam ang paghahanap ng magandang edukasyon bilang pagsisikap at isang uri ng Jihad (pakikibaka sa landas ng Allah) na may malaking gantimpala mula sa Allah (). Ang Propeta ng Allah ()ay nagsabi:

 

“Sinoman ang naghahanap ng kaalaman (kapaki-pakinabang), ay itinuturing ang taong ito bilang nagsagawa ng Jihad para sa Landas ng Allah hanggang siya ay makabalik (sa kanyang tahanan)”[22]

 

At sinabi pa rin ng Propeta ng Allah ():

 

“Kung sinoman ang tumahak sa daan ng paghahanap ng kaalaman  (o magandang edukasyon), ang Allah ay naglaan ng daan para sa kanya tungo sa Paraiso.” [23]

 

Sa katunayan, isinaalang-alang ng Islam na ang pagkakait o pagpipigil upang makamit ang mabuting kaalaman at ang hindi pamamahagi nito para sa kapakanan ng iba ay hindi umaayon sa Batas ng Islam. Ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:

 

“Kung sinoman ang nagkait at hindi namahagi ng mabuting kaalaman sa mga nangangailangan ay mapaparusahan sa apoy ng Impiyerno sa Araw ng Paghuhukom.” [24]

 

Karagdagan pa dito, ipinapaalala at binabalaan na lapatan ng parusa o multa ang mga taong nagbabawal at yaong hindi naghahanap o di kaya ay hindi lumalahok at nakikiisa sa pagpapataguyod at pagpapaunlad ng edukasyon sa Islamikong pamayanan. Ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:

 

“Ang sinomang hindi nakapag-aral ay dapat magsikap humanap ng kaalaman sa kanilang mga kapit-bahay o karatig pook. Ang may kaalaman ay dapat magturo sa kanilang mga kapit-bahay, at kung ito ay hindi magawa, may ipapataw na parusa sa mga ito.” [25]

 

  1. Maayos at Maaliwalas na Tanggapang Pangkalusugan

 

   Sa isang dako, ang Islam ay nagbabawal sa lahat ng bagay na nakakasira sa kalusugan ng mga mamamayan. Ipinagbabawal ang lahat ng uri ng gamot na nakakapinsala at nakakalasing. Ipinagbabawal ng Islam ang magtinda ng lahat ng uri ng pagkaing lagpas na sa itinakdang taning na petsa ng bisa. Bawal din sa Islam ang lahat ng uri na gawaing kalaswaan (immorality) katulad ng pakiki-apid at pangangalunya [maging ang ugnayang babae sa babae (lesbian) at lalake sa lalake (homosexual)]. Pinangangalagaan ng Islam ang mga tao mula sa mga gawaing immoralidad sa pamamagitan ng pagpapailalim sa kuwarentenas (quarantine) upang sa gayon ang mga sakit ay hindi kumalat at lumaganap sa buong pamayanan. Ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:

 

“Kung may balitang kumakalat na sakit o epidemya sa isang lugar, magkagayon huwag kayong maglakbay (patungo) sa pook na yaon. At kung may kumakalat na epidemya sa mismong lugar na inyong tinitirhan, nararapat na huwag kayong umalis o lumisan mula  dito. [26]

 

Bukod dito ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:

 

“Ang isang may sakit na tao ay hindi dapat dumalaw  sa isang papagaling na sa karamdaman.” [27]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Ang Pagkakapantay-pantay sa Islam

 

   Inaalis ng Islam ang lahat ng mga bagay na nakakasagabal sa mga kasapi ng Islamikong pamayanan upang maayos at masaya nilang maisagawa ang kanilang lehitimong karapatan. Hindi pinahihintulutan ang anumang uri ng pagtatangi-tangi (discrimination) sa Islam. Ang lahi, kulay, lugar o wika ay hindi dapat magbigay ng natatanging katayuan ng sinoman sa Islamikong pamayanan. Ito ay ipinatutupad upang maiwasan ang hindi pagkakaisa ng mga mamamayan. Ang paglalahad na ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“O Sangkatauhan! Maging mapitagan at masunurin kayo sa inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan) at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae.  Matakot sa Allah, mula sa Kanya ay nanggaling ang inyong magkaugnay na karapatan at (huwag putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (na nagluwal sa inyo) sapagkat katiyakan na ang Allah ay lagi nang nagmamasid sa inyo.”[28] 

 

   Batay din sa sinabi ng Propeta ng Allah ():

 

“O Sangkatauhan! Ang inyong Panginoon ay Isa. Ang inyong Ama ay isa, at lahat kayo ay mula kay Adan at si Adan ay nilikha mula sa alabok (ng mundo).  Katotohanan ang kapuri-puri sa harap ng inyong Panginoon, ang Makapang-yarihang Allah, ay ang mapitagan sa lahat. Walang nakakahigit na hindi Arabo kaysa sa Arabo at walang nakakahigit na Arabo kaysa sa hindi Arabo. Gayon din, hindi hihigit ang may balat na pula kaysa sa puting kulay. O kaya ay nakakahigit ang may puting kulay kaysa sa pulang kulay, maliban kung ito ay mapitagan at masunurin (lagi nang nakakaalala sa Allah  sa buhay at sa gawa)”.[29]

 

   Batay sa katuruan ng Islam, ang pinagmulan ng sangkatauhan at ang lahat ng lahi nito ay iisa na walang pagtatangi. Hindi pinahihintulutan ng Islam na magkaroon ang mga Muslim ng pagmamataas dahil sa kanilang pinagmulan (angkan) o dahil sa katayuang panlipunan at sa pagkakaroon ng ari-arian at ng iba pang tulad nito.  Ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:

 

“Ang Makapangyarihang Allah ay pinawi ang gawaing pangmamataas na ito, na palasak (na kaugalian) bago dumating ang Islam, nang ang karamihan ay mapagmalaki ng dahil sa kanilang pinagmulang lipi. (Ngunit) lahat ng tao ay nagmula kay Adan  at si Adan ay nilikha (lamang) mula sa alabok (lupa).” [30]

 

   Karagdagan nito hindi pinahintulutan ng Islam ang lahat ng uri ng pagtatangi.  Noong una, ang mga Hudyo at Kristiyano ay isinaalang-alang na mataas ang kanilang lahi. Batay dito, ang Allah () ay nagpahayag ng katotohanan tungkol sa kanila katulad ng pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“Ang mga Hudyo at Kristiyano ay (kapwa) nagsasabi: “Kami ang mga anak ng Allah  at Kanyang minamahal”. Sabihin, ‘kung gayon bakit kayo ay Kanyang pinarurusahan sa inyong mga kasalanan?’ Hindi! kayo ay mga tao lamang, at Kanyang pinatatawad ang sinomang Kanyang maibigan at pinarurusahan Niya ang sinomang Kanyang naisin. At ang Allah  ang nag-aangkin ng kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito at sa Kanya ang pagbabalik (ng lahat).”[31]

 

   Iniulat din ng isang kasamahan ng Propeta ng Allah () na si Abu Tharr () na nagsabi sa kanyang maitim na alipin ng ganito; ‘O anak ng maitim na babae…’; hanggang makarating ang pangyayaring ito kay Propeta Muhammad () at pinagsabihan kaagad-agad si Abu Tharr ()  ng ganito:

 

“Iniinsulto mo ba siya ng dahil sa kanyang maitim na Ina? Tunay na mayroong ka pang kaugalian na nagmula pa noong panahon ng kamangmangan (Jahiliyah)! Napakasakit ng sinabi mo! Napakasakit ng sinabi mo! Hindi matatagpuan ang kabutihan o kagalingan nang dahil lamang sa siya ay anak ng isang maputing babae higit kaysa doon sa anak ng isang maitim na babae, kundi matatagpuan ito sa gawang kabanalan at kabutihan at pagka-makatuwiran”[32]

 

   Nang marinig ni Abu Tharr () ang puna ng Propeta ng Allah (), ibinaba niya ang kanyang ulo sa lupa upang ipaapak sa maitim na paa ng kanyang alipin, bagama’t hindi ipinagawa ng Propeta () na gawin ito. Ikinalungkot at pinagsisihan ni Abu Tharr () at nais niyang magkaroon ng aral kaya niya ipinapaapak ang kanyang ulo (sa lupa) upang hindi na maulit pa ang kasalanang ito sa darating na araw.

 

   Gayon din, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa itinakdang ibat-ibang uri ng pagsamba; ang mayaman, ang mahirap, ang namumuno, ang manggagawa, ang mga puti, itim ay pantay lahat sa paningin ng Allah () sa larangan ng pagsamba sa Islam. Ang mga naitakdang kautusan at ang mga ipinagbabawal sa Islam ay ipinatutupad sa lahat na walang kinikilingan.  Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi;

 

“Sinoman ang nagsikhay ng kabutihan, ito ay upang sa kapakinabangan ng kanyang sariling kaluluwa; at sinoman ang nagsikhay ng kasamaan, ito ay laban sa kanyang sariling kaluluwa: at ang iyong Panginoon ay hindi kailanman naging di-makatarungan sa Kanyang mga alipin.”[33].

 

   Ang pagkakaiba ng bawat tao sa paningin ng Allah () ay batay sa kanilang kabanalan, kabaitan at sa pagsunod at pagtalima sa mga Kautusan ng Allah (). Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag batay sa Banal na Qur’an:

 

“O Sangkatauhan! Nilikha Namin kayo mula sa isang pares ng lalaki at babae, at ginawa Namin kayo na maraming bansa at mga tribo upang magkakila-kilala ang bawat isa sa inyo (at hindi upang hamakin ang bawat isa). Katotohanan ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay yaong sumasampalataya na may Taqwa (ang may takot sa Allah at gumagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na ipinag-uutos sa kanya). Katotohanan ang Allah  ay tigib ng Kaalaman at lubos na Nakababatid sa lahat ng bagay.”[34]

 

   Ang lahat ng tao ay pantay sa Batas ng Islam. Ang kaparusahan, paghatol at ang paglilitis ng naaayon sa batas ay para sa lahat ng uri ng tao na walang pagkiling. Walang partikular na uri ng paghahatol o kaparusahan para sa mga ilang uri lamang.  Lahat ay pantay na saklaw ng kapangyarihan ng Batas Islamiko. Wala ring isang uri ng tao ang magiging ligtas sa sakop ng Islamikong Batas. Si Aesha ay nag-ulat na ang mga ‘Korishites’ ay nangabalisa nang malaman nila na ang isang babaing ‘Makhzoomi’ ay nagnakaw at ang Propeta ng Allah () ay nais ipatupad ang kaparusahan ng pagputol ng kamay nito.  Ang mga ‘Korishites’ ay nag-usap at napagkasunduan nilang kausapin ang pinakamamahal na anak ng kasama ng Propeta ng Allah () na si Osamah bin Zaid (). Kaya si Osamah () ay nakiusap sa Propeta ng Allah ()  tungkol sa babaing Makhzoomi. Nang marinig ang salita ni Osamah (), ang sabi ng Propeta ng Allah (); ‘O, Osamah! nakipagkita ka ba upang mamagitan sa itinakdang kaparusahan ng Allah, (ang pagputol ng kamay). Ang Propeta () ay tumayo pagkatapos nakipag-usap kay Osamah () at nagbigay-aral:

 

“O Sangkatauhan! Bago pa man kayo, ang mga naunang bansa ay nangapinsala (nawasak) dahil sa katotohanan na kung ang mga may impluwensiya (mayayaman) ang nakagawa ng kasalanan (i.e.: nagnakaw), pinapalaya nila na hindi nilalapatan ng kaparusahan, ngunit kung ang mahirap at mahihinang tao ang nakagawa ng kasalanan (i.e.: nagnakaw) ay iginagawad kaagad ang pangunahing kaparusahan. Sa Ngalan ng Allah, kung si Fatimah, na anak ni Muhammad ay nagnakaw (na ang halaga ay sakop ng pangunahing kaparusahan) ay puputulin ko ang kanyang kamay.” [35]

 

   Lahat ng mamamayan ng isang bansa ay may karapatan na makinabang sa mga yamang kalikasan, at kailangan na ang lahat ay pantay sa ganitong karapatan. Ito ay nangangahulugan na lahat ng tao ay pantay-pantay na makakakuha ng kani-kanilang bahagi sa Islamikong pampublikong kayamanan. Datapwa’t, hindi magkakatulad ang kanilang tungkulin at gawain (para sa bayan).  Ang unang Khalifa, si Abu Bakr () ay namahagi ng pantay-pantay na handog para sa mga Muslim. Ang mga ibang tao ay magkakaiba sa kanilang haka-haka tungkol dito sa ipinamahaging handog at sila ay nangatuwiran, ‘O Khalifa ng Propeta napuna namin na iyong ipinagkaloob at ipinamahagi ang mga handog ng pantay-pantay sa  mga tao. Ngunit ang mga ibang tao ay nakagawa ng higit na kagalingan kaysa sa iba.  Hangad naming bigyan ninyo sila ng natatanging handog (ang mga taong gumawa ng nakahihigit).’ Si Abu Bakr () ay sumagot: “Papaano ko masasabi at isasaalang-alang ang kagalingan at pribilehiyo ng mga sinasabi ninyong mga tao? Ang aking ipinamahagi ay mga panggugol at sustento. Ang pagbibigay ng pantay-pantay na panustos sa mga tao ay mas mabuti kaysa bigyan ng higit ang mga iba. At ang mga gumagawa ng higit at labis para sa Ngalan ng Islam, ang kanilang gantimpala ay nakalaan mula sa Allah. At ang makamundong kayamanan ay naririto para sa mabubuti at masasamang tao. Ang ipinamahagi ko ay hindi gantimpala ng kanilang labis na paglilingkod.” [36]

 

   Ang bawat miyembro ng Islamikong pamayanan ay may karapatan sa pambansang kayamanan kabilang na rito ang mga kayamanan sa lupa, katulad ng mga ginto, pilak, diyamante, langis at iba pang mahahalagang hiyas at mga metal. Ang Islamikong pamahalaan ay dapat gumawa ng makalayuning hakbangin upang makatiyak ng pagkakataong magkaroon ang lahat ng kanyang mamamayan ng hanap-buhay at magamit ang mga likas na yaman ng bayan para sa kaunlaran at kabutihan ng mga mamamayan. Walang dapat magkaroon ng karapatan na masarili o umabuso para sa kanilang personal na kapakinabangan sa mga yamang pambansa. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“Siya (ang Allah) ang lumikha sa mundo na maaari ninyong pamahalaan, kaya tahakin ang Kanyang daan at malugod ninyong tamasahin ang kabuhayang ipinagkaloob; ngunit sa Kanya ang inyong Muling Pagkabuhay.”[37]

 

   Ipinahayag ng Islam na ang lahat ay pantay sa kahalagahan ng tao.  Ang pagkakaiba ay makikilala batay sa kabutihang nagawa para sa pamayanan o komunidad. Karagdagan pa dito, pinapahalagahan ng Islam ang mga mabubuting gawain para sa relihiyon sa pamayanan na naidudulot ng bawat isa. Ngunit ang Islam ay nag-uutos na bigyan ng katumbas na kabayaran ang mga mabubuting gawa at nararapat ding bayaran ang mga iba batay sa kanilang pinagsumikapang gawain. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“At para sa lahat ay may antas na naayon sa kanilang ginawa. At ang inyong Panginoon ang nakakaalam ng kanilang ginawa.”[38]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang Islam at ang Pangunahing Kinakailangan

 

   Dapat nating matanto na ang Islam ay dumating upang bigyang kaganapan ang mga naunang relihiyon at pananampalataya sa mundo. Sa katunayan, si Propeta Muhammad bin Abdullah () ay ganap na isinakatuparan ang mga layunin ng mga naunang mga Propeta. Ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:

 

“Ang kahalintulad ko at  ng mga Propetang nauna sa akin ay katulad ng isang tao na nagtayo ng isang magandang tirahan. Ang bahay na ito ay lubos na maganda, maringal at kahanga-hanga, maliban sa isang tipak ng bato (bricks) sa isang sulok na hindi nailagay. Ang mga tao ay humahanga sa bahay ngunit sila ay nagugulat kung bakit hindi ikinabit ng may-ari ang isang tipak ng bato na kulang. Ako ang isang tipak na batong nawawala. Ako ang panghuling Propeta (para sa Sangkatauhan).” [39]

 

   Mauunawaan natin na ang Islam ay naglaan ng mga pangunahing pangangailangan para sa tao at pinagtibay ang mga sumusunod:

 

  • Ang Pangangalaga sa Dakilang Relihiyon

 

    Basahin natin ang mga sumusunod na talata sa Banal na Qur’an:

 

“At makipaglaban kayo para sa landas ng Allah  sa kanila na umuusig sa inyo. Datapwa’t huwag kayong lumabag sa hangganan, sapagkat ang Allah  ay hindi nagmamahal sa mga nagmamalabis (sa pagsuway).”[40]

 

   Ipinag-utos ng Allah () ang Jihad, ang pakikibaka o pakikipaglaban dahil sa Kanyang Landas na may marangal na gantimpala at ito ay pinaniniwalaan at tinutupad ng mga Muslim. Sa katotohanan, ang Jihad ay itinuturing na isang umbok (sa likod) ng kamelyo, ang pinakamataas at mahalagang bahagi ng kamelyo para sa mga Muslim. Ang pakikipaglaban at pagpupunyagi para sa landas ng Allah () ay ibinabantayog ng may pagtatangi ng mga matatapat na mananampalatayang Muslim sa mundong ito. Ito ay itinuturing ng may higit na pitagan kasabay ng may ganap at tamang kaalaman sa pinaka layunin nito. Sa katunayan, ang Jihad ay tinanggap at mahusay na naitatag at sadyang nalalaman na rin ito ng mga ibang pananampalataya at ng ibang bansa noong una pa. Datapwa’t (alam natin) na ang mabuti at masama ay lagi nang nangyayari sa lahat ng  pamayanan sa buong mundo at ng buong kasaysayan. Samakatuwid, ang Jihad ay naitakda upang pumigil sa mga malulupit at mapaniil na namumuno. Ito ay ipinahayag at ipinapatupad bilang alituntunin ng buhay.

 

   Ang Jihad ay ipinatutupad din upang pigilin at ituwid ang mga taong sumasamba sa ibang nilikha at mga diyos-diyosan at nagpanukala ng katotohanan sa pagsamba sa nag-iisang Tagapaglikha lamang– Ang Allah (). Siya ang Allah () na walang anak at walang katambal sa Kanyang pagiging Makapangyarihang Diyos. Ipinakikilala rin ang pagsasagawa ng Jihad sa mga tao upang alisin ang lahat ng bagay na labag sa batas na nangyayari at ang Islam ay nagpanukala ng kapayapaan, katarungan, tiwasay at tahimik na pamumuhay – bilang pamamaraan ng buhay. Ang pagpapakilala sa Islam ay hindi para sa mga Arabo o mga Muslim lamang, kundi para sa kapakanan ng mga tao sa buong mundo, sapagkat ang Islam ay walang Heograpiyang (Geography) hangganan. Ang Islam ay mensahe para sa buong sangkatauhan at ito ay may malawak na kautusan para sa kagandahang asal.  Ang Islam ay nagtatag ng prinsipiyong pangkatarungan, pagkapantay-pantay (walang kinikilingan), kasarinlan (kalayaan), pang kaunlaran at pagka matapat sa kapwa sa buong mundo.

 

   Sa kabilang dako, ang Jihad ay hindi tumutuligsa at walang pamimilit sa mga tao ng laban sa kanilang kalooban upang tanggapin ang Islam, kundi ito ay isang paraan ng pagpapalaganap sa pagsamba sa Nag-iisang Diyos at sa pagtataguyod ng Batas ng Pagkapantay-pantay at katarungan. Ang pinakamahalagang layunin ng Jihad ay ang magbigay ng mensahe sa mga tao at nasa kanilang mga sarili ang pagpapasiya kung tatanggapin ang Islam bilang pamamaraan ng kanilang buhay. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“Walang sapilitan sa pananampalataya, ang katotohanan ay mangingibabaw laban sa kamalian. Sinoman ang tumalikod (umiwas) sa Taghut (pagsamba sa mga diyos-diyosan, idolo, imahen at ano mang bagay na sinasamba maliban sa Allah) at manalig sa Allah ay nakatangan ng tunay na mapagkakatiwalaang hawakan na hindi masisira. Ang Allah  ang Nakakarinig at nakakabatid sa lahat ng bagay.”[41]

 

   Ang panutong prinsipiyo (directive) na nag-uugnay sa pamahalaan at sa mga tao ay ang kapayapaan.  Magkagayon din, ang Allah () ay naglahad ng mga alituntunin tungkol sa Jihad sa Islam para sa natatanging layunin. Mayroong pagkakaiba ang katawagan Jihad at digmaan. Ang Jihad, katulad ng paliwanag sa itaas at sa kaalaman sa Islam, ay hindi katulad ng tinatawag na banal na digmaan (Holy War), higit sa lahat ito ay  marangal na pakikipaglaban upang pawiin ang di makatarungang gawain at ipagtanggol ang batas laban sa mga kaaway ng Allah () at sa mga mapang-api at walang pananampalataya sa Kanya.

 

   Ang Digmaan, sa kabilang dako, ay mga pakikibaka para sa kanilang personal na kapakinabangan at ang pagkamkam ng mga lupain, mga likas na kayamanan at para sa politikal na adhikain.  Sa Islam, ibinabantayog at tinatawag ang Jihad sa tatlong kadahilanan:

 

  1. Ang pagtatanggol sa buhay, mga ari-arian at sa pangangalaga sa hangganan ng bansa (national boundaries).

 

   Ang pagkaunawa ay batay sa Salita ng Allah () mula sa Banal na Qur’an:

 

“At makipaglaban kayo para sa landas ng Allah, sa kanila na umuusig sa inyo, datapwat huwag kayong lumabag sa hangganan, sapagkat ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga nagmamalabis (sa pagsuway).”[42]

 

  1. Ang pagtatanggol at pagpapanatili ng mga karapatan ng mga inaapi.

 

Ang konseptong ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an:

 

“At ano ba ang humahadlang sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa landas ng Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan ng mga masasama at inaalipusta sa lipon ng mga kalalakihan, kababaihan at mga bata na ang pagsusumamo ay: Aming Panginoon! Iligtas Ninyo kami sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api, Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang tagapagtanggol, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makakatulong at isang makapangangalaga.[43]

  1. Ang Pagtatanggol sa Pananampalataya at Relihiyon

 

   Ang tagapagtanggol ay nararapat magkaroon ng malinis na layunin na para lamang sa Allah (), at dapat maunawaan na ang paglahok sa Jihad ay walang di-makatarungan hangarin o pagpapasiya. Ang mga nagtatanggol ay dapat matanto na ang pagsali nila ay upang ipalaganap at ibantayog ang Salita ng Allah (). Ang konseptong ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“At makipaglaban kayo hanggang mapawi ang Fitna (kawalan ng pananalig at pagsamba sa Allah), hanggang mapawi ang gulo at mawala ang pang-aapi at manumbalik ang pagsamba at ang pananampalataya ng lahat ng tao at sa lahat ng lugar ay maging tanging sa Allah lamang. Datapwa’t kung sila ay titigil, katiyakan na ang Allah ay Siyang Ganap na nakakakita sa kanilang mga ginagawa.”[44]

 

   Karagdagan dito, kung ang mga kaaway ng Islam ay nagsitigil sa pakikipaglaban at nakipagkasundo sa katahimikan, ang mga Muslim na nakikipaglaban ay dapat ding tumigil. Sa katunayan, magiging labag sa batas ang patuloy na pakikipaglaban ng mga Muslim kung tumigil na ang mga kalaban at nakipagkasundo para sa katiwasayan.

 

Ang konseptong ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“Magkagayon kung sila ay lumayo sa inyo at sila ay hindi na lumaban, at (sa halip ay) naghandog sa inyo (ng tiyak) na kapayapaan, sa pagkakataong ito ang Allah  ay hindi nagbukas ng daan para sa inyo (upang makipaglaban) laban sa kanila.”[45]

 

   Bukod dito, lahat ng uri ng digmaan na ang layunin ay kamkamin at kupkupin ang mga lupain, at maghiganti na ang nagiging bunga ay malaking kapinsalaan, ay hindi pinahihintulutan ng Islam. Kahit na ang Islam ay nagpahintulot ng pakikipaglaban, ito ay sa lehitimong dahilan at ito ay nag-ulat ng mga alituntunin sa pakikipaglaban. Ipinagbabawal ng Islam na pumatay ng kahit sino. Ngunit ito ay nag-uutos na pumatay laban sa mga sundalo at mga tumutuligsa o nanlulupig na mga kalaban. Sa kabila nito, hindi pinapahintulot na pumatay ng mga matatanda, bata, mga babae, mga may sakit at ang mga kawani ng pagamutan at ang mga hermitanyo na nasa mga liblib na pook at sumasamba sa Allah () lamang sa kanilang pansariling pamamaraan. Karagdagan pa dito, hindi pinapahintulutan ng Islam ang pumatay ng mga hayupan (lahat ng uri ng mga hayop) na pag-aari ng mga kalaban. Ipinagbabawal din ng Islam ang manira ng mga bahay ng mga tao, at bawal ding lagyan ng lason ang kanilang pinagkukuhanan ng inumin tulad ng mga ilog, lawa, bukal at mga balon ng mga kalaban. Ipinagbabawal ang pumatay ng mga sugatan na kalaban sa digmaan at bawal din ang tumugis ng mga tumatakbo ng palayong mga kalaban. Ang konseptong ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“Datapwa’t inyong hanapin (sa pamamagitan ng inyong kayamanan) na ipinagkaloob sa inyo ng Allah, ang Tahanan ng Kabilang Buhay, at gayun din huwag ninyong kaligtaan ang inyong bahagi na pinahintulutang kasiyahan sa mundong ito. Ngunit magsigawa kayo ng kabutihan, kung paano rin namang naging mabuti ang Allah sa inyo at huwag kayong maghanap (ng pagkakataon) na makapagkalat ng kasamaan sa kalupaan. Katotohanan na ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga Mufsidun (mga mapaggawa ng mga kabuktutan, mapang-api, tampalasan at iba pa).”[46] 

 

Ito ay batay din sa salita ng Propeta ng Allah ():

 

“(Ipagtanggol) Makipaglaban sa landas ng Allah at (ibantayog) ang Kanyang Pangalan laban sa mga taong walang pananampalataya sa Kanya.  Makipaglaban datapwa’t huwag sumira sa kasunduan, huwag putulin (ang bahagi ng katawan) ng mga patay na kalaban at huwag pumatay ng sanggol.” [47]

 

   Ang iniulat na ito ay batay rin sa pagpapatupad, direksiyon at mga tagubilin ng unang Khalifa, si Abu Bakr (), sa kanyang mga pinunong sundalo nang ang mga ito ay maglunsad ng Jihad. Ang sabi niya:

 

“Pakinggan at tumalima sa mga sampung tagubilin at kautusan. 1) Huwag magtaksil kaninoman (na inyong pinangakuan). 2) Huwag kayong magnakaw sa mga labing-yaman ng digmaan. 3) Huwag magtaksil sa inyong pinagkasunduang kapayapaan ng mga kalaban. 4) Huwag pagputul-putulin ang mga patay (bangkay) ng mga kaaway. 5) Huwag pumatay ng sanggol at mga bata, at mga matatanda (lalaki at babae) at huwag pumatay ng mga kababaihan. 6) Huwag manira at manunog ng mga pananim na punong datiles at mga halamanan at huwag pumutol at manira ng mga punong kahoy na nagbubunga. 7) Huwag pumatay ng mga babaeng tupa at baka o kamelyo maliban sa inyong pangangailangan (sa pagkain). 8) May makikita kayong mga taong nag-iisa sa ilang na lugar (hermitanyo) na sumasamba sa Allah, huwag gambalain o guluhin. 9) Mayroong kayong makikitang mga taong mag-aalok at magbibigay ng mga pagkain, (purihin) at sambitin ang Pangalan ng Allah bago kayo magsikain. 10) At tiyak na may makikita kayong mga taong ahit ang buhok sa bandang tuktok (gitna) na pabilog at iniwang mahaba ang ibang bahagi ng buhok, sila ang mga mandirigma ng mga kalaban, patayin ang mga ito sa Ngalan ng Allah.”

 

   Katulad din ng mga bilanggo ng digmaan (POW- Prisoner of War), sa Islamikong Jihad, sila ay hindi dapat pahirapan, hamakin o ikulong sa masikip na kulungan at huwag pagputul-putulin ang kanilang mga patay (bangkay). Ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“At sila ay nagkaloob ng pagkain, dahil sa pagmamahal sa Allah, ang mga maralita, ang mga ulila at ang mga bilanggo ng digmaan… na sinasabi: ‘Kami ay nagpakain sa inyo dahil (sa pagmamahal namin) sa Allah, at hindi kami naghihintay ng anumang kabayaran o kapalit o kaya ng inyong pasasalamat.”[48]

 

   Ang Islamikong pamahalaan ay mayroong karapatan na palayain ang mga bihag o bilanggo ng digmaan na may pantubos o kaya kahit na walang anumang katubusan o bilang kapalit ng mga Muslim na bihag o bilanggo ng digmaan. Ito ay batay sa salita ng Banal na Qur’an:

 

“Samakatuwid kapag inyong makaharap sa labanan (Jihad- pakikibaka sa landas ng Allah) yaong mga walang  pananampalataya, tigpasin ang kanilang mga leeg, hanggang sa kalaunan ang karamihan sa kanila ay inyo nang napatay o nasugatan, inyo silang talian ng panggapos na mahigpit (at gawing bihag). Sa gayon, (makaraan nito) naririto ang sandali ng pagpaparaya (palayain sila ng walang tubos) o patubos (ayon sa kapakinabangan sa Islam), hanggang ang hapdi at hilahil ng digmaan ay mapawi. Sa gayon, kayo ay pinag-utusan (ng Allah na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Jihad laban sa mga hindi sumasampalataya hanggang sa sila ay yumakap sa Islam, o kaya ay mapabilang sila sa ilalim ng inyong pangangalaga), datapwa’t kung ninanais lamang ng Allah  ay magagawa Niya na magapi sila (na wala kayo), ngunit ninanais Niya kayo at ang mga iba. At yaong mga nasawi dahil sa landas ng Allah  ay hindi Niya hahayaang ang kanilang mga gawa ay mawalang saysay.”[49]

 

   At ang mga taong nagapi, ang mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong bayan, ang kanilang pamilya (kamag-anak), ang kanilang kalagayan at ang kanilang ari-arian ay kailangan ang pangangalaga. Walang sinoman ang may karapatang kumamkam sa kanilang mga kayamanan at mga pag-aari. Walang sinuman ang may karapatan na hamakin o makialam sa kanilang puri at dangal. Walang sinoman ang may karapatan na tuligsain sila para sa paghihiganti ng kahit na sa anong dahilan. Karagdagan pa dito, ang mga hindi-Muslim sa bayang Islamiko ay dapat pakitunguhan ng mabuti, pantay at makatuwiran. Ang mga paniniwala at ang mga gawaing pagsamba ng mga di-Muslim sa pamayanang Islamiko ay dapat igalang. Ang lahat ng ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“Sila (Muslim na namumuno) kung Aming pagkakalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, (sila) ay nag-uutos ng Salah (palagiang pagdarasal ng mataimtim), at pamamahagi ng Zakah (takdang tulong pangkawanggawa) at sila ay nag-aanyaya sa Al-Maruf (sa Kaisahan ng Allah  at lahat ng ipinag-uutos ng Islam) at nagbabawal sa Al-Munkar (paganismo, kawalan ng pananampalataya at lahat ng ipinagbabawal ng Islam), at sa Allah  nakasalalay ang kahihinatnan ng lahat ng pangyayari (ng mga nilalang).” [50]

 

   Sa kabilang dako, ang mga di-Muslim na nakatira sa Islamikong pamayanan ay kinakailangan magbayad ng mababang halaga ng buwis na tinatawag na Jizyah. Ito ang pangunahing buwis na sinisingil sa mga mamamayan na hindi tumatangkilik sa Islam at nais manatili sa kanilang dating relihiyon o pananampalataya na naninirahan sa Islamikong bayan.  Ang pangunahing buwis ay may tatlong uri; ito ay ang mga sumusunod:

 

  1. Ang buwis mula sa mga mayayaman na ang kabuuang halaga ay katumbas ng apatnaput-walong (48) Dirhams[51] sa loob ng isang taon.
  2. Ang buwis mula sa mga mamamayan na may kainamang pamumuhay (middle class) na ang kabuuang halaga ay katumbas ng dalawamput-apat (24) na Dirhams sa loob ng isang taon.
  3. Ang buwis na mula sa mga manggagawa, katulad ng mga karpintero, tubero, at iba pa na nagkakahalaga ng labing-dalawang (12) Dirhams sa loob ng isang taon.

 

   Ang pangunahing buwis ay sinisingil sa mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong pamayanan bilang pagbabayad sa kanilang proteksyon sa buhay at karagdagang pangangalaga sa kanilang mga ari-arian at mga kayamanan. Karagdagan pa rito, ang mga di-Muslim ay magtatamasa ng pantay na karapatang tinatamasa ng mga Muslim.  Ito ay ipinahayag ng isang Muslim na pinuno na si Heneral Khalid bin Walid () noong siya ay lumagda ng kasunduan sa mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong pamahalaan at sinabi niya na:

 

“Ibinibigay ko ang aking matapat na pakikipagkasunduan para sa inyong pangangalaga dahil sa pagbabayad ninyo ng buwis. Kung walang pangangalaga ay hindi kayo nararapat magbayad.”  [52]

 

   Samantala, ang buwis ay hindi pinaiiral sa lahat ng di-Muslim na naninirahan sa Islamikong pamayanan. Katulad ng mga mahihirap, mga bata, babae, mga bulag, hermitanyo at sa mga may kapansanan (o mga pinanganak na inutil). Manapa’y ang Islamikong pamahalaan ay nagbibigay ng buong pagkalinga sa mga taong nabanggit at binibigyan pa sila ng kaukulang  panggastos.  Sa katotohanan, ang panatang kasunduan na nilagdaan ni Heneral Khalid bin Waleed () sa mga di-Muslim na naninirahan sa bayan na tinatawag na Heerah sa Iraq na nasa ilalim ng pamamahala ng Muslim ay nagsasaad ng ganito:

 

“Sinoman ang kabilang sa mga matatanda, mga naging inutil na manggagawa, ipinanganak na lumpo o ang mga naluging dating mayayaman, lahat ng mga ito ay nararapat na bigyan ng kawanggawa mula sa kanilang mga relihiyosong kasamahan, lahat ng mga nabanggit na tao ay hindi dapat magbayad ng buwis. Karagdagan dito, ang mga nasabing tao at ang kani-kanilang pamilya ay dapat bigyan ng kaukulang panggastos mula sa ‘Kaban ng Bayan.” [53]

 

   Bukod dito, ang ikalawang Khalifa, si Omar bin Al-Khattab () ay napadaan minsan (at nakita niya) ang isang matandang Hudyo na namamalimos sa mga tao. Si Omar () ay nagtanong sa taong ito at napag-alaman niya na ang Hudyong ito ay di-Muslim na naninirahan sa (Islamikong) kanilang bayan. At sinabi ni Omar (); “Hindi kami naging makatarungan sa iyo! Noong bata ka at may kakayahan, nagbabayad ka nang buwis at ngayong tumanda ka na ay pinabayaan ka na namin!” Dinala ni Omar () ang matandang Hudyo sa kanilang pamamahay at binigyan siya ng mga pagkain at damit na mayroon siya. Pagkatapos noon, tinawag niya ang Ingat Yaman at inutusan nito at nagsabing; ‘Subaybayan at sikapin mong malaman ang kalagayan ng mga katulad niyang mga tao. Pagkalooban sila ng sapat na tulong para sa kanila at ng kanilang buong mag-anak mula sa ‘Kaban ng Bayan’. 

 

Ang Allah () ay nagsabi sa Banal na Qur’an:

 

“Ang As-Sadaqat (ito ay nangangahulugan ng katungkulang kawanggawa, gaya ng Zakah) ay para lamang sa mga Fuqara (mga mahihirap na hindi nagpapalimos) at sa mga Masakin (sa mga mahihirap na nagpapalimos)...”[54]

 

Ang Pangangalaga sa Katawan

 

   Ang buhay ng tao ay napakahalaga sa Islam. Ang mga tao ay nangangailangan ng pangangalaga, pag-iingatan at karapatan. Sa ganitong layunin, ang Islam ay nagpanukala ng kaukulang parusa at pagganti o pagpaparusa sa mga taong nanakit ng kapwa tao. Kaya, ang Islam ay nag-uutos na patayin din ang mga nagtangkang pumatay sa walang kasalanang tao. Datapwa’t, ang hindi sinasadyang pagpatay ay may bukod na kahatulan.  Ang ganitong pangyayari, ang pamilya o ang mga tagapagmana ng namatay ay bibigyan ng ‘Diyyah’ (Blood Money) o salaping kabayaran sa napatay. Kaalinsabay nito, ang (atonement) pagsisisi o pagbabayad-sala ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapalaya ng alipin at kung ito ay hindi magawa, ang pag-aayuno (fasting) ng sunod-sunod na dalawang buwan ay dapat gawin.  Ang lahat ng parusa ay itinakda upang mapangalagaan ang kaluluwa ng tao. Walang sinoman ang may karapatan na makialam sa buhay ng sinoman, sa kanyang pag-aari dahil sa lehitimong katuwiran.  Lahat ng mapang-abuso o mapaniil na tao ay kinakailangang bigyan ng babala laban sa mga di-makatuwirang pagpatay, pamiminsala, panliligalig o panggugulo sa Islamikong pamayanan. Karagdagan pa rito, kahit na ang may tangka o balak pumatay ay nakaaalam din na siya ay hahatulan ng kamatayan bilang kabayaran sa kanyang pagpatay. Kung ang kabayaran sa krimen ay hindi katulad ng krimen na ginawa at kung hindi pantay ang igagawad na kaparusahan sa krimeng ginawa, ang tao ay hindi mag-iingat na gumawa ng kabuktutan na nais niyang gawin. Ito ang alituntunin na inilahad ng Islam. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“Sa Batas ng pagkapantay-pantay (Al-Qisas), mayroong (kaligtasan ng) buhay sa inyo, O mga taong nakauunawa; upang kayo ay magkaroon ng sariling pagpipigil.”[55]

 

   Ang Islam ay hindi nagtatapos sa pagpapairal ng kaparusahan sa mga gumagawa ng krimen. Manapa’y, isinasaalang-alang na ang mga makasalanan ay makatatanggap pa ng panibagong kaparusahan sa Kabilang Buhay.  At ang parusa roon ay ang Matinding Poot ng Allah () na karagdagang parusa na mas masidhi kaysa sa kaparusahan dito sa mundo.  Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“At sinoman ang pumatay na sinasadya sa isang mananampalataya, ang kanyang kabayaran ay Impiyerno, upang manahan doon, at ang Poot at Sumpa ng Allah ay nasa kanya, at ang masakit na kaparusahan ay inihanda para sa kanya.” [56]

 

   At tungkol sa buhay ng tao, ang Islam ay naglapat ng mga partikular na alituntunin para sa lahat. Ang mga tungkuling ito ay ang mga sumusunod:

 

  • Hindi pag-aari ng tao ang kanyang kaluluwa at katawan, ngunit ito ay ipinagkatiwala sa kanya ng panandalian lamang.  Samakatuwid, ang tao ay walang karapatan na saktan o gawan ng masama na sinasadya ang kanyang katawan. Ang buhay ng tao ay iniaalay lamang para sa landas ng Allah (). Samakatuwid, ipinagbabawal ng Islam ang pagpapakamatay o kahit na anong uri na maging sanhi dito.  Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“O kayong mananampalataya! Huwag ninyong lustayin ang inyong ari-arian sa inyong sarili ng walang kabuluhan, ngunit hayaang magkaroon ng pakikipagkalakalan sa lipon ninyo sa pamamagitan ng pinagkaisang kasunduan, at huwag ninyong patayin at wasakin ang inyong sarili (o huwag magpatayan sa isa’t-isa). Katotohanan, ang Allah sa inyo ay pinakamaawain!”[57]

 

  • Dapat panatilihin ng tao ang tamang pagkain para sa kanyang kalusugan na kinakailangan upang makapamuhay ng maayos. Samakatuwid, ang tao ay kailangan huwag alisan ng karapatan para sa mga pinahintulutang mga pagkain, inumin, pag-aasawa at tamang pangangalaga sa sarili.  Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“Ipahayag (O Muhammad)! Sino ang nagbabawal sa magandang (kaloob) na iginawad ng Allah sa Kanyang mga alipin, at ng At-Tayyibat (lahat ng uri ng mga pinahintulutang bagay at pagkain – Halal) na dalisay at malinis? Ipahayag o sabihin, ang mga ito, sa buhay sa mundong ito, ay para sa mga sumasampalataya, (at) tanging para sa kanila sa araw ng Muling Pagkabuhay. Sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga batas Islamiko) sa masusing paraan para sa mga taong may kaalaman.” [58]

 

    Sa katotohanan, ang Allah () ay nagbigay puna sa kanyang Propeta () nang pagkaitan ang sarili na kumain ng pulut-pukyutan (honey)  para sa ikasisiya ng isa niyang asawa.  Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“O Propeta! Bakit mo pinagkaitan ang iyong sarili sa (mga bagay na) ginawang malinis at pinahintulutan ng Allah  para sa iyo. Para ba sa ikasisiya ng iyong mga asawa? At ang Allah ay mapagpatawad at maawain.” [59]

 

   Ganoon pa man, inaasahang ang tao ay hindi maging isang kuripot o kaya ay maluho. Sa pamamalakad ng Islam, kailangang maging katamtaman (hindi lumalabis) sa lahat ng bagay. Sa Islam, binigyang karapatan ang tao para magtamasa sa mga masaganang bagay na ibinigay ng Allah () ngunit dapat ay alinsunod sa batas at sa paraang katamtaman.  Ang katamtaman ay pinakamagandang paraan tungo sa mga ganitong bagay.  Ang katamtaman ay ipinapatupad na may saklaw na hangganan at batay sa balangkas na itinatag at pinaiiral ng Islam.  Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“O, mga Anak ni Adan! Magsuot kayo ng maayos at malilinis na damit sa lahat ng oras at lugar ng pagdarasal, at kumain at uminom, datapwa’t huwag maging maluho, katiyakan ang Allah  ay hindi malugod sa mga maluluho.” [60] 

 

   Hindi pinahihintulot ng Islam na pabayaan ang pangangatawan kundi dapat ay makuha ang nararapat para sa magandang pamumuhay. Ang pagkamalungkutin ay hindi tinatanggap at hindi pinapahintulot ng Islam.  Ang tao ay hindi rin dapat pahirapan ang kanyang sarili, kahit na ito ay isang uri ng pagsamba sa Allah (). Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an: 

 

“Walang sinomang tao ang binigyan ng Allah ng pasanin na hindi niya kayang dalhin. Ito ay nagtatamasa ng bawat kabutihan na kanyang pinagsumikapan at magdurusa rin naman sa bawat masama na kanyang pinagtangkaan…” [61]

 

   Bukod dito, iniulat ni Anas bin Malik () na nagsabi: ‘Tatlong tao ang dumating sa bahay ng Propeta (). Nagtanong tungkol sa mga kaugalian at kung gaano ang pagsasagawa nito ng pagsamba habang nasa pamamahay. Nang makuha nila ang inpormasyong nais nilang malaman, nanliit sila sa nalaman nila [sa pagsambang ginagawa ng Propeta () sa kanyang pamamahay]. Nasabi nila sa isa’t isa, napakaliit ng ating nagagawa kung ihahambing sa mga gawa ng Propeta (). Ang Allah () ay pinatawad na ang mga kasalanan ng Propeta (), at pinatawad na pati ang lahat ng mga nakaraan at mga darating pang mga kasalanan. Dahil dito, ang tatlong tao ay nagkasundo at sumumpa na gumawa ng higit na pagsamba; nasabi ng isa, ‘Hindi ako matutulog sa gabi at ako ay tatayo at gugugulin ko ang buong gabi sa pagdarasal’. Nagsalita ang pangalawa, ‘Mula ngayon (hanggang ako ay mamatay) ay hindi ako titigil sa pag-aayuno. Mag-aayuno ako sa buong buhay ko (sa pagsamba sa Allah’. At ang pangatlo ay nagpahayag; ‘Para sa akin, hindi ako magpapakasal sa babae sa buong buhay ko (hindi makikipagugnayan sa buong buhay, manapay maging malinis sa pagsamba sa Allah’. Habang si Anas () ay nagpapatuloy, dumating ang Propeta ng Allah () at kanyang narinig ang lahat ng sinabi ng tatlong panauhin, at tinanong niya kung sila ang nagsabi na ganito at ganito… Ang tatlo ay sumagot ng pasang-ayon, at sinabi ng Propeta ng Allah () sa kanila;

 

“Kung pag-uusapan ang tungkol sa akin, ako ang pinakamatatakutin sa Allah at pinakamaingat sa pagsasagawa ng pagsamba. Datapwa’t, ako ay naghahandog paminsan minsan ng pagdarasal sa gabi at ako rin ay natutulog. Ako ay nag-aayuno sa mga ilang araw at humihinto sa pag-aayuno sa mga ibang araw (sa labas ng buwan ng Ramadan, buwan ng pag-aayuno) at ako ay nag-asawa. Kung sinoman ang lumihis sa aking ‘Sunnah’, siya ay hindi kabilang sa akin (sa pananampalataya).”[62]

 

Ang Pangangalaga ng Kaisipan

 

   Sa tawag ng tungkulin at sa pagsasagawa ng gawaing pang relihiyon, ang pag-iisip ng tao ang siyang nagbabalikat at dito nakasalalay ang pananagutan. Samakatuwid, ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng nakakasamang inumin, gamot, nakalalasing at nakalalango at lahat ng may masamang bunga sa isip. Ang salitang “Khamar” sa wikang Arabic ay kinabibilangan ng lahat ng uri ng inumin na nakalalango o nakalalasing na sumisira sa kalinawan ng pag-iisip mula sa paggawa ng maayos. Ang “Khamar” ay kinikilala ng Islam bilang pinaka-ugat ng lahat ng kasamaan sapagkat ito ay nagbibigay ng masamang bunga sa mga gumagamit nito. Kaya ang Islam ay nagpanukala ng mabigat na parusa sa mga taong umiinom o gumagamit nito. Samakatuwid, kung ang utak ay pinangangalagaan sa maayos at magandang pakiramdam,  ang kalusugan ay mananatili, ang kayamanan ay maayos na mapangangalagaan at ang lahat ng bagay na pinangangalagaan ay magiging maayos. Lahat ng nakakasirang bagay ay mula at bunga ng mga inuming nakakalasing, nakalalango at nakasisira ng pag-iisip. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“O kayong mananampalataya! Ang “Khamar” at (lahat ng uri ng inuming nakalalasing, nakalalango at nakakasira ng katinuan ng isip), ang Sugal, ang Al Anzab at Al Azlam (mga palaso sa paghahanap ng kapalaran) ay kasuklam-suklam na gawain ni Satanas. Kaya’t (mahigpit) na talikdan (ang lahat ng gayong kasuklam-suklam na bagay) upang kayo ay maging matagumpay. Si Satanas ay naghahangad lamang na pasiglahin ang pagkagalit at pagkamuhi sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng mga bagay na nakakalasing at pagsusugal, at humahadlang sa inyo sa pag-aala-ala sa Allah  at sa pagdarasal. Kaya nga, hindi ba kayo magsisitigil?”  [63]

 

   Sa katunayan, ang Islam ay nagpapataw ng mahigpit na patakaran upang pigilin ang alkohol sa lugar ng Islamikong pamayanan sa lalong madaling panahon. Hindi pinahihintulot ng Islam ang paggawa ng mga inuming may alkohol at ang kinikita sa pagtitinda ng alak. Karagdagan pa dito, ang Islam ay nagbabawal sa pagtataguyod ng ganitong inuming may alkohol, kahit na ang nagtitinda ay hindi umiinom o gumagamit nito.  Ang pagbabawal na ito ay batay sa Hadith ng Propeta ng Allah ():

 

“Ang alak ay isinumpa, ang umiinom at nagpapakalasing ay isinumpa, ang nagtitinda nito at ang nagsisilbi nito sa mga umiinom ay isinumpa, at ang bumibili ay isinumpa, at ang pumipiga ng ubas upang gawing alak ay isinumpa, ang magdadala sa nagtitinda ay isinumpa, ang nagdala (inutusan) at ang nag-utos na magdala sa kanya ng alak upang uminom ay mga isinumpa at ang mga gumawa ng paraan at ang mga nakinabang sa pagtitinda nito ay isinumpa rin.” [64]

 

Ang Pangangalaga sa Dangal

 

   Hindi pinahihintulutan ng Islam ang anomang pakikiapid at pangangalunya. At ipinagbabawal din ang lahat ng uri ng gawain na nagiging daan para mahulog sa karumal-dumal na krimeng ito laban sa sarili, sa ibang tao at sa buong pamayanan. Sa pagkakataong ito, ang Islam ay hindi naiiba sa naunang mga dakilang relihiyon.  Ngunit ang Islam ay pumalaot pa sa puntos ng higit pang pagpipigil nito, na pati ang mga mahalay na kilos o asal bilang panghihimok o pang-akit upang makagawa ng krimeng ito laban sa pamayanan ay ipinagbabawal din. Bawal ding tumingin sa mga babae o lalake na tinging nang-aakit o makatawag pansin sa mga ito. Karagdagan pa dito, ipinagbabawal din ng Islam sa mga hindi magkamag-anak na babae at lalaki (na maaaring maging asawa) na magsama sa ilang na lugar. At pinagbabawal din ng Islam ang mga may pagnanasang paghipo o paghawak ng magkabilang kasarian (babae at lalaki) at bawal din ang pagsasalamuha at pakikipaghalo ng magkabilang kasarian. Ang mga ito ay pumipinid sa lahat ng posibleng hantungan upang makagawa ng ano mang uri ng pangangalunya at pakikiapid. Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an:

 

“At huwag kayong magtangkang lumapit man lang sa bawal na pakikipagtalik; dahil ito ay nakakahiya (Fahishah; paglampas sa hangganan ng pagsuway) at malaking kasalanan, at magbubunsod sa ibang daan (ng kasalanan)”.[65]

 

Batay din ito sa ibang talata ng Banal na Qur’an:

 

“Ipahayag! Halina kayo, aking bibigkasin (sa inyo) kung ano ang mga ipinagbabawal ng Allah sa inyo; huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya, maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang, huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa kahirapan; Kami ang nagkakaloob ng ikabubuhay nila at ninyo, huwag kayong lumapit sa kahiya-hiyang kasalanan (bawal na pakikipagtalik at iba pa), kahit na ito ay ginawa ng lantad o lingid, at huwag kayong pumatay ng sinomang ipinagbawal ng Allah, maliban kung ito ay sa makatarungang dahilan (na ayon sa Batas Islamiko). Ito ay kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa.” [66]

 

   Samakatuwid, ang Islam ay naghanda ng Pangunahing Kaparusahan (capital punishment) sa mga binata at dalaga na nagkasala ng pakikiapid. Ang Allah () ay nagsalita batay sa Banal na Qur’an:

 

“Ang babae at ang lalaki na nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, hagupitin sila ng isang daang hampas. Huwag hayaan ang awa ay mangibabaw sa inyo upang pumigil sa inyo sa ganitong kaso, sa kaparusahan na inihatol ng Allah, kung kayo nga ay sumasampalataya sa Allah at sa Huling Araw. At hayaang ang isang pangkat ng mga sumasampalataya ay makasaksi sa kanilang parusa.” [67]

 

   Ang Propeta ng Allah () ay nagdagdag ng paliwanag sa lubhang kaselanan ng pagkakasala sa krimeng bawal na pakikipagtalik at sinabi:

 

“Wala ng mas mabigat na kasalanan [sa Paningin ng Allah  at sa Islam] sa kasalanang pagtatambal ng ibang diyos sa pagsamba sa Allah at wala ng mas mababa pa sa paningin ng Allah kaysa sa naglagay ng punlay sa maselang bahagi ng babae ng lalaking walang karapatang maglagay dito (sa bawal na pakikipagtalik).”[68]

 

   At sa mga may asawang lalaki at babae na nakagawa ng pakikiapid sa ilalim ng kani-kanilang kasal, o kaya ay sa oras ng paghihiwalay pa lamang ng kanilang asawa, ang kaparusahan sa taong gumawa ng krimeng ito ay ang batuhin sila hanggang sa mamatay. Ang pagsuri kung paano igawad ang Pangunahing Kaparusahan ay batay sa pagsasakatuparan ng mga sumusunod na patakaran:

 

 

  1. Ang Pag-amin (Confession):

 

   Ang ibig sabihin nito ay ang pag-amin ng hayagan ng dalawa, ang lalaki at babae, na ginawa nila ang krimeng ito sa harap ng Hukumang Tagahatol o Huwes. Sa ganitong kaso, sa unang sandali ng pagdulog at pag-ulat, ang kaparusahan ay hindi kaagad-agad ipinatutupad. Ang mga nagkasala ay bibigyan ng pagkakataon upang makapag-isip ng maigi sa kanilang pag-amin sa kasalanan. Kung sila ay nagpumilit ng maraming ulit ang Pangunahing Kaparusahang ay ipatutupad.

 

  1. Ang Pagpapatunay ng mga Saksi:

 

   Ibig sabihin nito ay may apat na saksi na walang kinikilingan, mapagkakatiwalaan, matapat at makatarungang tao na nakasaksi sa pakikipagtalik na ginawa ng mga nagkasala. Ang mga saksi ay nararapat na isalaysay ang detalye ng pakikipagtalik. Ang ganitong kaso ay napakadalang mangyari, dahil ginagawa ng normal na tao ang bawal na pakikipagtalik na palihim at sa mga puspos saradong kuwarto o silid at tagong lugar. Kaya ang makakita sa akto ng pakikiapid ay halos imposible sa normal na pagkakataon. Sa katunayan, sa kasaysayan ng Islam mayroon lamang dalawa o tatlong pangyayaring  may nagsaksi sa krimeng bawal na pakikipagtalik. Ang mga taong nagkasala ng kalaswaan ay hayagang tinanggap ang krimeng pakikiapid sa dahilang nababagabag sila ng kanilang konsiyensya at sila ay mayroong matatag na paniniwala at takot sa Allah (). Hinahangad nilang maparusahan dito sa mundo para mapangalagaan sila sa Kabilang Buhay. Datapwa’t kung ang pagtatalik ay hindi naganap, katulad halimbawa kung halik o lambingan lang ang nangyari, at ang aktual na pakikipag-ugnayan (intercourse) ay hindi nangyari, ang Pangulong Kaparasuhan ay hindi ipapatupad.

 

   Sa kabilang dako, ang Islam ay nagpasiyang magpataw ng pagpaparusa sa mga taong nagbibintang lamang na pakikiapid sa mga ibang tao ngunit hindi nagpapakita ng matibay na patunay o ebidensiya para sa kanilang paratang. Ang nagbibintang na ito ay malalapatan ng parusa ng hagupit ng walumpung hampas para sa kanyang maling bintang. Ang iniulat na ito ay batay sa  Banal na Qur’an:

 

“At yaong mga nagpaparatang sa mga malilinis (birhen) na  babae, at hindi makapagtanghal ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpung hampas, at itakwil ang kanilang pagsaksi ng lubusan, katotohanan sila ay mga Fasiqun (mga sinungaling, palasuway at mapanghimagsik sa Allah).”[69]

 

   Karagdagan dito, ang Islam ay nagbabawal sa mga paninirang puri sapagkat ito ay paglabag sa karangalan ng mga Muslim sa pamayanan. Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an:

 

“O kayong mga sumasampalataya! Huwag hayaang ang isang pangkat sa inyong kalalakihan ay mangutya sa ibang pangkat.  Maaaring ang huli ay higit na mainam kaysa sa una at huwag din namang hayaan na ang ilan sa inyong kababaihan ay mangutya sa ibang kababaihan, maaaring ang huli ay higit na mainam kaysa sa una. Gayundin naman, huwag ninyong siraan ang bawat isa, at gayundin, huwag ninyong tawagin ang bawat isa sa nakakasakit na mga palayaw. Tunay namang masama na inyong hihiyain ang isang kapatid matapos na siya ay magkaroon ng Pananampalataya. At kung sinoman ang hindi magsisisi, katotohanan sila ang Zalimun (mga gumagawa ng kamalian, kabuktutan at mga buhong atbp.)”

 

“O kayong sumasampalataya! Inyong iwasan ang maraming panghihinala, katiyakan ang ilang panghihinala (sa ilang katayuan) ay maaaring mga kasalanan. At huwag kayong manubok, gayundin huwag kayong magpamalas ng panlalait sa bawat isa sa talikuran. Mayroong bang isa sa inyo ang ibig kumain ng laman ng patay niyang kapatid? Tunay ngang kasusuklaman ninyo ito (kaya’t kamuhian ninyo ang panlalait sa talikuran), datapwa’t inyong pangambahan ang Allah, katotohanan ang Allah ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaawain.” [70]

                                                                                                             

Ito rin ay batay sa isa pang talata sa Banal na Qur’an:

 

“At sinuman ang umani ng kamalian o kasalanan, at pagkatapos ay ipinataw ito sa sinumang walang muwang, katotohanang binigyan niya ang kanyang sarili ng pasanin ng kasinungalingan at ng maliwanag na kasalanan.” [71]

 

Ang Pangangalaga sa Yaman

 

   Ang Islam ay nangangalaga sa pansariling kayamanan at ito ay nagpataw ng mahigpit na pagpaparusa laban sa pagnanakaw at mga nagnanakaw. Ito ay ginagawa upang makatiyak ng pangangalaga ng mga kayamanan ng bawat mamamayan at lahat ng kanilang ari-arian. Kaya ang Islam ay naglapat ng Pangunahing Kaparusahang pagputol ng kamay sa mga taong magnakaw sa mga pag-aari ng iba. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“At para sa magnanakaw, lalaki man o babae, putulin ang kanilang mga kamay, bilang kabayaran sa kanilang ginawang krimen, isang kaparusahan bilang pakitang halimbawa mula sa Allah. At ang Allah  ay Dakila sa Kapangyarihan, Tigib ng Karunungan.”[72]

 

   Ang pamamaraan ng pagputol ng kamay ng isang nagnakaw ay nasa kaayusan. Hindi ito pabigla-bigla katulad ng mga sinasabi ng mga ibang samahan na laban sa Islam. Ang mga batayan sa mga patakaran nito ay dapat masunod bago putulin ang kamay ng nagnakaw. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

 

  1. Ang ninakaw na bagay, salapi o mahahalagang ari-arian ay kailangang nasa isang masinop na lalagyan at ang magnanakaw ay dapat sinira o binasag niya ang kinalalagyan nitong mahalagang bagay na ninakaw. Samakatuwid, kung ang ninakaw na bagay ay nasa labas at hindi nakasinop, hindi makatuwiran na putulin ang kamay ng nagnakaw.  Datapwat, ang nagnakaw ay mapapasa-ilalim din sa pagpaparusa. Ang may-ari ng ninakaw, sa ganitong kaso, ay maituturing bilang isang pabaya sa kanyang mahalagang pag-aari.
  2. Hindi kabilang dito ang pagkaing ninakaw para pangtawid gutom.  Kung ang hangarin ng pagnanakaw ay para makakain, ang kamay ng magnanakaw ay hindi mapuputol. Ang iniulat na ito ay batay sa pangyayari noong kapanahunan ng pangalawang Khalifa na si Omar bin Al-Khattab () na ang panahon noon ay taon ng Tag-gutom. Hindi pinairal ang pangunahing kaparusahan dahil sa umiiral na pangkalahatang kalagayan na tag-gutom.

 

  1. Ang halaga ng bagay na ninakaw ay kailangang hindi humigit kumulang sa halaga na itinakda ng batas para sa pagputol ng kamay ng nagnakaw.

 

   Kinakailangang bigyang-diin dito na ang Pangulong Kaparusahan ay hindi ipinaiiral hanggat walang maliwanag na ebidensiya at walang anomang pag-aalinlangan sa isip ng Huwes na Muslim. Ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah ();

 

“Dapat mapigil ang pagsasagawa ng Pangulong Kaparusahan kung may nakitang anumang pag-aalinlangan o dili kaya ay maaaring may nasilip na pagkukulang sa paglilitis ang Huwes.”

 

   Ang Islamikong Hukumang Tagapaghatol, gayon pa man, samantalang pinipigil ang Pangulong Kaparusahan para sa krimeng nagawa, ay nagbaba ng ibang uri ng pangdisiplinang pagpaparusa. Ang ganitong kaparusahan ay mas mababa kaysa sa Pangulong Kaparusahan. Ito ay nasa pagpapasiya ng Muslim na Huwes at batay sa uri ng kaso at sa kalubhaan ng krimeng ginawa at sa gumawa mismo ng krimen at sa kanyang mga nakaraang kriminal na kaso. Ang pangdisiplinang kaparusahan ay maaaring pagkulong, paghampas sa harap ng publiko o mahigpit na pangangaral ng huwes o kaya ay ang pagbabayad ng multa para sa krimeng nagawa.

 

   Karagdagan pa dito, ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng uri ng paglapastangan laban sa mga pribadong ari-arian at lupain. Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an:

 

“At huwag lustayin ang inyong mga ari-arian sa pamamagitan ng luho at huwag gamitin ito para sa pagsuhol sa Hukom na maaaring maglayon ng maling pag-iimbot at  paglustay sa ari-arian ng ibang tao.” [73]

 

   Samakatuwid, ang nagkasala sa kasong pagnanakaw ay mapaparusahan ng kaukulang parusa sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay batay sa pag-ulat ng Propeta ng Allah ():

 

“Kung sino man ang naghangad ng hindi makatarungan sa mga salapi o kayamanan ng ibang Muslim na wala siyang karapatan, nasa matinding galit ang Allah sa pagkakataon (o oras) ng kanyang pagharap sa Allah.” [74]

 

Ito ay batay din sa isa pang salita ng Propeta ng Allah ()

 

“Kung sino man ang umagaw o nag-angkin sa gadangkal na haba ng lupa (ng ibang Muslim), parurusahan ng Allah  ang naniil na ito sa Araw ng Paghuhukom at paliligiran siya ng pitong mundo (sa kanyang leeg).”  [75]

 

   Karagdagan dito, iniuutos ng Islam na ang naniil o nagnakaw ay kailangang maibalik niya ang halaga ng kanyang ninakaw na pag-aari ng ibang Muslim o kaya ay dapat pilitin na bayaran niya ng sapat na halaga ang kanyang mga ninakaw. At ang nagnakaw sa ganitong pagkakataon ay kailangang maparusahan ng paghampas, batay sa pasiya ng Huwes na Muslim. Datapwa’t binibigyan ng pagkakataon ng Islam ang may-ari ng kayamanan na pangalagaan ang kanyang pag-aari kahit ito ay humantong sa pagpatay niya sa aktong pagnanakaw nito. At kung napatay niya ang magnanakaw nang dahil sa kanyang pagtatanggol, siya ay hindi mananagot. At kung napatay siya ng magnanakaw dahilan sa pagtatanggol ng kanyang mga pag-aari, siya ay maituturing na isang martir. Ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah ():

 

“Sinoman ang namatay dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang mga kayamanan (pag-aari), siya ay katiyakang isang Martir”[76]

 

Ang Pangangalaga sa mga Anak

 

   Ang Islam ay nagbigay ng natatanging pansin sa pagpaparami at pangangalaga ng lipi (ng tao) sa mundo. Ang lahi ng tao ay pinagkalooban ng pagtataguyod at pangangalaga sa buong daigdig at ng paglalarawan ng banal na karunungan upang tumayo bilang katiwala (Khalifa) ng Makapangyarihang Allah sa mundong ito. Samakatuwid, ang pagbabawal o pagpapahinto sa pagpaparami ng mga lipi ng tao, sa kahit na anong paraan, ay hindi umaalinsunod sa Batas ng Islam. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an;

“At kung siya ay tumalikod (mula sa iyo O Muhammad), ang kanyang gawain sa lupain ay maghasik ng kasamaan mula rito at pinsalain ang mga pananim at hayupan at (katotohanan) hindi minamahal ng Allah  ang mapaggawa ng kasamaan.” [77]

   Ang Islam, halimbawa, ay hindi pinapahintulutan ang pagpapalaglag ng sanggol kung mayroon ng higit na apat na buwan sa pagbubuntis ang babae. Sapagkat pinaniniwalaan ng mga Muslim na ito ay magkakaroon na ng kaluluwa sa sinapupunan sa ika-apat na buwan ng pagdadalantao. Ngunit kung may inaasahang mangyayaring masama sa pagbubuntis o sa panganganak ng babae, maaari niyang ipalaglag ang namumuong (fetus). Ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah ():

 

“…Ang silmilya (fetus) ay mangyaring mabuo  bilang isang hugis ng punlay sa loob ng apatnapung araw (ng pagbubuntis). Pagkaraan ay mangyaring isang namuong dugo na nakabitin sa sinapupunan (ng ina) sa loob ulit ng apatnapung araw. Ang sumunod dito, ito ay magiging isang laman sa loob ulit ng apatnapung araw. At pagkatapos ipapadala ang Anghel para ihinga ang kaluluwa para dito. Bukod pa rito, inutusan ang Anghel na isulat ang apat na bagay (tungkol sa magiging buhay ng similya) na magiging kahihinatnan niya; ang kanyang magiging kapalaran sa panustos (pre-determined provision), isusulat ang kanyang mga gawain (deeds), kung ilang taon siyang mabubuhay sa mundo at kung siya ay magiging  matagumpay o hindi (sa Kabilang Buhay).” [78]

 

   Sa katunayan, itinuturing ng Islam na isang pinaghandaang pagpatay kung ang buntis na ina ay magpapalaglag (abortion) sa bilang ng apat na buwan (pagkatapos na ihinga ang kaluluwa sa similya). Ang ganitong uri ng pagpatay ay nararapat na bigyan ng kaparusahan ang mga magulang.

 

   Marami ang naiulat ng Propeta ng Allah () tungkol sa normal na pagpaparami ng tao at pangangalaga ng lahi (ng tao) sa mundo.  At sinabi niya:

 

“Mag-asawa at magpakasal sa isang mapagmahal, mabait at palaanakin, dahil ipagmamalaki ko ito para sa inyo pagdating ng Araw ng Paghuhukom.” [79]

 

Ang Pangangalaga sa Lahi (Angkan)

 

   Binibigyan ng kahalagahan ng Islam ang pinagmulan ng angkan at ng pamilya. Ang pinagmulan ng pamilya ang siyang batayan at haligi ng pamayanan. Upang mapangalagaan ang pamilya laban sa pagkabuwag at sa pagkahiwa-hiwalay, ang Islam ay nagbigay ng mabuting pangangalaga para sa kapakanan ng pamilya bilang isang mahalagang bahagi ng pamayanan. Ang angkan ay isa sa mahalagang ugnayan ng pamilya. Ang isang kamag-anak ay dapat na makikilala ang karapatan ng kanyang kamag-anak at kaalinsabay nito, ipinagkakaloob ang kaukulang karapatan sa naturang kamag-anak sa paraang mahusay. Ang Allah () ay nagbigay ng katiyakang alituntunin at regulasyon upang patatagin ang haligi ng pagkamag-anakan ng bawat miyembro ng isang pamilya. Karagdagan pa nito, pinangangalagaan ng Islam ang pamilya laban sa lahat ng mga ugnayan na maaaring maging daan upang magkaroon ng suliranin na maaaring maging sanhi ng paghihiwalay. Ang labis o hayag na ugnayan na walang hangganan sa mga kamag-anakan (na maaaring magkapangasawahan) ay maaaring magiging daan ng suliraning pampamilya at panlipunan. Ang ganitong hayag o bukas na ugnayan ay maaaring maging daan tungo sa mga ipinagbabawal ng uri ng pagpapakasal halimbawa na ang incest marriage o maaaring maging dahilan ng pagkait ng pamana para sa isang tao na may karapatan sa pamana.  Ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:

 

“Sinomang babae ang nagsinungaling sa pag-ako ng anak ng kanilang pamilya at sinabing tunay na anak ng kanyang asawa, siya ay hindi matatawag na mananampalataya sa Allah. Karagdagan pa dito, hindi pahihintulutan ng Allah ang babae na makapasok sa Paraiso. Gayundin sa isang lalaki na nagsinungaling at itinanggi niya ang kanyang anak, habang tinitingnan niya ito (at nalalaman niyang ito ay anak niya), maglalagay ang Allah ng isang harang sa kanilang pagitan (at hindi Niya papayagang makita Siya ng taong ito). Dagdag pa rito, hihiyain ng Allah sa harap ng buong sangkatauhan (sa Araw ng Paghuhukom) ang taong nagpahayag ng kasinungalingan.” [80]

 

   Noong kapanahunan ng Jahiliyah (kamangmangan) bago dumating ang Islam, ang alituntuning pang-pamilya ay hindi maganda at wala sa tamang kaayusan. At ang Islam ay nagpanukala ng mga tiyak na kasagutan para sa pagbabago. Pinuksa nitong lahat ang mga dating masasamang gawain at ang pang-aabuso sa tungkulin. Ang mga sumusunod ay mga ibang ipinagbabawal ng Islam:

 

  • Ang Pag-ampon ng Bata:

 

   Hindi pinapahintulot ng Islam ang pag-ampon ng bata na hindi kamag-anak o kadugo ng lalaki. Dahil ang apelyido ng ama na nais umampon sa bata ang siyang gagamitin niya at magkakaroon siya ng karapatan sa lahat ng pribilehiyo na ibinibigay sa tunay na anak.  Ito ay batay sa talata ng Banal na Qur’an:

 

“Ang Allah ay hindi naglagay sa kaninomang lalaki ng dalawang puso sa kanyang dibdib, gayun din naman hindi Niya ginawa ang inyong asawang babae na inyong dinidiborsiyo sa pamamagitan ng Zihar[81], na (maging) inyong tunay na ina, at hindi rin Niya ginawa ang inyong mga ampon na lalaki (na maging) inyong mga tunay na anak. Ito ay isa lamang bukang bibig o sinasambit ng inyong mga bibig. Datapwa’t ang Allah ay nagsasabi ng katotohanan (sa inyo) at Siya ang nagtuturo ng (tamang) landas.”

 

“Tawagin ninyo sila sa pangalan ng kanilang (tunay) na ama, ito ay higit na makatarungan sa Paningin ng Allah. Datapwa’t kung hindi ninyo alam ang pangalan ng kanilang ama, (kung gayon ay sila) ay inyong kapatid sa pananampalataya o inyong mga (Maulas[82]) kaibigan. Datapwa’t hindi ninyo ito kasalanan kung kayo ay nagkamali rito, (ang higit na) mahalaga ay ang sa loobin ng inyong puso, at ang Allah  ang lagi ng Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.” [83]

 

  • Ang Pagtanggap sa Bata bilang Anak (lalaki o babae)

 

   Kailangan ang hayagang pagpapahayag ng ama na ang bata ay tunay nga niyang anak upang ito ay mapabilang sa kanilang angkan. Hindi tinatanggap ng Islam ang pagtawag sa anak ng isang tao na wala itong hayagang pagtanggap bilang kanyang anak, dahil ang pagtawag dito (na anak) ay makakasira sa ugnayan ng mag-asawa at ng kanilang pamilya (kung hindi siya tunay na anak). Karagdagan dito, ang walang pakundangang pagtawag (ng anak) ay magbibigay ng karapatan sa lalaki na kahit na anong sabihin sa babae (kahit hindi siya ang asawa ng ina ng bata). At ang babae (na posibleng siya ang asawa) ay magiging paksa ng mga di magandang usap-usapan at maaari siyang pagbintangan ng hindi kanais-nais. Ito ay makakasira sa kanyang dangal at puri na maaari siyang akusahan na nakipagtalik sa ibang lalaki. Bukod pa dito, ang maling paratang ng lalaki ay magbibigay ng di-pagkakaunawaan sa lahat ng mga anak. At ang pagsasama ng hindi tunay na anak sa mga tunay na anak ay makakasira sa angkan ng naturang pamilya. Samakatuwid, ang Islam ay itinatalaga ang isang batang tunay na anak sa kasal na tawaging anak ng ama na walang pagtanggi o pagpapatunay. Ang kaugaliang ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah ():

 

“Ang ipinanganak na bata (bilang anak sa lehitimong kasal) ay para sa kanyang ama.” [84]

 

   Ang di-pangkaraniwan sa alituntuning ito ay kung napatunayan ng walang pagsala, na ang babae ay nagtaksil sa asawa at siya ay buntis sa ibang lalaki maliban sa kanyang tunay na asawa. Sa pagkakataong ito, may partikular na regulasyon o pagpapasiya ang Huwes ukol dito. Maibibigay ang mga alituntuning ito sa ibang pagkakataon.

 

  • Ang “Khal’a” o Ang Pagtanggi:

 

   Sa pagkakataon na natuklasan ng ama na hindi sa kanya ang mga ibang anak na ipinapalagay na sa kanya kung kaya pagkatapos na kanyang pagtanggi sa mga batang hindi niya anak, kailangang magiging lubos siyang malayo sa kanila. Ibig sabihin nito, kung ang itinanggi niyang anak ay isang babae, hindi niya dapat makaharap ito o makahalubilo at makasama sa paglalakbay o makapisan sa bahay.

 

  • Ang Pagpapalit ng Apelyido ng Babae pagkatapos ng Kasal:

 

   Sang-ayon sa hukumang lupon ng taga-hatol sa Islam, ang Muslim na babae, pagkatapos ng kasal, ay mananatiling gamit niya ang kanyang apelyido.  Batay sa turo at batas ng Islam, bawal na gamitin ng babae ang apelyido ng kanyang asawa pagkatapos ng kasal. Kung masusing pag-aralan ang tungkol dito, mauunawaan na malaki ang pagpapahalaga sa dignidad, karangalan at respetong ipinagkaloob na kalayaan sa babae ng Islam. Ang pagsasakatuparan nito ay bilang pangangalaga sa makatarungang karapatan at pagkapantay-pantay ng lalaki at babaeng Muslim dahilan sa pagpapanatili at paggamit ng kani-kanilang pangalan. Minamabuti ito kaysa gamitin ng babae ang pangalan ng lalaki pagkatapos ng kasalan.

 

 

 

  • Ang   Pangangalaga   at   Paggalang   ng  Karapatan sa mga Mahihina at mga may Kapansanang Mamamayan:

 

   Binibigyan ng pagpapahalaga ang mga taong matatanda na miyembro ng Islamikong pamahalaan, iginagalang at iginagawad ang lahat ng posibleng maitutulong sa kanila. At sinoman ang nagtalaga ng buhay sa paglilingkod para sa pamahalaan at bansa dapat siyang parangalan at igalang. Gayundin ang mga taong may kapansanan, bilang pagsubok sa kanila ng Allah () ay dapat ding ibigay ang paggalang sa kanila. Ito ay minarapat ng Allah, ang Pinakamaalam, upang subukin ang kanilang pagiging matiyaga at pagkamatiisin at ang iba namang makakakita sa kanila ay magkakaroon ng pasasalamant sa magandang biyaya at pangangatawan na walang kapansanan.  Ang inilahad na ito ay batay sa salita ng Propeta ng Allah ():

 

“Hindi siya maituturing na isang Muslim yaong hindi nagpapakita ng awa sa mga bata at hindi gumagalang sa mga matatanda.” [85]

 

   Ang kaugaliang ito ay batay din sa Hadith ng Propeta ng Allah ():

 

“Ang pagbibigay galang at pitagan ng kabataan sa mga matatanda ay pagbibigay din ng Makapangyarihang Allah  ng galang at karangalan sa kanyang pagtanda. Ang Allah  ay gagawa ng paraan upang kalugdan siya (ang isang mapitagan) ng mga tao sa kanyang pagtanda na lubhang kailangan niya.” [86]

 

   Tungkol sa mga walang kakayahang ulila na nangangailangan ng tulong at kalinga, ang Makapangyarihang Allah  ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“Samakatuwid huwag pakitunguhan ang ulila ng may kalupitan.” [87]

 

At sinabi rin ng Allah () batay sa Banal na Qur’an:

 

“At huwag kayong lumapit (nang may pag-iimbot) sa ari-arian ng mga ulila maliban na ito ay inyong paunlarin, hanggang sapitin niya ang tamang gulang at lakas. At inyong tuparin (ang bawat) kasunduan.  Katotohanan, ang kasunduan ay tatanungin (Sa Araw ng Pagbabayad).”[88]

 

   Karagdagan pa rito, ang Allah () ay nagsabi rin batay sa Banal na Qur’an:

 

“Ang umaangkin ng mga ari-arian ng mga ulila ng walang katarungan ay kumakain ng apoy sa kanilang tiyan, hindi magtatagal, sila ay magdurusa sa naglalagablab na Apoy!” [89]

 

   Ganoon pa man, itinalaga ng Allah () ang pangangalaga ng karapatan ng mga inosenteng bata laban sa mga magulang nito na maaaring gumawa ng hindi maganda o pagpapatayin sanhi ng kahirapan at malaking kamangmangan. Ang Allah () ay nagsalita batay sa Banal na Qur’an:

 

“Ipahayag! Halina kayo, aking bibigkasin (sa inyo) kung ano ang mga ipinagbabawal ng Allah sa inyo; huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya, maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang, huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa kahirapan; Kami ang nagkakaloob ng ikabubuhay nila at ninyo, huwag kayong lumapit sa kahiya-hiyang kasalanan (bawal na pakikipagtalik at iba pa), kahit na ito ay ginawa ng lantad o lingid, at huwag kayong pumatay ng sinomang ipinagbawal ng Allah, maliban kung ito ay sa makatarungang dahilan (na ayon sa Batas Islamiko). Ito ay kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa.” [90]

 

   Sa pagpapaliwanag na ito, makikita natin kung paano ang pangangalaga sa mga mahihina, mga mangmang at mga mahihirap na tao sa pamayanan ng Islam.

 

  • Ang  Pangangalaga  at ang  Kaligtasan ng mga Pambansang Likas na Yaman:

 

   Lahat ng mga nakatago, nakabaon at nakalaan sa pambansang likas na kayamanan ay pag-aari ng publiko. Ito ay pagpapahiwatig na walang sinoman, tuwirang makakagamit sa mga ito sa nais niyang pamamaraan, manapay ang kinikitang nagmumula sa mga ito ay inilalagak sa Ingat-Yaman ng Islamikong pamayanan. Ang taga Ingat-yaman ay siyang magpapaabot ng mga salaping babayaran para sa mamamayan. Ang mga likas na kayamanan ay hindi maaaring ariin ng mga tao o ng mga partikular na grupo o uri ng tao para sa kanilang naturang sariling kabutihan. Ang mga likas na kayamanan ay pag-aaring kayamanan para sa kapakinabangan at kapakanan ng publiko. At magiging kasunduang pananagutan ng lahat ng mga mamamayan sa Islamikong pamayanan ang pagbantay sa mga nanghihimasok sa mga ito (mga likas na kayamanan) at ipagbigay alam sa mga may kapangyarihan upang manatili ang kaayusan at kaligtasan. Ipinagbabawal ang pagsasamantala sa mga ito batay sa Alituntunin at Prinsipiyo ng Islam. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“At huwag gumawa ng kasamaan at katiwalian sa (balat ng) lupa.”[91]

 

   At ang naiulat sa itaas ay batay din sa salita ng Propeta ng Allah ():

“Ang mga tao ay magkakaisa sa tatlong bagay. Ang mga ito ay; tubig, pagpapastol sa damuhan at sa apoy (panggatong).”[92]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang Publiko at Pribadong Karapatan sa Islam

 

   Pinagsisikapan ng Islam na mapatatag ang ugnayan ng mga mamamayan  sa Islamikong pamayanan. Unang itinakda ng Islam ang karapatan ng mga malalapit na miyembro ng pamilya. Lahat ng mga magkakamag-anak ay mayroong karapatan sa bawat isa. Ang kahalagahan at ang kabuluhanan ay batay sa antas ng relasyon. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“O Sangkatauhan! Maging mapitagan at masunurin kayo sa inyong Panginoon na lumikha sa inyo mula sa isang tao (Adan) at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa (Eba), at mula sa kanilang dalawa ay nilikha Niya ang maraming lalaki at babae.  Matakot sa Allah, mula sa Kanya ay nanggaling ang inyong magkaugnay na karapatan at (huwag putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (na nagluwal sa inyo) sapagkat katiyakan na ang Allah ay lagi nang nagmamasid sa inyo.”[93]

 

   Karagdagan pa, ang pangkaraniwang ugnayan ay hindi rin kinakaligtaan ng Islam. Ang iba’t-ibang ugnayan ng mga tao ang siyang bumubuo bilang lipunan, na siyang nagbubuklod sa mga tao upang maging malapit ang bawat isa sa pamayanan. Ang pagkakalayo ng mga tao ay dapat magkaroon ng ugnayan upang maging daan ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa bawat isa. Kaya itinalaga ng Islam ang mga batayan para sa mapayapang pamayanan. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“Sila (Muslim na namumuno) kung Aming pagkakalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, (sila) ay nag-uutos ng Salah (palagiang pagdarasal ng mataimtim), at pamamahagi ng Zakah (takdang tulong pangkawanggawa) at sila ay nag-aanyaya sa Al-Maruf (sa Kaisahan ng Allah  at lahat ng ipinag-uutos ng Islam) at nagbabawal sa Al-Munkar (paganismo, kawalan ng pananampalataya at lahat ng ipinagbabawal ng Islam), at sa Allah  nakasalalay ang kahihinatnan ng lahat ng pangyayari (ng mga nilalang).” [94]

   Ang uri ng pagpapatibay sa ugnayan ng bawat isa ay batay din sa salita ng Propeta ng Allah ():

 

“Ang halimbawa ng mga mananampalataya sa pag-ibig, pagmamahal, pagtutulungan at pagdadamayan ay katulad ng isang katawan. Kung ang isang bahagi ng katawan ay may pananakit, ito ay nararamdaman ng buong katawan.” [95]

 

   Samakatuwid, may mga itinalagang karapatang pampubliko at pampribado (pansarili) sa Islamikong pamayanan. Ang mga sumusunod ay ang mga pinakamahalagang bagay;

 

  1. Ang Mga Karapatan Ng Makapangyarihang Allah ()

 

   Ang mga pangunahing mga karapatan ng tao sa Allah () ay ang Sambahin Siya ng Ganap at Lubos at wagas. Ang Allah  () ay hindi dapat bigyan ng anumang pagtatambal o pag-uugnay sa pagiging Diyos at walang dapat iugnay na anak sa Kanya (). Wala Siyang kahati o kasalo sa pagiging Diyos. Ang lahat ay kanyang nilikha at Siya ang Tanging Nag-iisang Tagapaglikha. Ang tao ay dapat magpahayag ng pagsaksi sa katotohanan. Ang tao ay dapat magpahayag ng panunumpa at pagsaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah (). Ang pagpapahayag at pagsaksi nito ay nangangailangan ng mga sumusunod na patakaran:

 

  1. Ganap na Pananampalataya, Pananalig, at Paniniwala

 

   Dapat isuko ng tao ang kanyang buong pagkatao at kaisipan sa pananampalataya, pananalig at paniniwala sa Allah (). Nararapat niyang ipahayag ng may katapatan at buong puso ang pagtanggap na walang ibang diyos maliban sa Allah (). Siya, bilang Diyos, ay walang kasama, katulong o anak o maging anupaman. Sa Allah () ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa kalangitan at ng kalupaan at mga bagay na nasa pagitan ng mga ito.

 

“Dapat na malaman na walang ibang diyos maliban sa Allah  at humingi ng kapatawaran para sa inyong mga kakulangan at para sa mga lalaki at babaeng may paniniwala: sapagkat ang Allah  ay nakababatid kung paano kayo kumilos at kung paano kayo mamahay sa inyong mga tahanan.” [96]

 

  1. Ang Tanging Pagsamba at Tuwirang Pagdalangin

 

   Ang ganap na pagsamba ay para lamang sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Bukod sa Kanya ay wala ng iba pang dapat sambahin tuwiran man o hindi tuwiran. Lahat ng pananalita, gawa, kilos at natatagong layunin ay nararapat na umaalinsunod sa anumang ipinag-uutos o itinakda ng Allah (). Lahat ng gawain ay nararapat na ginagawa para sa kasiyahan ng Allah (). Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi:

 

“Ang inyong Panginoon ay nagsabi: ‘Dumalangin sa Akin; Aking kayong diringgin (ang inyong dalangin): ngunit silang mapagmataas (di sumusunod) upang maglingkod sa Akin, katiyakang kanilang matatagpuan ang sarili sa Impiyerno, ng may kahihiyan.” [97]

 

   Isang halimbawa ng pagsamba ay ang pagsasagawa ng itinakdang pagdarasal (salah). Ang isa sa bunga ng pagsasagawa at pagsasakatuparan ng naturang pagdarasal ay upang mag-anyaya sa paggawa ng mga kabutihan at pigilin ang mga gawaing makasalanan. Ang Allah () ay nagsabi batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“Bigkasin kung ano ang ipinahayag mula sa Aklat (Qur’an) sa pamamagitan ng inspirasyon sa iyo, at magsagawa ng palagiang pagdarasal; sapagkat ang pagdarasal ay pumipigil mula sa mga nakahihiya at di makatarungang gawa; at ang pagbibigay ala-ala sa Allah  ay pinakadakilang (bagay sa buhay) na walang alinlangan. At nababatid ng Allah  ang inyong mga gawain.” [98] 

 

   Ang pagbabayad ng Zakah, ang itinakdang kawanggawa sa mga kapuspalad at mahihirap ay ginagawang malinis at wagas ang sarili. Inilalayo ang tao mula sa karamutan at kasakiman. Ang taong nagbibigay ng kawanggawa ay nagiging mapagbigay at maalalahanin sa kapwa lalo sa mga mahihirap at dukha. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“Yaong gumugugol ng kanilang mga yaman para sa karagdagang paglilinis at pagiging wagas ng sarili, at sa kanilang isipan ay walang inaasahang kapalit mula sa mga pinagbigyan, isang gantimpala mula sa Allah ang nakalaang kapalit nito. Ngunit (sila na nagkakawanggawa) ay naghahangad lamang upang masilayan ang mukha ng kanilang Panginoong Kataas-taasan” [99]

 

   Ang pag-aayuno ay nagtuturo sa tao na maging matiisin at pinipigil ang sarili laban sa mga masamang pagnanasa at mga tukso. Ito ay nagbibigay ng mabuting pagdidisiplina at nagbibigay kakayahan sa tao upang madama nito ang diwa ng kabanalan at pagiging maka-diyos,  isang konsepto na mahirap bigyan ng katugunan at ilarawan. Mula sa Banal na Qur’an, ang Allah () ay nagsabi:

 

“O kayong mananampalataya! Ang pag-aayuno ay ipinag-utos sa inyo katulad ng pag-uutos sa mga naunang mamamayan sa inyo, upang kayo ay magkaroon (at matuto) ng pagpipigil sa sarili.” [100]

 

   Ang pagsasagawa ng Hajj (pagdalaw sa Makkah) ay mayroong natatanging kadahilanan sapagkat ang Allah () ay nagsabi:

 

“Na kanilang masaksihan ang mga kabutihang (ipinagkaloob) para sa kanila, at ipagdiwang ang pangalan ng Allah, mula sa mga Araw na Itinakda, sa (pamamagitan ng pagkatay ng) hayop na Kanyang ipinagkaloob; sa gayon kayo ay kumain mula dito at ipamahagi (o ipakain) sa mga kapuspalad na nangangailangan.” [101]

 

   Ang lahat ng uri ng pagsamba sa Islam ay maaaring isagawa at isakatuparan ng isang taong may kakayahang isagawa at tuparin ang mga ito na ipinag-utos ng Allah ()  bilang tungkuling ipinataw sa balikat ng isang taong nagnanasang maglingkod sa kanyang Panginoon, ang Allah (). Ang Islam ay likas at praktikal na relihiyon. Hindi itinakda ng Allah () ang isang gawain sa tao ng hindi nito makakayanan. Batay sa Banal na Qur’an ang Allah () ay nagsabi:

 

“…Ang Allah  ay naglalayon ng lahat ng gaan para sa inyo. Hindi Niya nais na ipataw sa inyo ang kahirapan (sa pagsasakatuparan ng tungkulin)...” [102]

 

   At ito ay pinagtibay naman ng isang Hadith mula sa Sugo ng Allah ():

 

“Kung ipinag-utos ko sa inyo ang isang gawain, gawin ito sa abot ng inyong makakayanan.”[103]

 

   Ang mga gawaing pagsamba, magkagayunman, ay maaaring ganap na talikdan na may kapahintulutan sa pagkakataong may nahaharap na kahirapan sa pagsasagawa nito. Ang pahintulot na ito ay hindi maaaring isaalang-alang bilang pagtalikod sa mga gawaing pagsamba. Halimbawa, ang pagtayo ay kailangan sa pagsasagawa ng pang-araw-araw na pagdarasal. Kung ang isang mananampalataya ay walang kakayahang tumayo upang magsagawa ng pagdarasal, maaari niya itong isagawa ng nakaupo. Kung hindi niya magawa sa pamamagitan ng pag-upo, maaari niyang isagawa ito sa nakahilig ang sarili sa katawan niya sa ganoong kalagayan o sa anumang paraan na magaan sa kanyang kalagayan. At kung ang mananampalataya ay hindi magawang tuparin ang pagdarasal sa alinmang nabanggit sa itaas, maaari niyang isagawa ito sa pamamagitan ng paggalaw ng kanyang mga mata at maaari niyang isagawa sa pamamagitan ng senyas para sa pagtayo, pagyuko, pagsubsob at pag-upo. Katulad din naman ng isang lalaking Muslim na may tungkuling isagawa ang pagdarasal sa Masjid (sama-samang pagdarasal). Ang patakarang ito, gayunpaman, ay maaaring hindi na isaalang-alang kung mayroong pinangangambahang masamang mangyayari, sa labis na lamig o init ng panahon, pag-ulan at iba pang kalagayan. Sa pagsasagawa ng Wudhu, (paghuhugas ng ilang bahagi ng katawan bago ang pagdarasal) ang tubig ay siyang pangangailangan ngunit kung ito ay wala, ito ay maaaring ipagpaliban at magsagawa ng tayamum, (dry Ablution). Ang isang babae ay hindi kinakailangang magdasal sa panahon ng pagdurugo o pagkaraan ng kanyang panganganak hanggang malagpasan niya ang mga panahong iyon. At ang mga nakaligtaang pagdarasal ay hindi nangangailangan ng kabayarang dasal.

 

   Ang isang Muslim, babae man o lalaki ay hindi kailangang magbayad ng Zakah kung ang kanyang naipong salapi ay hindi umabot sa itinakdang Nisab (ang hangganang pamantayan ng pagbabayad ng Zakah).

 

   Ang isang matanda na walang kakayahang mag-ayuno at ang maysakit na mahihirapang mag-ayuno ay ligtas mula sa pag-aayuno. Kailangan lamang na sila ay magbayad sa pagpapaliban sa pamamagitan ng pagpapakain ng isang mahirap na tao sa bawat araw ng kanilang pagliban sa pag-aayuno. Ang naglalakbay ay maaaring hindi mag-ayuno sapagkat ang paglalakbay ay may kaakibat na hirap at pagod. Maging ang babaeng nasa kabuwanang pagdurugo at panganganak ay ligtas sa itinakdang pag-aayuno. Kinakailangan lamang nilang bayaran ito sa panahong wala na ang pagdurugo.

 

   Ang Hajj, ay hindi tungkulin ng isang walang kakayahang magsagawa nito sa dahilan ng kawalan ng kalusugan o pananalapi. Datapwa’t ang taong may kakayahang salapi ngunit ang katawan ay walang kakayahan, ay maaaring magbayad sa isang tao upang isagawa ito para sa kanya. Ang isang taong walang kakayahang pananalapi ay kinakailangan munang asikasuhin ang pangangailangan ng kanyang pamilya bago siya magkaroon ng tungkuling pagsasagawa ng Hajj. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi:

 

“Naririto ang palatandaang hayag (malinaw): Ang yapak ni Abraham, na sinoman ang pumasok rito ay makakamtan ang kapanatagan; ang paglalakbay (Hajj) ay isang tungkulin ng tao sa Allah na dapat tuparin, silang may kakayahan sa paglalakbay; ngunit sinoman ang nagtakwil ng pananampalataya, walang anumang pangangailangan ang Allah  mula sa Kanyang mga nilikha.” [104]

 

   Kung ang tao ay nakakaranas ng kakulangan ng pinahihintulutang pagkain at siya ay nasa bingit ng kamatayan, siya ay pinahihintulutang kumain ng pagkaing ipinagbabawal (katulad ng laman ng baboy). Ang pagkain na ipinagbabawal ay naglalayon lamang upang matighaw ang pansamantalang gutom. Ang kautusang ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“Ipinagbabawal Niya ang (pagkain ng) laman ng patay na hayop, at ang dugo, at ang laman ng baboy, at iba na kinatay sa ngalan ng ibang sinasambang mga diyos-diyosan bukod sa Allah . Ngunit sa tawag ng mahigpit na pangangailangan, na hindi naglalayong sumuway o di kaya lumagpas sa kaukulang hangganan, magkagayon, siya ay hindi nagkasala (kung siya man ay nakakain). Sapagkat ang Allah  ay Lagi ng Mapagpatawad, Ang Maawain.” [105]

 

   Si Sayyid Qutub, isang kilalang iskolar, ay nagbigay puna tungkol sa talatang nabanggit sa itaas, “Ito ay isang paniniwala o isang relihiyon, na tinatanggap (o kinikilala) ang sangkatauhan bilang tao. Ang tao ay hindi tinitingala bilang anghel o di kaya isang demonyo. Ang tao ay isinasaalang-alang ayon sa kanyang kakayahan. Ang lahat ng kanyang kahinaan ay isinasaalang-alang din sa larangan ng kanyang pagsasakatuparan ng tungkulin sa pagsamba. Ang kanyang lakas ay isinasaalang-alang din sa larangan ng pagsasakatuparan ng kanyang tungkulin sa Islam. Samakatuwid, ang tao ay tinitingala at itinuturing sa kanyang kabuuang pagiging tao. Ang kaluluwa ng tao, ang kanyang pisikal na pangangailangan, likas na pagnanasa, kakayahang pangkaisipan, damdamin at iba pang pangangailangan ay lahat ay isinasaalang-alang sa pagsasagawa ng mga ibat ibang uri ng pagsamba. Walang pagpapahirap o pagpapasan ang ipinapataw sa kanya ng higit sa kakayahan ng tao.”

 

   Ang isang mananampalataya ay iniuutusang magkaroon ng ganap na paniniwala at pananalig sa mga Pangalan o Banal na Katangian na tinataglay ng Allah () sa Kanyang Sarili o yaong mga Katangian na ipinahayag o sinabi ng Sugo ng Allah (). Ipinagbabawal sa tao na magbigay o mag-ugnay ng anumang katangian o pangalan sa Allah ()  na hindi naman ipinahayag o sinabi ng Allah () o maging ng Kanyang Sugo (). Ang isang mananampalataya ay hindi dapat magbigay ng walang kabuluhang pagpapaliwanag o magbigay ng pagkakahalintulad o paghahambing tungkol sa mga katangian o pangalan ng Allah () batay lamang sa kanyang sariling haka-haka o pala-palagay. Ito ay batay sa pahayag ng  Banal na Qur’an:

 

“…Walang anuman ang makakatulad (at makakapantay) Niya. At Siya ang nag-iisang (ganap) na nakaririnig at (ganap) na nakakakita sa lahat ng bagay.”[106]

 

   Ang tao ay kinakailangang ibigay ang kanyang ganap na pagtalima at pagsuko sa Kalooban ng Allah (). Ito ay ipinahahayag sa pamamagitan ng tapat na pagsunod sa lahat ng Kautusan ng Allah (). Ito ay batay sa kautusan na nakatala sa isang talata ng Banal na Qur’an:

 

“Hindi naaangkop sa isang mananampalataya, lalaki o babae, na kapag ang isang bagay ay napagpasiyahan na ng Allah  at ng Kanyang Sugo, na magkaroon pa ng ibang pagpipilian hinggil sa kapasiyahan: sinoman ang nagnasang sumuway sa Allah  at sa Kanyang Sugo, siya ay tunay na nasa maling landasin.”[107]

 

   Ang mananampalatayang Muslim ay nararapat na bigyang ganap at wagas ang pagmamahal niya sa Allah () at maging sa Sugo ng Allah (). Ang pagmamahal na ito ay kailangang mangibabaw kaysa sa kaninumang pagmamahal. Ang kautusang ito ay batay sa Banal na Qur’an na nagpahayag ng ganito:

 

“Sabihin: Kung ang inyong mga ama, ang inyong mga anak, ang inyong mga kapatid, ang inyong mga asawa o kamag-anak, ang inyong kayamanan na inyong pinagkitaan, ang inyong kalakal na inyong pinangangambahang mabawasan, o ang inyong mga tahanan ng inyong kinagigiliwan- ay higit ninyong minamahal kaysa sa Allah, o ng Kanyang Sugo o ang pakikipaglaban sa landas ng Allah—kung gayon inyong hintayin ang tungkol sa pasiya ng Allah at hindi pinapatnubayan ng Allah  ang mga naghihimagsik.”[108]

 

  1. Ang Karapatan ng Propeta Muhammad ()

 

   Sa maikling salita, ang mga karapatan ng Propeta Muhammad () ay mailalahad batay sa pagpapahayag na, “Si Muhammad ay Sugo at Alipin ng Allah ”.

 

Ang pagpapahayag na ito ay nangangailangan ng mga sumusunod:

 

  • Ang paniniwala sa pangkalahatang mensahe (universality) ng Propeta Muhammad () sa buong Sangkatauhan. Ang Islam ay hindi nakalaan sa isang partikular na lahi ng tao. Ito ay para sa buong sangkatauhan. Hindi ito katulad ng mga naunang Propeta na isinugo lamang para sa kani-kanilang mamamayan ngunit ang mensahe ni Propeta Muhammad () ay para sa lahat. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

Sabihin: O sangkatauhan! Ako ay isinugo sa inyo bilang Sugo ng Allah, na Siyang nagmamay-ari ng kapamahalaan ng mga kalangitan at ng kalupaan : walang ibang diyos maliban sa Kanya : Siya ang nagbigay buhay at kamatayan. Kayat, maniwala sa Allah  at sa Kanyang Sugo, ang di nag-aral na Propeta, na nananalig sa Allah  at sa Kanyang Salita : sumunod sa kanya upang kayo ay mapatnubayan.[109]

 

  • Ang paniniwala na ang Sugo ng Allah, si Propeta Muhammad () ay ganap na pinangalagaan laban sa makataong pagkakamali. Hindi nagkamali o nag-iwan ng anumang kakulangan ang Propeta Muhammad () sapagkat ang kanyang mensahe ay binigyang kaganapan. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi:

 

“Hindi siya nagsasabi batay sa kanyang sariling pagnanasa.” [110]

 

  • Ang ganap na paniniwala na si Propeta Muhammad () ang siyang Huling Sugo at Propeta para sa sangkatauhan at siya ay mula sa kawing ng mga Propeta ng Allah (). Siya ang pinakamahusay sa lahat ng mga Propeta at Sugo at wala ng Propeta o Sugo pagkaraan niya. Ito ay batay rin sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“Si Muhammad ay hindi ama ng sino man, ngunit siya ang Sugo ng Allah  at siya ang Huli sa lahat ng Propeta.”[111]

 

  • Ang ganap na paniniwala na ang lahat ng kautusan, tungkulin at batas ng Relihiyong Islam ay binigyan ng kaganapan para sa sangkatauhan at ito ay ganap na naipalaganap at naipahayag ni Propeta Muhammad (). Karagdagan pa nito, ang mga magaganda at mabubuting aral at payo ni Propeta Muhammad () ay ipinagkaloob niya sa mamamayan at ang pinakamabuting patnubay para sa paggawa ng kabutihan at pagtalikod sa mga kasamaan. Batay sa Banal na Qur’an:

 

 Sa araw na ito Aking binigyang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, ipinagkaloob ng ganap ang lahat ng pagpapala sa inyo, at Aking pinili ang Islam bilang inyong relihiyon… [112]

 

  • Ang ganap na paniniwala na ang lahat ng batas ng Islam ay tinanggap bilang pagsang-ayon sa paningin  ng Allah (). Lahat ng uri ng pagsamba ay nararapat umalinsunod sa mga batas na ito. Ang mga gawa ng tao ay hindi tatanggapin maliban kung ang mga ito ay umaayon at sumusunod sa mga batas na ipinahayag. Ito ay batay sa Banal na Qur’an :

 

Sinoman ang magnasa ng ibang relihiyon maliban sa Islam (pagsuko sa Kalooban ng Allah), ito ay hindi tatanggapin sa kanya; at sa kabilang buhay siya ay mabibilang sa mga (sawimpalad) nawalan ng pagpapala. [113]

 

  • Ang isang mananampalataya sa Islam ay nararapat na tumalima ng ganap at sumunod sa lahat ng kautusan ng Sugo ng Allah (). At siya ay nararapat na magsikhay na iwasan ang lahat ng uri ng pagsuway. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“…Kayat tumalima sa anumang kautusang iniatang sa inyo ng Sugo ng Allah, at ipagkait sa inyong sarili ang bagay na ipinagbabawal mula sa inyo. At magkaroon ng takot sa Allah; sapagkat ang Allah  ay mahigpit sa parusa.” [114]

 

  • Ang isang mananampalataya (Muslim) ay nararapat na magpakita ng ganap na pagtanggap at kasiyahan sa anumang kapasiyahang ibinigay ng Sugo ng Allah (). Ito ay batay sa kautusang ipinahayag ng Banal na Qur’an:

 

“Sa pamamagitan ng inyong Panginoon, hindi sila magkakaroon ng tunay na pananampalataya hanggang hindi ka nila ginagawang hukom sa lahat ng kanilang hidwaang (o di pinagkakasunduan) namamagitan sa kanila at sa kanilang mga puso ay hindi matatagpuan ang pagtanggi laban sa iyong mga pasiya bagkus kanilang tinanggap ito ng may ganap na katapatan.” [115]

 

  • Ang isang mananampalataya (Muslim) ay nararapat na sundin ang lahat ng Sunnah ng Sugo ng Allah (). Walang sinoman ang may karapatang baguhin, sirain, dagdagan ang alin man sa mga ito. Ito ay batay sa kautusan ng Banal na Qur’an:

 

“Sabihin: Kung inyong minamahal ang Allah, ako ay inyong sundin: mamahalin kayo ng Allah  at patatawarin kayo sa inyong mga kasalanan. Sapagkat ang Allah  ay palagi ng Mapagpatawad, Ang Maawain.” [116]

 

  • Ang isang Muslim ay nararapat na panatilihin ang dangal o karangalan na ipinagkaloob ng Allah () kay Propeta Muhammad (). Walang sinoman ang dapat magtaas o gawin labis ang karangalan niya. Ito ay batay sa pahayag ng Propeta ():

 

“Huwag ninyo akong purihin ng higit sa nararapat sa akin. Ako ay nilikha ng Allah  bilang alipin bago ako tinawag na isang Propeta, Sugo.” [117]

 

  • Ang isang Muslim ay nararapat na magbigay ng pagbati sa Sugo ng Allah () sa bawat banggit o sambit ng kanyang pangalan. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“Ang Allah  at ang Kanyang mga Anghel ay nagbibigay ng pagpapala sa Propeta: O kayong mananampalataya! Magbigay ng pagpapala sa kanya at itanghal ang kanyang karangalan sa lahat ng pagkakataon.”[118]

 

  • Ang isang tunay na Muslim ay nararapat na mahalin ang Propeta ng Allah () ng higit kaninuman. Ito ay dahil sa dinala niyang pagpapala, kagandahang loob, patnubay,  magagandang aral sa tunay na Relihiyon ng Allah (). Ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“Sabihin: Kung ang inyong mga ama, ang inyong mga anak, ang inyong mga kapatid, ang inyong mga asawa o kamag-anak, ang inyong kayamanan na inyong pinagkitaan, ang inyong kalakal na inyong pinangangambahang mabawasan, o ang inyong mga tahanan na inyong kinagigiliwan- ay higit ninyong minamahal kaysa sa Allah, o ng Kanyang Sugo o ang pakikipaglaban sa landas ng Allah—kung gayon inyong hintayin ang tungkol sa pasiya ng Allah at hindi pinapatnubayan ng Allah  ang mga naghihimagsik.”[119]

 

  • Ang isang tunay na Muslim ay nararapat ilaan ang kanyang panahon at kakayahan sa pagpapalaganap ng Islam sa lahat ng tao. Ito ay dapat gawin sa paraang kaaya-aya at magandang pakikipagtalakayan. Ipaliwanag sa mga hindi nakakaalam, ipaunawa sa mga mangmang, patatagin ang pananampalataya ng iba ng may ganap na pananalig. At ang lahat ay dapat gawin sa mataas na antas ng karunungan. Ito ay batay sa kautusan ng Banal na Qur’an:

 

“Anyayahan ang lahat sa Landas ng iyong Panginoon na may karunungan at magandang pananalita at makipag-talakayan sa kanila sa mga paraang mabuti at kaaya-aya: sapagkat ang iyong Panginoon ay nakakabatid ng higit kung sino ang naliligaw mula sa Kanyang Landas at sino ang tumatanggap ng Patnubay.” [120]

 

Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi rin ng ganito:

 

“Ipalaganap (sa pamamagitan ko) kahit isang talata lamang. [121]

 

  1. Ang Karapatan ng  mga ibang Propeta 

 

   Ayon sa Islam, ang paniniwala at pananampalataya ng isang Muslim ay hindi ganap malibang kanyang tapat na ipahayag ang paniniwala sa mga naunang Propeta at Sugo ng Allah (). Ang isang Muslim ay nararapat na maniwala sa lahat ng naunang Propeta at Sugo na ipinadala sa ibat- ibang lupain sa ibat-ibang panahon. Ang layunin at adhikain ng mga Propeta ay magkakatulad bagamat ang mensahe ng Islam at ng Propeta Muhammad () ay pangkalahatan at para sa lahat ng panahon at mamamayan hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“Ang Sugo ay naniniwala sa anumang ipinahayag sa kanya mula sa kanyang Panginoon, katulad ng mga taong mayroong tunay na pananampalataya. Bawat isa sa kanila ay naniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Banal na kasulatang ipinahayag, at sa Kanyang mga Sugo. “Kami ay hindi nagbibigay ng pagtatangi sa pagitan ng bawat isa sa kanila.” At sila ay nagsabi :’Aming narinig, at aming sinusunod, (kami ay humihingi) ng kapatawaran, Aming Panginoon at sa Iyo ang huling hantungan ng lahat ng paglalakbay.” [122]

 

   Katulad ng naunang binanggit, ang Muslim ay may tungkuling anyayahan ang ibang tao sa mensahe ng Islam bilang isang pamamaraan ng Buhay. Ang tanging tungkulin ay ipaabot at ipalaganap ang mensahe nito at hindi ito ipinipilit sa kanino man upang yakapin. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi:

 

“Sabihin; Ang katotohanan ay mula sa iyong Panginoon: Hayaan kung sino ang nais maniwala at hayaan kung sino ang magtakwil (nito)...” [123]

 

  1. Ang Karapatan ng Magulang

 

   Ang karapatan ng magulang ay nagpapahiwatig ng ganap na pagsunod sa kanila. Ang pagsunod na ito ay nararapat na umaalinsunod sa Kautusan ng Allah (). Ito ay pagpapahiwatig din ng pantay na pakikitungo sa mga magulang sa pagbibigay ng regalo at pag-aasikaso. Ang isang anak, lalaki o babae man, ay nararapat na bigyan ng sapat na pangangailangan ang kanilang magulang katulad ng pagkain, pananamit at maayos na pamamahay. Ang isang anak na lalaki o babae ay nararapat na magpakita ng kababaang loob at paggalang sa kanyang mga magulang. Ang mga anak ay hindi dapat magpakita ng anumang pagmamataas laban sa kanyang mga magulang. Ang mga anak ay nararapat magpakita ng matimyas na damdamin, pagtitiis at pagtitiyaga sa panahon ng pangangalaga ng mga ito at nararapat na unawain ang mga damdamin ng mga ito. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi :

 

“Ang iyong Panginoon ay nagtakda na wala kayong dapat sambahin maliban sa Kanya, at kayo ay (napag-utusang) maging mabait sa inyong mga magulang. Kung ang isa o kapwa nasa gulang ng katandaan ng kanilang buhay, huwag magsabi ng anumang may bahid ng  pagkamuhi o di kaya sila ay pagdabugan, bagkus sila ay tawagin sa diwa ng paggalang.” [124]

 

At ito ay batay rin sa isang Hadith mula sa Sugo ng Allah ():

 

“Ang kasiyahan ng Allah (sa tao) ay batay sa kasiyahan ng mga magulang (sa kanyang anak). Gayundin naman, ang galit ng Allah (sa isang tao) ay batay sa galit ng magulang sa anak.” [125]

 

   Kahit hindi pa Muslim ang mga magulang, sila ay may karapatan din sa kanilang mga anak maliban kung sila ay sumusuway sa Kautusan ng Allah (). Ito ay batay sa utos ng Sugo ng Allah () na isinalaysay ni Aisha, ang asawa ng Sugo ng Allah (). ‘Nang hindi pa Muslim ang aking ina, siya ay dumalaw sa akin. Tinanong ko ang Sugo ng Allah tungkol sa pagdalaw ng aking ina (paano ang pakikitungo sa kanya). Ang aking ina ay nasasabik na dumalaw sa akin. Dapat ko bang pakitaan ng kabaitan at pag-asikaso?’ Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang ina ay dapat bigyan ng higit na kabaitan, pagmamahal at pangangalaga”.

 

Ito ay batay sa payo ng Sugo ng Allah ():

 

“Isang tao ang lumapit sa Sugo ng Allah  at nagtanong, ‘O, Sugo ng Allah  sino ba ang higit na karapat-dapat kong pakisamahan? Ang Sugo ng Allah  ay sumagot,” Ang iyong Ina’ Ang tao ay muling nagtanong, Sino ang sumunod na taong karapat-dapat kong pakisamahan? Ang Sugo ng Allah  ay sumagot, ang iyong Ina.’ Ang tao ay muling nagtanong sa ikatlong pagkakataon, Sino ang sumunod? ang Sugo ng Allah  ay nagsabi: Ang iyong Ina’. At sa ika-apat na pagtatanong, sino ang sumunod? Ang Sugo ng Allah  ay sumagot,’ Ang iyong ama.”

 

   Ating mapapansin na ang Sugo ng Allah () ay nagbigay ng ikatlong bahagi sa larangan ng pakikisama at pakikitungo sa isang ina samantalang binigyan lamang ng isang bahagi ang ama. Ito ay sapagkat ang Allah () ang nakakaalam kung ano ang kaukulang bahagi ang dapat ipagkaloob sa ina ng dahil sa hirap at pagdurusang dinanas ng ina sa panganganak, at pangangalaga sa mga anak. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“At Aming ipinag-utos sa tao na maging mabait sa kanyang mga magulang; sa hirap (at dusa) ang kanyang ina ay nagpasan at sa pighati siya ang nagluwal (nagsilang) sa kanya...”[126]

 

   Ang ina ang siyang nagdala ng sanggol sa sinapupunan nito hanggang siyam na buwan. Sa sinapupunan, ang pagkain ay nagmumula sa ina nito. Tunay na ang ina ay dumanas ng ibayong sakit at pagpapakasakit. At sa pagluwal ng sanggol, ang ina pa rin ang nagdurusa sa pangangalaga, pagpapasuso, pagpapalaki ng anak.

 

 

  1. Ang Karapatan ng  Lalaki sa kanyang Asawa

 

   Ang asawang lalaki ay may karapatan sa pangangasiwa ng tahanan. Ang isang asawang lalaki, bagamat tumatayo bilang puno ay hindi kailangang maging malupit. Ang isang asawang lalaki ay may tungkulin na dapat niyang tingnan na ang kanyang pamilya ay nasa ayos na kalagayan. Ayon sa Banal na Qur’an:

 

Ang mga lalaki ang siyang tagapangalaga at tagapangasiwa ng mga babae, sapagkat (ang mga lalaki) ay pinagkalooban ng Allah  ng higit na lakas kaysa sa iba, at sapagkat sila ang nagtataguyod sa kanila (babae) mula sa kanilang pinagpaguran…[127]

 

   Karagdagan pa nito, ang lalaki ay higit na makatuwiran sa paglulutas ng mga suliraning pampamilya. Ang asawang babae ay likas na maramdamin. Ang asawang babae ay inuutusang maging masunurin sa mga kautusan ng kanyang asawa hanggang ito ay hindi naglalayong sumuway sa Kautusan ng Allah () at maging sa mga aral  ng Sugo ng Allah (). Ito ay batay sa kautusan ng Sugo ng Allah () na isinalaysay ni Aisha nang  ang huli ay magtanong sa una.

 

“Sino ang may higit na karapatan sa isang babae? Ang Sugo ng Allah  ay sumagot ng malinaw, ‘Ang asawa ng babae.’ Nang ang Sugo ng Allah  ay tinanong,’Sino ang may higit na karapatan sa isang lalaki? ‘Siya ay sumagot, “Ang kanyang sariling  ina.” [128]

 

   Ang babae ay hindi dapat humingi sa kanyang asawa ng bagay na hindi kayang ibigay o higit sa makakayanan nito. Ang babae ay may tungkuling pangalagaan ang mga kayamanan, ang mga anak at dangal ng kanyang asawa (sa pamamagitan din ng pangangalaga sa kanyang sarili at pananatiling malinis ang pagkababae). Ang babae ay hindi dapat umalis ng kanilang tahanan na walang pahintulot ang kanyang asawa. At siya rin ay hindi dapat magpapasok ng sinomang tao na kinamumuhian o di nais ng kanyang asawa. Ito ay batay na rin sa aral ng Sugo ng Allah ():

 

“Ang pinakamabuting babae ay siya na kapag tiningnan, ikaw ay masisiyahan (tingnan) kapag inutusan mo (upang gawin ang isang mabuting bagay) siya ay sumusunod, at kapag ikaw ay wala, pinangangalagaan at pinananatili ang iyong yaman at pangalan.” [129]

 

  1. Ang Karapatan ng Babae sa Kanyang Asawa

 

  • Ang Mahar (Dowry)

 

   Ang “mahar” o handog ay karapatan ng babae sa kanyang mapapangasawa. Ang kasunduan sa kasal ay hindi ganap kung wala ang mahar. Ang mahar ay nananatiling isang tungkulin kahit na ang babae ay nagbigay paumanhin dito maliban na lamang kung ang kasunduan sa kasal ay pinapangyari na. Pagkaraan ng bigyang kaganapan ang kasunduan, ang asawang babae ay maaaring bigyang paumanhin ang kanyang karapatan sa mahar. Ito ay batay sa kautusan ng Banal na Qur’an:

 

“At bigyan ang mga babae (pakakasalan) ng kanilang mahar bilang handog ngunit kung sila, sa sarili nilang pagkukusa at kasiyahan, ay nagbigay paumanhin sa iyo sa ibang bahagi nito (mahar), tanggapin ito at tamasahin ng may kasiyahan.”[130]

 

 

  • Pantay at Makatarungan

 

   Ang dalawang prinsipiyong ito ay dapat maisakatuparan kung ang lalaki ay mayroong dalawa o higit pang asawa. Ang mga asawang babae ng isang lalaki ay may karapatan para sa pantay at makatarungang pangangalaga ng asawang lalaki. Kaya, ang isang lalaki na nakapag-asawa ng higit sa isa ay nararapat na bigyan ng kaukulan at pantay na pansin ang lahat ng kanyang asawa. Dapat silang bigyan ng magkatulad na tahanan, pananamit at pantay na panahon na dapat gugulin sa bawat isa sa kanila. Kung ito ay hindi niya magampanan, ang lalaki ay magiging di makatarungan at di pantay. Ito ay batay sa aral ng Sugo ng Allah ():

 

“Sinoman ang nag-asawa ng dalawa at hindi niya ito pinakitunguhan ng pantay (di makatarugnan), sa Araw ng Paghuhukom (ang lalaking ito) ay lilitaw na paralisado (di pantay ang magkabila niyang tagiliran).”[131]

  • Pagtataguyod sa Pananalapi

 

   Ang asawang lalaki ay nararapat magbigay ng pananalaping pagtataguyod sa kanyang asawa, pamilya at mga anak. Siya ay nararapat na magbigay ng bahay at magandang kalagayan para sa kanyang pamilya. Dapat siyang magbigay ng lahat ng mga pangunahing pangangailangan ng kanyang mga asawa at buong kapamilya, gamot, pananamit at iba pang mahalagang bagay. Nararapat niyang ipagkaloob ang lahat batay sa kanyang kakayahan at hangganan. Ito ay batay sa kautusan ng Banal na Qur’an:

 

“Hayaang ang taong may kakayahan ay gumugol ayon sa kanyang kakayahan: at ang taong ang kabuhayan ay may hangganan, ay gumugol ayon sa ipinagkaloob ng Allah  sa kanya. Hindi nagbibigay pasanin ang Allah  sa kaninumang tao ng higit sa kung anong ipinagkaloob sa kanya. Pagkaraan ng kahirapan, kagyat na may kaginhawahang ibibigay ang Allah.” [132]

 

  • Pantay na Panahon at Pagniniig

 

   Isa sa pinakamahalagang karapatan ng isang asawang babae sa kanyang asawa ay ang pagkakaloob sa kanya ng isang tapat na ugnayan at pakikipagniig sa kanya at ang paggugol ng kaukulang panahon sa kanyang mga anak. Ang Batas ng Islam ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na ugnayang pang mag-asawa. Ang karapatan ng asawang babae ay nararapat na panatilihin habang panahon. Ang babae ay nangangailangan ng isang mapagmahal at maalalahaning asawa na nagbibigay katuparan sa kanyang pangunahing kailangan. Kung ito ay hindi magagawa, maaaring ito ang sanhi ng pagkawasak ng kanilang ugnayan bilang mag-asawa. Nawa’y pangalagaan tayo ng Allah () mula sa ganitong kalagayan.

 

 

 

  • Pangangalaga ng mga Lihim ng Asawa

 

   Hindi dapat ipagmarali o ipagsabi ang kakulangan o kapintasan ng kanyang asawa. Ang asawang lalaki ay nararapat na itago ang lahat ng kanyang nakikita o naririnig mula sa kanyang asawa bilang kanilang mga lihim na hindi dapat malaman ng sinoman. Ang lahat ng ugnayang pakikipaniig ay hindi dapat ikuwento bagkus ito ay dapat sarilinin at pangalagaan. Ang ugnayan bilang mag-asawa ay banal na ugnayan ayon sa Relihiyong Islam at hindi dapat mabahiran ng anumang kasamaan. Ito ay batay sa aral ng Sugo ng Allah ():

 

“Isa sa pinakamasamang kalagayan sa paningin ng Allah  sa Araw ng paghuhukom ay yaong taong (asawang lalaki) na nakipagniig sa kanyang asawa at pagkaraan ay ipinagsabi ang mga lihim ng kanyang asawa sa iba.” [133]

 

  • Pantay at Mabait na Pakikitungo

 

   Ang pagiging makatarungan at pantay ay dapat panatilihin ng asawang lalaki sa pakikitungo sa kanyang mga asawa at pamilya. Siya ay dapat maging huwaran sa pagpapakita ng isang tunay na pangangalaga, kabaitan at ang kakayahan nitong lutasin ang anumang suliranin ng kanyang pamilya.

 

  • Pangangalaga at Pag-iingat

 

   Ang asawang lalaki ay nararapat na pangalagaan ang kanyang asawa at pamilya laban sa anumang mapanganib na kalagayan. Hindi niya dapat pahintulutan na magtungo sa mga masasamang kapaligiran. Batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“O kayong mananampalataya ! Iligtas ang inyong sarili at ng inyong pamilya mula sa Apoy na ang panggatong ay mga tao at bato, dito ay mayroong nagbabantay na mabagsik at mahigpit na anghel na hindi sumusuway sa Kautusan ng Allah, ngunit ginagawa kung ano ang ipinag-uutos.” [134]

 

   Ang asawang lalaki ay nararapat na pangalagaan ang mga ari-arian, kayamanan at pang-sariling kagamitan ng kanyang asawa. Ang asawang lalaki ay hindi dapat umabuso o maglustay sa anumang salapi ng kanyang asawa ng walang pahintulot. Ang asawa ay hindi dapat gumawa ng anumang pakikipagkasundo kaugnay ng mga pananalaping ari ng kanyang asawa ng walang pahintulot.

 

7.  Ang Karapatan ng  mga Anak

 

   Ang mga karapatan ng mga anak ay marami. Unang-una na rito ay ang karapatan nila na magkaroon ng isang marangal at mapayapang buhay at ang pagkakaroon nila ng mga magagandang pangalan. Sila ay may karapatan sa lahat ng mga pangangailangan ng buhay na binubuo ng maayos na tahanan at pagkain, maayos na edukasyon at tamang pangangalaga. Sila ay nararapat na magkaroon ng moral na pag-uugali at kilos at pangalagaan sila laban sa lahat ng masasamang asal at gawa katulad ng pagsisinungaling, pandaraya, pagnanakaw, pagseselos, pagkukunwari at di kaaya-ayang ugali sa kanilang mga magulang. Ito ay batay sa aral na ipinag-utos ng Sugo ng Allah ():

 

“Sapat na kasalanan ang pagpapabaya sa mga dapat tangkilikin, na sila ay hindi pinagkakalooban ng kaukulang pangangalaga at pagpapalaki.” [135]

 

   Higit sa lahat, ang mga anak ay may karapatan para sa makatarungan at pantay na pakikitungo. Walang isang anak na dapat bigyan ng unang priyoridad kaysa sa ibang anak hinggil sa mga regalo, pamana at pag-aasikaso. Lahat ng anak ay dapat pantay na pakitunguhan ng may kabaitan at magandang asikaso. Ang di makatarungang pakikitungo sa mga anak ay nagbubunga ng masamang pag-uugali sa pakikitungo ng mga ito sa kanilang mga magulang pagdating ng katandaan. Ang di pantay na pakikitungo sa kanila ay nagbubunga rin ng pagkamuhi sa isat-isa. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah () nang minsan may isang tao ang lumapit sa Sugo ng Allah () at nagwika: ‘O Sugo ng Allah, nais kong makibahagi ka sa isa sa aking mga anak at nais kong ikaw ay maging saksi para dito’. Nang marinig ng Sugo ng Allah () ang pakiusap ng isang tao, ang Sugo ng Allah () ay nagtanong:

 

“Inihahandog mo ba ang regalo sa lahat ng iyong mga anak ? Ang tao ay sumagot. Hindi! Ang Sugo ng Allah  ay nagbigay puna. “Samakatuwid, humanap ka ng iba na sasaksi sa iyong pagbibigay regalo sapagkat ako ay hindi sasaksi sa isang hindi makatarungan at hindi pantay na pakikitungo. Maging masunurin (at matakot) sa Allah. Maging makatarungan at maging pantay ang pakikitungo sa iyong mga anak.” [136]

 

  1. Ang Karapatan ng mga Kamag-anak

 

   Ang mga kamag-anak ay mayroong natatanging pagpapahalaga sa Islam. Ito ay nagbibigay paalala na tayo ay nararapat maging mabait at maasikaso sa kanila. Ang mayamang Muslim, lalaki o babae man, ay may tungkuling bigyan ng kaukulang asikaso ang kanyang mga kamag-anak. Nangunguna na rito yaong mga kamag-anak na malalapit at minamahal. Ayon sa aral ng Islam, ang isang Muslim ay nararapat na makibahagi sa mga pangangailangan ng mga kamag-anak sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahit maliit na tulong sa kanila sa mga panahon ng kahirapan at kalungkutan. Ito ay batay sa aral na ipinag-utos ng Banal na Qur’an:

 

“O, sangkatauhan! Matakot sa iyong Panginoon, na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang tao (Adan), at mula (kay Adan) nilikha Niya ang asawa nito, at mula sa kanilang dalawa, ay nilikha Niya ang di mabilang na mga lalaki at babae; (kayat) matakot sa Allah, at mula sa Kanya nanggaling ang iyong magkasanib na karapatan at (huwag ninyong putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan (na nagluwal sa inyo) sapagkat katiyakang ang Allah  ang Lagi ng Ganap na Nagmamasid sa inyo (lahat).”  [137]

 

   Katotohanan pa nito, iminumungkahi ng Islam sa isang Muslim na maging mabait sa kanilang mga kamag-anak kahit pa ang mga ito ay hindi mabait sa kanya. Inuutusan ng Islam ang bawat Muslim na patawarin ang sinomang nagkasala sa kanyang mga kamag-anakan maging ang mga ito ay mapaghiganti sa kanya. Iminumungkahi rin ng Islam na maging malapit ang kalooban sa mga kamag-anak kahit pa ang mga ito ay kumikilos ng taliwas sa kanya. Ito ay batay sa aral na sinabi ng Sugo ng Allah():

 

“Ang isang tao na nagtatag ng magandang ugnayan sa kanyang angkan ay hindi siya ang ginantimpalaan. Ang isang tunay na mabuting makipag-ugnayan (sa kanyang mga kamag-anakan) ay ang isang tao na mabuti pa rin sa kanyang mga kamag-anak bagamat ang  mga ito ay tumalikod sa ugnayan sa kanya.”

 

   Nagbigay babala ang Islam laban sa pagtalikod sa ugnayang pang kamag-anakan. Ito ay isinasaalang-alang ng Islam bilang isang mabigat at malaking kasalanan. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

Samakatuwid, inaasahan ba sa iyo na kapag ikaw ay itinakda sa katungkulan ikaw ay gagawa ng mga kabuktutan sa mga lupain, at sirain ang ugnayang pangkamag-anakan? Sila yaong mga tao na isinumpa ng Allah  sapagkat sila ay ginawang mga bingi at binulag ang mga paningin.” [138]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang Pananalita tungkol sa Karapatan at Tungkuling Panlipunan

 

   Ipinag-uutos ng Islam sa mga mananampalataya (Muslim) na makibahagi sa dalamhati at pagsubok ng mga kapatid sa Islam sa buong daigdig at inuutusang makipagtulungan sa abot ng kanilang kakayahan. Ang pakikipagtulungan sa kapwa Muslim ay hindi nakahangga lamang sa isang lugar bagkus ito ay pandaigdigan at hindi nito isinasaalang-alang ang lugar na namamagitan sa kanila. Ang Sugo ng Allah () ayon sa isang pinagtibay na Hadith ay nagsasalaysay ng ganito:

 

“Ang mananampalataya sa kapwa niya mananampalataya ay katulad ng haligi ng isang gusali. Ang haligi ay nagpapatibay at nagtutuwid sa isa’t isa. Pagkaraan niyang isinalaysay ito, kanyang ipinagdikit ang kanyang mga daliri ng kanyang dalawang kamay.” [139]

 

   Karagdagan pa nito, tuwirang inuutusan ng Islam na maging mapagtiwala sa kapwa Muslim at iwasan ang pag-iisip ng masama. Ayon sa Sugo ng Allah ():

 

“Iwasan ang hinala. Ang panghihinala ang siyang pinakamalaking kasinungalingan. Huwag ninyong siyasatin ang mga masamang balita, mga pagkukulang at kapintasan ng inyong kapatid. Huwag maniktik sa inyong mga kapatid. Huwag makipagpaligsahan (ng may masamang pag-iisip at layunin) laban sa iyong kapatid. Huwag kamuhian ang iyong kapatid. Huwag kang lumayo mula sa iyong kapatid (sa oras ng kanyang pangangailangan at pakikiramay). O, mga alipin ng Allah, maging mabuting magkakapatid kayo sa isa’t isa katulad ng kautusang ipinag-aanyaya sa inyo. Ang Muslim ay nararapat na maging makatarungan sa kanyang kapatid na Muslim. Hindi niya ito hinahamak at inaalipusta. Hindi niya ito dapat ilagay sa anumang kapahamakan o panganib. Lahat ng bagay na pag-aari ng isang Muslim ay ipinagbabawal na gamitin ng kapwa Muslim (na walang pahintulot) o abusuhin ito (ng walang karapatan). Ang kabutihan (at maging ang kabanalan) ay naririto, itinuro niya ang kanyang dibdib (para sa puso). Sapat na kasamaan ang ilagay ang isang kapatid na Muslim sa kapahamakan. Lahat ng bagay na pag-aari ng isang Muslim ay ipinagbabawal sa kapwa niya Muslim, ang kanyang dugo (pagpatay sa kanya), ang kanyang dangal at pamilya at yaman. Katotohanan, hindi tinitingnan ng Allah  ang inyong mga katawan, anyo at ayos kundi Kanyang tinitingnan ang iyong puso, ugali at kilos.” [140]

 

   Isa pang patnubay ang ipinagkaloob ng Sugo ng Allah () ng ipahayag niya na:

 

“Ang Muslim ay hindi maaaring maging tunay na mananampalataya hanggang hindi niya nais para sa kapwa niya Muslim ang nais para sa kanyang sarili.” [141]

 

   Ang mga pampublikong karapatan ay pangkaraniwan sa lahat ng kasapi ng Lipunang Islamiko:

 

  1. Ang Karapatan ng  Namumuno sa Lipunan

 

Ang karapatan ay batay sa nilalaman ng talata ng Banal na Qur’an:

 

“O kayong mananampalataya! Maging masunurin sa Allah, at maging masunurin sa Sugo, at sa sinumang piniling maging tagapamuno mula sa inyo…” [142]

 

   Ang sumusunod ay mga alituntuning itinakda upang sundin ng isang Muslim:

 

  1. Pagsunod sa isang Pinuno hanggang hindi kayo inuutusang gumawa ng kasamaan. Ito ay batay sa utos ng Sugo ng Allah ():

 

“Tumalima at sumunod, kahit maging ang isang alipin mula sa Ethiopia ay pinili bilang tagapamuno ninyo hanggang siya ay gumagawa ayon sa Banal na Aklat ng Allah.” [143]

 

  1. Samakatuwid, ang pagsunod sa namumuno na gumagawa ayon sa Banal na Aklat ng Allah () ay isang tanda ng pagsunod sa Allah (). Anumang pagsuway sa kautusan ng namumuno na gumagawa ayon sa Aklat ng Allah () ay tanda ng pagsuway sa Allah ().

 

  1. Pagbigay ng tapat na Payo. Ang namumunong Muslim ay dapat na bigyan ng matapat na payo para sa kabutihan ng lahat ng mamamayan at maging para sa  kabutihan niya. Dapat ding ipinaaalala sa isang namumuno ang mga kakulangang bagay para sa mga mamamayan. Ito ay batay sa Banal na Qur’an na nagpahayag ng:

 

“Ngunit, magsalita sa kanya ng maayos; maaaring siya ay makinig sa paalala at matakot sa Allah.” [144]

 

   Ang mga tagasunod at mga mamamayan ay nararapat na tangkilikin ang isang Muslim na namumuno sa panahon ng paghihikahos. Ang Muslim ay inuutusang sumunod sa kanyang pinuno at huwag siyang iwanan o talikdan at iwasang pagkaisahan ito upang magkaroon ng hidwaan at kasamaan. Kahit pa ang isang Muslim ay hindi nagbigay ng panunumpa bilang pagsunod sa kanya, hindi niya dapat iwanan ito sa oras ng kagipitan o pagdarahop. Ito ay batay sa aral ng Sugo ng Allah ():

 

“Kung ang isang tao ay lumapit sa iyo na may layong paghiwa-hiwalayin kayo, samakatuwid siya ay dapat patayin.” [145]

 

  1. Ang Karapatan ng mga Mamamayan sa Tagapamahala

 

   Ang mga Muslim sa isang Lipunang Islamiko ay may mga karapatan sa kanyang pamahalaan ayon sa mga sumusunod:

 

Ang Ganap na Katarungan

 

   Ang bawat Muslim ay may karapatan na tumanggap ng pantay na pakikitungo sa Lipunang Islamiko. Lahat ng mamamayan na may karapatang tumanggap ng isang karapatan ay dapat ipagkaloob sa kanya ang kaukulang karapatan dito. Ang lahat ng mamamayan na may sari-sariling pananagutan o tungkulin ay nararapat na pakitunguhan ng makatarungan at pantay. Ang tungkulin o pananagutan mula sa mga mamamayan ay nararapat din paghati-hatiin sa paraang makatarungan at pantay. Walang sinomang tao, uri ng tao o pangkat ng tao ang dapat bigyan ng prioridad o pagtatangi kaysa sa iba pa. Ayon sa Sugo ng Allah():

 

Ang pinakamamahal ng Allah  sa Araw ng Paghuhukom at siyang pinakamalapit sa Kanya ay yaong makatarungang pinuno/Hukom. At ang pinakakinamumuhian ng Allah  at ang pinakamalayo sa Kanya ay yaong mayabang at mapang-abuso/mapang-api.” [146]

 

Ang Sanggunian

 

   Ang mga mamamayan ay may karapatan sa sanggunian. Ang mga mamamayan sa Lipunan Islamiko ay may karapatang sanggunian tungkol sa mga paksa na nauukol sa kanilang kabuhayan at panlipunang gawain. Magkagayunman, ang sanggunian ay nararapat na gawin sa isang ordinaryong paraan lamang. Ang mga mamamayan ay dapat bigyan ng pagkakataong ipahayag ang kanilang kalooban o sariling opinion tungkol sa mga paksang nakaugnay sa kanilang pamayanan at lipunan. Ang mga opinyon ay maaaring tanggapin kung ito ay naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mamamayan sa pangkalahatang pananaw nito. Ito ay batay sa isang pangyayari nang ang Sugo ng Allah () ay nakinig sa payo ng isang karaniwang kasamahan niya sa Digmaan ng Badr na nagbigay ng payo na baguhin ang lugar ng pananatili ng mga mandirigmang Muslim. Ang isang ordinaryong Muslim ay nagtanong sa Sugo ng Allah () sa panahon ng digmaan, ‘O Propeta ng Allah. Ito ba ay lugar na ipinag-utos sa iyo ng Allah  at walang ng lugar na dapat pagpilian? ‘O ito ba ay isang stratehiyang pangdigmaan at balakin?’ Ang Sugo ng Allah () ay sumagot ng mabilis, ‘Hindi, ito ay stratehiya ko’. Ang tao ay nagbigay ng payo, ‘O Propeta ng Allah ! Ito ay hindi tamang pagpili ng lugar para sa pananatili ng mga mandirigma. Tayo ay dapat humanap ng pinakamalapit sa patubigan ng ating mga kaaway at doon manatili. At pagkaraan ay ating tabunan ang lahat ng patubigan at gumawa tayo ng patubigan para sa ating pangkat. Samatuwid, maaari nating simulan ang pagkikipagdigma. Mayroon tayong sariling pagkukuhanan ng tubig samantalang ang ating mga kaaway ay walang pagkukuhanan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Katiyakang ang iyong binanggit ay siyang pinakamahusay na payo.” [147]

 

Ang Alituntunin ng Islam

 

   Ang batayan ng mga alituntunin (Islamic Rulings) at mga batas ay ang Shariah, Batas Islamiko. Ang Saligan ng mga Muslim na namumuno ay nararapat na nagmumula sa Banal na Qur’an, Sunnah at sa lahat ng pinagmumulan ng Islamikong Paghuhukom. Walang puwang rito ang pansariling haka-haka o kaya ay opinion kung mayroong mga pinagtibay na batas na maaaring pagbatayan. Ang mga haka-haka o pansariling opinyon ay maaaring magbunga ng pagkakamali at maaari din namang magbunga ng magandang payo. Naririto ang isang pangyayari sa panahon ng pagiging pinuno (Khalifa) ni Omar Ibn Khattab (). Kaharap niya ang isang taong nagngangalang Abu Maryam Al Saluli, na siyang pumatay sa kanyang kapatid na si Zaid Bin Khattab (). Si Omar Ibn Khattab () ay nagsabi: “Isinusumpa ko sa Allah na hindi kita maaaring mahalin hanggang ang lupa ay magmahal sa dugo (ibig sabihin imposible) Ang nakapatay ay nagsabi: ‘Ito ba (pangyayaring ito) ay magiging hadlang para makuha ko ang anumang karapatan bilang Muslim? Si Omar ay mabilis na sumagot, “Hindi”…

 

Ang Patakarang Bukas Para sa Lahat

 

   Ang isang namumuno ay hindi dapat isara ang pintuan sa pagtanggap ng mga payo o pamumuna. Ang namumuno ay hindi dapat maging asiwa o malayo ang kalooban sa kanyang mga mamamayan. Siya ay hindi dapat maglagay ng taong tagapamagitan na maaaring maging di pantay sa pagpili kung sino ang dapat makaharap o makausap ng namumuno habang ang iba naman ay pinipigilang makipagharap sa namumuno. Ayon sa aral ng Sugo ng Allah ():

 

“Sinomang pinagkatiwalaan para sa pamumuno ng mga kabuhayan ng mga Muslim ngunit siya ay nagtago o umiwas na makipagkita sa kanila at hindi ito tumutugon sa pangangailangan nila, sa Araw ng Paghuhukom ang Allah  ay hindi makikiharap sa kanya na magiging sanhi ng kanyang paghihirap at pangangailangan.” [148]

 

Ang Awa para sa Mamamayan

   Ang isang namumuno ay kailangang maawain at mabait sa kanyang mga kinasasakupang mamamayan. Hindi niya dapat bigyan ng mabigat na pasanin ang sinuman ng higit sa kakayahan nito. Hindi niya dapat pahirapan ang kanyang mga mamamayan upang mabuhay sa lipunang Islamiko. Nararapat niyang pakitunguhan ang mga matatanda katulad ng kanyang ama, ang isang kabataan katulad ng kanyang anak, at ang kasing gulang niya bilang kanyang mga kapatid. Siya ay nararapat na maging magalang sa mga matatanda, mabait at maawain sa mga kabataan, at mapagpaumanhin sa mga mamamayang kasing gulang niya. Ito ay batay sa Banal na Qur’an na nagpahayag ng ganito :

 

“Ito ay bahagi ng Awa ng Allah  na kayo ay (napag-utusang) makipag-ugnayan sa kanila sa paraang may kabaitan. Kung ikaw ay naging malupit at matigas ang puso, sila ay lalayo mula sa iyo; kaya’t maging mapagpaumanhin sa kanilang pagkukulang, at dumalangin sa Allah  para sa kanilang mga kasalanan; at sumangguni sa kanila sa mga gawain (pansamantala). Pagkaraan, kapag ikaw ay nagkaroon na ng pagpapasiya, magtiwala sa Allah . Sapagkat minamahal ng Allah  ang nagtitiwala (sa Kanya).”  [149]

 

Ito ay batay rin sa aral na ipinagkaloob ng Sugo ng Allah ():

 

“Nawa’y maging maawain ang Allah  sa mga taong maawain (at mabait sa kapwa). Maging (mabait at) maawain sa mga tao sa mundong ito at ang Allah ay magiging higit na maawain sa iyo.” [150]

 

   Katotohanan pa nito, si Omar Bin Khattab (), ang pangalawang Khalifa ay minsang nagsabi:

 

“Isinusumpa ko sa Ngalan ng Allah! Kung ang isang babaeng kamelyo ay nahulog sa daan sa Iraq, ako ay nangangambang tanungin ako ng Allah sa Araw ng paghuhukom (tungkol dito). (at sabihing) ‘O! Omar, bakit hindi mo binigyang daan ang babaeng kamelyo?”

 

  1. Ang Karapatan ng mga Kapitbahay

 

   Batay sa Banal na Qur’an, ang Allah () ay nag-utos tungkol sa pakikipag-ugnayan para sa mga kapitbahay.

 

Sambahin ang Allah, at huwag magbigay katambal ng sinoman sa Kanya at gumawa ng mabuti sa inyong mga magulang, kamag-anakan, mga ulila, mga kapitbahay na dayuhan, ang inyong mga kasamahan, ang mga naglalakbay (na inyong makasalubong) at sinomang nasa ilalim ng inyong kapangyarihan; sapagkat hindi minamahal ng Allah  ang mapagmataas, ang mapagyabang.” [151]

 

Iniulat ng Sugo ng Allah () ang mga Karapatan ng Kapitbahay:

 

Alam ba ninyo ang mga karapatan ng isang kapitbahay? (Ito ay ang mga sumusunod): Kung ang kapitbahay ay humingi ng iyong tulong, ipagkaloob ito sa kanya. Kung ang kapitbahay ay umuutang sa iyo, pautangin ito (kung may kakayahang pautangin). Kung ang kapitbahay ay isang mahirap, tulungan siya ng pananalapi at tulungan sa kanyang kahirapan (kung ito ay inyong makakayanan). Kung ang kapitbahay ay maysakit, dalawin siya (at tulungan sa kanyang kalagayan). Kung ang kapitbahay ay maligaya sa isang kapakinabangan, batiin siya. Kung ang kapitbahay  ay nagdurusa, mag-alay ng pakikiramay. Kung ang kapitbahay ay namatay, makipaglibing (kung may kakayahan). Huwag itaas ang paggawa ng bahay na maaaring humadlang ang pagpasok ng araw at hangin sa kanila. Huwag gambalain ang kapitbahay sa mga amoy na niluluto maliban lamang kung bibigyan ito ng pagkaing niluto. Kung kayo ay namili ng mga prutas (samantalang siya ay walang kakayahang bumili) bigyan siya kahit na kaunti lang. Kung hindi mo nais na bigyan siya, dalhin o ipasok sa tahanan na di ito namamalayan. Huwag hayaan ang iyong anak pagkaraan nito na dalhing palabas ang prutas at ipagmarali sa anak ng kapitbahay.” [152]

 

   Karagdagan pa nito, ang Islam ay nagbigay ng tatlong uri ng Kapitbahay ayon sa mga sumusunod:

 

Ang Kapitbahay na Kamag-anak

 

   Ang ganitong uri ng kapitbahay ay may tatlong karapatan sa iyo. Ang karapatang pangkamag-anakan, ang karapatang pangkapitbahay, at ang karapatan bilang isang Muslim.

 

Ang Kapitbahay na Muslim

 

   Ang ganitong uri ng kapitbahay ay may dalawang karapatan; - ang karapatan bilang kapitbahay, at ang karapatan bilang Muslim.

 

Ang Kapitbahay na di-Muslim

 

   Ang ganitong kapitbahay ay may isa lamang karapatan; -ang karapatan bilang kapitbahay. Si Abdullah Omar (), isang kilalang kasamahan ng Sugo ng Allah () at Muslim iskolar ay dumating sa bahay minsan. Natagpuan niya na ang kasama niya sa bahay ay nagkatay ng isang tupa. Kaagad siyang nagtanong,”Binigyan mo ba ng tupa ang ating kapitbahay na Hudyo? Narinig ko ang Sugo ng Allah () na nagsabi:

 

“Si Anghel Gabriel ay palagiang nagbibigay payo sa akin na maging mabait sa aking kapitbahay hanggang naisip ko na baka nais niya na ang aking kapitbahay ay gawin kong  isa sa aking tagapagmana.” [153]

 

  1. Ang Karapatan ng mga Kaibigan

 

   Isinasaalang-alang ng labis sa Islam ang mga karapatan ng isang kaibigan at ito ay nagtakda ng mga alituntunin na dapat gampanan para sa isang kaibigan. Katulad halimbawa ng mabuting pakikitungo at ang tapat na pagpapayo dito.  Ang Propeta () ay nagsabi:

 

“Ang pinakamabuting kaibigan sa paningin ng Allah  ay siya na naghahatid ng kabutihan sa kanyang mga kasama, at ang pinakamabuti na kapitbahay ay siya na mabuting makitungo sa kanyang mga kapitbahay.”  [154]

 

   Karagdagan pa dito, itinuturo ng Islam na may tiyak na karapatan ang mga kaibigan. Ito ay batay sa pamamatnugot ng Propeta ng Allah ():

 

“Ang pinakamabuting kaibigan at ang pinakamabuting kapitbahay ay ang pinakamabuti sa kanila.” [155]

 

  1. Ang Karapatan ng  mga Dukha at Mahihirap :

 

   Ang mga dukha at mga kapus-palad ay may tiyak na karapatan sa Islamikong pamayanan. Sa katunayan, kinalulugdan ng Allah () ang mga nagpapakasakit para sa Kanyang Landas sa pamamagitan ng pagtulong sa mga maralita at dukha sa Islamikong bayan. Ito ay batay sa salita ng Banal na Qur’an:

 

“At sa mga kayamanan ay may kinikilalang karapatan para sa namamalimos at maralita.” [156]

 

   Itinuturing ng Islam ang mga kawanggawa na ibinibigay sa mga dukha at mahihirap bilang mga pinakamabuting gawain. Sa kabilang dako, ang Islam ay nagbabala sa mga nagtatago at nag-iipon ng kayamanan ngunit hindi gumugugol sa landas ng Allah (). Ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“Hindi (isinasaalang-alang na) isang kabutihan o kabanalan ang ilingon ninyo ang inyong mga mukha sa Silangan o Kanluran (sa panalangin), datapwa’t ang kabutihan at kabanalan ay ang maniwala sa Allah at sa Huling Araw, sa mga Anghel, sa Aklat at sa mga Sugo (Propeta); at ang gumugol ng yaman dahil sa pagmamahal sa Kanya, para sa mga kamag-anak, sa mga ulila, sa mga nangangailangan, sa mga naglalakbay (na walang matuluyan), sa mga humihingi, at sa pagpapalaya ng mga alipin; ang maging mataimtim sa panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salah), at nagkakaloob ng Zakat (katungkulang kawanggawa), at tumutupad sa kasunduan na kanilang ginawa ; at matatag at matiyaga sa matinding kahirapan at karamdaman, at sa lahat ng panahon ng kagipitan (sa pakikibaka o pakikipaglaban sa Digmaan).  Sila ang mga tao ng katotohanan at sila ang mga may takot sa Allah .”  [157]

   Sa ganitong kadahilanan, ang Zakah ay ipinag-uutos bilang pinaka-pangunahing saligan ng Islam. Ang Zakah ay itinalagang bahagdan mula sa mga naipong halaga sa loob ng isang taon. Ito ay buong pusong pagbibigay ng mga Muslim (sa mga maralita at mga nangangailangan) bilang pagsunod sa Kautusan ng Allah ().  Ang Zakah na ito ay nararapat bayaran ng mga Muslim na may kaukulang naipong sapat na halaga. Ito ay batay sa salita ng Allah () sa Banal na Qur’an:

 

“At sila ay hindi napag-utusan maliban na sila ay sumamba lamang sa Allah, maging matapat sa pananampalataya sa Kanya, panatilihing malinis (wagas) ang relihiyon para sa Kanya sapagkat ang tao ay likas na matuwid. At mag-alay ng pagsamba at magbayad ng kawanggawa (Zakat). Ito ang tunay na Relihiyon.”  [158]

 

   Kung ang Muslim ay nagkait na magbigay ng kanyang tungkulin para sa Zakah, siya ay itinuturing na hindi mananampalataya. At kung ang mga Muslim (sa isang lugar) ay tumangging magbayad ng Zakah sa mga nangangailangan at maralita, ang Pinuno ng mga Muslim ay may karapatang magtaguyod ng pakikipaglaban sa mga ito hanggang hindi sila sumusunod (sa ipinag-uutos) na magbayad ng Zakah. Sapagkat ang pagtanggi sa pagbabayad ng Zakah ay nakakasama sa mga dukha at mga nangangailangan sa pamayanan ng mga Muslim na mayroong karapatan dito. Batay dito, ang makatuwirang pamamatnubay ng pangalawang Khalifa na si Abu Bakr () ay nagtaguyod ng pakikipaglaban sa mga taong tumatangging magbayad ng Zakah. Si Abu Bakr () ay ipinahayag ang kanyang bantog na pag-uulat;

 

“Isinusumpa ko sa Allah! Kung sila ay tumangging magbayad sa akin kahit na katumbas lamang ng isang lubid ng kamelyo na ibinayad nila sa panahon ng Sugo ng Allah, magkagayon ako ay makikipaglaban sa kanila upang mapanumbalik (lamang) muli ang pagbabayad ng kabuuang halaga.”

 

Ang mga Alituntunin at Prinsipiyo sa pagbabayad ng Zakah ay ang mga sumusunod:

 

  1.    Ang mga nagbabayad ng Zakah ay kinakailangang may sapat na ipon na ang tawag dito ay ‘Nisab’-ang itinakdang pamantayang sukat upang malaman kung ang isang Muslim ay nakaabot sa itinakdang (minimum) na pamantayan ng pagbabayad ng Zakah. Ito ay sapat na halaga na itinakda ng Batas ng Islam. At ang mga ito ay salaping labis pagkaraang mapunan ang mga pangunahing pangangailangan (basic needs).  Ang mga mahahalagang pangangailangan ng tao ay ang mga pagkain, pamamahay, mga kasuotan at pangangailangang paglalakbay.
  2.    Ang halagang pambayad ng Zakah ay kailangang naimpok sa loob ng isang taon na hindi nagagalaw (nagagastos) para sa ibang mahahalagang pangangailangan.  Kung ang mga ito ay ginugol bago mag-isang taon, ang mga ito ay hindi nararapat para sa Zakah.

 

Ang mga taong may karapatan sa Zakah ay walong uri at ang mga ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“Ang As-Sadaqat (ito ay nangangahulugan ng katungkulang kawanggawa, gaya ng Zakah) ay para lamang sa mga Fuqara (mga mahihirap na hindi nagpapalimos) at sa mga Masakin (sa mga mahihirap na nagpapalimos), sa mga nangangasiwa upang mangalap (ng mga Zakah), sa mga tao na ang puso ay nahihilig sa Islam, at para sa pagpapalaya ng mga bihag (alipin), sa mga may pagkakautang, para sa mga nakikipaglaban para sa landas ng Allah (mga Mujahidun), sa mga naglalakbay (na walang mahanapan ng tulong); na ito ay katungkulang itinalaga ng Allah, at ang Allah  ay Ganap na Nakakaalam, ang Sukdol sa Karunungan.” [159]

 

   Ang halaga ng Zakah ay 2.5% bahagdan ng kabuuang halaga ng mga naipon sa loob ng isang taon.  Ipinapatupad ng Islam ang pagbabayad ng Zakah upang maibsan at mapawi ang paghihirap sa Islamikong bayan na siyang banta na maaaring maging sanhi ng mga suliranin na magmumula sa kahirapan, tulad ng pagnanakaw at patayan dahil sa pagnanasa sa mga pag-aari, kagamitan at kayamanan ng iba.  Karagdagan pa dito, ito ay nagiging daan sa pagtutulungan para sa panlipunang kagalingan at ikabubuti ng bawat miyembro ng pamayanang Islamiko.  Bukod dito, ginaganap ng Zakah ang pangangailangan ng mga kapus-palad at mga maralita at ibinabayad sa mga may utang na walang kakayahang bayaran ang kanilang utang. Dagdag pa rito, ginagawang dalisay at malinis ng Zakah ang mga puso, kaluluwa at kayamanan ng mga nagbabayad nito. Ang matapat na nagbibigay nito ay naaalis ang pagiging mapag-imbot, kasakiman o karamutan at hindi nagiging makasarili. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“…At ang sinomang kaluluwa ang nakaiwas sa pagiging mapag-imbot (ng pag-aari ng iba), sila yaong mga magtatamo ng tagumpay.” [160]

 

   Bilang karagdagan, ang Zakah ay pinapadalisay ang mga puso ng mga taong hindi nakatamasa ng kasaganaan. Ang mga maralita at kapus-palad ay naiibsan ang kanilang pagkapoot, pagkamuhi, paninibugho at pagseselos laban sa mga mayayamang tao sa Islamikong pamahalaan. Dahil dito nalalaman at nakikita ng mga kapatid na mahihirap ang pagiging maalalahanin at pagmamalasakit ng mga maykaya sa buhay na kanilang mga kapatid. Ang Makapangyarihang Allah  ay nagbanta na may matinding kaparusahan sa mga hindi tumutupad at hindi nagbabayad ng Zakah. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“At huwag hayaan ang mga mapag-imbot na nagtatago sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanila mula sa Kasaganaan (kayamanan) ng Allah, nag-aakala na ito ay mabuti sa kanila. Hindi! ito ay higit na masama sa kanila, ang mga bagay na kanilang itinatago ng may kasakiman ay itatali sa kanilang leeg na katulad ng (kadenang) kuwelyo sa Araw ng Muling Pagkabuhay. At ang Allah  ang nag-aangkin ng mga pamana ng kalupaan at kalangitan, at ang Allah  ang Ganap na nakakabatid ng lahat ng inyong ginagawa.” [161]

 

6.        Ang Karapatan ng mga Manggagawa

 

Ang Islam ay nagpanukala ng alituntunin at regulasyon para sa mga manggagawa at sa nagpapagawa.  Ang pinaglilingkuran, batay sa turo ng Islam, ay kinakailangan makapagpatibay ng isang magandang ugnayan sa kanyang mga manggagawa. Ang ugnayang ito ay nararapat na batay sa pagkapantay-pantay, mabuting pakikisama at pagkakapatiran sa Islam. Ito ay nasasalig sa Hadith ng Propeta ng Allah ();

 

“Ang iyong manggagawa ay iyong kapatid. Ang Makapangyarihang Allah  ay inilagay sila sa ilalim ng iyong pamamahala (para sa iyong kapakanan). Kinakailangan sa namamahala na pakainin ang kanyang kapatid na manggagawa ng pagkaing tulad ng kanyang kinakain, damitan sila tulad ng iyong kasuotan at huwag bigyan ng gawain ng higit sa kakayahan nila, magkagayon, kailangan tulungan sila (kung mabigat para sa kanila ang naiukol na gawain).” [162]

 

   Karagdagan pa dito, pinagtibay ng Islam ang karangalan at dignidad  ng mga manggagawa. Ang Propeta ng Allah () ay nagsabi:

 

Ang pinakamabuting (malinis o dalisay) na hanap-buhay ay ang mga nanggagaling sa marangal (at matapat) na manggagawa.”  [163] 

 

   Bukod dito, ipinapatupad ng Islam sa mga pinaglilingkuran na magtakda para sa kanilang sahod (at magkasundo) sa kanyang manggagawa bago sila magsimula sa gawain.[164].

 

   Binigyang katiyakan ng Sugo ng Allah () ang mga karapatan ng manggagawa at maging ang sahod nito na tatanggapin. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

 

“Ako ay kaaway ng tatlong uri ng tao sa Araw ng Paghuhukom… at ang isang tao na pinagtrabaho ang manggagawa ngunit hindi niya ito (ganap na) binayaran.” [165]

 

  1. Ang Karapatan ng mga Pinaglilingkuran

 

Pantay na ipinag-uutos ng Islam sa mga manggagawa na panatilihin ang magandang ugnayan nito sa kanyang pinaglilingkuran. Ipinag-uutos ng Islam na tuparin ang kanilang tungkulin at gawain para sa kanilang pinaglilingkuran sa abot ng kanilang kakayahan at talino. Ang mga manggagawa ay hindi dapat magpabaya sa kanilang mga gawain at tungkulin sa anumang dahilan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi :

 

“Ang Makapangyarihang Allah  ay nagnanais sa isang manggagawa na gawin ang kanyang tungkulin sa pinakamahusay (na antas ng paggawa).” [166]

 

  1. Ang Karapatan para sa mga Ibang Nilikha.

 

Lahat ng alagang hayop ay nararapat ng pakainin ng maayos, malinis na pinangangalagaan at pakitunguhan ng may kabaitan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

 

“Ang isang babae ay nangyaring mapasok sa Impiyerno ng dahil sa isang pusa. Ikinulong niya ang pusa hanggang ito ay namatay. Hindi niya  pinakain ang pusa at hindi man lamang pinainom ng tubig at hindi rin pinahintulutang makawala upang humanap ng kanyang makakain.” [167]

 

   Ang lahat ng hayop ay nararapat na pangalagaan batay sa Islamikong kautusan at aral. Ang mga hayop na nagpapasan o nagdadala ng mga bagay-bagay ay hindi dapat bigyan ng higit na bigat na pasanin na magiging sanhi ng kahirapan nito sa pagpapasan. Ang mga hayop ay hindi dapat saktan, pagmalupitan sa anupamang kadahilanan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi :

 

“Isinusumpa ng Allah  ang isang tao na sinunog (hinero) ang hayop upang lagyan ito ng tanda.” [168]

 

   Ipinagbabawal din ng Islam sa tao na gawing aliwan ang isang hayop sa pamamagitan ng pagpana nito ng buhay na nagiging sanhi upang ang inosente at kaawa-awang hayop ay magdusa sa kamay ng tao. Isinalaysay ni Ibn Omar () nang nadaanan nito ang isang pangkat ng kabataang Quraish na pinapana nila ang isang ibon. Tinanong ni ibn Omar () kung sino ay may kagagawan nito. At pagkaraan ay nagsabi: ‘Nawa’y sumpain ng Allah  ang taong ginagawang asintahan ang isang buhay na hayop (gaya ng pagpapana sa ibon)’. At si Ibn Omar () ay nagsalaysay tungkol sa isang Hadith na may kaugnayan sa ganitong pagmamalupit sa mga hayop.

 

“Nawa’y sumpain ng Allah  ang sinomang nagsagawang asintahan ang buhay na hayop (halimbawa ang pagpana sa isang buhay na nilalang).” [169]

 

   Itinatakwil at kinamumuhian din ng Islam ang pagputol-putol ng katawan ng isang hayop pagkaraan ito ay patayin na walang makatuwirang dahilan.[170]

 

Ipinagbabawal din ng Islam ang pananakot o pananakit sa mga hayop. Ito ay batay sa isang Hadith na isinalaysay ni Ibn Masoud ().

 

“Kami ay nasa isang pangkat ng Sugo ng Allah. Siya ay umalis upang gumamit ng palikuran. Habang siya ay wala, aming napansin ang isang babaeng ibon kasama nito ang dalawang maliit niyang anak. Aming kinuha ang mga anak nito. Ang ina ng mga maliliit na ibon ay lumipad sa itaas ng ulo ng Sugo ng Allah (na tila nagsusumbong). Nang bumalik ang Sugo ng Allah, napansin niya ang aming ginawa.” Siya ay nagtanong: “Sino ang kumuha ng dalawang maliliit na anak ng ibong ito na siyang sanhi ng kalungkutan at pagdadalamhati nito? Ibalik ang mga anak sa kanyang ina.” [171]

 

   Ipinag-uutos din ng Islam na gawing magaan ang pagkatay sa isang hayop na ang layon ay upang kainin. Ang Islam ay nagtuturo na hindi dapat iharap ang matalim na kutsilyo sa harapan ng hayop na kakatayin o kaya habang ang mga hayop ay nakikita ito. Ang mga hayop na kakatayin ay hindi dapat bakliin ang mga leeg o kaya ay balatan bago ganap na katayin. Ganoon paman, ang Islam ay nag-uutos na dapat patayin ang mga hayop o insekto na nakapipinsala sa tao. Sapagkat ang buhay ng tao ay banal at mahalaga. Ang tao ang siyang pinakamarangal o dakila sa paningin ng Allah (). Katulad ng paliwanag sa naunang paksa, ang tao ang siyang pinakakorona sa lahat ng nilikha. Ang Allah () ay nagsabi:

 

“At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan; pinagkalooban ng masasakyan sa mga lupain at karagatan; At Amin silang ginawaran ng kabuhayan na mabuti at wagas; at Amin silang pinagpala ng higit sa karamihan ng Aming mga nilikha na may tanda ng pagtatangi.” [172]

 

   Binigyang-diin ng Islam na maging maawain sa mga hayop. Katotohanan pa nito, ang magandang pangangalaga ng may kabaitan sa mga hayop ay isang paraan ng pagtanggal ng mga kasalanan at ang pagpasok sa paraiso. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

 

Habang ang isang lalaki ay nasa kanyang paglalakbay sa disyerto, siya ay nakadama ng pagkauhaw. Sa paghahanap niya ng tubig, kanyang natagpuan ang isang balon. Siya ay bumaba sa balon ng may kahirapan, uminom siya at umahon. Sa bukana ng balon, napansin niya ang isang ligaw na aso na sinisipsip ang dumi ng dahil sa masidhing uhaw. Napag-isip ng lalaki na ang asong ito ay masidhing uhaw na katulad din niya. At dahil walang matagpuang lalagyan para ibigay sa nauuhaw na aso, inalis niya ang kanyang sapatos, bumabang muli sa balon at pinuno ng tubig ang sapatos, tinanganan niya ang sapatos sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin at muling umakyat at umahon mula sa balon. At ipinainom ng lalaki sa aso ang tubig na nasa sapatos. Ang Allah  ay tumingin sa lalaking ito ng may awa ng dahil sa ginawang tulong sa aso. Nasiyahan ang Allah  sa ginawa ng lalaki at Kanyang pinatawad ang mga kasalanan nito. Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah  na nakikinig ay nagtanong:’ kami ba ay ginagantimpalaan sa mga kabutihang ginagawa para sa mga hayop. Siya (Sugo ng Allah ) ay sumagot: ’Oo, ito ay tiyak na mayroong gantimpala sa anumang tulong na ipinagkaloob sa anumang (buhay) humihingang hayop.” [173]

 

   At tungkol naman sa mga halaman at punongkahoy, ipinahihintulot na pakinabangan ang mga bunga ng mga punong kahoy. Ngunit, ipinagbabawal ng Islam na putulin ang isang punong kahoy o putulin ang mga sanga nito ng walang mabuting layon. Kung wala din lamang magandang layunin, ang mga puno o mga halamanan ay hindi dapat sirain o putulin. Sa kabila nito, ipinag-uutos ng Islam na panatilihin ang mga halaman o puno upang ang mga ito ay yumabong. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Kung ang Araw ng Paghuhukom ay dumating, (at inyong nakita ang pangyayari), habang ang isang tao ay tangan niya ang isang punla ng datiles (upang itanim), hayaang itanim niya kung kaya niyang itanim bago niya lisanin ang buhay sa mundong ito.” [174]

 

   Higit pa nito, isinasaalang-alang din ng Islam ang pagtatanim ng mga halaman at punong kahoy bilang isang gawaing kapaki-pakinabang at pinagpapala ng Allah (). Batay ito sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Walang Muslim na nagtanim ng isang punong-kahoy na ang mga ibon, o tao at maging hayop na kumain mula rito (ng bunga ng punong itinanim) na hindi makakatanggap ng gantimpala sa pagtatanim ng mga punong-kahoy.” [175]

 

   Tinataguyod din ng Islam ang ilang mga karapatan maging sa mga lansangan o daan at pampublikong daraanan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

 

“Iwasan ang pag-upo sa gilid ng daan.’ Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah () na naroroon nang oras na yaon ay nagsabi: ‘O Sugo ng Allah, ang mga gilid ng mga daan ay lugar para sa amin upang maupo, mag-usap at magpahinga. At hindi namin ito maiwasan.’ Nang marinig nito ng Sugo ng Allah (), siya ay sumagot, ‘Kung hindi kayo makaiwas sa pag-upo sa gilid ng daan, samakatuwid, kayo ay magbigay karapatan para sa mga gilid ng daan’. Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah () ay muling nagtanong, ‘O Sugo ng Allah, ano ba ang mga karapatan ng mga (gilid ng mga) daan’. Ang Sugo ng Allah () ay sumagot: “Ibaba ninyo ang inyong paningin (kapag mayroon dumaraan). Iwasan ang pagkakaroon ng pinsala o pananakit sa kaninuman (na nagdaraan). Batiin (ng salam) ang sinomang bumati sa inyo. Kayo ay nararapat na mag-anyaya ng kabutihan at magbawal ng mga kasamaan.” [176]

 

Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi rin:

 

“Ang pag-alis ng mga nakasasakit na bagay sa daan ay isang uri ng kawanggawa (na ginagantimpalaan at ikinasisiya ng Allah ).” [177]

 

Sinabi rin ng Sugo ng Allah (): “Iwasan ang mga kasumpa-sumpang mga bagay’. Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah () ay nagtanong, ‘O Sugo ng Allah, ‘Ano ba ang mga kasumpa-sumpang mga bagay?’ Ang Sugo ng Allah () ay sumagot: ‘Ang pagdumi ng isang tao sa pampublikong daanan at ang pagdumi (o pag-ihi) sa mga lilim na sinisilungan o pahingahan (pasyalan) ng mga tao.” [178]

 

   Kung ang mga karapatang ito ay hindi naipatupad, ito ay mananatiling mga pangarap lamang na patuloy na inaasam-asam ng tao. At kung wala naman namumuno na maaaring magpatupad ng mga karapatang ito, ang mga mabubuting bunga na maaaring makamtan tungkol dito ay mananatiling mga adhikain lamang na walang katuparan. Ang Sugo ng Allah () ay nagbigay aral na: “Pigilin ang isang mangmang mula sa paggawa ng mga kasamaan.’ Anyayahan siyang gumawa ng mga mabubuting bagay, kung ito ay hindi magawa, ang parusa ng Allah  ay mapapasaiyo.” Upang mapanatili ang mga karapatan sa isang Islamikong lipunan, ipinahayag ng Allah () sa pamamagitan ng Kanyang Sugo () ang mga kautusan na huwag lumagpas sa itinakdang hangganan. At ang Allah () ay nagtakda ng mga kaukulang parusa tungkol dito.

 

Ang Mga (ibang) bagay na dapat at hindi dapat gawin sa Islam.

 

   Ipinagbabawal ng Islam ang pagpatay sa kaninumang tao. Itinuturing ng Islam ang pagpatay bilang isa sa pinakamalaking kasalanan. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“Huwag kumitil ng buhay na ginawang banal ng Allah, maliban sa makatarungang dahilan. At kung sinoman ang pinatay ng may pagkakamali, Aming ipinagkaloob sa mga naiwan nito, ang karapatang (maningil ng Qisas o di kaya magbigay ng kapatawaran): ngunit huwag siyang lumagpas sa itinakdang hangganan hinggil sa pagkitil ng buhay sapagkat siya ay tinutulungan ng batas.” [179]

 

   Ipinagbabawal ng Islam ang pang-aabuso laban sa dangal, karapatan at pribadong pamumuhay. Ang pang-aabuso sa kapwa ay isinasaalang-alang rin ng Islam bilang isang malaking kasalanan. Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag sa Banal na Qur’an:

 

“At huwag kayong magtangkang lumapit man lang sa bawal na pakikipagtalik; dahil ito ay nakakahiya (Fahishah; paglampas sa hangganan ng pagsuway) at malaking kasalanan at magbubunsod sa ibang daan (ng kasalanan).”[180]

 

   Ipinagbabawal din ng Islam ang lahat ng uri ng nakahihiyang gawain o anumang bagay na nag-aanyaya ng kalaswaan sa Lipunan. Samakatuwid, lahat ng gawain na maaaring magbigay daan ng kalaswaan ay ipinagbabawal din ng Islam. Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag:

 

Ipahayag! Halina kayo, aking bibigkasin (sa inyo) kung ano ang mga ipinagbabawal ng Allah sa inyo; huwag kayong magtambal ng anupaman sa pagsamba sa Kanya, maging mabuti at masunurin sa inyong mga magulang, huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa kahirapan; Kami ang nagkakaloob ng ikabubuhay nila at ninyo, huwag kayong lumapit sa kahiya-hiyang kasalanan (bawal na pakikipagtalik at iba pa), kahit na ito ay ginawa ng lantad o lingid, at huwag kayong pumatay ng sinomang ipinagbawal ng Allah, maliban kung ito ay sa makatarungang dahilan (na ayon sa Batas Islamiko). Ito ay kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaunawa.” [181]

 

   Ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng uri ng pang-aabuso laban sa kayamanan at ari-arian ng ibang tao. Samakatuwid, lahat ng uri ng pagnanakaw at pandaraya ay ipinagbabawal sa Islam. Ito ay batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Sinoman ang mandaraya  ay hindi nabibilang sa atin.” [182]

 

   Ang pagpapatubo ay mahigpit na ipinagbabawal sa Islam. Ang Makapangyarihang Allah  ay nagbigay pahayag mula sa Banal na Qur’an:

 

“…Yaon ay sapagkat kanilang sinasabi: “Ang kalakal ay katulad ng patubuan (interest)” ngunit pinahintulutan ng Allah  ang kalakalan at ipinagbawal ang patubuan (interest)...” [183]

 

   Ipinagbabawal ng Islam ang lahat ng uri ng pandaraya at pagtataksil.  Ang Makapangyarihang Allah ay naghayag:

 

“O kayong mananampalataya! Huwag magtaksil (o sirain) ang tiwala ng Allah at ng Kanyang Sugo. At huwag lustayin ang mga bagay na ipinagkatiwala sa inyo.” [184]

 

   Ipinagbabawal din ng Islam ang Monopoliya. Ayon sa salaysay ng Sugo ng Allah ():

 

“Walang gumagawa ng monopoliya maliban sa isang makasalanan.”[185]

 

   Ipinagbabawal din ng Islam ang lahat ng uri ng Suhol. Ang isang Hadith ng Sugo ng Allah () ay nagbigay babala tungkol dito:

 

“Nawa’y isumpa ng Allah ang nagbibigay suhol at tumatanggap nito.” [186]

 

   Kaugnay nito, ang pagbabawal ay ipinag-uutos din tungkol sa mga makasalanang pamamaraan ng pagkuha o pagkakakitaan ng salapi. Ang Makapangyarihang Allah  ay nagpahayag batay sa Banal na Qur’an:

 

“At huwag lustayin ang inyong mga ari-arian sa pamamagitan ng luho at huwag gamitin ito para sa pagsuhol sa Hukom na maaaring maglayon ng maling pag-iimbot at  paglustay sa ari-arian ng ibang tao.”  [187]

 

   Isinusumpa ng Islam ang pang-aabuso sa kapangyarihan o katayuan upang makamtan lamang ang sariling kapakinabangan mula rito. Sinomang nagsamantala sa pamamagitan ng pang-aabuso sa kanyang tungkulin o kapangyarihan ay nararapat na ang lahat ng kanyang ari-ariang nagmula sa pang-aabuso ng tungkulin ay ilagay sa kaban ng pamahalaan. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Sinabi ng Sugo ng Allah  kay Ibn-ul-Lutbiyyah na itinalaga bilang tagapangasiwa ng mga koleksiyon ng Zakat, nang ang tagapangasiwa ng zakat ay hinati ang mga koleksiyon sa dalawang pangkat, ang isa ay para sa Kaban ng Pananalapi at ang isa namang bahagi  ay inako bilang mga handog at alay na ipinagkaloob sa kanya. Nagalit ang Sugo ng Allah  nang marinig niya ito mula sa tagapangilak. Tumayo ang Sugo ng Allah  at nagbigay papuri sa Allah  at pagkaraan ay nagsalita. “Ako ay nagtalaga ng ilan sa inyo sa pagsasagawa ng tungkuling ipinagkatiwala ng Allah  sa akin. Pagkaraan, ang tagapangilak ay bumalik at nagsabing; Ang bahaging ito ay sa iyo at ang bahaging ito ng napangilak para sa Zakah ay ibinigay na handog para sa akin. Bakit hindi subukan ng ganitong tao na umupo sa tahanan ng kanyang ama o ina at pagmasdan kung mayroong mga tao na magbibigay sa kanya ng handog o alay? Isinusumpa ko sa Allah  na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, kung ang isang tao ay kumuha sa kaban ng Zakah, ito ay papasanin niya sa kanyang leeg (at balikat) sa Araw ng Paghuhukom.”

 

   Ipinagbabawal din ng Islam ang lahat ng uri ng nakalalasing na bagay na nakakasira sa kaisipan ng gumagamit nito. Ito ay batay sa kapahayagan ng Banal na Qur’an:

 

“O kayong mananampalataya! Ang “Khamar” at (lahat ng uri ng inuming nakalalasing, nakalalango at nakakasira ng katinuan ng isip), ang Sugal, ang Al Anzab at Al Azlam (mga palaso sa paghahanap ng kapalaran) ay kasuklam- suklam na gawain ni Satanas. Kaya’t (mahigpit) na talikdan (ang lahat ng gayong kasuklam-suklam na bagay) upang kayo ay maging matagumpay.” [188]

 

   Ipinagbabawal din ang anumang uri ng pananakit sa mga tao o hayop katulad ng pagpalo at iba pang masamang gawain katulad ng paninirang puri, paggawa ng masasamang salita, pagsaksi ng walang katotohanan. Ito ay batay sa kapahayagan ng Banal na Qur’an:

 

“Ang yaong yumayamot sa mga mananampalatayang lalaki at babae, ipataw sa kanilang mga sarili ang paninira at malaking kasalanan.” [189]

 

   Karagdagan pa nito, ang Islam ay pinangangalagaan ang puri at dangal ng iba. Magkagayon, kinamumuhian ang paninirang puri. Ang Makapangyarihang Allah  ay nagsabi:

 

“O kayong mananampalataya! Iwasan ang panghihinala hanggang maaari: sapagkat ang panghihinala sa ibang pagkakataon ay isang kasalanan: at huwag maniktik sa kapwa o di kaya magsalita ng masama sa iba ng talikuran. Nais ba ninyo na kainin ang laman ng iyong kapatid na yumao? Ah, ito ay inyong pakaiwasan. Magkagayon, matakot sa Allah: sapagkat ang Allah ay lagi ng tumatanggap ng mga taong nagbabalik loob, ang Maawain.” [190]

 

   Ang Allah () ay nagpahayag din ng isang kautusan na umuugnay sa mga gawaing di kanais-nais:

 

“Kung inyong matagpuan ang isang tahanan na walang tao, huwag pumasok maliban kung may kapahintulutan; kung kayo ay inutusang umalis, kayo ay humayo: ito ay makapagbibigay ng higit na kalinisan sa inyong mga sarili: at ang Allah ay nakababatid ng ganap sa lahat ng inyong mga gawa.” [191]

 

   Ipinag-utos din ng Islam ang lahat ng uri ng gawaing di makatarungan laban sa kapariwaraan ng kaluluwa. Ito ay batay din sa kautusan mula sa Allah  () na matatagpuan sa Banal na Qur’an:

 

“Ipinag-utos ng Allah  ang katarungan, ang paggawa ng kabutihan, ang pagiging mapagbigay sa mga malalapit na kamag-anak, at ipinagbawal Niya ang lahat ng nakahihiyang gawain, ang di makatarungan at ang paghihimagsik. Siya ay nagbigay kautusan upang sakali kayo ay makatanggap ng babala. Tuparin ang kasunduan sa Allah  kapag kayo ay pumasok (sa kasunduan) at huwag sirain ang pangako pagkaraang ito ay inyong tinanguan. Katotohanan, itinalaga mo ang Allah  bilang tagapamagitan (surety); sapagkat ang Allah  ang nakaaalam ng lahat ng inyong gawa.” [192]

 

   Bilang pagbibigay patunay nito, isang Hadith Qudsi ng Sugo ng Allah () ang nagbigay inspirasyon.  Ang Allah () ay nagsabi:

 

“O aking mga alipin! Ipinagkait Ko sa Aking Sarili ang pang-aabuso (pang-aapi) gawang di makatarungan. (Kayat) Ipinahayag Ko ang pagbawal sa pagiging di makatarungan sa mga tao. Samakatuwid, huwag gumawa (o magsanhi) ng anumang gawang di makatarungan sa isa’t isa.” [193]

 

   Hindi tinatanggap ng Allah () ang di makatarungang gawain maging ito ay sa pagkakaroon ng di magkakatulad na relihiyon at paniniwala. Ipinag-utos ng Allah () sa mga Muslim na maging mabait at makatarungan sa mga di-Muslim lalo na yaong naninirahan sa Islamikong pamayanan at lipunan. Ang Allah () ay nagpahayag batay sa Banal na Qur’an:

 

“Hindi ipinagbabawal ng Allah ang makipag-ugnayan o makitungo ng may katarungan at kabaitan sa mga taong hindi nakikipaglaban sa inyo (tungkol sa inyong Pananampalataya) at silang hindi  nagtataboy sa inyong mga tahanan: sapagkat minamahal ng Allah  ang mga makatarungan.” [194]

 

   Ipinagbabawal ng Islam ang paghamon sa mga di-Muslim sa larangan ng kanilang relihiyon, sapagkat ito ay nagbibigay daan ng hidwaan sa magkabilang panig. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi:

 

“Huwag hamakin (alipustain) yaong kanilang mga dinadalanginan bukod sa Allah  sapagkat maaari nilang hamakin (alipustain) ang Allah  ng may kamangmangan...” [195]

 

   Sa kabila nito, ipinag-utos ng Allah () sa mga Muslim na maging pantay at gawing kaaya-aya ang pakikipagtalakayan sa kanila. Ayon sa Banal na Qur’an:

 

“Sabihin: O, angkan ng mga Kasulatan ! halina sa isang kasunduang namamagitan sa inyo at sa amin: na tayo ay walang dapat sambahin maliban sa Allah; na hindi tayo magbibigay ng anumang katambal sa Kanya sa pagsamba, at hindi tayo magtatag mula sa ating mga sarili ng anumang mga Panginoon at patron maliban sa Allah.  At kung sila man ay tumalikod, ito ay iyong sabihin: Ikaw ay saksi na kami ay Muslim (na yumuyuko  sa Kalooban ng Allah).” [196]

 

   Ipinatitigil ng Islam ang lahat ng uri ng katiwalian maging ito ay panlipunan, politikal o moral na kasalanan. Ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“Huwag gumawa ng katiwalian sa mundo pagkaraang ito ay pinagtibay bagkus dumalangin sa Kanya ng may takot at pagsusumamo (sa inyong mga puso) sapagkat ang Awa ng Allah  ay (lagi) malapit sa mga gumagawa ng kabutihan.” [197]

 

   Hindi rin tinatanggap o di inaayunan ng Islam ang pilitin ang mga di-Muslim na pumasok o yumakap sa Relihiyong Islam. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“Kung niloob lamang ng inyong Panginoon, silang lahat sa buong mundo ay tunay nga na maniniwala! Pipilitin mo bang maniwala ang sangkatauhan ng laban sa kanilang kalooban?” [198]

 

   Hindi naman nangangahulugan na ang mga Muslim ay hindi dapat mag-anyaya sa mga di-Muslim na yumakap sa Islamikong paniniwala sa nag-iisang Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mensahe ng Allah () sa mga mamamayan. Ang mga Muslim ay nararapat na manawagan o mag-anyaya sa paraang maayos, makatuwiran at magandang pakikipag-ugnayan. Ang Islam ay mayroong pangkalahatang layunin at hindi lamang ito nakalaan sa isang partikular na lugar o lahi o mamamayan. Tungkulin ng mga Muslim na iparating ang mensahe ng Islam sa lahat ng tao ngunit hindi tungkulin ng Muslim na piliting yumakap sa Relihiyong Islam ang sinoman. Ang tunay na patnubay ay nasa mga kamay ng Allah () lamang at wala sa kamay ng sinomang tao.

 

   Ipinag-uutos ng Islam ang pamamalakad ng kanilang pamahalaan sa pamamagitan ng sanggunian. Ang sanggunian ay isang pangunahing Prinsipiyo ng Islam. Ang prinsipiyo ng sanggunian ay pinahihintulutan sa mga pagkakataong ang mga suliranin o paksang tinatalakay ay hindi binabanggit ng Qur’an o Sunnah. Ang sanggunian ay itinatag (ang Allah, , ang lubos na nakaalam) upang ang mga tao o mamamayan ay malayang lasapin ang mga karapatan sa Islamikong Lipunan. Ang Allah () ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“…at sila ang namamalakad ng kanilang mga gawain sa pamamagitan ng pinagkaisang sanggunian…” [199]

 

   Binigyan-diin ng Allah () ang kahalagahan ng pagpapatupad at pagpapairal ng prinsipiyong sanggunian sa Islamikong Lipunan o Pamahalaan upang maging isang huwarang pamamaraan ng buhay. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi batay sa Banal na Qur’an:

 

“Ito ay bahagi ng Awa ng Allah  na kayo ay (napag-utusang) makipag-ugnayan sa kanila sa paraang may kabaitan. Kung ikaw ay naging malupit at matigas ang puso, sila ay lalayo mula sa iyo; kaya’t maging mapagpaumanhin sa kanilang pagkukulang, at dumalangin sa Allah  para sa kanilang mga kasalanan; at sumangguni sa kanila sa mga gawain (pansamantala). Pagkaraan, kapag ikaw ay nagkaroon na ng pagpapasiya, magtiwala sa Allah. Sapagkat minamahal ng Allah  ang nagtitiwala (sa Kanya).” [200]

 

   Ipinag-uutos ng Allah () na lahat ng magkakaugnay na karapatan ay ipagkaloob sa sinomang karapat-dapat bigyan. Ang ganap na katarungan ay lagi ng ipinag-aanyaya ng Islam para sa tao. Ayon sa Banal na Qur’an, ang Allah () ay nagbigay aral:

 

“Ipinag-uutos ng Allah  na ibalik ang ipinagkatiwala sa inyo mula sa tao na ang tiwala ay nauukol para dito at kung magbibigay hukom sa pagitan ng dalawang tao, maging makatarungan; tunay na napakaganda (napakabuti) ng aral na ipinagkaloob Niya sa inyo! Sapagkat ang Allah  ay Siyang nakaririnig at nakakakita ng lahat ng bagay.” [201]

 

   Ipinag-uutos din ng Allah () na tulungan ang mga naaapi maging sa pamamagitan ng lakas. Ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“At ano ba ang humahadlang sa inyo, na kayo ay hindi nakikipaglaban para sa landas ng Allah, at sila na mahihina, ang mga pinakikitunguhan ng mga masasama at inaalipusta sa lipon ng mga kalalakihan, kababaihan at mga bata na ang pagsusumamo ay: Aming Panginoon! Iligtas Ninyo kami sa bayang ito na ang mga tao ay mapang-api, Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang tagapagtanggol, at Inyong ipagkaloob sa amin mula sa Inyo ang isang makakatulong at isang makapangangalaga.” [202]

 

   Sa pananaw ng katotohanan na mayroong mga pangkat ng mamamayan, na naunang binanggit sa aklat na ito, na hindi magiging mabuti kung walang puwersahang paggamit ng lakas laban sa kanila samakatuwid ang Islam ay nagtatag ng makapangyarihang pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay magbibigay ng katiyakan sa lahat ng mamamayan na makamtan o malasap ang mga magkakaugnay na mga karapatan sa Islamikong Lipunan. Ang pamamaraang ito ang siyang mamamalakad o susubaybay sa pagpapairal o pagpapatupad ng mga nabanggit na karapatan at pigilin ang pang-aabuso o pang-aapi sa Islamikong Lipunan. At ang pamamaraang ito ay mayroong karapatan upang ilapat din ang mga naturang parusang  laban sa mga taong mapang-abuso o mapang-api at yaong lumalabag sa batas ng Islamikong Lipunan. Ang sumusunod na paksang tatalakayin ay isang maikling paglalahad ng iba’t ibang pamamaraan ng Islam na siyang bumubuo ng pangkalahatang pamamaraan nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang Paghuhukom sa Islam

 

   Ito ay isang independiyenteng administratibong pamamaraan sa isang Islamikong pamahalaan. Ito ay itinatag upang lutasin ang lahat ng uri ng legal na hidwaan mula sa mga mamamayan. Ang Islam ay isang pamamaraan na binigyang katiyakan ang mga magkakaugnay na karapatan ng mamamayan. Binigyang katiyakan din ng pamamaraan ng Islam ang pagkakaroon ng ganap na pagpapatupad ng katarungan. Pigilin ang pang-aabuso at parusahan ang nang-aabuso o nang-aapi. Ang Islamikong Pamamaraang ito ay sumusunod batay sa Kautusan ng Allah () at batay rin sa Sunnah ng Sugo ng Allah (). Mayroong mga itinakdang batayan para sa pagsasakatuparan ng anumang kalagayan sa Islamikong Paghuhukom. Ang mga sumusunod ay maikling pananaw para sa pangangailangan ng isang matibay na batayan:

 

   Ang isang muslim na naghahangad na maging Tagapaghukom ay nararapat na nasa tamang gulang, tamang pag-iisip at may kakayahang ipatupad ang batas.

 

   Siya ay nararapat na may sapat na karunungan at kalusugan upang balikatin niya ang mga tungkulin at pananagutang nakaugnay sa kanyang katungkulan.

 

   Siya ay nararapat na maalam at marunong tungkol sa Batas ng Shariah at maging ang mga pinahihintulutan o ipinagbabawal. Siya ay nararapat na may kakayahang bigyang kaibahan kung ano ang bawal at kung ano ang pinahihintulutan. Siya ay nararapat na may kakayahang maunawaan at magbigay ng mga kapasiyahan tungkol sa mga makamundong paksa at maging sa relihiyong aspeto ng paghuhukom.

 

   Siya ay nararapat na isang marangal na mamamayan, matapat at mayroong magandang pag-uugali, asal at makadiyos at magalang. Hindi siya dapat nagkaroon ng anumang masamang reputasyon. Siya ay taong matuwid at makatarungan upang ang kanyang paghuhukom at paglilitis ay ganap na tanggapin ng magkabilang panig na nasasangkot sa hidwaan.

 

   Higit pa rito, bawat mamamayan sa Islamikong Lipunan, anuman ang kanyang relihiyon, katayuan sa lipunan ay nararapat na nakukuha niya ang mga karapatan. Ang mga sumusunod ay mga karapatan:

 

   Ang karapatang humingi ng katarungan laban sa pang-aabuso o pang-aapi. Ang isang mamamayan ay may karapatang magsampa ng anumang kaso laban sa mga nang-aabuso sa kanya.

 

   Ang dalawang nag-aaway; ang nagsampa ng karaingan at ang sinampahan ng karaingan ay mayroong kapwa pantay na karapatan sa pagdulog sa kaso. Ito ay batay sa sinabi ng Sugo ng Allah ():

 

“Sinoman ang binigyan ng pagsubok dito sa buhay bilang isang hukom para sa mga Muslim, siya ay nararapat na maging  makatarungan at pantay sa pagbibigay husga.”

 

   Karagdagan pa nito, ayon sa isang Hadith ng Sugo ng Allah () , si Ali () ay nagbigay payo ng siya ay itinalaga bilang hukom.

 

“Katiyakan, papatnubayan ang iyong puso at patitibayin ang iyong dila (sa katotohanan). Kapag ang akusado at ang nag-akusa ay kapwa nakaupo sa iyo, huwag kang magbibigay ng paghuhusga sa isa hanggang hindi mo naririnig ang pahayag ng kabila katulad ng pagkakarinig mo sa una.” [203]

 

   Ayon sa Islam, bawat isa ay itinuturing na walang kasalanan hanggang mapatunayan ang pagkakasala. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Kung ang mga tao ay binigyan ng paghuhusga batay sa kanilang sariling pagpapahayag (at sariling pananalita), inyong matatagpuan na ang mga tao ay magpapahayag na ang iba ay pinatay (ang kanilang kamag-anak) o inari ang kanilang kayamanan, Magkagayon ang nasasakdal ay nararapat na magbigay ng panunumpa.” [204]

 

Si Baihaqi () ay nagbigay salaysay na, “Ang ebidensiya ay dapat na ibigay ng naghahabla at ang panunumpa ay dapat ibigay ng nasasakdal.”

 

   Ipinagkakaloob ng Islam ang karapatan ng isang taong pinaghihinalaan. Ang pagbibintang o akusasyong batay sa hinala lamang ay hindi makapipigil upang hindi ipagkaloob sa pinaghihinalaan ang kanyang karapatan. Ang pinaghihinalaan ay hindi dapat puwersahin laban sa kanyang kalooban na magsalita, gawin o kumilos sa anumang paraan. Ang suspek ay hindi dapat saktan sa anumang dahilan. At hindi rin siya dapat isailalim sa anumang pananakit o pagmamalupit upang puwersahan niyang ipagkaloob ang pag-amin sa kasalanan. Ito ay batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Ang Allah ay nagpahayag (ng pagpapatawad) sa mga sumusunod na bagay sa pamayanang Muslim (sila ay walang pananagutan): pagkakamali, pagkalimot at ang sapilitang ipinagagawa (laban sa kanilang kalooban).” [205]

 

   Isinalaysay pa ng ikalawang Khalifa, si Omar Ibn Khattab () ay nagsabi:

 

“Kung ang isang pinaghinalaan ay iyong ginutom, tinakot at ikinulong, huwag mong asahan na siya ay ligtas at hindi umamin laban sa kanyang kaluluwa.” [206]

 

   Pinaninindigan ng Islam ang pansariling pananagutan. Ang ibig sabihin ay walang sinoman ang dapat papanagutin sa kasalanan ng iba. Ang parusa ay nararapat na ibigay lamang sa isang nagkasalang tao. Walang kaugnayan ang pamilya nito sa anumang parusa o multa (penalty) sa paghusga. Ito ay ayon sa Banal na Qur’an na nagpahayag ng:

 

“Sinoman ang nagsikhay ng kabutihan, ito ay upang sa kapakinabangan ng kanyang sariling kaluluwa; at sinoman ang nagsikhay ng kasamaan, ito ay laban sa kanyang sariling kaluluwa: at ang iyong Panginoon ay hindi kailanman naging di-makatarungan sa Kanyang mga alipin.”[207]

 

Karagdagan pa nito, batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Walang sinoman ang dapat magpasan ng kamalian ng kanyang kapatid o ng kanyang ama.” [208]

 

   Nagbibigay ng mga itinakdang alituntunin para sa kilos at gawa ng mga hukom na dapat sundin. Ang isang liham ng pangalawang Khalifa, si Omar bin Khattab () sa kanyang napiling mga hukom ay nagbigay ito ng isang alituntunin. Ang liham ay naglalaman ng ganito:

 

   Mula sa pangalawang Khalifa, Omar bin Khattab (), ang alipin ng Allah (), para kay Abdullah Bin Qais.

 

Kapayapaan sa iyo. Ang pagbibigay ng mga paghuhukom sa mga taong may hidwaan ay isang malinaw na tungkulin na dapat sundin at ipatupad na maayos. Dapat mong pilitin na unawain ang mga taong iyong kaharap. At dapat mo ring mapag-isipan na walang sinoman ang magkakaroon ng kabutihan mula sa karapatan na hindi maayos na ipinatupad. Magbigay ng pantay na pananaw sa mga taong nasa ilalim ng iyong paglilitis upang ang isang maimpluwensiyang tao ay huwag makapag-isip ng anupaman nang dahil sa kanyang kalagayan. Higit sa lahat, ang isang mahinang tao ay hindi manlumo (sa pagkuha) ng katarungan sa iyong hukuman. Ang nasasakdal ay dapat magbigay ng patunay (ebidensiya). Ang nagsampa ng karaingan ay dapat manumpa kung itanggi at itakwil ang karaingan ng isinakdal. Ang mga taong may hidwaan ay maaaring pumasok sa kompromiso sa isa’t isa. Ngunit, walang kompromiso na dapat tanggapin kung ito ay magsisilbing daan upang ang ipinagbabawal ay maging isang pinahihintulutan. Kung ikaw ay magbibigay ng paghuhukom sa isang araw, ngunit sa pagsusuri mo sa sumunod na araw, iyong natagpuan na ikaw ay nagkamali at ang tamang paghuhukom ay hindi yaon ang naipahayag noong una, samakatuwid ay dapat buksang muli ang kaso at ibigay ang tamang paghuhukom. Dapat mong malaman na ang pagbabalik sa tamang paghuhukom at paglilitis ay higit na maganda kaysa pumasok ng malalim sa kasinungalingan. Dapat mong maunawaan na ang nakalilitong bagay ay walang katibayan mula sa banal na Qur’an at mula sa Sunnah ng Sugo ng Allah. Pilitin mong pag-aralan ang mga magkakahawig na mga paglilitis, at paghuhukom at pagkaraan ay magbigay ng masusing pag-aaral kalakip ng  mga kaalamang iyong makuha. Pilitin mong piliin ang isang bagay na kalugod-lugod sa Allah at yaong pinakamalapit sa katotohanan. Magbigay ng pagkakataon sa isang nasasakdal sa pamamagitan ng pagtakda ng panahon upang patunayan ito. Kung ang nasasakdal ay nagbigay ng patunay, ayusin ang kaso sa kanyang panig. At kung  wala naman, magbigay hukom laban sa kanyang kaso. Dapat mo ring malaman na lahat ng muslim ay mapagkakatiwalaan sa larangan ng pagpapahayag maliban sa isang taong hinagupit nang dahil sa mga nakahihiyang gawain sa Islamikong Lipunan o ang isang tao na kilala sa pagbibigay ng pahayag na may lakip ng kasinungalingan o ang isang taong kamag-anak ng nasasakdal. Dapat mo ring malaman na ang Allah ay pinangangalagaan Niya ang lahat ng tagong lihim ng tao at tinutulungan ka Niya sa paghuhukom sa pamamagitan ng mga inihandang patunay o ebidensiya. Karagdagan pa nito, huwag kang mag-alala at maging maluwag ka sa mga taong may hidwaan sa isat isa sapagkat ginagantimpalaan ng Allah ang matiisin at nasisiyahan sa ibinunga nitong paghuhukom. Dapat mo ring malaman na kung ang isang tao ay mayroong tapat na ugnayan sa Allah, katiyakang pauunlarin ng Allah ang ugnayan ng tao sa lipunan.” [209]

 

   Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksa, basahin ang mga aklat na nagbibigay paliwanag tungkol sa Islam.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang Hosbah- Ang Pananagutan; Ang Pamamaraan ng Pagtataguyod at Pagpapatupad ng Relihiyong Islam.

 

   Ang Hosbah, isang kusang-loob na pamamaraan upang itaguyod at ipatupad ang pananagutan sa ilalim ng Relihiyong Islam. Ang pangunahing layunin ng Hosbah ay upang magtatag ng shariah (Batas ng Islam) sa Islamikong lipunan. Ang Hosbah ay ginagamit ang lahat ng pamamaraan na maghikayat na paggawa ng kabutihan at magbawal naman ng mga kasamaan upang mabigyang kaukulang pagsunod sa Shariah (Batas ng Islam). Ang shariah ang siyang nagbibigay disiplina sa mga taong hayagang gumagawa ng mga nakahihiyang bagay, mga imoralidad na gawain at iba pa. Karagdagan pa nito, ang mga taong naglilingkod sa ilalim ng Hosbah ay kanilang minamanmanan ang mga ipinagbabawal na gawain katulad ng pandaraya, pamimili at pagtitinda ng mga bagay na masama. Binigyang pansin din ng Hosbah ang pagkasira ng mga pampublikong gamit (mga daan, patubigan, pagamutan, tulay, paaralan) upang muli nitong ipagawa at ayusin para sa kapakinabangan ng lipunan at maiwasan ang anumang kapahamakan na maaaring kaharapin ng tao. Ang lahat ng kusang pagtataguyod ng Hosbah ay batay sa Kautusan ng Allah () mula sa Banal na Qur’an:

 

“Kayo ang pinakamabuting tao na lumitaw sa Sangkatauhan, naghihikayat kung ano ang matuwid, (at) nagbabawal kung ano ang masama, at nananampalataya (sumasamba lamang) sa Allah ...” [210]

 

   Ang Hosbah ay nagpapahiwatig din ng takot sa parusang matatamo mula sa Allah (). Ito ay batay rin sa babalang ipinahayag ng Banal na Qur’an:

 

“Ang mga sumpa ay  ipinahayag sa mga tao mula sa mga Angkan ng Israel na nagtakwil ng Pananampalataya, sa pamamagitan ng dila ni David at ni Hesus, ang anak ni Maria, sapagkat sila ay  sumuway (sa kautusan) at patuloy sa pagmamalabis. Sila ay hindi nagbawal sa di makatarungang gawain ng iba sa kanila. Tunay na masama ang kanilang mga gawa.” [211]

 

   Bawat tao sa ilalim ng Islamikong Lipunan ay dapat na magkaroon ng kaukulang tungkuling dapat gampanan sa Hosbah, nag-aanyaya sa paggawa ng mga mabubuting gawain at nagbabawal naman kung ano ang ikasasama ng tao. Ang tungkuling nakaatang sa balikat ng sinuman ay batay naman sa kakayahan at katayuan nito. Ayon sa Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Sinoman ang nakakita ng di kaaya-ayang gawain (immoral) na isinasagawa (sa Islamikong Lipunan) ay nararapat na baguhin ito (ituwid ito) sa pamamagitan ng sarili niyang kamay. Kung ito ay hindi niya magawa, hayaang gawin niya ito sa pamamagitan ng kanyang dila (pagpayuhan ang taong gumawa nito sa paraang mahinusay). (At sa huli) kung hindi niya ito magawa, hayaang kamuhian niya ang gawaing  ito mula sa kanyang puso. Ito ang pinakamababang antas ng Iman (pananampalataya).” [212]

 

   Magkagayunman, ang pagtutuwid ng isang kamalian ay maaaring bigyang hangganan kung ang ibubunga nito ay magdudulot ng higit pang kasamaan.

 

   Ang Relihiyong Islam, na ipinahayag kay Propeta Muhammad () ay nagbibigay liwanag sa makataong karapatan  batay sa Hadith na isinalaysay na may ganitong aral:

 

“Katotohanan, ang inyong dugo, ang inyong yaman at ng lahat ng inyong pinangangalagaang bagay ay ipinagbabawal sa bawat isa. Lahat ng mga ito ay banal katulad ng dakilang araw na ito, sa dakilang buwan na ito at sa dakilang pook na ito.” [213]

 

   Lahat ng karapatan ng tao ay naipahayag at nakatala dito sa (Farewell Pilgrimage Speech) Huling Pananalita ng Sugo ng Allah () bago siya pumanaw. Ang Islam, sa kabuuan nito, ay nagtatag ng lahat ng batas at alituntunin upang mapanatili ang karapatan ng tao at pangalagaan ito sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nagbibigay babala rin ng malaking kaparusahan sa mga taong sumusuway.

 

   Ang sumusunod na paksa ay humahalaw tungkol sa “Declaration of Human Rights” na tinalakay sa isang pagpupulungan na ginanap sa lungsod ng Cairo (Egypt). Mahalagang isaalang-alang na ang mga nakatalang mga karapatan ng tao sa Deklarasyong ito ay pawang mga pamantayan (guidelines) at pangkalahatang alituntuinin (general rules) lamang. Ang mga karapatan ng tao, ayon sa Islam, ay magkakaugnay sa isa’t isa katulad ng isang tanikala na matatag na kumakawing sa bawat isa. Ang pangkalahatang prinsipiyo o simulain at mga alituntuning nakaugnay sa bawat karapatan ng tao sa Relihiyong Islam ay nahahati sa ibang uri o pangkat. Kaalinsunod nito, ang mga mabababang uri o pangkat nito ay nahahati rin sa iba pang kasunod na pangkat. Ito ay nangangailangan ng mahabang pagpapaliwanag kung nais nating talakayin ang mga ito sa detalyadong pagsusuri. Samakatuwid, atin lamang bibigyan ang mga ito na mga pahapyaw na paliwanag. Para sa karagdagang pagsusuri, ang isang mambabasa ay maaaring magsikhay ng mga kaalaman mula sa mga aklat tungkol sa Karapatan ng Tao. Higit na magandang sabihin na, “Ang Islam ay ipinagkaloob ng Allah () upang panatilihin ang lahat ng karapatan ng tao at gawing panatag at masaya ang pamumuhay ng sangkatauhan dito sa mundo maging sa kabilang buhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang Islamikong Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao

 

   Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag mula sa Banal na Qur’an:

 

“O Sangkatauhan! Nilikha Namin kayo mula sa isang pares ng lalaki at babae, at ginawa Namin kayo na maraming bansa at mga tribo upang magkakila-kilala ang bawat isa sa inyo (at hindi upang hamakin ang bawat isa). Katotohanan ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay yaong sumasampalataya na may Taqwa (ang may takot sa Allah at gumagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na ipinag-uutos sa kanya). Katotohanan ang Allah  ay tigib ng Kaalaman at lubos na Nakababatid sa lahat ng bagay.” [214]

 

   Ang mga kasaping bansa ng “Islamic Congress Organization”, sa pagkakaroon ng pananalig sa Allah, ang Tagapaglikha ng lahat ng nilikha, ang Tagapagbigay ng lahat ng Kabuhayan, Siya na lumikha sa tao sa pinakamagandang ayos at anyo at binigyang karangalan sa pamamagitan ng pagtatakda sa kanya bilang Kanyang Khalifa (tagapamahala sa lupa). Pinagkatiwala sa tao ang pananatili, pagpapaunlad ng lupang inihanda para sa kanya. At upang makatupad ang tao sa pagpapaunlad ng daigdig, ipinagkaloob sa kanya ang mga Banal na Kautusan at Tungkulin at gamitin ang lahat ng bagay dito sa mundo upang kanyang magampanan ang pananagutang iniatang sa kanya.

 

   Ang paniniwala at pagsunod sa mensahe ni Propeta Muhammad (), na siyang pinili ng Allah () na may dalang patnubay at Tunay na Relihiyon (Tamang Pamamaraan ng Buhay) sumasagisag bilang Awa sa Sangkatauhan. Siya ang tagapagpalaya ng lahat ng alipin, ang Tagapagsira ng mga mapang-abuso at mapang-aping tao sa mundong ito. Ang Sugo ng Allah () ay tunay na nagpahayag ng isang makatarungang Batas sa lahat ng uri ng tao. Walang pagkakaiba ang bawat tao maliban lamang sa antas ng kabutihan (o kabanalan). Ang Sugo ng Allah () ay ganap na pinawalang saysay ang lahat ng uri ng (diskriminasyon) pagkakaiba na namamagitan sa mga tao na nilikha ng  Allah () mula sa iisang kaluluwa.

 

   Batay sa wagas na pananampalataya sa Nag-iisang Diyos- (Ang Allah) na siyang haligi ng Islam, ang lahat ng tao ay tinatawagan at inaanyayahan na sambahin ang Nag-iisang Diyos, na huwag magbigay ng anumang katambal sa pagsamba sa Kanya bilang Nag-iisang Diyos at huwag magtayo ng anumang bagay na sasambahin bukod sa Allah (). Itong pananampalatayang ito ang siyang tumatayong moog para sa Kalayaan at  Dangal ng tao at siya ring nagpahayag sa kalayaan ng tao mula sa pagkakaalipin at pagkakagapos nito sa kapwa niya tao.  

 

   Bukod pa rito, ang  Shariah (Islamikong batas) ay nagsilbing daan para sa pananatili ng wagas na pananampalataya, malinis na kaluluwa, kaisipan, karangalan, at mabuting lahi ng sangkatauhan. At batay sa malawak at katamtamang pamamaraan ng pagpapatupad ng alituntunin, mungkahi, paghuhusga at paglalapat ng parusa ng Shariah, na kung saan ang kaluluwa, damdamin, kaisipan, katuwiran ay iginagalang at pinararangalan.

 

   Upang bigyang-diin ang kahalagahan ng kultura at kasaysayang pananagutan ng pamayanang Muslim, ang mga bansa ay gumanap sa mahabang kasaysayan ng tao sa mundong ito, sapagkat ang Allah () ay itinakda ang pamayanang Muslim (Ummah) bilang pinakamabuti sa lahat ng mamamayan. Itinakda Niya ang Sangkatauhan bilang tagapagmana ng isang pamayanang pantay, matatag at pangkalahatang kabihasnan at kultura na umuugnay sa buhay sa mundo at maging sa kabilang buhay. Ang Pamana ng Pamayanang Muslim (Ummah) ay tumutugma at umaalinsunod sa larangan ng Agham (Science) at Relihiyon (Pananampalataya). Sa ngayong makabagong panahon, ang pamayanang Muslim ay gumaganap din bilang tagapatnubay sa mga naliligaw ng landas. Ang ibang tao ay naliligaw dahil na rin sa agos at takbo ng nagpapaligsahang anyo ng materyalistikong pamumuhay.

 

   Sa pagkilala sa makataong pagpupunyaging nakaugnay sa karapatan ng tao na nagpapangalaga sa kanya laban sa masamang pakikisalamuha, ang mga paglabag o pagsuway at pang-aabuso at may layong bigyang pansin ang kalayaan ng tao at ang karapatan nito para sa isang kaaya-aya at marangal na pamumuhay at maaliwalas na kalagayan, ito ay nararapat na umaalinsunod at umaayon sa Islamikong Shariah.

 

   Sa kabila ng naglalakihang kaunlaran ng sangkatauhan sa larangan ng pangmateryal na pamumuhay, inilarawan pa rin namin ang isang dakilang pangangailangan para sa ispirituwal na kaunlaran batay sa pananampalataya upang higit na bigyang katatagan o pangangalaga ang lahat ng natamong kaunlaran sa nagbabagong aspeto ng kabihasnan. Ito ay isang pangangailangan upang mapangalagaan ang bawat karapatan ng tao sa kanyang lipunan.

 

   Kami ay naniniwala (at nananalig), na ayon sa aral ng Islam, na ang pangunahing (basic) karapatan at pampublikong kalayaan ay malaking bahagi ng Islamikong Paniniwala at Pananampalataya. Walang sinoman ang makapipigil ng mga ito, maging isa man sa mga ito o ang kabuuan nito. At kami rin ay naniniwala na sinoman ay walang karapatan na suwayin o sirain o talikdan ang mga bagay na ito. Ang mga karapatang ito ay mga banal at maka-diyos. Ito ay ipinahayag mula sa mga Propeta ng Diyos sa lahat ng mga Banal na Kasulatan o Kapahayagan. Katotohanan nito, sinugo ng Allah () si Propeta Muhammad () bilang Huling Propeta sa sangkatauhan na binigyang ganap ang lahat ng mensahe ng mga naunang Propeta at Sugo. Ang mensahe ng lahat ng Propeta ay binubuo ng mga kaukulang karapatan ng tao at ang bawat karapatan nito ay isinasaalang-alang bilang mga uri ng pagsamba. Ang pagsasawalang bahala o pagtalikod sa mga karapatang ito ay isang kasalanan ayon sa aral ng Islam. Ang pamayanang Islam ay may pananagutan sa lahat ng mga karapatang ito.

 

   Batay sa nabanggit sa itaas, ang mga kasaping bansa ng “Islamic Congress Organization” ay nagpahayag ng mga sumusunod:

 

Haligi Bilang 1

 

  1. Ang buong sangkatauhan ay binubuo ng isang malaking angkan. Sila ay nagkakaisa sa ilalim ng bandila na nagsasaad na lahat ng tao ay alipin ng Nag-iisang Allah () at sila ay mga anak ni Adan. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa makataong dangal at puri. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa larangan ng pananagutan. Walang lahi, kulay, wika, kasarian, pananampalataya, politikong pangkat, kalagayan sa lipunan ang maaaring magbigay pagtatangi o kaibahan kaninuman. Ang tunay at makatuwirang paniniwala ang siyang tanging katiyakan upang makamtan ang kaunlaran ng makataong dangal sa makataong pakikisalamuha.

 

  1. Lahat ng tao ay tumatayo bilang pamilya ng Diyos. Ang isang natatangi ay yaong siyang pinakamabuti sa lahat. Walang pagtatangi sa isa’t isa maliban sa kabanalan at gawaing mabuti.

 

Haligi Bilang 2

 

  1. Ang buhay ay isang handog ng Allah (). Ito ay pagpapala sa bawat tao. Lahat ng kasapi ng isang lipunan, at lahat ng bansa at bayan ay nararapat na pangalagaan ang karapatang ito laban sa lahat ng uri ng pang-aapi o panghahamak. Walang buhay ang maaaring kitlin malibang ito ay may lakip ng kaukulang lapat ng batas.

 

  1. Hindi makatarungan na gumamit ng anumang bagay o pamamaraan upang lipulin ang lahi ng sangkatuhan.

 

  1. Ang pananatili at pangangalaga ng buhay ng tao ay (Batas) Shariah, pananagutan (at) tungkulin.

 

  1. Ang kasarinlan ng tao ay dapat igalang. Walang sinoman ang may karapatang lupigin ang kasarinlan nito. Ang pamahalaan ay nararapat na pangalagaan ang karapatang ito.

 

Haligi Bilang 3

 

  1. Habang ginagamit ang lakas, o sa panahon ng pakikipagdigma, hindi makatarungang kitlin ang buhay ng mga nasasangkot sa patayan. Ang mga matatanda, mga babae, bata, may sugat at maysakit ay may karapatang gamutin. Ang mga nadakip na kalaban ay may karapatang pakainin, bihisan at bigyang tirahan. Ipinagbabawal ang putul-putulin ang mga biktima ng digmaan. Ang mga bilanggo ng digmaan sa magkabilang panig ay dapat na magpalitan. Ang mga pamilya na nagkahiwa-hiwalay ay may karapatang magsamang muli.

 

  1. Ipinagbabawal ang putulin ang mga punong kahoy, sirain ang mga pananim o mga hayupan, sirain ang mga gusali at pampublikong gamit ng mga kaaway.

 

Haligi Bilang 4

 

  1. Bawat tao ay may karapatan sa kanyang sariling dangal at pagkatao habang siya ay nabubuhay at maging sa kanyang kamatayan. Ang pamahalaan at maging ang lipunan ay nararapat na pangalagaan ang labi at libingan ng namatay.

 

Haligi Bilang 5

 

  1.    Ang pamilya ay isang pangunahing yunit ng isang lipunan. Ang pag-aasawa ang siyang batayan ng pagbuo o pagtayo ng isang pamilya. Ang lalaki at babae ay may karapatan para sa pag-aasawa. Walang pagbabawal ang dapat itakda upang pigilan sila sa pag-aasawa batay sa lahi, kulay o pinagmulan.

 

  1.    Ang pamahalaan at lipunan ay nararapat kumilos upang alisin ang pumipigil sa pag-aasawa ng sinoman. Higit sa lahat, sila ay nararapat magbigay pangangalaga para sa pamilya.

 

Haligi Bilang 6

 

  1.    Ang babae ay kapantay ng lalaki sa larangan ng dangal at tiwala. Siya ay may pantay na karapatan at pananagutan. Siya ay may karapatan para sa kanyang sariling katauhan, kalayaang pananalapi at may karapatang panatilihin ang kanyang pangalan at apelyido.

 

  1.    Ang lalaki ay nararapat na pangalagaan ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya at nararapat na ipagkaloob ang lahat ng kaukulang pagmamahal.

 

Haligi Bilang 7

 

  1.    Bawat isinilang na bata ay may karapatan sa kanyang mga magulang, lipunan at pamahalaan ng karampatang pag-aaruga, pagpapalaki, pangangalagang pangmateryal, pag-aaral at moral na pag-aasikaso. Ang sinapupunan at ang ina ay nararapat din bigyan ng natatanging pangangalaga.

 

  1.    Ang magulang at tagapangalaga (guardians) ay may karapatang piliin ang uri ng pagpapalaki na nais nila sa kanilang mga anak. Gayun pa man, ang kabutihan at kinabukasan ng mga bata ay dapat na isinasaalang-alang sa pananaw ng moral at prinsipiyo at aral ng Shariah.

 

  1.    Ang magulang ay may sariling karapatan sa kanyang mga anak. Ang mga kamag-anakan ay mayroon ding sariling karapatan sa kanilang mga sarili batay sa Batas at prinsipiyo ng Shariah.

 

Haligi Bilang 8

 

  1.    Bawat tao ay may ganap na karapatang isagawa o tuparin ang lahat ng gawain at tungkulin. Kung ang isang tao ay wala ng kakayahang isagawa ng ganap ang kanyang karapatan, ang isang Wali (tagapangalaga) ay dapat na itakda para sa kanya.

 

Haligi Bilang 9

 

  1.    Ang paghahanap o pagsisikhay ng kaalaman (edukasyon) ay isang tungkulin. Ang pagbibigay ng edukasyon ay isang pananagutan na nakaatang sa balikat ng lipunan at pamahalaan. Ang pamahalaan ay dapat na bigyang katiyakan ang paraan ng edukasyon at lahat ng uri ng  gamit pang-edukasyon upang paglingkuran at bigyang kabutihan ang lahat ng kasapi ng lipunan. Ang edukasyon ay nararapat na may kakayahan matutuhan ng isang tao ang Islam bilang relihiyon at pamamaraan ng buhay, at ang lahat ng bagay na nakaugnay dito upang kanyang magamit ito sa materyalistikong kapakinabangan ng sangkatauhan.

 

  1.    Bawat tao ay may karapatan para sa lahat ng mga organisasyong pang kaalaman (educational organisation) tulad ng pamilya, paaralan, mataas na pamantasan at maging ang media. Ang mga samahang ito ay nararapat na mag-alay ng pagsasanay tungkol sa materyal at pangrelihiyong kaalaman sa paraang pantay at matatag upang ang katauhan at pag-uugali ng tao ay umunlad kaalinsabay ng pagpapatibay ng kanyang paniniwala sa Diyos na Maykapal (Ang Allah, ). Gayon din naman, matutuhan nito ang tamang paggalang at pananagutan sa kanyang kapwa tao.

 

 

 

 

Haligi Bilang 10

 

  1.    Bawat tao ay nararapat sumunod sa likas na relihiyon. Samakatuwid, walang sinoman ang dapat pigilin o pilitin sa anumang bagay na laban sa kanyang kalooban o nais. Walang sinoman ang dapat magsamantala sa kahirapan, kahinaan o kamangmangan upang baguhin ang kanyang relihiyon o gawin itong walang paniniwala sa Diyos.

 

Haligi Bilang 11

 

  1.    Ang tao ay isinilang na malaya. Walang sinoman ang dapat umalipin sa kanya, hiyain, pagsamantalahan o alipustain siya. Walang pangaalipin maliban sa pagpapaalipin sa Allah, Ang Makapangyarihang Diyos ng lahat ng nilikha.

 

  1.    Lahat ng uri ng panlulupig ay ganap na ipinagbabawal (at pinatitigil). Ang panlulupig ay siyang pinakamasamang uri ng pagpapaalipin.  Ang mga taong nasa kalagayan ng pagpapaalipin ay may karapatang bigyang laya ang sarili mula sa panlulupig. Ang ganitong uri ng tao ay may karapatang magsikhay ng sariling kapalaran. Lahat ng tao ay nararapat magkaisa sa pagtataguyod ng makatarungan at pantay na pakikibaka laban sa lahat ng uri ng panlulupig at pananakop. Lahat ng tao ay may karapatang panatilihin ang kanilang kalayaan at kasarinlan at maging ang kanilang pagkatao at sariling likas na yaman.

 

Haligi Bilang 12

 

  1.    Bawat tao ay may karapatang  kumilos ng malaya sa pamamagitan ng pagpili kung saan nila nais mamuhay para sa kanilang mga sarili na sakop ng kanilang bansa at maging sa labas ng kanilang bansa. Subalit, kung ang isang tao ay hindi ligtas sa kanyang sariling bansa, siya ay may karapatang humingi ng pag-ampon (asylum) sa ibang bansa. Ang bansa na nagbigay ng pag-ampon (asylum) ay nararapat na pangalagaan ito maliban kung ang dahilan ng pag-ampon (asylum) ay nakaugnay sa krimen.

 

Haligi Bilang 13

 

  1.    Ang pamahalaan at ang lipunan ay nararapat bigyang katiyakan ang hanapbuhay ng bawat may kakayahang tao. Bawat tao ay nararapat madama ang kalayaang pumili ng pinakaangkop na gawain para sa kanyang kabutihan at maging sa kabutihan ng lipunan. Ang isang manggagawa ay nararapat na tamasahin ang kanyang karapatan sa paraang may kaligtasan at kapanatagan. Ang isang manggagawa ay hindi dapat ilagay sa gawaing hindi niya makayanang gawin at hindi rin dapat piliting gawin ang isang bagay laban sa kanyang kalooban. Siya ay hindi dapat saktan o pagsamantalahan. Ang lalaki at babaeng manggagawa ay may karapatan sa makatarungang sahod. Hindi dapat maantala ang pagpapasahod sa kanila. Siya ay dapat bigyan ng panahong makapagpahinga (vacation leave), mga gantimpalang pampasigla (incentives) at ibang uri ng kasiyahang pananalapi. Ang manggagawa ay nararapat namang ilaan ang kanyang katapatan sa mga gawaing iniatang sa kanya. Kung may di pagkakaunawaan sa pagitan ng manggagawa at tagapangasiwa, ang pamahalaan ay dapat na mamagitan upang maisaayos ang suliranin ng bawat isa, alisin ang pang-aabuso, gawing makatarungan at pilitin ang magkabilang panig na tanggapin ang pantay at makatarungang kapasiyahan nito ng walang pagkiling.

 

Haligi Bilang 14

 

  1. Bawat tao ay may karapatan para sa isang malinis at makatarungang pagkakakitaan (income). Walang monopolisasyon ng anumang bagay, pandaraya, pananakit sa sarili o sa kapwa at pagpapatubo (interest). Katunayan, ang lahat ng kasamaang nabanggit ay pinagbabawal ng batas.

 

Haligi Bilang 15

 

  1.    Bawat tao ay may karapatan para sa sarili ng pagkakaroon ng ari-arian. Ang karapatang ito ay nararapat na hindi nakakasakit sa kaninuman maging sa kanyang sariling kaluluwa. Ang pansariling ari-arian ay hindi dapat alisin maliban lamang sa kapakanan ng lipunan at pantay na kapakinabangan ng bawat mamamayan.

 

  1.                Walang pansariling yaman ang dapat na kumpiskahin na hindi sumasailalim sa makatarungang dahilan at batas.

 

 

 

 

Haligi Bilang 16

 

  1.    Ang bawat tao ay may karapatang makinabang mula sa bunga ng lahat ng uri ng kabuhayan o kalakalang pinagpaguran. Lahat ng uri ng kabuhayan ay dapat na pangalagaan maliban kung ang mga ito ay hindi ipinagbabawal ng Shariah ng Islam.

 

 

Haligi Bilang 17

 

  1.    Bawat tao ay may karapatan para mabuhay sa malinis na kapaligiran at malayo sa katiwalian. Ang ganitong kapaligiran ay nararapat ipagkaloob sa mamamayan upang higit niyang mapaunlad ang kanyang moral na pag-uugali at kilos.

 

  1.    Ang pamahalaan at ang lipunan ay nararapat na ipagkaloob sa bawat tao ang mahusay na pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pagamutang kagamitan batay sa kakayahan nito.

 

  1.    Ang pamahalaan ay nararapat tiyakin ang kalagayan ng bawat mamamayan at ang pamilya nito. Ang karapatang ito ay binubuo ng kaayusan sa pananamit, edukasyon, pagamutan at ibang pangunahing pangangailangan.

 

Haligi Bilang 18

 

  1.    Bawat tao ay may karapatan sa buhay at katiwasayan sa lipunan na umuugnay sa kanyang sarili, relihiyon at pananampalataya, pamilya, dangal at pananalaping pag-aari.

 

  1.    Bawat tao ay may karapatan sa pansariling gawain sa larangan ng pamamahay, pamilya, pananalapi at pakikipag-ugnayan. Walang espiya o paniniktik laban kaninuman. Walang pang-aalipusta sa kaninuman. Karagdagan, ang iba ay dapat na pangalagaan ang bawat tao laban sa di makatarungang pakikialam.

 

  1.    Ang pribadong tahanan at pagpasok sa mga pribadong paninirahan ay nararapat na may kapahintulutan ng mga naninirahan. Ang pribadong tahanan ay hindi dapat gibain o sirain, angkinin o ang naninirahan ay itaboy ng walang makatarungang dahilan.

 

 

Haligi Bilang 19

 

  1.    Lahat ng mamamayan- (ang punong bayan at ang mga taong kinasasakupan) ay nararapat na tumanggap o lumasap ng pantay at makatarungang mga karapatan.

 

  1.    Bawat mamamayan ay may karapatang humingi o magsikhay ng makatarungang hukom o paglilitis para sa kanilang mga isinampang kaso.

 

  1.    Ang pananagutan ay pansarili.

 

  1.    Ang krimen at parusa ay batay sa mga Batas at Kautusan ng Shariah.

 

  1.    Bawat nasasakdal ay walang kamalayan hanggang ito hindi napatunayang nagkasala. Ang pantay na pag-uusig ay kailangan upang bigyang katiyakan na ang ganap na pagtatanggol ay naipagkaloob.

 

Haligi Bilang 20

 

  1.    Walang sinoman ang dapat dakpin o pigilin ang kalayaan, ikulong o parusahan ng walang sapat na makatarungang pagsisiyasat. Ang sinomang tao ay hindi dapat pumailalim sa pisikal o sikolohikal na pananakit o maging panghihiya sa kanya. Walang sinoman ang dapat pumailalim sa medikal na pagsusuri ng walang kapahintulutan mula sa kanya at hindi magbubunga ng masama sa kanyang kalusugan. Hindi rin ipinahihintulutang magkaroon ng awtoridad ang isang tao upang magbigay ng natatanging batas.

 

Haligi Bilang 21

 

  1. Ipinagbabawal na gawing bihag (hostage) ang sinoman sa anupamang layunin at anumang uri nito.

 

Haligi Bilang 22

 

  1.    Bawat mamamayan ay may karapatang magsalita ayon sa kanyang sariling kaisipan o opinyon kung hindi ito sumasalungat sa mga prinsipiyo at Batas ng Shariah.

 

  1.    Bawat mamamayan ay may karapatang manghikayat gumawa ng kabutihan at magbawal ng kasamaan alinsunod sa Batas at Prinsipiyo ng Shariah.

 

  1.    Ang media at inpormasyon ay mahalaga sa isang lipunan. Ang media ay hindi dapat abusuhin, o gamitin sa pagsasamantala sa dangal ng mga Propeta o Sugo ng Allah o gumawa ng mga imoral at katiwaliang gawain. Lahat ng panganib o paksang makasisira sa pagkakaisa ng isang lipunan ay dapat ipagbawal na ipahayag.

 

  1.    Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng malakihang pagkakaaway-away o anomang uri ng pagkakahidwaan.

 

Haligi Bilang 23

 

  1.    Ang pangangalaga (guardianship) ay isang tiwala na hindi dapat sirain o talikdan. Ang pagtalikod dito ay ganap na ipinagbabawal upang bigyang katiyakan ang mga pangunahing karapatan ng tao.

 

  1.    Bawat mamamayan ay may karapatang makilahok sa pampublikong pamamahala ng kanyang bansa, tuwiran man o di tuwiran. Lahat ng mamamayan ay may karapatang humawak ng tungkuling pampubliko (public office) batay sa Batas ng Shariah at alituntunin.

 

Haligi Bilang 24

 

  1.    Lahat ng karapatan at kalayaan na nakatala sa “Declaration of Human Rights” ay maliwanag at makatuwiran na nakapailalim sa hangganan ng Batas ng Shariah at ng mga prinsipiyo nito.

 

Haligi Bilang 25

 

  1.      Ang batas ng Shariah at ng mga prinsipiyo nito ang siyang tanging batayan para sa pagpapaliwanag ng alinman sa mga haligi ng deklarasyong ito.

 

Cairo, 14 Muharram, 1411 H.

Tumutugma sa: Mayo 8, 1990.

 

 

 

 

 

 

 

   Ang pagtanggap at pagkilala sa naturang mga karapatan na binanggit sa itaas ay tamang daan upang makapagpatayo ng isang tunay na Islamikong Lipunan na maaaring ilarawan ayon sa sumusunod [215]:

 

  1. Ito ay isang lipunan na bawat mamamayan ay pantay. Walang sinoman ang nakakataas batay sa kanyang pinagmulang lahi, kulay o wika.

 

  1. Ito ay isang lipunan na nakaukit ang pagkakapantay-pantay (katarungan) bilang pamantayan ng lahat ng karapatan at pananagutan at tungkulin. Ang pagkakapantay-pantay ay nag-ugat mula sa pinagkaisang lahi ng sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Allah ay nagpahayag mula sa Banal na Qur’an:

 

“At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan; pinagkalooban ng masasakyan sa mga lupain at karagatan; At Amin silang ginawaran ng kabuhayan na mabuti at wagas; at Amin silang pinagpala ng higit sa maraming nilikha na may tanda ng pagtatangi.” [216]

 

  1. Ito ay isang lipunan na kung saan ang kalayaan ng tao ay nakaugnay sa kanyang buhay. Ang tao ay isinilang na malaya. At sa kanyang kalayaan, ang kanyang pamumuhay ay may katiyakan. Ang tao ay nararapat ligtas laban sa pang-aabuso, paniniil, panghihiya at pang-aalipin.

 

  1. Ito ay isang lipunan na tumayo mula sa pamilya. Ang huli ay gumaganap bilang pamantayan. Ito ay nagbibigay ng kaunlaran at katatagan.

 

  1. Ito ay isang lipunan na ang mga pinuno at ang mga kinasasakupan nito (mga mamamayan) ay pantay sa paningin ng Shariah. Ang huli ay mula sa Kautusan ng Tagapaglikha. Ang diskriminasyon ay walang puwang sa lipunang ito.

 

  1. Ito ay lipunan na ang kapahintulutan at kapangyarihan ay itinuturing bilang isang pagtitiwala (trust) na ipinagkaloob sa pinuno upang makamtan ang layuning nakasalig sa Batas ng Shariah.

 

  1. Ito ay isang lipunan na bawat mamamayan na naniniwala at nananalig sa Allah, (Ang Nag-iisang Tunay na Diyos na Dapat Sambahin) bilang siyang Nagmamay-ari ng buong santinakpan. Bawat mamamayan ay naniniwala ng lahat ng bagay dito sa santinakpan ay ipinagkaloob ng Allah () bilang pagpapala samakatuwid dapat na gamitin ng lahat ng nilikha sa paraang mabuti at makatarungan. Lahat ng mga ito ay isinasaalang-alang bilang handog ng Allah . Ang Allah () batay sa Banal na Qur’an ay nagsabi:

 

“At Kanyang ipinagkatiwala sa inyo mula sa Kanya, ang lahat ng nasa mga kalangitan at kalupaan: Pagmasdan! tunay na naririto ang mga palatandaan para sa (mga taong) nag-iisip.” [217]

 

  1. Ito ay isang lipunan na bawat alituntuning naglalayong pamahalaan ang mga pampublikong gawain (public affairs) ay batay sa Prinsipiyo ng Sanggunian. Ang Allah () ay nagsabi:

 

“Yaong tumatalima (sumusunod sa kautusan) sa kanilang Panginoon, at nagsasagawa ng palagiang pagdarasal, at sila ang namamalakad ng kanilang mga gawain sa pamamagitan ng pinagkaisang sanggunian; na gumugugol ng anumang kabuhayang ipinagkaloob Namin sa kanila.” [218]

 

  1. Ito ay lipunan na nagkakaloob ng lahat ng pagkakataon sa lahat ng mamamayan ayon sa kanilang talino at kakayahan. Ang mga mamamayang ito ay may tungkulin (at pananagutan) sa kanilang lipunan tungkol sa kanilang gawain. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah () na isinalaysay ni Muslim:

 

“Bawat isa sa inyo ay isang pastol at bawat isa ay may tungkuling alagaan ang kanyang mga tupa.”

 

  1. Ito ay isang lipunan na ang pinuno at mamamayan ay pantay na haharap sa Hukuman.

 

  1. Ito ay isang lipunan na bawat mamamayan ay kumakatawan sa bawat kaisipan ng lipunan. Bawat mamamayan ay may karapatang lumapit sa hukuman at maghain ng karaingan laban sa anumang gawang krimen. Ang mga mamamayan ay may karapatang humingi ng pagtataguyod sa ibang mamamayan.

 

  1. Ito ay isang lipunan na tinatalikdan ang lahat ng uri ng pang-aabuso at panghahamak. Ito ay isang lipunan na nangangalaga sa kalayaan, kaligtasan, karangalan at katarungan para sa lahat. Ito ay isang lipunan na kumikilala at sumusunod sa Batas ng Shariah.

 

  1. Ang Katangian ng mga Karapatan ng Tao sa Batas ng Shariah ay ang mga sumusunod: 

 

  1. Ang Karapatan ng Tao batay sa Batas ng Shariah ay Banal. Ito ay hindi nagmula o nag-ugat sa kaninomang tao na may impluwensiya sa sariling layunin o adhikain, sariling kapakinabangan o pansariling pagnanasa.
  2. Ang Mga Karapatan ng Tao ay umuugnay sa kanyang Islamikong Pananampalataya at Paniniwala. Ito ay pinangangalagaan sa pamamagitan ng Banal na Paghuhukom. Samakatuwid, anumang pagsuway sa mga karapatang ito ay hayagang pagsuway sa Banal Na Kalooban ng Allah  () at may nakalaang parusa sa Kabilang Buhay maging sa makamundong buhay.
  3. Ang mga Karapatang ito ay malalawak at umaangkop ayon sa likas ng tao, umaalinsunod ayon sa kanyang kahinaan, kapangyarihan, karukhaan, kahirapan, kayamanan, karangalan at kahihiyan.
  4. Ang mga Karapatang ito ay angkop sa bawat tao na nasa ilalim ng Islamikong Pamamahala at Batas maging anuman ang kanyang kulay, lahi, relihiyon, wika at katayuan sa lipunan.
  5. Ang mga Karapatan ng Tao ay hindi nagbabago sa anumang panahon, pook o kalagayan at pangyayari. Sinomang tao o lipunan ay hindi makapagbabago ng mga ito.
  6. Ang mga Karapatang ito ay sapat upang makapagpatayo o makapagtatag ng isang lipunan na naghahandog ng isang mabuti at marangal at wagas na buhay sa bawat mamamayan. Ang mga karapatang ito ay sumasagisag bilang Awa mula sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha at nakalaan para sa kabutihan ng sangkatauhan. Ang mga karapatan ng tao ay nagsisilbing gabay sa pananatili ng politikal, panlipunan, moral at pangkabuhayang karapatan ng sangkatauhan.
  7. Ang mga karapatan ng tao ay nakahangga at umaayon sa mga pangunahing batas ng Shariah at Prinsipiyo. Ito ay hindi nakasisira sa kapakanan ng lipunan at sa kabutihan nito. Halimbawa, ang kalayaan sa sariling opinyon at ang pananalita ay nagbibigay katiyakan o pangangalaga sa bawat mamamayan. Bawat mamamayan ay may karapatang ipahayag ang nasa kalooban at may karapatang ipamahagi ang katotohanan na walang pag-aalinlangan. Lahat ay may karapatang magbigay ng makatuwirang pagpapayo sa kapwa, hanggang ang mga payo ay para sa kabutihan ng lahat. Ang payo na ibinibigay ay maaaring tungkol sa pangmateryal na paksa o pang-relihiyong gawain. Mayroong hangganan na hindi maaaaring lumagpas upang maiwasan ang di kanais-nais na kalagayan sa isang lipunan.

 

   Ang kalayaan para sa makabuluhang pakikipagtalakayan ay nararapat batay sa kaalaman at magandang payo. Ang Allah (), ay nagpahayag tungkol sa paksang ito:

 

“Anyayahan ang lahat sa Landas ng iyong Panginoon ng may karunungan at magandang pananalita at makipagtalakayan sa kanila sa mga paraang mabuti at kaaya-aya: sapagkat ang iyong Panginoon ay nakakabatid ng higit kung sino ang naliligaw mula sa Kanyang Landas at sino ang tumatanggap ng Patnubay.” [219]

 

   Tumalima sa lahat ng pagkakataon sa mga pangunahin at mahahalagang prinsipiyo ng Islamikong Pananampalataya katulad ng paniniwala sa Allah () bilang Nag-iisang Diyos na dapat sambahin, ang katotohanan tungkol sa mensahe ng Allah () na ipinagkatiwala sa Huling Propeta, Muhammad () at sa lahat ng makabuluhang paksang nakaugnay sa buhay ng tao.

 

   Iwasan ang paggamit ng mga kalayaan sa paraang nakasasakit sa kapwa maging ito ay sa larangan ng materyal na pangkabuhayan o paksang relihiyon katulad halimbawa ng panghihiya sa tao, pagkalat ng mga nakakahiyang balita o mga lihim ng isang tao, paninirang puri o paghamak sa kapwa. Ang mga ganitong masamang gawain ay nakakasira sa ugnayan ng tao sa lipunan. Ang Allah () ay nagpahayag:

 

Yaong nasisiyahan (na makita) ang eskandalong ipinagkalat at ipinamalita sa mga mananampalataya, sila yaong makararanas ng kasakit-sakit na parusa sa buhay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Ang Allah  ay  nakababatid at (samantalang) ito ay hindi ninyo nababatid.[220]

 

 

 

 

 

 

Ang Paliwanag sa mga Maling Paratang Tungkol sa Karapatan ng Tao sa Islam

 

   Ang mga sumusunod na paksa ay mga paratang o bintang na nauukol tungkol sa Relihiyong Islam at sa mga tagasunod nito—ang mga Muslim. Aming tatangkaing ipaliwanag ang mga ito ayon sa kanilang kahalagahan at pamumuna sa abot ng aming kakayahan at kaalaman.

 

Unang Paratang :

 

   Ang Shariah, na inihandog ni Propeta Muhammad () mula pa noong labing apat na siglo ang nakaraan ay mahigpit, sa ngayon, sa karapatan ng Tao. Ang Islamikong Shariah sa ngayon ay isang di-nakauunlad na relihiyon na hindi angkop sa nagbabagong kabihasnan ng makabagong daigdig, na nagbibigay na malaking kapakinabangan sa pangangailangan ng tao.

 

Ang Paliwanag at Kasagutan:

 

    Ang Islam ay iba kaysa sa mga naunang relihiyon. Ang mga nagdaang relihiyon ay humahalaw lamang tungkol sa pang-ispirituwal na buhay- ang ugnayan ng tao at ang kanyang Tagapaglikha-Ang Allah ().  Samantalang, ang Islamikong Shariah ay malawak, ganap at angkop sa nagbabagong takbo ng buhay sapagkat ito ay umaayon sa bawat panahon, sa bawat pook at bawat lahi o angkan ng tao. Karagdagan pa nito, ang Islam ay hindi lamang pang-ispirituwal na relihiyon kundi pang-materyal sapagkat ang Islam ay relihiyon na nagsasaayos ng ugnayan ng tao sa kanyang lipunan at maging ugnayan sa ibang tao at ibang bansa. Hindi katulad ng relihiyong Judaismo, ang Islam ay hindi nakahangga sa isang naturang uri ng tao. Ang Islam, hindi katulad ng Kristiyanismo sapagkat ang huli ay nakaugnay kay Hesus () na hayagang sinabi na :

 

Ako ay hindi isinugo maliban sa mga naligaw na tupa ng Israel.[221]

 

   At sinabi rin ni Hesus () sa kanyang labing dalawang disipulo na kanyang pinili upang ipantay sa labing-dalawang tribo ng Israel.

 

Sa kanilang labing-dalawa, si Hesus ay nagtungo at nag-utos sa kanila at sinabing : Huwag kayong tutungo sa landas ng mga Gentiles at sa anumang lungsod ng Samaritans. Ngunit kayo ay magtungo sa mga naligaw na tupa ng Israel. [222]

 

   Ngunit ang Islam ay ipinahayag bilang Awa para sa Sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Allah ay nagsabi  batay sa Banal na Qur’an:

 

“Ikaw (o Muhammad) ay Aming isinugo bilang isang Awa para sa lahat ng nilikha.” [223]

 

Samatuwid, ang Islam ay binubuo ng dalawang pananaw:

 

   Ang unang pananaw ng Batas ng Shariah at ang mga alituntunin nito ay isinaayos ang ugnayan ng tao sa kanyang Tagpaglikha-Ang Allah (). Ang Pananampalataya, paniniwala, ibat- ibang uri ng pagsamba at mga batas tungkol sa pamana ay mayroong matatag na batayan na hindi maaaring baguhin, dagdagan o sirain. Ang mga ito ay permanente at matatag na batayan maging sa anumang panahon, sa kaninumang tao at saan mang lugar at pagkakataon o pangyayari. Halimbawa, ang pagdarasal (Salah), ito ay mayroong sariling patakaran, ritwal at alituntunin. Walang sinoman ang makapagpapabago ng mga prinsipiyo ng Pagdarasal. Halimbawa pa ay ang Zakah, ito ay permanente rin at matatag at di maaaring baguhin. Karagdagan pa nito, ang Batas sa Pamana- ang mga taong nararapat tumanggap ng pamana mula sa kanilang magulang, kapatid, amain at ibang kamag-anakan, sila ay mayroong permanenteng bahagi ng pamana na walang makapagpapabago nito ng sinoman sa ilalim ng Lipunang Islamiko. Ganyan din ang ibang uri ng pagsamba sa Islam.

 

   Ang ikalawang pananaw ng Batas ng Shariah ay nauukol sa pagsasaayos ng ugnayan ng tao sa kapwa tao at sa kanyang lipunan. Ito ay tuwirang ugnayan ng tao sa kapwa tao at pamayanan. Ang mga alituntunin at kautusan nito ay nakatala sa pangkalahatang anyo sa Batas ng Shariah. Ang detalyeng pamamaraan ay hinayaan upang ito ay iugma sa nagbabagong kaunlaran ng lipunan. Sa ikalawang pananaw na ito ang mga alituntunin o regulasyon ay maaaring baguhin o isunod sa mahigpit na pangangailangan ng lipunan subalit ang pagbabago nito ay nararapat na sumailalim sa mga marurunong (paham) at mapananaligan sa larangan ng Shariah. Ang Shura, ang prinsipiyo ng Sanggunian ay isang halimbawa. Ang prinsipiyo ay binanggit ng Qur’an ngunit hindi binigyang detalye ang pagsasagawa at pagpapatupad nito sa lipunang Islam. Ang pinto ay bukas para sa mga paham at mapananaligang Muslim (scholar) na suriin, at pag-aralang mabuti ang suliranin batay sa Sanggunian at para sa ikabubuti ng mamamayan, lipunan at pamayanan batay sa kanilang pangangailangan bawat panahon at bawat lugar. Halimbawa, anumang angkop sa isang henerasyon ay maaaring di angkop sa isang henerasyon. Ang pamamaraan ng pagsusuri ng mga scholar ay isang paglalarawan lamang kung gaano kalawak ang sakop ng Islam sa lahat ng panahon at lugar.

 

Ikalawang Paratang :

 

   Ang ibang tao na hindi ganap na nakauunawa sa katotohanan ng Islam na maaaring sila ay scholar o kaaway ng Islam, ay nagpaparatang na ang Islam ay walang paggalang sa Karapatan ng Babae. Ang walang paggalang na ito, na kanilang sinasabi, ay hayag na sumasalungat sa Karapatan ng Tao.

 

Ang Paliwanag o Kasagutan:

 

   Ang katayuan ng Shariah sa mga di-Muslim na naninirahan sa Islamikong Lipunan, ay matuwid at malinaw. Ang Qur’an at maging ang Sunnah ng Propeta Muhammad ay naglalarawan na ang kalayaan ng relihiyon ay nakahanda sa lahat ng kasapi ng lipunan (mamamayan) sa ilalim ng Pamahalaang Islamiko. Hindi kinakailangan ng Islam ang sapilitang pagyakap ng sinomang di-Muslim sa Relihiyong Islam. Ang Banal na Qur’an ay nagpaliwanag tungkol dito:

 

Kung niloob lamang ng inyong Panginoon, silang lahat sa buong mundo ay tunay nga na maniniwala! Pipilitin mo bang maniwala ang sangkatauhan ng laban sa kanilang kalooban?” [224]

 

   Ang kalakalang pakikipag-ugnayan sa mga di-Muslim ay pinahihintulutan sa Lipunang Islamiko. Ang pagkaing ipinag-uutos sa kanila ay pinahihintulutan din para sa mga Muslim. Katotohanan pa nito, pinahihintulutang pakasalan ng isang Muslim ang isang babaeng Hudyo o Kristiyano. Alalahanin na ang Islam ay nagbibigay payo ng isang mabuting pangangalaga sa pagtatatag ng isang kaaya-ayang pamilya ngunit sa kabila nito ang Islam ay nagbigay pahintulot na maaaring pakasalan ng lalaking Muslim ang babaeng Hudyo o kristiyano. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi:

 

“Sa araw na ito pinahihintulutan ang lahat ng bagay na mabuti at malinis para sa inyo. Ang pagkain ng mga Angkan ng Kasulatan (Kristiyano o Hudyo) ay pinahihintulutan para sa inyo at ang inyong (pagkain) ay pinahihintulutan sa kanila. Pinahihintulutan sa inyo (ang pag-aasawa) mula sa malilinis na babae na may pananampalataya sa Islam at ang malilinis na babae mula sa Angkan ng Kasulatan, na ipinahayag sa kanila na nauna sa inyong panahon, at kung inyong naibigay ang karampatang handog na salapi o iba pa (mahar), sa mga naghangad ng kalinisan at hindi gumawa ng bawal na pakikipagtalik (pangangalunya) at hindi pumasok sa pakikiapid. At sinuman ang hindi sumampalataya sa kaisahan ng Allah  at sa ibang Haligi ng Pananampalataya, magiging walang saysay ang kanyang mga ginawa,  sa Kabilang Buhay siya ay kabilang sa mga nangaligaw at mga talunan (mawalan ng kabuluhan ang lahat ng kabutihang pang-Ispirituwal).” [225]

 

Karagdagan pa nito, ang Allah () ay nagpahayag:

 

“Hindi ipinagbabawal ng Allah ang makipag-ugnayan o makitungo ng may katarungan at kabaitan sa mga taong hindi nakikipaglaban sa inyo (tungkol sa inyong Pananampalataya) at silang hindi  nagtataboy sa inyong mga tahanan: sapagkat minamahal ng Allah  ang mga makatarungan.” [226]

 

   Subalit, ang mga di-Muslim na naghahasik ng digmaan laban sa Islam at mga Muslim ay mayroong ibang pakikitungo ayon sa Batas ng Islam. Ang Allah () ay nagsabi:

 

“Ipinagbabawal lamang ng Allah  na huwag makipag-ugnayan (makitungo) sa kanila (bilang kaibigan at tagapagtanggol) yaong nakikipaglaban sa inyo (para sa Pananampalataya), at nagtataboy sa inyong mga tahanan at tumutulong sa iba upang kayo ay itaboy na papalayo (mula sa inyong tahanan). Ang gayong pakikipag-ugnayan (pakikitungo)  sa kanila ay kamalian.” [227]

 

   Tunay nga na ang Islam ay nagkaroon ng isang hakbangin tungkol sa kalagayang ito. Ipinahihintulutan ng Islam ang makipagtalakayan sa mga di-Muslim sa larangan ng relihiyon sa paraang kaaya-aya, makatuwiran at magandang pamamaraan. Ang Allah () ay nagpahayag mula sa Banal na Qur’an:

 

“At huwag makipagtalakayan sa mga Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) maliban sa paraang kaaya-aya (ng higit kaysa sa pakikipagtalo lamang) hanggang ito ay hindi nagbubunga ng kasamaan (at pananakit); ngunit inyong sabihin: Kami ay naniniwala sa Kapahayagang ipinadala sa amin at yaong (kapahayagan) ipinadala sa inyo; ang aming Diyos at ang inyong Diyos ay Tanging Isa at sa Kanya kami ay yumuyuko (sa Islam).” [228]

 

   Higit pa rito, ang Allah () ay nagbigay aral sa mga kasapi ng ibang relihiyon batay sa Banal na Qur’an:

 

“Sabihin:’Hindi ba ninyo nakikita (ang mga istatwa, imahen, diyos-diyosan na nililok ng inyong mga kamay) kung ano ang inyong dinadalanginan bukod pa sa Allah ? Ipakita mo nga sa Akin kung ano ang kanilang mga nilikha sa mundo, o di kaya sila ba ay may bahagi (ng karapatan) sa mga kalangitan? Dalhan mo ako ng Aklat (ng Kapahayagan) bago pa man ito o anumang nalalabing kaalaman (kung mayroon pa), kung tunay nga na kayo ay nagsasabi ng katotohanan.” [229]

 

   Katotohanan pa nito, babanggitin namin ang sinabi ni Sir Thomas Arnold, isang Kristiyanong paham (scholar) na sumulat ng isang aklat na may pamagat na, “Call to Islam” sa pahina 48:

 

“Batay sa magandang ugnayan naitatag sa pagitan ng Kristiyano at Muslim mula sa mga Arabo, ating mahuhusgahan na ang pamimilit ay hindi isang pangangailangan upang yumakap ang isang tao sa Relihiyong Islam. Ang Propeta Muhammad () ay nakilahok sa isang kasunduan mula sa mga tribong Kristiyano. Higit pa rito, si Propeta Muhammad () ay binalikat ang tungkuling pangalagaan at pagkalooban ng kalayaan ang mga ito (di-Muslim) na isakatupran ang kanilang mga rituwal na pangrelihiyon. Katotohanan, pinahintulutan nito ang isang pari ng simbahan na gampanan ang karapatan at kapangyarihan nito ng may kapayapaan at kaligtasan.”

 

   Ito ay sapat na upang bigyang liwanag ang maling paratang laban sa karapatan ng tao sa Islam. Sa pangkalahatang pagpapasiya tungkol dito, ito ay nagsasabing: Ang mga di-Muslim ay may karapatan sa anumang karapatang nauukol sa amin (Muslim). Sila (di-Muslim) ay napag-uutusan din kung ano ang iniuutos sa amin (Muslim). Ang pananalitang ito ay nagpapatunay na walang alinlangan na walang pagkakaiba ang sinoman na namumuhay sa ilalim ng Islamikong Lipunan.

 

Ikatlong Paratang:

 

   Ang pagpapatupad at paglapat ng Hudud (Batas sa Pagpaparusa), ayon sa Islam, (ang pahayag nila) ay isang malupit at di makataong gawain. At ito ay lumalagpas sa karapatan ng tao.

 

Ang Paliwanag at Kasagutan :

 

   Una sa lahat, ating ilarawan na ang krimen at pagpatay sa Islam ay nahahati sa dalawang uri:

 

  1. Ang mga krimen ay mayroong kaukulang parusa ayon sa Batas ng Shariah. Ang mga krimeng ito ay ang pagpatay, pangangalunya, pagnanakaw, pag-inom ng alak, maling pagbibintang laban sa pangangalunya o ibang imoral na gawain at pakikipag-away laban sa Muslim o pananakit at pananakot sa kanilang lipunan.

 

  1. Ang mga krimen na walang kaukulang parusa ayon sa Shariah. Ang pinuno ay binigyan ng kapangyarihan na magtakda ng parusa sa ganitong krimen batay sa kapakanan ng mamamayan at lipunan. Ang mga ganitong parusa ay tinatawag na “pangaral o babala”

 

   Ang mga krimeng mayroong tiyak na kaparusahan ayon sa Shariah ay nahahati din sa dalawang uri:

 

  1. Unang Uri:

 

   Ito ay tumutukoy sa mga krimen na nakaugnay sa personal na karapatan ng tao katulad ng pagpatay, pag-atake sa isang tao na nagbunga ng sakit sa tao (naputol ang kamay, o paa, napilayan), o paratang ng pangangalunya. Ang parusa ng ganitong krimen ay maaaring bumaba o mabawasan kung ang biktima (taong nagsampa ng daing) ay binawi ang kaso sa pamamagitan ng pakikipagkasundo. Ang parusa sa ganitong krimen ay magiging Tazeer (parusa na naglalayong bigyan ng disiplina ang nasasakdal).

 

2.    Ikalawang Uri:

 

   Ito ay tumutukoy sa parusa na nakaugnay sa pagsuway sa Kautusan ng Allah  at ibang itinakdang kautusan ng Shariah. Ang mga krimeng ito ay ang pag-inom ng alak, pangangalunya o ang pagnanakaw. Ang parusa sa mga nabanggit na krimen ay hindi maaaring bawiin kahit na ang nagsampa ng daing ay bawiin ang kaso sa korte.

 

   Ating suriin ang mga batayan ng pagpapatupad ng Hudud (Batas sa Pagpaparusa) ng Shariah:

 

  1. Ang Hudud ay angkop lamang sa isang tao na nasa tamang gulang, nasa tamang pag-iisip.

 

  1. Ang Hudud ay ipagwawalang bisa kung sakaling ang ebidensiya ay hindi sapat o kaya kung ito ay hinala lamang. Ito ay batay sa isang Hadith ng Sugo ng Allah () na nagsabing:

 

“Itigil ang pagpapatupad ng parusa nang  batay lamang sa panghihinala.”

 

  1. Ang Hudud, ayon sa Islam, ay nararapat lamang sa mga krimen na ginawa na sinasakop ng limang mahigpit na pangangailangan ng tao sa buhay.

 

  1. Ang Hudud ay pinatutunayan sa pamamagitan ng pag-amin ng nasasakdal. Ganoon pa man, posible ding bawiin ang pag-amin. Ang pahayag lamang ng mga lalaki ang tinatanggap sa kaso ng Hudud.

 

  1. Ang mahalagang layunin ng pagsasagawa ng ganitong parusa ay upang turuan ng isang mabuting aral ang mga kriminal na huwag gawin ang bagay na magbubunga ng pangamba o takot sa lipunan.  Walang sinoman ang dapat makialam o humadlang sa anumang karapatan ng tao samakatuwid ang parusa ay nagsisilbing proteksiyon upang makatiyak na ang karapatan ng bawat mamamayan ay mapangalagaan. Sa ganitong paraan, ang buong mamamayan sa lipunan ay nakadarama ng kapayapaan at kaligtasan.

 

   Bagamat ang Islam ay nagbibigay babala na isang masakit na parusa sa kabilang buhay sa mga taong gumagawa ng ibat ibang uri ng krimen hindi naman agad na nilalapatan ng pasura dito sa mundo. Lahat ng tao sa Islamikong Lipunan na sinuway ang mga batas at mga alituntunin ng Islam ay pumapailalim sa ganitong mga parusa. Mayroong mga tao sa anumang lipunan na hindi maaarng pigilin ang kanilang mga gawang krimen maliban na sila ay sapilitang pigilin ang kanilang masamang gawa laban sa lipunan. Kaya, ating mapapansin na ang Islam ay tinitingnan nito ang karampatang parusa sa bawat krimen. Ang Qisas, ang pagpatay sa isang mamamatay tao (kriminal) ay isang makatarungang parusa at ito ay akma lamang sa isang pumatay ng kanyang kapwa. Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:

 

“O kayong mananampalataya! Ang Batas ng pagkapantay-pantay ay ipinag-utos sa inyo sa kaso ng pagpatay: ang malaya para sa malaya, ang alipin para sa alipin, ang babae para sa babae...”[230]

 

   Magkagayunman, kung ang pamilya ng biktima ay nagbigay patawad sa nakapatay, ang parusa ay babawiin. Ito ay batay sa Banal na Qur’an:

 

…Ngunit kung mayroong kapatawaran na ginawa mula sa kapatid ng biktima, samakatuwid ipagkaloob ang karampatang kahilingan at bayaran siya ng kasiya-siyang kabayaran…[231]

 

   At tungkol naman sa pagputol ng kamay ng magnanakaw, ang Banal na Qur’an ay nagsabi:

 

“At para sa magnanakaw, lalaki man o babae, putulin ang kanilang mga kamay, bilang kabayaran sa kanilang ginawang krimen, isang kaparusahan bilang pakitang halimbawa mula sa Allah. At ang Allah  ay Dakila sa Kapangyarihan, Tigib ng Karunungan.” [232]

 

   Ganoon pa man, ang Islam ay hindi naglalapat ng parusang pagputol ng kamay sa magnanakaw maliban sa mga kondisyon at pangyayari. Una, ang pagnanakaw ay nararapat sakop ng itinakdang hangganan. Pangalawa, ang ninakaw na bagay ay nararapat na nasa pangangalaga o nasa nakapinid na lalagyan. Ikatlo, ang pangyayari ng pagnanakaw ay isang panghihinala lamang o ang dahilan ng pagnanakaw ay bunga ng kahirapan o karukhaan, sa ganoong mga dahilan, ang magnanakaw ay hindi nararapat putulan ng kamay. Ang pagnanakaw ay isang maselang krimen sa lipunan. Kapag ito ay kumalat sa buong lipunan, ang mga mamamayan ay magkakaroon ng pangamba at takot. At bunga nito, ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan ay maglalaho. Bukod pa rito, kapag ang magnanakaw ay nahuli, maaari siyang magpumiglas o tumakas at dahil sa ganitong kalagayan maaaring makagawa pa ito ng panibagong krimen katulad halimbawa ng pagpatay. Samakatuwid, ang krimeng ito ay nararapat na harapin sa paraang maayos at matatag. Kapag ang magnanakaw ay nakapag-isip-isip na ang kanyang kamay ay mapuputol, maaaring kanyang iiwasan ang masamang gawaing ito. Kaya, ang yaman at kaligtasan ng pamayanan ay mapangangalagaan.

 

   Ang Islam ay nagtakda rin ng tiyak (specific) na parusa na tinatawag na Hirabah- isang krimen na isinasagawa sa ilalim ng pananakot sa pamamagitan ng sandata (ang parusa nito ay bibigyang paliwanag sa mga sumusunod na halimbawa). Isang halimbawa ng Hirabah ay: panunulisan (pagtambang sa mga dumadaan at sapilitang kinukuha ang mga salapi at ari-arian, pagpatay, panloob o puwersahang pagpasok sa mga mapayapang tahanan at pananakot sa mga inosenteng mamamayan. Ang pinagkasunduang parusa ay batay sa Banal na Qur’an:

 

“Ang parusa sa mga  taong nagbabanta ng digmaan laban sa Allah  at ng Kanyang Sugo, at pagsikhay ng lakas para sa paghasik ng kasamaan sa kalupaan ay: kamatayan o pagpako sa krus, o ang pagputol ng kanyang mga kamay at paa mula sa magkabilang panig o ang pagtapon sa kanya sa labas ng bayan. Ito ang kahihiyan nila sa mundong ito at isang mabigat na parusa ang kanilang makakamtan sa Kabilang Buhay; Maliban sa mga nagbalik loob (at nagsisi) bago sila nahulog sa iyong kapangyarihan, sa ganoong kalagayan, (dapat na) malaman na ang Allah  ay Lagi ng  Mapagpatawad, ang Maawain.” [233]

 

   Ang Parusa ay inilalapat ayon sa likas at masamang bunga ng isang krimen. Kung ang isang magnanakaw ay nakapatay at nagawang agawin ang salapi ng biktima, ang parusa ay kamatayan o pagpako sa krus ng magnanakaw. Kung ang magnanakaw ay nakuha niya ang salapi lamang ngunit hindi niya ito pinatay, ang kanyang kamay ay puputulin. Kung ang magnanakaw ay nakapatay at hindi naman nakuha ang salapi, ang parusa ay kamatayan. Kung ang magnanakaw ay nagawang takutin ang mga mamamayan ngunit wala namang pinatay, siya ay nararapat itapon sa labas ng kanyang bansa.

 

   Karagdagan pa nito, ang Islam ay nagtakda rin ng parusa ng paghahagupit sa mga lalaking walang asawa na nagkasala ng pakikiapid. Ito ay batay sa kautusan na nakatala sa Banal na Qur’an:

 

“Ang babae at ang lalaki na nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, hagupitin sila ng isang daang hampas. Huwag hayaan ang awa ay mangibabaw sa inyo upang pumigil sa inyo sa ganitong kaso, sa kaparusahan na inihatol ng Allah, kung kayo nga ay sumasampalataya sa Allah at sa Huling Araw. At hayaang ang isang pangkat ng mga sumasampalataya ay makasaksi sa kanilang parusa.” [234]

 

   At para naman sa mga may-asawa, babae man o lalaki, na nagkasala ng pangangalunya, ang pagbato sa kanila hanggang mamatay ay siyang parusang ipalalasap sa kanila. Ang parusang ito ay ilalapat lamang kapag ang mga itinakdang kondisyon ay ganap na naipatupad. Ang may-asawa, lalaki o babae ay maaaring batuhin hanggang mamatay sa dalawang pagkakataon:

 

  1. Ang Hayag at Tuwiran na Pag-amin.

 

   Walang sapilitan upang makamtan ang pag-amin ng isang kriminal. Bukod dito, ang paglilitis ay hindi isinasagawa pagkaraan ng unang pag-amin o hayag na pagtanggap ng kasalanan. Ang pag-amin ay nagkakaroon lamang ng bisa kapag ito ay inulit ng apat na beses, apat na pagkakataon ng pagpupulong sa korte (court sessions). Ang hukom sa lahat ng pagpupulong (sessions) at sa bawat pag-amin ay binabaling ang mukha at nagpapahiwatig ng di pagsang-ayon dito. Katotohanan pa nito, ang hukom ay maaaring mag-alay ng mga kondisyon, salita na maaaring magbigay ng pagpigil sa pag-amin nito at pagpapayuhang suriing mabuti ang pag-amin. Ang Hukom ay maaari pa rin niyang sabihin sa nasasakdal ng ganito: “Maaaring hinalikan mo lamang siya o hinawakan (pisikal) ngunit hindi naman aktual na nakagawa ka ng pangangalunya. O maaaring niyakap mo lamang ito na wala namang aktual na pakikipagniig.” Ang lahat ng ito ay bukas na pintuan upang bawiin ng nasasakdal ang kanilang mga pag-amin. Ito ay batay sa Sunnah ng Sugo ng Allah () na kanyang ginawa nang ang isang babae (Tribo ng Ghamidi) ay nagpumilit na parusahan dahil sa katatagan ng pag-amin nito ng aktual na paggawa ng pangangalunya at siya ay buntis bunga ng pakikipagniig nito. Kaya, kung ang nasasakdal ay nagpupumilit sa pag-amin, ang pagbato sa kanya ay isasagawa. Kahit na sa oras ng pagbabato, kung ang taong binabato ay tumakbong papalayo upang takasan ang pagbato sa kanya, ito ay pagpapahiwatig ng pagbawi ng kanyang pag-amin. Sa ganoong kalagayan, ang pagbato ay ititigil.

 

  1. Ang Pangangailangan ng Apat na Makatarungang Saksi

 

   Ang apat na makatarungang saksi ay nararapat na kilala sa pagiging makatotohanan sa kanilang mga pananalita at pag-uugali. Ang apat na saksi ay nararapat na patunayan ang tunay na naganap na pakikipagtalik (ibig sabihin kanilang aktual na nakita na ang ari ng lalaki ay nasa ari ng babae). Ang ganitong kalagayan ay makikita lamang kung ang dalawang nasasakdal ay hayagang ginawa ang pakikipagtalik, nagpakita ng walang paggalang sa batas at dangal ng Islamikong Lipunan. Sa kaso ng panghihinala lamang na ating nabanggit na nauna, ang parusa ng pagbato ay hindi maaaring isagawa. Ito ay batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Itigil ang pagpapatupad ng parusa na batay lamang sa panghihinala.”

 

   Ang pangangalunya at pakikipag-apid ay hindi isang pansarili o pribadong pagkilos. Katotohanan, ito ay isang pagsuway sa mga karapatan ng Islamikong Lipunan. Maraming masamang ibinubunga ang ganitong imoral na gawain. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga bunga ng ganitong masamang gawain:

 

  1. Ibinababa nito ang pagpapahalagang panlipunan at prinsipiyo ng lipunan at ang mga mamamayan nito. Kasunod nito, ang paglaganap ng mga sakit at maaaring ang mga inosenteng mamamayan ay mahawahan ng mga mapanganib na sakit.

 

  1. Ang pagsasalamuha ng angkan. Ang isang bata ay maaaring iugnay sa iba kaysa sa kanyang tunay na ama at maaari ding ang bata ay alisan ng dangal bilang pag-uugnay sa kanyang tunay na ama. Ito ay nagbubunga rin ng suliranin sa pamana. Yaong hindi nararapat na pamanahan ay nagkakaroon ng mana at yaon namang nararapat bigyang pamana ay nawawalan ng pamana.

 

  1. Pagkakaroon ng mga uri ng mamamayan na inaalisan ng pagmamahal sa kanilang mga magulang, angkan at pamilya at maging ang pagkakakilanlan ng pamilyang kinabibilangan. Ito ay nagkakaroon ng sikolohikal na sakit at pangangamba. Kasunod nito, maaaring magkaroon ito ng paglayo o pagkasuklam sa lipunang kinasasapian.

 

   Ang pagiging ama o ina para sa bata ay katulad ng isang bansa. Ang bata ay umaasa ng kapayapaan paglingap, kaligtasan, pangangalaga, kaligayahan at kabuhayan sa kanyang sariling magulang.

 

   Ang Islam ay nagtakda ng paghahagupit bilang parusa para sa pagbibintang o pagpaparatang sa iba ng kasalanang pangangalunya o pakikipag-apid. Ang Allah () ay nagsabi mula sa Banal na Qur’an:

 

“At yaong mga nagpaparatang sa mga malilinis (birhen) na babae, at hindi makapagtanghal ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpung hampas, at itakwil ang kanilang pagsaksi ng lubusan, katotohanan sila ay mga Fasiqun (mga sinungaling, palasuway at mapanghimagsik sa Allah).” [235]

 

   Ang layunin ng pagtatag at pagpapatupad ng ganitong parusa ay upang pangalagaan at panatilihin ang magandang moral sa lipunan at pangalagaan ang pribadong buhay ng mga inosenteng mamamayan (ang Allah, , ang higit na nakaaalam). Ang paratang na may bahid ng kasinunglingan ay isang masidhing suliraning panlipunan na nararapat sikaping lutasin at tanggalin sa lipunan. Ang dangal ng tao ay lubhang mahalaga. Sinoman ang magtangkang makialam sa pribadong buhay ng isang mamamayan ay nagkakaroon ng masamang ganti sa iba. Sa ibang pagkakataon, ang masamang paratang ay nauuwi sa krimeng pagpatay, pagpatay sa taong nagsimula ng kaguluhan. Samakatuwid, ang Shariah ay nagtakda ng ganitong parusa laban sa taong nagbigay paratang kung siya ay hindi nakapagbigay ng sapat na patunay sa pangyayari.

 

   Lahat ng uri ng parusa sa Relihiyong Islam ay nagbigay patunay sa pananatili ng karapatan ng tao sa isip, sa gawa at sa paglalarawan ng banal na katarungan at pagkapantay-pantay.

 

   Ang Islam ay hindi nakatuon sa pisikal na parusa lamang kundi ito ay nagbibigay pansin din sa sikolohikal na parusa. Ang maling pagpapahayag (false testimony) ng pagsasakdal, halimbawa ay hindi tatanggapin. Ito ay nagpapahiwatig ng pagiging tiwali, hindi normal at masamang gawa laban sa Batas ng Shariah. Ang tanging pang-unawa na maibibigay sa isang taong nagpaparatang ay ang makita siyang nagsisisi at nagbalik loob sa Allah () at binago ng ganap ang kanyang pag-uugali. Muli, ang lahat ng ito ay ginawa upang mapanatili ang mga Karapatan ng Tao. Ang Allah () ang higit na nakakaalam.

 

   Ang Islam ay nagtakda rin ng parusa laban sa lahat ng uri ng nakalalasing at naglalako ng bagay na nakalalasing. Ang pag-inom ng alak o paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ay mayroon ding parusa ayon sa Shariah sa pamamagitan ng hagupit. Malaya ang tao na kumain at uminom ng anumang nais niya. Malaya siyang magdamit sa anumang nais niya ngunit ito ay nararapat na nasa hangganan ng batas ng  Allah (). Ipinagbawal ng Allah () ang ilang uri ng inuming nakalalasing, mga laman ng hayop at malalaswang pananamit na nagiging sanhi ng panlipunan at moral na suliranin. Ang Islam ay nagbabawal para sa isang mananampalataya na kumain ng laman ng patay na hayop, dugo ng anumang hayop, ang baboy at mga hayop na kinatay para sa pag-aalay nito sa mga diyos-diyosan. Walang eksaktong parusa sa mga ganitong uri ng pagsuway sa Batas ng Allah () ngunit sinoman ang nakagawa ng ganitong pagkakasala ay nararapat na humingi ng kapatawaran sa Allah   () at magsisi at magbalik loob sa Kanya at lisaning ganap ang ganitong masamang gawa. Ngunit kung siya ay nahuli na hayagang ginagawa ito, siya ay lalapatan ng kaukulang pagdidisiplina batay sa kabutihan ng buong lipunan at mamamayan. Ang tao ay pinagbabawalan ng anumang nakalalasing na inumin na hindi lamang nagbubunga ng masama sa kanyang sariling katawan, isip at pamilya ngunit higit sa lahat, ito ay nagbubunga ng masama sa kabuuan ng lipunan. Kaya nga ayon sa Islam, ang alak at anumang nakalalasing ay tinatawag na “Ugat ng Kasamaan”. Ang paghagupit sa isang manginginom ay itinakdang parusa sa Islam upang bawasan ang paggamit ng mga nakasasamang bagay. Ang layon nito ay upang pangalagaan ang tao at ang kanyang sarili; ang kanyang kayamanan, kaisipan at katawan. At ito ay upang alisin din ang anumang panganib na kasusuungan sa buhay pang moral, kabuhayan, panlipunan ng isang tao. Ang ilan sa mga masamang bunga ng abusong paggamit ng nakalalasing na inumin ay ang mga sumusunod:

 

  • Ang isang lasing ay maaaring makagawa ng pagkakasalang pakikipag-apid o pangangalunya, at maging panggagahasa sanhi ng pagkalasing.
  • Ang ‘addict’ o taong lulong sa bawal na gamot ay nagiging inutil na mamamayan ng lipunan. Maaaring gumawa ito ng isang imoral na gawain upang makakuha lamang ng mga ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pagnanakaw o anumang krimen.
  • Ang kayamanan at panahon ay naaaksaya na nagkakaroon ng masamang bunga sa pamayanan at lipunan.
  • Ang lipunan ay napagkakaitan ng anumang kaunlaran o pagsulong ng dahil sa isang “addict”. Ito ay pagpapahiwatig ng pang-aabuso sa karapatan ng lipunan.
  • Ang isang ‘addict’ ay pansamantalang wala sa kanyang sariling pag-iisip o katinuan. Sa ganitong kalagayan maaaari siyang humantong sa isang malagim na pangyayari. Sinomang tao na nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot ay maaaring umasal na parang hayop at maging makahayop ang mga kilos at ugali. Hindi pinahihintulutan o hinahayaan lamang ng Islam ang ganitong asal. Kaya, ang Islam ay nagpasiya ng isang malawak at pangkalahatang alituntunin ng Shariah na nagtatakda ng kaukulang parusa katumbas ng kasalanang ito. Ang Allah () ay nagpahayag ng kaukulang parusa:

 

Ang kabayaran para sa isang sugat ay isang sugat na katumbas nito (sa antas)…”[236]

 

At sinabi rin ng Allah (), mula sa Banal na Qur’an:

 

“At kung parurusahan sila, parusahan sila katulad ng parusang ipinadama nila sa inyo...” [237]

 

   Magkagayunman, ang Islam ay hindi isinasagawa ang parusang ito bagkus iniiwang bukas ang pintuan para sa kapatawaran upang isaalang-alang ang personal na karapatan at pananakit. Ang Allah () ay nagsabi:

 

“…Hayaang sila ay patawarin at magpaumanhin. Hindi mo ba nais na ang Allah  ay magpatawad sa inyo? Sapagkat ang Allah  ay mapagpatawad, ang Maawain.” [238]

 

At ang Allah () ay nagpahayag din:

 

“…Ngunit kung ang isang tao ay nagpatawad at gumawa ng pakikipagkasundo, ang kanyang gantimpala ay nasa Allah…”[239]

 

   Ang Islam ay hindi naglalayong maghiganti sa isang nagkasala at hindi rin nagtatakda ang Islam ng masakit na parusa ng dahil lamang sa karahasan at kalupitan ng nagkasala laban sa mga mananampalataya. Ang pangunahin at mahalagang dahilan ng parusa ay upang mapanatili ang karapatan ng mga mananampalataya sa Islamikong Lipunan. Naglalayon ding mapanatili ang kapayapaan at kasarinlan at bigyang babala ang sinomang gumagawa ng mga kasamaan na mag-isip muna ng ilang ulit bago isagawa ang mga masasamang gawain laban sa lipunan. Nais ng Islam na linisin ang Lipunang Islamiko mula sa lahat ng uri ng katiwaliang gawain. Kung ang isang mamamatay tao ay napag-isipan na siya ay papatayin sa pagpaslang niya sa isang tao, kung ang isang magnanakaw ay nakapag-isip na ang kanyang mga kamay ay puputulin ng dahil sa pagnanakaw, at kung ang isang nangangalunya ay nakapag-isip na siya ay hahagupitin, kung ang nagpaparatang ay nakapag-isip na siya ay makakalasap ng masakit na parusa ng paghahagupit, silang lahat ay magkakaroon ng takot na gawin ang mga masasamang gawa. Samakatuwid, ang Islamikong Lipunan ay ligtas at mapayapa. Ang Banal na Qur’an ay nagsabi:

 

Sa Batas ng pagkapantay-pantay (Al-Qisas), mayroong (kaligtasan ng) buhay sa inyo, O mga taong nakauunawa; upang kayo ay magkaroon ng sariling pagpipigil.” [240]

 

   Maaaring ang iba ay magsabi na ang mga itinakdang parusa sa Islam ay malulupit. Ang kasagutan ay simple lamang: Lahat ng tao ay nagkakaisa na ang mga krimen ay lubhang nakasasama sa lipunan. Lahat ng tao ay nagkakaisa at sumasang-ayon na ang mga krimen ay dapat sugpuin at ang mga taong gumagawa ng kasamaang ito ay dapat parusahan. Magkagayunman, ating ihambing ang katotohanan kung alin ang mabisang paraan para sa pagsugpo ng mga krimen, ang Batas ba ng Diyos o ang Batas na ginawa lamang ng tao?

 

   Ang mga parusa ng Islamikong Batas ay maaaring malupit sa paningin ng mga nakakakita nito ngunit ito ay makatarungan, praktikal at makatuwirang parusa kapag sinuring mabuti. Ang mga Islamikong parusa, sa tulong ng Poong Maykapal (Ang Allah, ) ay sapat upang pawiing ganap ang lahat ng uri ng krimen mula sa Lipunang Islamiko. Ang katuwiran ay nag-uutos at nangingibabaw na bago mag-alay ng kabaitan sa isang kriminal, nararapat na ang karapatan ng biktima ay ipagkaloob at hindi dapat kalimutan. Ang isang masama o tiwali na  tao ay dapat tanggalin mula sa lipunan katulad din na ang isang sakit sa katawan ay dapat alisin upang ang katawan ay manatiling malusog at malakas. Ang ilang hindi nakauunawa sa Islam ay nagbigay paratang na ang lipunang Islamiko ay malupit na lipunan. At pinararatangan din na ang mga parusa at batas nito ay malupit. Karagdagan pa nito, ang ibang media ay nagpapalabas at naglalarawan ng mga mamamayang nasa ilalim ng Islamikong Lipunan na putol ang kamay o paa o di kaya ay may permanenteng kapansanan o mga taong hinagupit sa araw araw. Ang iba ay maaaring mag-isip o magbigay haka-haka na ang parusa sa Islam ay isinasagawa at ipinapatupad sa araw araw. Dapat malaman ng lahat, na sa kasaysayan ng Islam, mayroon lamang ilang pagkakataon na ang pagbato hanggang mamatay ang naitala at naipatupad. Ang mga pagkakataong ito ay bihira at isinagawa lamang ng dahil sa kahilingan mismo ng mga nagkasala na umamin ng kanilang pagkakasala at nagpahayag ng pansariling pagnanasang lapatan ng parusang pagbato hanggang kamatayan. Ang mga ganitong tao ay nagnais na maging malinis mula sa kasalanang ito.

 

 

 

Ika-apat na Paratang:

 

   Ang parusa na itinakda ng Islam sa tao na nagpasiyang lisanin ang Islam bilang kanyang pamamaraan ng Buhay, ay tuwirang pagsuway laban sa Karapatan ng Tao. Ang Karapatan ng Tao ay nagbibigay katiyakan ng kalayaan ng Relihiyon sa lahat ng tao. Bukod dito, ang parusa ay sumasalungat sa pahayag ng Banal na Qur’an na nagsasabing:

 

“Walang sapilitan sa pananampalataya (relihiyon)…”[241]

 

Ang Paliwanag at Kasagutan:

 

   Ang Islamikong Shariah ay nagtakda ng parusang ito sa isang tao na tumalikod sa Islam bilang kanyang pamamaraan ng buhay at itinakwil ang lahat ng batas at alituntunin, batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Ipinagbabawal na kitlan ng buhay ang isang Muslim maliban kung siya ay nakagawa ng  isa sa tatlong bagay, (1) ang lalaki o babae na nagkasala ng pangangalunya, (2) kung siya ay nakapatay ng kapwa niya Muslim, (3) kung siya ay lumisan sa Islam (at hayagan niyang itinakwil ang Islam bilang kanyang pamamaraan ng buhay at hayagan niya itong binabatikos) at lumayo sa kanyang pamayanang Muslim.” [242]

 

Karagdagan pa nito, batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Sinoman ang nagbago (tinalikdan ang lslam bilang relihiyon at pamamaraan ng buhay), siya ay dapat patayin.”

 

   Subalit, ating isaalang-alang ang dalawang mahahalagang bagay tungkol sa pagtalikod ng isang tao sa Islam.

 

  • Ang pagpatay sa isang taong tumalikod sa Relihiyong Islam (apostate) ay nagsasaad na ang taong ito ay binabatikos at tinatakwil niya ang Islam ng hayagan sa publiko. Ang taong tumalikod sa Relihiyong Islam ay katumbas ng pag-aalsa sa ilalim ng Islamikong Lipunan. Kung ang isang tao na “apostate” ay isinaloob at sinarili lamang niya ang pagtalikod sa Islam at hindi niya inihayag ito, hinahayaan na lamang ito sa kapasiyahan ng Allah (). Ang Allah () ang ganap na nakaaalam kung sino ang tunay na naniniwala at tumatakwil sa pananampalatayang Islam. Ang mga Muslim ay pinagbabatayan ang paghuhukom, paglilitis at ibang bagay at ipinauubaya na lamang ang katotohanan sa Allah (). 
  • Ang isang tao na tumalikod sa pananampalatayang Islam ay maaaring bigyan ng tatlong sunod-sunod na araw bilang pagkakataon na bumalik sa ilalim ng Islam. Ang mga maalam (iskolar) na Muslim ay inaatasang magbigay ng paliwanag sa taong ito na ang pagtalikod ay malaking kasalanan sa Allah (). Kung siya ay nanumbalik sa Islam siya ay malaya ngunit kung siya ay nagpasiyang tumalikod na kabilang ng paliwanag, siya ay lalapatan ng parusang kamatayan. Ang pagkitil sa buhay ng ganitong tao ay isang kaligtasan sa mga mamamayang namumuhay sa ilalim ng Islamikong Lipunan.
  • Ang pagpapahayag ng pagtalikod sa Islam ay hindi tinatanggap sa Shariah sapagkat ito ay nagpapahiwatig na hindi pagbigay galang sa kanyang isinumpang tungkulin at pananagutan sa kanyang pananampalataya. Kung ang isang tao ay hindi niya pinanatili ang kanyang pananagutan sa Islam, siya ay itinuturing na higit na masama kaysa sa isang walang pananampalataya. Ang Allah (), Luwalhati sa Kanya, ang Kataas-taasan ay nagsabi:

 

“Silang naniwala at pagkaraan ay tumalikod, at (muli) ay naniwala at (muli) ay tumalikod sa pananampalataya, at patuloy sa kawalan ng pananampalataya, sila ay hindi pinatatawad ng Allah  at hindi pinapatnubayan sa kanilang landasin.” [243]

 

  • Ang pagtalikod sa Islam bilang pamamaraan ng Buhay ay katumbas ng malisyosong propaganda laban sa Islam. Higit sa lahat, ang pagtalikod sa Islam ay isang malaking kahihiyan sa Lipunan Islamiko at sa pamayanan nito. Ang pagtalikod nito ay magbibigay ng panghihina sa mga mamamayan na sumapi o yumakap sa Islam bilang pamamaraan ng buhay. Ang pagtalikod sa Islam ay nangangahulugan na ang pagyakap niya sa Islam ay isa lamang pagsubok at walang katapatan sa kanyang pananagutan sa pamamaraan ng buhay nito. Samakatuwid, itong pagtalikod niya ay isang tangka ng pag-atake sa Islam sa kanyang kalooban. Kaya, ang parusa nito ay itinakda ng Allah (), ang ganap na Nakakaalam.
  • Ang Islam, sa kabilang dako, ay nagnanais sa mga ‘apostate’ na pag-isipang mabuti at bigyan ang sarili na pag-aralan ito ng ganap. Sila ay napag-utusang mag-usisa, magsuri at pag-aralang may katapatan ang lahat ng aspeto ng Islam bilang pamamaraan ng buhay bago yumakap sa Islam at manumpa ng kanyang pananagutan. Kung ang pagyakap ay kusang loob, ito ay kaaya-aya at mabuti. Kung hindi naman, ang masakit na parusa ay hindi makapagbibigay ng maliit na pagkakataon para sa isang tao na nais lamang paglaruan ang Islam at nais lamang manubok sa Islam. 

 

   Karagdagan dito, hindi itinuturing ng Islam ang pagtalikod sa pananampalataya bilang personal na bagay.  Ang pagtanggi sa Islam bilang pamamaraan ng buhay ay hindi pag-iiba o pagbabago ng relihiyon ng isang tumalikod sa Islam (apostate) bagkus ito ay ang di-pagtanggap sa kabuuang batas at pamamaraang buhay ng Islam. Kaya’t ang pagtalikod na ito ay katiyakang makakapinsala at makakasira sa buong sistema at hindi lamang sa isang taong tumalikod sa Islam. Tulad ng naipaliwanag sa una, itinuturing ng Islam ang pagtalikod na ito bilang paghihimagsik o panunuligsa sa loob ng prinsipiyo nito at nag-aanyaya ng katiwalian sa Islamikong pamayanan. Hindi tinatanggap ng Islam ang makasalanang gawain na ito na nagdudulot ng kaguluhan at kasamaan sa pamayanan.  Sa katunayan, ito ay walang kaibahan sa mga makabagong prinsipiyong pampolitikal sa ngayon, na nagtuturing bilang isang illegal na gawain ang mga nagku-‘coup-de-tat’  (mga gumagamit ng dahas) o ibang pamamaraan upang mapabagsak ang kasalukuyang pamahalaan. Bukod dito, ang mga panghihimagsik na mga gawain laban sa pamahalaan ay tinuturing na malubha at maselan na siyang kadahilanan ng pagpatay, pagpapakulong at pagtapon sa mga miyembro ng mga nanghihimagsik. Sa katunayan pa nito, ang mga di-sumasang-ayon sa umiiral na prinsipyong  pampolitikal ay maaaring pinahihirapan ng labis sa katawan at kaisipan (physically & psychologically) at ang kanilang mga pag-aari o kayamanan ay nakukumpiska. Bukod dito, ang mga miyembro ng pamilya o kamag-anak ng mga nasangkot dito ay sumasailalim at nakararanas ng panliligalig at pang-aabuso.

 

Ikalimang Paratang:

 

   Ang pagpigil sa babaeng Muslim na mag-asawa ng di-Muslim ay isang pagsuway laban sa karapatan ng tao lalo sa kanyang pansariling kalayaan na nagbibigay laya sa isang tao na mag-asawa sa kaninuman.

 

Ang Paliwanag at Kasagutan:

 

   Ang Islamikong pangangatuwiran at pang-unawa sa paghihigpit sa kalayaang mag-asawa ay upang mapanatili at mapangalagaan ang pamilya sa Islamikong Lipunan. Ang Islam ay naglalayon na pangalagaan ang pamilya laban sa pagkawasak nito sa pamamagitan ng diborsiyo dahil sa kaibahan ng relihiyon sa pagitan ng mag-asawa. Ang asawang lalaki ay maaaring magpakita ng isang matibay na pahiwatig ng di paggalang sa pananampalataya at prinsipyo ng paniniwala ng asawang babae sapagkat iniisip niya na siya ay higit na dapat mangibabaw at sundin bilang pinuno ng tahanan. Karagdagan pa nito, ang asawang babae ay maaari ding makadama na siya ay mahina at maramdamin tungkol sa kanyang pananampalataya.

 

Sa tatlong kasong sumusunod ay ipaliliwanag ang dahilan. Magkagayunman, lahat ng tatlong kaso ay nag-ugat mula sa iisang prinsipiyo na ating tinukoy sa naunang pangungusap.

 

Kaso Bilang 1.

 

   Ang lalaking Muslim ay nag-asawa sa isang walang paniniwala sa Diyos. Ipinagbabawal ito ng Islam sapagkat ang Islamikong pananampalataya ay hindi tinatanggap ang kawalan ng paniniwala. Ang buong pamilya ay maaaring patuloy ang pakikipagtalo tungkol sa paksang ito na ang wakas ay diborsiyo. Ang diborsiyo ay isang kinamumuhiang gawain sa paningin na Allah (). Samakatuwid, hindi iniuutos ng Islam ang pag-aasawa na kung saan ang asawang lalaki ay hindi nagpapakita ng anumang pagsasaalang-alang sa prinsipiyo ng Pananampalataya ng kanyang asawang babae at sa pamilya nito. Kasunod nito, ang suliranin ng pag-aasawa ay mauuwi lamang sa diborsiyo na ang bunga ay pagpanaw din ng islamikong pamilya.

 

Kaso Bilang 2.

 

   Ipinahihitulutan ng Islam ang lalaking Muslim na mag-asawa ng isang Kristiyano o Hudyong babae sapagkat tinatanggap ng Islam ang mensahe ni Hesus () bilang Propeta at Sugo ng Allah. Tinatanggap din ng Islam ang mensahe ni Moises ()  bilang Sugo at Propeta ng Allah. Samakatuwid, ang isang Kristiyano o Hudyo ay maaari niyang panatilihin ang kanyang relihiyon na walang mabigat na kahaharaping suliranin. Bagamat, mayroong kaibahan sa Prinsipiyo ng pananampalataya at paniniwala, ang pag-aasawa ay magpapatuloy at ang pamilya ay uunlad kung ang lahat ay maisasaayos sa pagitan ng mag-asawa sa kapahintulutan ng Allah ().

 

Kaso Bilang 3.

 

    Hindi pinahihintulutan ng Islam na ang babaeng Muslim ay magpakasal sa isang lalaking hindi-Muslim sapagkat ang Kristiyano o ang Hudyo ay hindi tinatanggap ang pagiging Propeta ni Muhammad (). Katotohanan, ang isang ganitong tao ay maaaring magsalita ng anumang masasakit na paratang tungkol sa Propeta ng Allah (), ang ganitong kalagayan ay magbubunga ng galit o suklam sa pagitan ng mag-asawa. Sa bandang huli, ito ay mauuwi lamang sa diborsiyo. Batay rito, pinipigil ng Islam ang pag-aasawa na mauuwi lamang sa diborsiyo.

 

Ika-anim na Paratang:

 

    Ang pang-aalipin sa Islam ay sumasalungat sa Islamikong Konsepto ng Pagkapantay-pantay ng tao at ganap na kalayaan. Ito rin ay isang panghihimasok sa karapatan ng tao.

 

Ang Paliwanag at Kasagutan:

 

   Nais naming ilarawan ang katayuan ng Islam laban sa pang-aalipin. Hindi tinatanggap ng Islam ang sistemang pang-aalipin sapagkat ang pagkakaroon ng kakaibang panlipunan at pangkabuhayang kalakaran o kalagayan ng lipunan ang siyang sanhi ng pang-aalipin bago dumating ang Relihiyong Islam. Ang kabuuan ng lipunan, noon, ay umaasa sa sistemang pang-aalipin sa pangangalaga ng kanilang kabuhayan at panglipunang pangangailangan. Katotohanan, ang sistemang pang-aalipin ay hindi lamang laganap sa Arabian Peninsula kundi ito ay laganap sa mundo. Karagdagan pa nito, ang sistemang pang-aalipin ay ganap na kinikilala at sinusunod ng mga naunang relihiyon. Ito ay nakasaad sa Bibliya [244]:

 

10.  Pagka ikaw ay lalapit sa isang bayan upang makipaglaban, ay iyo ngang ihahayag ang kapayapaan doon.

11.  At mangyayari, na kung sagutin ka ng kapayapaan, at pagbuksan ka, ay mangyayari nga na ang buong bayang masusumpungan sa loob ay magiging sakop mo, at maglingkod sa iyo.

12. At kung ayaw makipagpayapaan sa iyo, kundi makikipagbaka laban sa iyo, ay kubkubin mo nga siya.

13. At pagka ibinigay ng Panginoon mong Diyos sa iyong kamay ay iyong susugatan ang bawat lalake niyaon ng talim ng tabak.

14. Ngunit ang mga babae at ang mga bata at ang mga hayop, at ang buong nasa bayan, pati ng buong nasamsam doon; at kakanin mo ang samsam sa iyong kaaway na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos.

15. Gayon ang iyong gagawin sa lahat ng bayan totoong malayo sa iyo, na hindi sa mga bayan ng mga bansang ito.

16. Ngunit sa mga bayan ng mga taong ito na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos na pinakamana ay huwag kang magtitira ng may buhay sa anomang bagay na humihinga:

17. Kundi iyong lilipulin sila…

 

   Sinusunod ng Islam ng unti-unti at ang mahabang pagbabalak na alisin at pawiin ang pang-aalipin mula sa Lipunang Islam. Katulad ng pagbabawal ng lahat ng uri ng nakalalasing na alak. Ang alak at mga inumin nakalalasing ay hindi ipinagbabawal ng Islam kaagad bagkus ito ay ginawa sa marahang hakbangin. Sa unang hakbangin, ang Allah (), ay nagpahayag mula sa Banal na Qur’an:

 

“Sila ay nagtatanong tungkol sa alak at sugal, Sabihin: “Sa mga ito ay mayroong malaking kasalanan, at mayroong kapakinabangan, para sa tao; ngunit ang kasalanan ay higit kaysa sa pakinabang.” [245]

 

   Magkagayunman, nang dahil sa pagtanggap ng mga tao sa Islam bilang kanilang pamamaraan ng buhay at relihiyon, ang Allah () ay nagpahayag ng isa pang paalala:

 

“O, kayong mananampalataya! Huwag magsasagawa ng pagdarasal na ang isip ay lango, hanggang inyong maunawaan ang inyong sinasabi...” [246]

 

   Kaya, nang ang kanilang pananalig at paniniwala ay naging matibay na sila ay nagsimulang matuto at pag-aralan ang Islam ng maayos, pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa mga Kautusan ng Allah  at ang mga aral at payo ng Sugo ng Allah (). Ang Allah () ay nagbigay ng ganap na pagbabawal para sa alak at sugal. Ang Allah () ay muling nagpahayag:

 
“O kayong mananampalataya! Ang “Khamar” at (lahat ng uri ng inuming nakalalasing, nakalalango at nakakasira ng katinuan ng isip), ang Sugal, ang Al Anzab at Al Azlam (mga palaso sa paghahanap ng kapalaran) ay kasuklam- suklam na gawain ni Satanas. Kaya’t (mahigpit) na talikdan (ang lahat ng gayong kasuklam-suklam na bagay) upang kayo ay maging matagumpay. [247]

 

   Ang Islam ay may sinusunod na patakaran upang pawiin ang pang-aalipin mula sa Islamikong Lipunan. Ang Islam ay hindi agad-agad nag-utos na ganap na alisin ang pang-aalipin bagkus ay matalinong inubos ang lahat ng pinagmumulan ng pang-aalipin.  Ang Islam ay naglalayon na maabot ang antas na kung saan ang lahat ng mga gawain ay maglalaho ng ganap. Nagsimula ang Islam sa pamamagitan ng pagpapalaya ng kanilang mga isip at puso. Sila ay inutusang maging matatag, malusog at may kakayahan sa kalooban. Sila ay tinuruang alisin sa kanilang mga sarili ang damdaming panghihina at magkaroon ng dangal sa kanilang mga puso at isip para sa kanilang alipin sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang mga alipin bilang mga kapatid. Ang pang-aalipin ay hindi nanatiling ganap sa Lipunang Islam. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

 

“Ang inyong manggagawa ay inyong mga kapatid. Iniatang ng Allah  sa kanila ang paglilingkod sa inyo. Sinoman ay mayroong isang kapatid na naglilingkod sa kanya, nararapat na ito ay kanyang pakainin katulad ng kanyang kinakain, bihisan katulad ng kanyang pananamit at huwag ipagawa sa kanya ang gawaing hindi kayang gawin. At kung ito ay ipagagawa sa kanila, dapat silang tulungan.” [248]

 

 

   Higit pa nito, itinatag ng Islam ang karapatan ng buhay para sa  isang alipin. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

 

“Sinomang pumatay sa isang alipin ay dapat (din) patayin. Sinomang pumutol ng ilong ng isang alipin, ang kanyang ilong ay dapat ding putulin (bilang parusa) Sinoman ang nag-alis ng ari ng alipin, ang kanyang sariling ari ay dapat ding alisin.” [249]

 

   Nag-uutos ang Islam sa mga Muslim na maging mabait at mabuti sa kanilang mga alipin at mga katulong. Ang Allah () ay nagsabi:

 

“Sambahin ang Allah, at huwag magbigay katambal ng sinoman sa Kanya at gumawa ng mabuti sa inyong mga magulang, kamag-anakan, mga ulila, mga kapitbahay na dayuhan, ang inyong mga kasamahan, ang mga naglalakbay (na inyong makasalubong) at sinomang nasa ilalim ng inyong kapangyarihan; sapagkat hindi minamahal ng Allah  ang mapagmataas, ang mapagyabang.” [250]

 

   Patunay pa nito, isinasaalang-alang  ng Islam ang damdamin ng mga alipin na may dangal kaya naman ipinag-uutos sa mga mayroong alipin na huwag ipadama sa kanilang mga alipin ang kalagayan ng mga ito bilang alipin. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

 

“Ang isang tao ay hindi dapat magsabi ng ‘Ito ay aking alipin’ o ito ay aking katulong bagkus dapat niyang sabihin na ‘ito ay aking kasamang lalaki o ito ay aking kasamang babae.”

 

   Magkagayunman, ang pagkaalipin, ayon sa aral ng Islam ay nakahangga lamang sa pisikal ng pagka alipin at hindi sa kaisipan o pilosopikal. Ang isang alipin ay may karapatang panatilihin ang kanyang sariling pananampalataya kung nais niyang gawin ito. Karagdagan pa nito, ang Islam ay nagtakda ng pinakamagandang halimbawa ng makataong pagkapantay-pantay sa pamamagitan ng kabutihan o pagkamakadiyos (piety).  Samakatuwid, wala sa pagiging malaya o pagiging alipin ang batayan ng makataong pagkapantay pantay maliban sa antas ng kanyang kabutihan at pagkamakadiyos. Ang pagkakapatiran sa Islam ay siyang naging tanikalang umuugnay sa pagitan ng isang alipin at ng kanyang pinaglilingkuran. Ang Islam ay nagbigay pa ng isang hakbangin upang mailarawan ang isang dakilang halimbawa. Nang ang kanyang aliping si Zaid Harithah () ay pinakasal sa kanyang pinsang si Zainab Bin Jahsh, isang marangal na babae mula sa angkan ng  Quraish. Ang aliping ito ay binigyan din ng isang katayuan bilang lider ng mga mandirigma na binubuo ng mga dakilang kasamahan ng Sugo ng Allah ().

 

   Mayroong sinusunod na dalawang pamamaraan upang alisin ang pang-aalipin sa Islamikong Lipunan at tuparin o isagawa ito sa kaaya-ayang pamamaraan upang maiwasan ang anumang di kanais-nais na ibubunga nito sa lipunan. Ang mga pamamaraang ito ay hindi nagbunga ng anumang hidwaan sa lipunan, pagkamuhi na maaaring mamagitan sa ibat ibang antas ng tao sa Islamikong lipunan o kaya naman ay nagkaroon ng masamang bunga sa panlipunan o pangkabuhayang aspeto.

 

 

 

Ang Unang Pamamaraan:

 

   Alisin ang anumang pinagmumulan ng Pang-aalipin na laganap sa isang panahon batay sa kasaysayang ng Islam. Ang mga pinagmumulan ng pagkaalipin ay ang mga sumusunod: 

 

  1. Iba’t-ibang uri ng digmaan na kapag ang isang panig ay nagapi o nalupig, ang mga mandirigma nito ay maaaring mapatay o madakip, at kasunod ay pagkaalipin ng mga ito. 
  2. Kung ang isang tao ay may salaping pagkakautang at walang kakayahang bayaran ito, ang taong may utang ay magiging alipin ng pinagkakautangan. 
  3. Ang mga ama na may gawang ipagbili ang kanilang mga anak, lalaki man o babae. 
  4. Ang pansariling hangarin. Kung ang isang tao ay may masidhing pangangailangan, kanyang ipinagbibili ang sarili upang makamtan ang kanyang pansariling hangarin. 
  5. Ang mga gawaing pirata, pang-aagaw (kidnap) ng mga tao. Ang mga ganitong tao ay ginagawang alipin. 
  6. Ang parusa sa mga krimen sa pamamagitan ng pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya na ipinapataw sa mga gumagawa nito. Ang kriminal na tao ay magiging alipin ng biktima o ng pamilya ng biktima. 
  7. Ang panganganak ng mga babaeng alipin bagamat ang ama nito ay isang malayang tao.

 

   Ito ay mga ilan lamang sa pinagmumulang dahilan ng pang-aalipin na matatagpuan sa buong mundo bago pa dumating ang Relihiyong Islam. Kaya naman, ipinagbawal ng Islam ang mga pinagmumulan ng pang-aalipin. May dalawang di-nasasakop sa prinsipyong ito na nalalabi:

 

1. Ang mga nadakip sa panahon ng legal na digmaan na ipinahayag ng isang namumunong Muslim. Gayun paman, hindi lahat ng nadakip o nalupig ay itinuturing na alipin. Ang ilan sa mga ito ay pinalalaya at ang ilan naman ay binabayaran kapalit ng kalayaan. Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an:

 

“Samakatuwid kapag inyong makaharap sa labanan (Jihad- pakikibaka  sa landas ng Allah) yaong mga walang  pananampalataya, tigpasin ang kanilang mga leeg, hanggang sa kalaunan ang karamihan sa kanila ay inyo nang napatay o nasugatan, inyo silang talian ng panggapos na mahigpit (at gawing bihag). Sa gayon, (makaraan nito) naririto ang sandali ng pagpaparaya (palayain sila ng walang tubos) o patubos (ayon sa kapakinabangan sa Islam), hanggang ang hapdi at hilahil ng digmaan ay mapawi. Sa gayon, kayo ay pinag-utusan (ng Allah na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Jihad laban sa mga hindi sumasampalataya hanggang sa sila ay yumakap sa Islam, o kaya ay mapabilang sila sa ilalim ng inyong pangangalaga), datapwa’t kung ninanais lamang ng Allah  ay magagawa Niya na magapi sila (na wala kayo), ngunit ninanais Niya kayo at ang mga iba. At yaong mga nasawi dahil sa landas ng Allah  ay hindi Niya hahayaang ang kanilang mga gawa ay mawalang saysay.” [251]

 

   Bagamat ito ay nangyari sa mga unang panahon ng Relihiyong Islam. Ang mga kaaway ng Islam ay nagtangka na pigilin ang kaunlaran nito at ipinalaganap sa iba. Ang mga di-Muslim noong panahon na yaon ay ginagawang bilanggo ng digmaan ang mga nadakip na Muslim. Ganoon din ang ginawa ng Islam sa mga di-Muslim.

 

1. Ang namanang alipin, sa kabilang dako, ay isang batang isinilang sa dalawang aliping magulang. Ang ganitong bata ay itinuturing na alipin. Ngunit kung ang nakaanak sa isang babaeng alipin ay ang kanyang pinaglilingkurang amo, ang anak ng ganitong ugnayan ay isang malayang bata na nakaugnay rin ang lahi (lineage) nito sa kanyang ama. Sa ganitong kalagayan, ang babaeng alipin ay tinatawag na “ina ng bata” na hindi pinagbibili o ibinibigay pang regalo bagkus siya ang magiging malaya kapag ang kanyang amo ay namatay. 

2. Ang isa pa ay nakaugnay sa pagpapaunlad ng mga pamamaraan ng pagpapalaya mula sa pagkaalipin. Noong simula, ang tanging paraan ng kalayaan ng pagkakaalipin ay kung ito ay pinahintulutan ng kanyang amo na palayain ang isang babaeng alipin. Ang isang alipin, bago pa dumating ang Islam, ay itinuturing na alipin sa buong buhay niya. Ang isang amo na magpapalaya sa kanyang alipin, ay kailangang bayaran siya ng kaukulang pananalapi na pinagkasunduan.

 

   Hinihiling ng Islam ang pagpapalaya ng mga alipin sa pamamagitan ng magandang loob o kusang loob ng mga nagmamay-ari ng alipin at ang pagkakaroon ng kasunduan ng mga alipin at ang kanilang mga amo sa pamamagitan ng pagbayad ng kaukulang salapi para sa ganap na kalayaan ng mga ito. Binuksan ng Islam ang lahat ng pamamaraan bago pa man bigyang karapatan ang mga may ari ng alipin na palayain ang kani-kanilang mga alipin ng walang papasaning tungkuling pananalapi at binuksan din ang pagpapalaya ng mga alipin sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbangin at kautusan, gaya ng mga sumusunod:

 

  • Ang Pagsisisi at Pagbabayad (Atonement) ng Kasalanan:

 

   Sa pagpaslang ng di sinasadya, ang Islam ay nagtakda ng kabayaran sa pamamagitan ng pagpapalaya ng isang mabuting mananampalatayang Muslim at ito ay karagdagan pa sa pagbabayad ng Diyah (kabayaran sa di sinasadyang pagpatay) sa pamilya ng biktima. Ito ay batay sa isang talata ng Banal na Qur’an:

 

“Hindi nararapat na ang isang mananampalatayang Muslim ay patayin ng kapwa mananampalatayang Muslim; ngunit (kung ito man ay mangyari) ng dahil sa pagkakamali (di sinasadyang pagkakataon) ang karampatang kabayaran ay ipagkaloob, ipinag-uutos (din) na ang pagpapalaya ng isang alipin ay isakatuparan, at magbayad ng kaukulang salapi sa pamilya ng biktima, maliban kung sila (pamilya ng biktima) ay kusang loob na magpatawad (magpaumanhin)…”[252]

 

  • Ang Pagsisisi at Pagbayad (Atonement) sa Panlalait sa Asawa (Zihar)[253]

 

 

Ito ay batay sa isang talata ng Banal na Qur’an:

 

“Ngunit sila na nagbigay ng diborsiyo sa kanilang asawa sa pamamagitan ng Zihar (panlalait), (ngunit) pagkaraa’y nagnais bawiin ang salita na kanilang sinambit, (ipinag-utos) na sila ay  nararapat na magsagawa ng pagpapalaya ng isang alipin bago mangyari na sila ay kapwa magkaniig; ito ay ipinag-utos na dapat isagawa; at ang Allah  ay ganap na nakababatid ng (lahat ) ng inyong gawain.”[254]

 

  • Ang Pagsisisi at Pagbabayad (Atonement) para sa hindi Pagtupad sa Pangako:

 

Ito ay batay sa isang talata ng Banal na Qur’an:

 

“Hindi kayo pananagutin ng Allah  sa mga walang kabuluhang pangako ngunit kayo ay pananagutin sa mga sinadyang pangako: ang kabayaran nito ay ang pagpapakain ng sampung dukhang tao, batay sa katamtaman na pagkain ng iyong pamilya, o kaya ay bihisan sila o kaya bigyang kalayaan ang isang alipin. Kung ito ay lagpas sa inyong kakayahan, (magkagayon) nararapat na mag-ayuno ng tatlong araw. Ito ang pagbabayad sala ng pagtalikod sa mga pangakong sinumpaan. Tuparin ang inyong mga panunumpa o pangako. Binigyang liwanag sa inyo ng Allah  ang Kanyang palatandaan, upang kayo ay maging mapagpasalamat.” [255]

 

  • Ang Pagsisisi at Pagbabayad para sa Pagtigil sa Pag-aayuno sa panahon ng Ramadhan:

 

   Ito ay batay sa isang salaysay na nangyari sa isang tao na tumungo sa Sugo ng Allah () at nagsabing:

 

“O Sugo ng Allah, ako ay nagkasala.” Ang Sugo ng Allah ay nagtanong sa tao, Bakit? Ang tao ay nagsabi sa Sugo ng Allah na siya ay nakipagniig sa kanyang asawa sa araw ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. Ang Sugo ng Allah ay nagtanong,”Mayroon ka bang alipin na maaaring palayain? Ang tao ay umiling. Muli, ang Sugo ng Allah ay nagtanong, “Ikaw ba ay may kakayahang pananalapi upang magpakain ng anim na pung taong dukha? Ang tao ay nagsabi na wala siyang kakayahan. Habang ang lalaking ito at ang ibang naroroon ay nangakaupo, isang basket na puno ng sariwang datiles ang ipinagkaloob sa Sugo ng Allah. Hinanap ng Sugo ng Allah ang lalaki na nakagawa ng bawal na pakikipagniig sa asawa sa panahon ng Ramadhan at ito naman ay lumapit sa kanya. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi sa kanya, “Dalhin mo ang mga datiles na ito at ipamigay mo sa mga mahihirap bilang iyong kawanggawa upang mabayaran (ang kasalanang pakikipagtalik sa buwan ng pag-aayuno). Ang lalaki ay sumagot, “O, Sugo ng Allah, Isinusumpa ko sa Allah na walang higit pang mahirap sa buong lungsod ng Madinah maliban sa aking pamilya.” Nang marinig ito ng Sugo ng Allah, siya ay tumawa na halos nakita ang kanyang bagang at kapagdakay nagsabi: “Samakatuwid, dalhin mo ang datiles na ito at ipakain sa iyong pamilya.”

 

   Kung sakaling ang isang nagkasala ay wala namang alipin, siya ay nararapat na bumili ng isang alipin at pagkaraan ay nararapat niyang palayain bilang kabayaran sa kanyang kasalanan.

 

  • Ang pagpapalaya ng isang alipin ay pinakamabuting kawanggawa sa Paningin ng Allah ().

 

Ito ay batay sa pahayag ng Banal na Qur’an na nagsasabing:

 

“Ngunit siya ay hindi tumahak sa landas na matarik. At ano ang maipaliliwanag mo sa landas na matarik? (ito ay) pagpapalaya ng alipin.” [256]

 

   Ang mga aral at mga salita ng Sugo ng Allah () sa paksang ito ay maituturing na mga pampasigla at pagganyak (incentives) sa mga tao upang kanilang palayain ang kani-kanilang alipin para sa landas ng Allah (). Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

 

“Sinoman ang nagpalaya sa isang alipin ay magkakamit ng gantimpala ng pagpapalaya ng isa sa bahagi ng kanyang katawan mula sa apoy ng Impiyerno.” [257]

 

 

 

Karagdagan pa nito, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

 

“Dalawin ang maysakit, pakainin ang nagugutom at palayain ang nagdurusang alipin.” [258]

 

  1. Ang Pagpapahayag ng Pagpapalaya sa isang Alipin

 

   Kung ang nagmamay-ari ng alipin ay nagpahayag o nagbigay ng isang salita ng pagpapahiwatig ng pagpapalaya sa kanyang alipin maging ito man ay isang pagbibiro, ang isang alipin ay kagyat na malaya. Ito ay batay sa isang Hadith ng sinabi ng Sugo ng Allah ():

 

“Mayroong tatlong bagay na kapag ito ay inyong sinabi maging ito man ay biro o tutoo, kayo ay nangako sa inyong sarili na dapat ninyong tuparin. Ito ay ang: pagdidiborsiyo sa inyong asawa, pagtanggap ng kasal (sa isang babae) at ang pagpapalaya ng isang alipin.” [259]

 

  1. Ang Pagpapalaya sa isang Alipin sa pamamagitan ng Huling Habilin.

 

   Isa sa pamamaraan ng pagpapalaya sa isang alipin ay sa pamamagitan ng pagbanggit sa Huling Habilin ng isang malapit ng mamatay. Ang Huling Habilin ay maaaring nakasulat, ipinahayag sa pamamagitan ng salita, o paghabilin sa isang pinagkakatiwalaang tao. Kung ang amo ay nagpahayag sa anumang pamamaraan na ang kanyang alipin ay malaya na kapag siya ay namatay, ang kalayaan ng kanyang alipin ay makakamit niya pagkaraang ang amo ay namayapa na. Samakatuwid, bilang paunang paalala, ang Relihiyong Islam ay nagpipigil na ipagbili o ipamigay ang naturang alipin pagkaraang ipahayag ng kanyang amo ang kasunduang pagpapalaya nito. Kung ang aliping babae ay pinagkalooban ng ganitong pangako at siya ay nagkaroon ng pakikipagtalik sa kanyang amo, ang anak na naging bunga ng pakikipagtalik ay ganap na malaya rin sa oras na siya ay isilang. Magkagayun, ang babaeng alipin ay hindi maaaring ipagbili o ipamigay sa kaninuman bagkus siya ay nararapat na bigyang laya.

 

 

 

  1. Ang Pagpapalaya ng Alipin  Bilang Zakah.

 

   Ito ay batay sa Banal na Qur’an na nagbibigay kautusan tungkol dito:

 

“Ang As-Sadaqat (ito ay nangangahulugan ng katungkulang kawanggawa, gaya ng Zakah) ay para lamang sa mga Fuqara (mga mahihirap na hindi nagpapalimos) at sa mga Masakin (sa mga mahihirap na nagpapalimos), sa mga nangangasiwa upang mangalap (ng mga Zakah), sa mga tao na ang puso ay nahihilig sa Islam, at para sa pagpapalaya ng mga bihag (alipin), sa mga may pagkakautang, para sa mga nakikipaglaban para sa landas ng Allah (mga Mujahidun), sa mga naglalakbay (na walang mahanapan ng tulong); na ito ay katungkulang itinalaga ng Allah, at ang Allah  ay Ganap na Nakakaalam, ang Sukdol sa Karunungan.” [260]

 

  1. Ang Kabayaran ng Pagsampal sa Mukha ng Alipin.

 

   Nararapat na bigyang kalayaan ang isang alipin kung siya ay nakaranas ng pagsampal mula sa kanyang among pinaglilingkuran. Batay sa Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Sinoman ang nanampal o nanakit sa kanyang alipin sa (bahagi ng) mukha nito, ay nararapat na magbayad ng pagkakasala sa pamamagitan ng pagpapalaya sa kanya.” [261]

 

  1. Ang Kasunduan ng Alipin at ng kanyang Pinaglilingkuran.

 

   Ito ay tungkol sa isang situwasyon na ang isang alipin ay humingi ng isang kahilingan sa kanyang amo na bilhin nito ang kanyang kalayaan sa pamamagitan ng pagbayad ng kaukulang salapi na kapwa nila pinagkasunduan. Kapag ang isang alipin ay humingi sa kanyang amo ng isang kasunduang pagpapalaya, ang kasunduang ito ay nararapat na isakatuparan. Sa ganitong pamamaraan, ang isang alipin ay mayroong kalayaan na mamili, magtinda, makipagkalakalan at maghanapbuhay upang makapag-ipon ng sapat na salaping ibabayad para sa kanyang kalayaan. Magkagayun, ang pagtratrabaho niya sa kanyang amo ay nangangailangan din ng kaukulang sahod. Karagdagan pa nito, ang Islam ay nananawagan mula sa mga mayayamang Muslim at sa Islamikong Lipunan na magbigay kawanggawa para magkaroon ng kakayahang mabigyang laya ang isang alipin. Ang Banal na Qur’an ay nagpahayag:

 

“…At kung ang isa sa inyong mga alipin ay humiling ng kasulatan para sa kasunduang pagpapalaya sa kanya, ipagkaloob ang kasulatang ito…” [262]

 

Sa maikling salita, hindi pinahintulutan ng Islam ang pang-aalipin bagkus ito ay nagtatag  ng mga batas at alituntunin na nagbigay ng malaking tulong upang higpitan ang mga pinagmumulan ng pang-aalipin at tinutulungan ang mga alipin upang maging malaya habang buhay.

 

   Ang ‘Ministry of Justice’ sa Kahariang Saudi Arabia (Kingdom of Saudi Arabia) ay nagtatag ng tatlong pagtitipon (symposium) sa buwan ng Safar (taong 1982). Ang ministro ng Hukom at ang mga mapananaligang iskolar at guro sa mga mataas na pamantasan ay lumahok kasama ng apat na kilalang iskolar sa bansang Europa:

 

  1.                                        Ang dating Foreign Affairs Minister ng Ireland at ang Kalihim ng European Legislation Committee; 
  2.                                        Isang kilalang iskolar ng Oriental at isang guro ng Islamic Studies.
  3.                                        Isang pinagpipitaganang iskolar ng Batas at Director ng Human Rights Magazine na inilalathala sa Pransiya.
  4.                                        Ilang kilalang mambabatas ng Appellate Court ng Pransiya.

 

   Ang mga iskolar ng Kahariang Saudi Arabia ay nagpaliwanag tungkol sa konsepto ng Islam bilang pamamaraan ng Buhay sa paraang paghahambing ng iba’t-ibang konsepto ng ibang mamamayan, paglalarawan ng mga pangunahing batas ng Islam at ang Shariah at ang mga detalyadong batas ng mga pangunahing kautusan at prinsipiyo. Ang mga iskolar ay nagpaliwanag din tungkol sa Shariah na siyang nagpapanatili para sa kabutihan ng mga mamamayan. Ipinaliwanag din nila ang kahalagahan, ang kabutihan at magandang bunga ng mga parusa sa Islamikong Batas. Ipinaliwanag nila na ang mga parusa ay sadyang makatuwiran upang mapanatili ang kapayapaan, kaligtasan at kapanatagan ng lipunan. Ang mga parusang ito ay nagpapababa ng bilang ng mga krimen sa lipunan.

 

   Ang mga taga Europa ay nagpahayag ng paghanga sa mga paliwanag na ipinagkaloob ng mga Muslim iskolar na tumalakay sa iba’t-ibang parusa. Karagdagan pa nito, hinangaan nila ang konsepto ng Karapatan ng tao sa Islam.

 

   Si Ginoong Mile Pride, ang pinuno ng European delegasyon ay nagsabi:

 

“Mula rito sa lugar na ito at mula dito sa bansang Islamiko, ang karapatan ng Tao ay nararapat na ipahayag at ipalaganap sa lahat ng tao sa buong mundo. Ang mga Muslim iskolar ay nararapat na ipalaganap ang mga di pa nalalamang karapatan ng tao sa iba’t ibang bansa. Katunayan, dahil sa kamangmangan tungkol sa mga karapatan ng Tao at kapos na kaalaman tungkol sa mga karapatang ito, ang dangal ng Islam at ang batas ng Islam at pamamahala nito ay nasisira sa mata ng ibang bansa.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Huling Pananalita

 

   Sa huli, ako ay nagtitiwala na lahat ng paksang inilathala sa aklat na ito ay mga panimulang pakikipagtalakayan tungkol sa Karapatan ng Tao sa Islam. Ako ay umaasa at dumadalangin na ang pagpapaliwanag na ito ay maging daan para sa mga nagnanais na malaman ang katotohanan tungkol sa Islam. 

 

   Ako ay nananawagan sa mga mambabasa ng aklat na ito na higit pang dagdagan ang pag-aaral ng Islam bilang isang pamamaraan ng buhay sa pamamagitan ng mga mapananaligang Muslim. Ang mga mambabasa ay pinagpapayuhang pag-aralan ang mga pinagmulang batayan ng walang namumuong pag-aalinlangan.

 

   Nais kong bigyang-diin sa mga Muslim na ang nag-aanyaya sa iba na pumasok sa Islam, na maging matapat sa kanilang layunin. Ang kanilang gawain ay hindi dapat mabahiran ng anumang pansariling kapakinabangan. Higit sa lahat, sila ay dapat gumawa para sa kasiyahan ng Allah () upang makamtan ang kaligayahan sa Kabilang Buhay. Ang isang kasamahan ng Sugo ng Allah () minsan ay nagsabi nang siya ay tanungin kung bakit siya nakilahok sa pakikibaka sa Landas ng Allah (), “Kami ay naparito upang palayain ang tao laban sa pagsamba sa kapwa tao at upang sila ay ilayo sa di makatarungang dulot ng ibang relihiyon, at tanggapin ang Katarungan ng Islam.” At para sa gantimpala sa kabilang buhay, kaming mga Muslim ay naniniwala na mayroong dalawang permanenteng kalagayan sa kabilang buhay. Ito ay ang Paraiso at Impiyerno. Ang Jannah (Paraiso) ay ang pinagpalang gantimpala mula sa Allah () ng dahil sa pagsunod sa kanyang mga Kautusan”. Ang Allah () mula sa Banal na Qur’an ay nagsabi:

 

Sinoman ang magnasa ng ibang relihiyon maliban sa Islam (pagsuko sa Kalooban ng Allah), ito ay hindi tatanggapin sa kanya; at sa kabilang buhay siya ay mabibilang sa mga (sawimpalad) nawalan ng pagpapala. [263]

 

Ito ay batay rin mula sa Banal na Qur’an:

 

“At yaong naniniwala at gumagawa ng kabutihan, sila ay magkakaroon bilang aliwan, ang hardin ng Paraiso. At dito sila ay mananahanan magpakailanman: walang pagbabago ang kanilang nanaisin para sa kanilang mga sarili.” [264]

 

   Sa kabilang dako, ang Allah () ay nangako ng Impiyerno sa mga sumuway sa Kanyang Kautusan at sa mga sumasamba sa iba bukod pa sa Kanya. Ang pahayag na ito ay matatagpuan mula sa Banal na Qur’an:

 

“Hindi nagpapatawad ang Allah  sa sinomang nagbibigay katambal sa Kanya sa pagsamba ngunit Kanyang pinatatawad ang anumang kasalanan bukod dito sa kaninumang Kanyang naisin: ang sumamba sa iba bukod pa sa Kanya (at magbigay katambal sa Kanya bilang Diyos) ay tunay na tanda ng pinakamalaking kasalanan.” [265]

 

   Ang Allah () ay nagbigay babala din batay sa Banal na Qur’an:

 

“Yaong tumatalikod (sa katotohanan), mula sa Angkan ng Kasulatan at mula sa mga pagano, ay paroroon sa Apoy ng Impiyerno, (at) doon sila ay mananatili magpakailanman. Sila ang pinakamasama sa lahat ng mga nilikha.” [266]

 

   Simula ng dumating ang Relihiyong Islam, ang mga kaaway nito ay laging nagtataguyod ng pakikipaglaban tungkol dito at ang pakikipaglaban ay patuloy hanggang sa ngayon. Ang ganitong mga elementong anti-Islam ay lumikha ng iba’t ibang paraan upang ipagpatuloy ang paghasik ng kasiraan sa Islam. Subalit ang kanilang mga pagtatangka ay nagbunga ng walang kabuluhan. Maaari nilang iligaw yaong bulag sa katotohanan ngunit ang taong makatuwiran at bukas ang kaisipan ay mananatiling susunod sa Batas ng Islam. Ang isang taong maliwanag ang kaisipan ay matagumpay niyang mabibigyan ng kaibahan at pagitan kung ano ang tama at mali. Katotohanan pa nito, maraming marurunong na tao mula sa ibang relihiyon ang yumakap sa Islam bilang kanilang pamamaraan ng Buhay. Ito ay isang patunay sa kadakilaan ng Islam bilang relihiyon at pamamaraan ng buhay at pinatunayan na ito ay pananampalatayang nagmula sa Nag-iisang Allah (). Ang Allah () ay nagbigay katiyakan na ang Banal na Qur’an ay Kanyang pangangalagaan para sa Sangkatauhan. Ito ay nasasaad sa isang pahina ng Banal na Qur’an:

 

“Walang alinlangan, na Aming ipinahayag ang mensahe (ng Qur’an at Islam) at katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan (mula sa katiwalian)” [267]

 

   Tayo ay mag-iiwan ng isang aral mula sa Hadith ng Sugo ng Allah ():

 

“Ang pinakamamahal na tao ng Allah  ay yaong napakikinabangan (ng iba). Ang pinakamamahal na gawain para sa Allah  ay ang kasiyahang  naibibigay sa isang (kapuspalad, nagdadalamhating) Muslim o di kaya ay pawiin ang hirap ng isang nagdurusa o bayaran ang kanyang pagkakautang o pawiin ang kanyang gutom (sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na pagkain). Higit na mabuti para sa akin na lumakad na kasama ang aking kapatid na Muslim upang gampanan ang kanyang pangangailangan kaysa mananatiling mag-isa sa loob ng Masjid (Moske) sa buong isang buwan. Sinoman ang pumigil ng kanyang galit (sa mundong ito), ikukubli ng Allah  ang kanyang mga masamang gawain. Sinoman ang pumigil ng kanyang galit sa kabila ng kanyang kakayahang manakit ng kapwa sanhi nito, pupunuin ng Allah  ang kanyang kasiyahan (kaligayahan) sa Araw ng Paghuhukom. Sinoman ang humayo upang suportahan ang ebidensiya ng kanyang kapatid na Muslim, ang Allah  ay pangangalagaan Niya ang mga paa nito sa Araw na ang mga paa ay nahihirapan. Tunay na ang masamang pag-uugali at kilos ay sumisira sa mabuti at banal na gawain katulad ng sukang sinisira ang (tamis ng) pulut-pukyutan.” [268]

 

 

 

Paunawa mula sa mga Tagasalin ng Tagalog:

 

     "Ang mga isinaling talata mula sa Banal na Qur'an at sa mga Hadith at Sunnah ng Sugo ng Allah () ay mga pawang paliwanag ng mga tagasalin na inaakalang pinakamalapit sa pagpapakahulugan.  Ang mga orihinal na Salita ng Allah () (ang Qur'an) at ang mga Hadith at Sunnah ng Propeta () ay makikita lamang sa mga orihinal na Arabik na pagkasulat."

 

     Nawa'y tanggapin ng Dakilang Allah ang aming hamak na pagsisikap at patawarin kami sa aming mga pagkakamali." Ameen

========================================================

 

الحمد لله رب العالمين

وصلى الله وسلم على نبينا محمد وآله وسلم

Lahat ng Papuri at pagsamba ay nauukol lamang sa Allah, ang Rabb (Panginoon) ng mga Daigdig at nawa’y purihin at itampok ng Allah ang pagbanggit sa Kanyang Propeta () at ang kanyang pamilya at iligtas siya mula sa anumang kasamaan.

Kung nais ninyong tumanggap ng anumang kaalaman tungkol sa Islam huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin:

1) Email:  info@islamland.com

 

 

 

WWW.ISLAMLAND.COM



[1] (Sallalahu Alayhi wa Sallam, sa Arabic (). Ito ay isang kataga na ang ibig sabihin ay: Naway ipagkaloob ng Allah ang pagpapala at kapayapaan kay Propeta Muhammad. Ito ay isang panalangin na inuusal tuwing babanggitin ang kanyang pangalan bilang paggalang, at pagbibigay lugod. 

[2] Islam - isang kataga mula sa wikang Arabik at hango sa salitang salam na ang kahulugan ay kapayapaan. Ang kapayapaan ang siyang buod na layunin ng Allah () para sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagsuko at pagtalima sa Kanyang Kalooban. Katotohanan, ang tunay na kapayapaan ay matatagpuan at makakamtan lamang ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang tapat na hangaring isuko ang kanyang sarili sa Kalooban ng kanyang Panginoon at Nag-iisang Diyos  - ang Allah, Subhana wa Ta’Ala.

[3] Qur’an - ito ang Huling Banal na Kasulatan o Kapahayagan ng Allah () na ipinahayag at ipinagkatiwala sa Kanyang Huling Sugo na si Muhammad () mula sa angkan ni Ismael (), ang isa sa anak ni Propeta Abraham (). Si Propeta Abraham () ay kinikilala ng mga Hudyo, Kristiyano at maging ang mga Muslim bilang “Ama ng Pananampalataya”. Siya ang nagtatag ng pangunahing Prinsipiyo ng Paniniwala at Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha bilang Unang Kautusan para sa Sangkatauhan.

[4] Sunnah ay isang kataga na hango sa wikang arabik na tumutukoy sa lahat ng tradisyon, gawain, kaugalian, mga aral ng Huling Sugo ng Allah, na si Muhammad () sa pagsasakatuparan ng mga kautusang ipinahayag ng Allah () sa kanya sa pamamagitan ng Huling Kapahayagan o Kasulatan - ang Qur’an.

[5] Qur’an 17:70

[6] Qur’an 6:165

[7] Ang damit (shroud) ng isang namatay sa relihiyon Islam ay isang kapirasong puting tela na ibinabalot sa namatay. Ang namatay ay inililibing sa ganitong pananamit lamang. Walang kabaong, mga bulaklak o kandila at walang nitso. 

[8] Hadith Ibn Majah bilang 1616, Hadith Ahmad bilang 24362, Hadith Abu Dawud 9:18

[9] Hadith Muslim bilang 1024

[10] Hadith Abu Dawud 9:35

[11] Qur’an 4:75

[12] Qur’an 6:116

[13]  Iniulat ni Tirmidhi

[14]  Iniulat ni Tabaranee, Targheeb Abd Tarheeb.

[15] Sahih Al-Bukhari

[16]  Iniulat ni Muslim

[17] Mosnad Ahmad

[18]  Iniulat ni Imam Bukhari

[19] Qur’an 39:9

[20] Qur’an 58 :11

[21]  Iniulat ni Ibn Majah

[22] Iniulat ni Tirmidhi

[23]  Iniulat ni Abu Dawoud at Tirmidhi

[24] Iniulat ni Darimee

[25] Iniulat ni Tabrani, Al-Mu’jam Al-Kabeer (Grand Collection of Hadith).

[26]  Mosnad Ahmad

[27] Iniulat ni Imam Bukhari at Imam Muslim

[28] Qur’an 4:1

[29] Iniulat ni Ahmad

[30] Iniulat ni Abu Dawoud

[31] Qur’an 5:18

[32] Ahmad

[33] Qur’an 41:46

[34] Qur’an 49:13

[35] Bukhari at Muslim

[36] Tingnan, Abu Yala, “alpAhkahm al-Sultaniyah” (Sultanic Rules), p.222

[37] Qur’an 67:15

[38] Qur’an 6:132

[39] Sahih Al-Bukhari at Tirmidhi

[40] Qur’an 2:190

[41] Qur’an 2:256

[42] Qur’an 2:190

[43] Qur’an 4:75

[44] Qur’an 8:39

[45] Qur’an 4:90

[46] Qur’an 28:77

[47]  Sahih Muslim

[48] Qur’an 76:8-9

[49] Qur’an 47:4

[50] Qur’an 22:41

[51] Ang Dirham ay isang lumang pilak na barya o sinsilyo na may bigat na 2.28 gramo. Ang pangalang Dirham ay ginagamit pa ng mga ibang bayan ng mga Islamiko o Arabong pamayanan datapwa’t  hindi na kasing halaga ng lumang barya.

[52] Balathuree, Ang Kasaysayan

[53] Abu Yousuf, Al-Kharaj, p. 144

[54]  Qur’an 9:60

[55] Qur’an 2:179

[56]  Qur’an 4:93

[57]  Qur’an 4:29

[58]  Qur’an 7:32

[59]  Qur’an 66:1

[60]  Qur’an 7:31

[61]  Qur’an 2:286

[62]  Bukhari at Muslim, Al-lulu Wal-Mrjan

[63] Qur’an  5:90-91

[64] Ibn Majah

[65] Qur’an  17:32 

[66] Qur’an 6:151 

[67] Qur’an 24:2 

[68]  Ibn abid-Dunya

[69] Qur’an 24:4 

[70] Qur’an 49:11-12  

[71] Qur’an 4:112 

[72] Qur’an 5:38  

[73] Qur’an 2:188 

[74] Mosnad Ahmad

[75]  Ibid

[76] Bukhari

[77]  Qur’an 2:205

[78] Bukhari

[79] Abu Daoud

[80]  Abu Dawoud at Nasaiee

[81] Zihar ay ang bukang bibig na pagsasalita sa asawang (babae) na: ‘Pinapahayag kong ikaw ay bawal sa akin at ikaw ay katulad ng likod ng aking ina, (samakatuwid, ikaw ay hindi nararapat sipingin)’.  Ito ay pinagbabawal na gawain noong bago pa dumating ang Islam, pre-Islamic (Jahiliyyah) na pamayanan.

[82] Ito ay katawagan noong bago pa dumating ang Islam (pre-Islamic, Jahiliyyah, pamayanan) na itinatawag sa isang tao o grupo ng tao na sumuko bilang matapat na tagasunod ng isang tribo o angkan, bagama’t hindi sila kamag-anak, para sa kapakanan at pagbibigay nila ng tulong. Ang mga taong ito ay walang karapatan gaya ng mga orihinal na miyembro ng tribo o angkan.

[83] Qur’an 33:4-5

[84]  Abu Daoud

[85] Abu Dawoud at Tirmidhi

[86] Tirmidhi

[87] Qur’an 93:9

[88] Qur’an 17:34

[89] Qur’an 4:10 

[90] Qur’an 6:151

[91] Qur’an 2:60 

[92] Abu Daoud

[93] Qur’an 4:1

[94] Qur’an 22:41

[95] Sahih Bukhari at Sahih Muslim

[96] Qur’an 47:19

[97] Qur’an 40:60

[98] Qur’an 29:45

[99] Qur’an 92:18-20

[100] Qur’an 2:183

[101] Qur’an 22:28

[102] Qur’an 2:185

[103] Bukhari

[104] Qur’an 3:97

[105] Qur’an 2:173

[106] Qur’an 42:11

[107] Qur’an 33:36

[108] Qur’an 9:24

[109] Qur’an 7:158

[110] Qur’an 53:3

[111] Qur’an 33:40

[112] Qur’an 5:3

[113] Qur’an 3:85

[114] Qur’an 59:7

[115] Qur’an 4:65

[116] Qur’an 3:31

[117] Hadith Tabaranee

[118] Qur’an 33:56

[119] Qur’an 9:24

[120] Qur’an 16:125

[121] Hadith Bukhari

[122] Qur’an 2:285

[123] Qur’an 18:29

[124] Qur’an 17:23

[125] Tirmidhi

[126] Qur’an 46:15

[127] Qur’an 4:34

[128] Hadith Al Hakim

[129] Hadith Ibn Majah

[130] Qur’an 4:4

[131] Hadith Nasaiee

[132] Qur’an 65:7

[133] Hadith, Muslim

[134] Qur’an 66:6

[135] Hadith Abu Dawud

[136] Hadith Bukhari at Muslim

[137] Quran 4:1

[138] Qur’an 47:22-23

[139] Hadith Bukhari at Muslim

[140] Hadith Muslim

[141] Hadith Bukhari

[142] Qur’an 4:59

[143] Hadith Muslim

[144] Qur’an 20:44

[145] Hadith Muslim

[146] Hadith Tirmidhi

[147] Ibn Hisham Biography of the Prophet

[148] Hadith Abu Dawood

[149] Qur’an 3:159

[150] Hadith Abu Dawood at Tirmidhi

[151] Qur’an  4:36

[152] Hadith Al Karaitee

[153] Tirmidhi

[154] Tirmidhi

[155] Tirmidhi

[156] Qur’an 70:24-25

[157] Qur’an 2:177

[158] Qur’an 98:5

[159] Qur’an 9:60

[160] Qur’an 64:16

[161] Qur’an 3:180

[162] Bukhari

[163] Mosnad Ahmad

[164] Baihaqi at Abdul Razzaq in Al-Mosannaf.

[165] Bukhari

[166] Hadith Abu Ya’la at Baihaqi

[167] Hadith Bukhari at Muslim

[168] Hadith Bukhari at Muslim

[169] Hadith Bukhari at Muslim

[170] Hadith Bukhari

[171] Hadith Abu Dawud

[172]  Qur'an 17:70

[173] Hadith Bukahri

[174] Hadith Musnad Ahmad

[175] Hadith Muslim

[176] Hadith Bukhari at Muslim

[177] Hadith Bukhari

[178] Hadith Muslim

[179] Qur’an 17:33

[180] Qur’an 17:32

[181] Qur’an 6:151

[182] Hadith Muslim

[183] Qur’an  2:275

[184] Qur’an  8:27

[185] Hadith Muslim

[186] Hadith Ibn Hibban

[187] Qur’an 2:188

[188] Qur’an 5:90

[189] Qur’an 33:58

[190] Qur’an 49:12

[191] Qur’an 24:28

[192] Qur’an 16:90-91

[193] Hadith Muslim

[194] Qur’an 60:8

[195] Qur’an 6:108

[196] Qur’an 3:64

[197] Qur’an 7:56

[198] Qur’an 10:99

[199] Qur’an 42:38

[200] Qur’an 3:159

[201] Qur’an 4:58

[202] Qur’an 4:75

[203] Hadith Abu Dawud

[204] Hadtih Bukhari at Muslim

[205] Hadith Ibn Majah

[206] Ang salitang ito ay isinalaysay ni Abu Yusuf sa kanyang aklat na Al Kharaj.

[207] Quran 41:46

[208] Hadith Nasaiee

[209] Hadith Tirmidhi

[210] Qur’an 3:110

[211]Qur’an 5:78-79

[212] Muslim

[213] Bukhari

[214] Qur’an: 49:13

[215]  Ang mga sumusunod ay hinango  mula sa- The Islamic International Declaration of Human Rights.

[216] Qur’an 17:70

[217] Qur’an 45:13

[218] Qur’an 42:38

[219] Qur’an 16:125

[220] Qur’an 24:19

[221] Bibliya: Bagong Tipan: Mateo 15:24

[222] Bibliya: Bagong Tipan: Mateo 10:5-6

[223] Qur’an 21:107

[224] Qur’an 10:99

[225] Qur’an 5:5

[226] Qur’an 60:8

[227] Qur’an 60:9

[228] Qur’an 29:46

[229] Qur’an 46:4

[230] Qur’an 2:178

[231] Qur’an 2:178

[232] Qur’an 5:38

[233] Qur’an 5:33-34

[234] Qur’an 24:2

[235] Qur’an 24:4

[236] Qur’an 42:40

[237] Qur’an 16:126

[238] Qur’an 24:22

[239] Qur’an 42:40

[240] Qur’an 2:179

[241] Qur’an 2:256

[242] Bukhari  at Muslim

[243] Qur’an 4:137

[244] Bibliya Lumang Tipan Deuteronomio 20:10-17

[245] Qur’an 2:219

[246] Qur’an 4:43

[247] Qur’an 5:90

[248] Hadith Bukhari

[249] Hadith Bukhari at Muslim

[250] Qur’an 4:36

[251] Qur’an 47:4

[252] Qur’an  4:92

[253] Ang Zihar ay isang uri ng panlalait ng palagiang sinasabi ng isang lalaki sa kanyang asawa kapag siya ay galit. “Ikaw ay ipinagbabawal na sa akin na makaniig, katulad ng likod ng aking ina.” Ito ay ginagawa noong panahon bago dumating ang Islam at ito ay ganap na ipinagbawal.

[254] Qur’an  58:3

[255] Qur'an 5:89

[256] Qur’an 90:11-13

[257] Hadith Muslim

[258] Hadith Bukhari

[259] Hadith Bukhari

[260] Qur’an 9:60

[261] Hadith Bukhari

[262] Qur’an 24:33

[263] Qur’an 3:85

[264] Qur’an 18:107-108

[265] Qur’an 4:48

[266] Qur’an 98:6

[267] Qur’an 15:9

[268] Hadith: Tabaranee at Ibn Abu Dunya